0

TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 8


Report

TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 8
I wanted to cursed myself. Kahapon ko pa pala hindi na-replyan si Travis. Hindi man lang sumagi sa isip ko iyon! Siguro dahil sa daming ginawa pagkatapos namin sa library.
Dali-dali kong binuksan ang mensahe niya,
Travis;
“You’re with that boy again, Candace.”
Paano niya nalaman magkasama kami ni Hiron? My eyes roamed around, kung saan-saan napako ang paningin ko pero gaya kahapon… maski anino niya’y hindi ko nakita.
Huminto ako sa paglalakad para magtipa ng mensahe.
Ako;
“Sorry, wala akong load kahapon.”
Sabi ko na lang.
Again, my phone vibrated.
Travis;
“Who’s that guy? Answer me. Please.”
Tila nagsusumamong reply niya.
Ako;
“Si Hiron. Ka-klase ko. Why?”
Naghintay ako ng ilang segundo sa paparating niyang mensahe pero nabigo ako. Bumuntong hinga ako. At malungkot na sinuksok muli sa bulsa ang cellphone.
“Candace, Okay ka lang?” narinig kong tanong ni Hiron, na nakatingin pala sa akin.
Mapait akong ngumiti para iparating sa kanyang okay lang ako, “Tara na.” yaya ko.
I walked passed him.
Magtatanong tapos hindi naman magre-reply ulit! Magaling!
Pagpasok sa classroom, nakita ko agad sila Bana at Keith, mapanuri nila akong tinignan.
Nagkibit balikat ako, dumeretso sa upuan.
“Hoy! Bakit kayo magkasama ni Hiron?” Bana and her mouth again. As always, kukulitin na naman ako nito, wala akong choice kundi sagutin lahat ng mga katanungan niya. At nasa sa akin na iyon kung magsisinungaling ako o hindi.
“Hindi naman kami totally na magkasamang pumasok. Nakita ko lang siya doon sa may bungad ng gate at nakisabay na rin.” pabulong na parang kinakapos ako ng hininga.
Iyon ang safe na isinagot ko kay Bana, baka kapag sinabi ko ang totoo, tutuksuhin niya ako’t malaman pa ng buong klase. And that will give hope to Hiron. At iyon ang ayokong mangyari.
Hindi na siya muling nagtanong pa dahil dumating na si Ma’am Elyneia. Suot ang kulay-asul na blusa, na tinernuhan ng itim na slocks. ‘Gang balikat ang buhok nito, na nagpabata sa kanyang itsura.Dahil sa salamin niya sa...


mata ay nagmumukha siyang suplada at mahirap i-approach, pero ang totoo niyan ay mabait siyang guro at palangiti. Bukod sa maganda siya’y magaling rin siyang magturo. Hindi na ako magtataka kung kanino nagmana si Travis ‘pag ang katalinuhan ang pinag-uusapan.
It’s run in their family.
Habang patuloy na tumatakbo ang kamay ng orasan, makalipas ang segundo, na naging minuto, na tuluyan naging oras. Wala kaming ibang ginawa kundi mag-quiz sa ibang subject at ginugol ang ibang oras sa library.
Hanggang sa mag-uwian na ay wala pa rin akong natanggap na text kay Travis.
Nauna ng umalis sila Bana at Keith. Habang ako, nakatayo pa rin sa harapan ng gate at naghihintay ng masasakyan tricycle.
Nagpapadyak pa ako dahil sa inis. Sana pala nagpasundo na lang ako kay Mang Isko, but imagining my mother’s speech, mabilis nabura ang gumuhit na plano sa pagpapasundo.
Kinailangan ko pa ang isang linggo para kumbinsihin ang mga magulang ko na hindi na dapat ako sinusundo dito sa school. I’ve grown enough. Sapat na para sa edad kong ipakitang hindi na ako bata, at kaya ko na ang sarili ko.
Malakas ang ginawa kong pagtampal sa braso ko nang maramdaman ang kagat ng lamok doon.
Nang may biglang humintong itim na SUV sa harapan ko. Kilala ko ang sasakyan na ito, hindi ako nagkakamali. Ito ang sasakyan palaging ginagamit ng mag-asawang Gellego pagpasok sa school.
Napahawak ako sa lace ng ID ko, na parang doon ako kumukuha ng lakas, nang bumaba ang bintana ng sasakyan sa mismong driver’s seat. Kasabay noon ang paghigit ko ng aking hininga.
Mukha ni Travis ang nabungaran ko, “Pasok,” maawtoridad niyang sabi.
“Huh?” nalilitong sabi ko. Batid kong ako ang tinutukoy niya dahil sa’kin siya nakatingin. Pero hindi lang talaga ako makapaniwala sa ngayon.
“It’s already late, ihahatid na kita sa inyo.”
Nag-aalinlangan pa akong sumakay. Hindi ko magawang i-galaw ang mga paa.
Lumabas si Travis.
“Get in.” buo ang boses sabay hawak sa kaliwang siko ko, awtomatik na gumalaw ang paa kong sumunod sa kanya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.