0

MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 3


Report

MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 3
.
Natakot si Katelyne kay Jessie, at napatingin si Kate kay Alvin, at si Alvin ay imbes na sundan si Erica ay–
.
Alvin : huwag Jessie! (Babala sa kaibigan)
.
Naawa si Alvin kay Katelyne, dahil sa hindi niya mawari ay parang ayaw niyang mapahamak ang babae.
.
Jessie : pare, sayang naman ito, alam kong wala pang nangyayari sa inyo, at wala ng mangyayari pa sa inyo dahil susundan mo na si Erica, kaya sa akin na ito, sayang naman ang ibinayad ko kay Maria, kaya ako na lang ang magdadala sa langit sa magandang binibini na ito.
.
Hahaltakin na sana ni Jessie si Kate ng biglang—
.
Alvin : (iniharang ang sarili)..spare her!
Naningkit ang mga mata at napopoot sa sinabi ni Jessie.
.
Alvin : hindi siya kagaya ng ibang babae na naikama mo, kung nanghihinayang ka sa perang ibinayad mo sa bugaw papalitan ko yong binayad mo kahit doblehin ko pa ang ibinayad mo.
.
Pagkasabi ni Alvin ay agad niyang hinawakan ang kamay ni Katelyne at isinama na lang ang dalaga paalis sa lugar na iyon sa malayo sa kaibigan niyang si Jessie, at sumakay sila sa kotse ni Alvin, at habang nasa byahe na sila ay abot abot ang pasalamat ni kate sa binata.
.
Kate : Salamat ha!
Alvin : wala yun.
Kate : salamat sa Diyos at may mabuting tao padin na katulad mo, hindi katulad ng tatay ko, sarili niyang anak, binenta niya..(umiiyak na nyang sabi)
Alvin : bakit pumayag yong nanay mo na gawin sayo ng tatay mo yun?
Kate : wala na si Nanay, namatay na siya sa pahirap ni tatay..
Alvin : im sorry!!
Kate : okay lang, kaya ako napasok sa ganitong kalagayan dahil wala na si nanay na tumututol sa kagustuhan ni tatay.
.
At hangang sa napansin ni Katelyne na mukhang naliligalig sa pagmamaneho si Alvin.
.
Kate : saan tayo pupunta ngayon?
Alvin : sa girlfriend ko, kailangang makapagpaliwanag ako, tungkol sayo.ikakasal na kami 3 days from now, kaya kailangan kong makapag-paliwanag sa kanya.
,
Hindi maintindihan ni Katelyne bakit nasasaktan siya, bakit parang pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya, parang nakakaramdam siya ng sakit, dahil hindi lang pala ito basta girlfriend, kundi Fiance na ng binata, kaya nga pla niregaluhan ng kaibigang niyang si Jessie dahil sa stag party.
.
Kate : i’m sorry dahil sakin kaya nagkakaproblema.
Alvin : forget it, kate (sabi nito)..hindi mo kasalanan ang nangyari, hindi mo naman ginusto ito eh.
.
At hanggang sa nakarating na sila sa tapat ng bahay ni Erica, doorbell ng doorbell si Alvin, ngunit di siya pinagbubuksan ni Erica, hanggang sa napagpasyahan nalang ni Alvin na umalis na roon, awang awa naman si kate sa binata sa ayos nong bumalik sa kotse halos hindi maihakbang ang mga paa dahil parang pinagsakluban ng langit at lupa. Parang nainggit tuloy si Katelyne kay Erica dahil napakabuting tao ng magiging asawa niya.pagsakay ni Alvin sa kotse hindi muna niya pinaandar ito, bagkus inunat muna niya ang likod sa may sandalan ng upuan, pakiramdam ni Alvin ay hinang hina siya sa mga sandaling ito.
.
Kate : (hinawakan ang balikat ni Alvin)..okay ka lang..
Alvin : hindi ko maintindihan si Erica, mahirap intindihin ang ugali niya, ayaw man lang akong pakinggan ang mga paliwanag ko, alam naman niyang hindi ko magagawang ipagpalit siya, alam naman niya yun!
Kate : magkakaliwanagan din kayo nun.
Alvin : ewan ko, ayaw man lang ako bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya.
Kate : im sorry hindi ko maiwasang makonsensiya..baka hindi ka niya mapatawad, paano na ang kasal nio?
Alvin : please kate, wag mong sisihin ang sarili mo okay! wala kang kasalanan, ang may kasalanan ay ang taong gumawa sayo ng di mabuti, yun ay ang tatay mo at ang kinakasama niya at idagdag mo pa ang bugaw na Maria na iyon..kaya pagbabayaran nila ang ginawa sayo.
.
Kaya napagpasyahan ni Alvin na paandarin na ang kotse at pumunta na sila sa presinto..at nang makarating sila ng presinto ay natigilan si Katelyne, sa isip niya ay kaya niya bang ipakulong ang tatay niya, sa kabilang banda ng isip naman niya na kung hindi niya gagawin yun, ay baka paulit-ulit na siya ay ibenta ng tatay niya, eh paano kung ang makatagpo na niya eh, hindi kasing bait ni Alvin, kaya napagpasyahan padin ng dalaga na isuplong ang tatay niya para makulong kasama ng kabit ng tatay niya at ang bugaw na si Maria at para wala ng mabiktima pa itong si Maria, at makalipas ang oras ay naroon na sila sa presinto, at isinasalaysay na ni Katelyne ang nangyari sa kanya, at nang matapos siyang makapag salaysay sa pulis ay parang hinang hina siya.
.
Alvin : ayos ka lang ba?
Kate : oo, ayos lang ako.
Alvin : huwag kang maguilty sa ginawa mo sa tatay mo, dahil kailangan g maitama ng tatay mo ang mga mali niya.
Kate : pakiramdam ko napakasama kong anak at bakit ko ipapakulong yong tatay ko.
Alvin : naging mabuti ba yong tatay mo sayo, anong klase siyang ama at bakit ka niya isasadlak sa putik.
.
Napag isip isip ni Katelyne na may punto si Alvin, At samantala naman nasa club si Dante ang tatay ni Kate at saka si Anita.
.
Anita : pambihira ka naman Dante, pinaubos mo agad sa sabong yong pera na kaparte mo!!!
Dante : Anong magagawa ko minalas eh!! Ikaw ba yong parte mo ubos naba?
Anita : hindi pa meron pa akong natirang konti, bumili kasi ako ng mga alahas eh, eto ngat suot suot ko oh..bagay ba! (Maarte niyang sabi)
Dante : bagay ah, lalo kang gumanda.
Anita : totoo?
Dante : oo naman..(lumungkot ang mukha)
Anita : oh bakit malungkot ka? Wag kang mag-alala dahil maibebenta pa natin uli si Katelyne kapag balik niya, hahanap uli ako ng bibili sa anak mo, at saka gusto mo gamutin ko yong lungkot mo, (sabay hawak sa maselang bahagi ni dante)
Dante : gusto ko yan, sige tayo na umuwi na tayo.
Anita : sige paalam muna ako kay boss!
.
At hindi nagtagal ay papalabas na sila, naroon pala ang mga pulis na naka-antabay sa labas, paglabas palang sa pinto nila Dante at anita ay, hinuli na sila ng mga pulis, at mga nagkagulo na ang mga tao roon dahil nagpupumiglas ang dalawa kaya naagaw nila ang atensiyon ng mga taong naroon..labis ang pasalamat ni kate kay Alvin dahil sa kabila ng problema niya sa nobya ay inuna pa siyang tulungan ng binata,,at hanggang sa nakalapit na sa kanila ang tatay niya at si Anita.
.
Anita : hayop ka katelyne, pagbabayaran mo yong ginawa mo na to sa akin.
Dante : walang hiya kang anak. Walang utang na loob..(bulyaw ni dante sa anak)
.
Hindi makapaniwala si Alvin sa mga sinabi ng tatay ni Katelyne sa dalaga..napakasama nga palang ama nito..awang awa si Alvin kay katelyne dahil nanginginig ito sa takot, dahil nagkukubli ito sa likudan niya..meron pa ngang narinig si Alvin sa mga nag-iisyoso doon na mabuti daw at nakulong na yong tatay ng dalaga kundi baka daw pati si katelyne ay pagsamantalahan ng tatay nito dahil nga may itsura ang anak.
.
Alvin : ayos ka lang ba?
Kate : hindi!
.
Humahagolgol na si Katelyne dahil sa pinaghalong emosyon, lungkot at saya, saya dahil sa hindi na siya magagawang ibenta ng tatay niya dahil makukulong na ito, at lungkot naman dahil wala na siyang uuwian, dahil nga binenta ng tatay niya ang lupa at bahay nila.
.
Alvin : anong problema? Sabihin mo kung paano ako makakatulong sayo?
Kate : wala na akong pamilya, wala akong mapupuntahan, at wala na akong matitirahan, buhat kasi ng mamatay si Nanay, binenta ni tatay ang lupa at bahay namin tapos sa kabit niya lang kami nakikituloy, ngayong wala si Tatay wala na akong mapupuntahan.
.
Hindi na nahiyang magsabi si Katelyne kay alvin ng kanyang pinoproblema, dahil wala na talaga siyang matutuyan.
.
Alvin : sige sumama ka muna sa bahay ko. Doon ka muna at ihahanap kita ng mapapasukan mong trabaho.
.
Natuwa si Katelyne sa sinabi ni Alvin, hulog talaga ng langit sa kanya si Alvin, sa sobrang tuwa ni katelyne ay nayakap niyang bigla si Alvin, si Alvin naman ay nabigla din sa ginawa ng dalaga, ramdam niya ang lambot ng katawan ng dalaga, at kung may anong gumapang sa pagkatao niya..natauhan naman si katelyne sa ginawa niyang pagyakap sa binata at bigla siyang kumalas dito.
,
Kate : sorry!!
Alvin : okay lang, tara na!
.
At sumakay na nga sila sa kotse ni Alvin at binabagtas na nila pauwi sa bahay ng binata, habang nasa byahe sila ay nag-uusap sila.
.
Alvin : galit na galit yong tatay mo sayo ah..bakit ganun, siya na nga yong may kasalanan sayo, siya pa ang may ganang magalit!
Kate : mula pagkabata ko, di ko naramdamang minahal ako ng tatay ko, lagi na lang niyang sinasabi sa nanay ko na hindi niya raw ako anak, anak daw ako sa ibang lalake ng nanay ko..
Alvin : yong nanay mo ano yong kinamatay?
Kate : nagkaroon siya ng tuberkulosis..sa sobrang hirap na ni nanay sa pagtatrabaho kaya siya nagka-ganun, si tatay kasi di siya tumutulong kay nanay sa paghahanap buhay, naghahanap buhay si tatay kaya lang para sa sarili lang niya yong kinikita niya, pangsugal lang niya at pangba-babae.pagkagraduate ko ng highschool nagsimula ng magkasakit si nanay, kaya ako na yong gumagawa ng trabaho ni nanay, si tatay naman pilit akong pinapapasok sa club pero hindi pumapayag si nanay, kaya nong namatay si nanay, wala ng tumutol sa gusto ni tatay, natuwa pa nga si tatay ng mamatay si nanay eh, dahil magagawa na ni tatay na ilublub ako sa putikang ginagalawan ng kinakasama niya.
Alvin : grabe naman pala yong hirap na naranasan mo.
.
At marami pang kinuwento si katelyne kay Alvin, Sobrang nahabag naman si Alvin sa sinapit ni katelyne at ang nanay nito sa kamay ng tatay ng dalaga..at hanggang sa makarating na sila sa bahay ng binata, at sinamahan ni Alvin si Katelyne sa. Isang guestroom sa bahay niya.
.
Alvin : sige pahinga ka na, alam kong napagod ka, ipanatag mo na yong kalooban mo dahil walang gagalaw sayo dito..
Kate : Salamat Alvin!hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi ikaw ang nakatagpo ko.
Alvin : walang anuman yun, ang importante ay ligtas kana, at bukas ay pupunta ako sa isa kong kaibigan, baka sakaling mahanapan ka ng trabaho at matitirahan..kaya mabuti pa ay matulog kana.
Kate : salamat!
.
At tuluyan ng pumasok si Katelyne sa loob ng kwarto..si Alvin naman ay pumasok na din sa kwarto niya..nahiga na si Katelyne sa kama pero hindi pa siya natutulog. Iniisip pa niya yong nangyari sa kanya,
.
Malaki ang pasalamat niya sa Poong may Kapal na mabuti na lang ang nakatagpo niya si Alvin, paano na lang kung hindi, siguro ngayon, wasak di lang ang pagkababae nia kundi buong pagkatao niya!!!
.
Kate : salamat Alvin!(mahinang sambit niya!)
.
Iniisip niya si Alvin, labis siyang humanga sa lalake, dahil napakabuting tao ni Alvin, sa isip pa niya na siguro daw ay masarap magmahal ang binata, at naiisip pa niya na paano daw kaya kung mauwi sa pag-ibig ang pagmamalasakit ng binata sa kanya..
.
Kate : ano ka ba Katelyne ikakasal na yong tao!!(saway sa sarili)
.
Dahil hindi tama na isipin niya iyon dahil ikakasal na nga ang binata, at sa isiping ikakasal na ang binata ay parang may kung anong kumurot sa dibdib niya. Pero sa isip pa din niya ay parang ayaw na niyang malayo sa binata, parang natatakot siyang malayo kay Alvin, parang hindi siya safe kapag malayo sa binata..hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iisip kay Alvin..at hanggang sa lumipas ang magdamag, ay nagising si Katelyne na hindi maganda ang pakiramdam, tinungo muna niya ang banyo sa loob ng guestroom at naghilamos siya, medyo nahihilo siya, at isa pa problema niya wala siyang kagamit-gamit ni walang toothbrush at mga damit..pagkahilamos niya ay nagpasya siyang bumaba ng bahay baka sakaling gising na si Alvin ay sasabibin niya ang problema niya na wala siyang magagamit na damit at iba pang personal na gamit..ngunit pagbaba niya ay hindi niya nakita si Alvin, kaya nagpasya siyang pumunta sa garahe, para tingnan kung naroon ang sasakyan ng binata, naroon naman ito, pero hindi niya nakita ang binata roon sa ibaba, kaya sa isip niya ay baka nasa kwarto pa ang binata, nakaramdam ng pagkalam ng sikmura ang dalaga, naka-amoy siya ng mainit na kape kaya nagpasya siyang pumunta sa kusina, kaya siguro hindi maganda ang pakiramdam niya ay dahil gutom siya, maghapon kasi kahapon ay wala man lang siyang nailagay na pagkain sa kanyang sikmura, dahil madaling araw pa lang ay sumabak na nga siya sa paglilinis ng bakuran at bahay ni Anita, pagkatapos maglinis ay sinunod naman ang pagluluto ng almusal, at nang makatapos makaluto ay inumpisahan muna niya ang mga...


labahin, at nang makaramdam na nga sia ng gutom ay, pumunta na ang dalaga sa kusina nadatnan na niyang tambak na ang pinagkainan roon, kumain na pala ang kabahay niya hindi manlang siya tinawag na kumain, kumuha na siya ng plato niya para siya ay makakain, ngunit pagbukas naman niya ng kaldero ay wala ng kanin doon at wala na ding ulam, ni hindi man lang siya naisipang tirhan ng kahit na konting pagkain man lang, kaya ipinagpatuloy na lang niya ang paglalaba, tiniis na lang ang sikmura niyang kumakalam, at hanggang sa nakatapos na siyang naglaba at hinang hina sa pagod at sa gutom, kaya nong dumating ang bugaw na si Maria ay hindi siya makalaban ng husto kay Anita sa hilahan, dahil pilit siyang kinakaladkad papasok sa kotse ng bugaw dahil sa nanghihina siya, nakaramdam na naman siya ng lungkot ng maalala ang mga sinasapit niya sa poder ni Anita.
Kate : nakakagutom naman!
.
At kaya naisipan niyang magtungo sa kusina, at pag-bungad naman niya sa kusina ay bumungad sa kanya ang isang babae nakangiti ito sa kanya,..
.
Abby : hi, good morning, gising ka na pala, halika mag-almusal kana..ako nga pala si Abby ang nag-iisang katulong ni sir Alvin.
Kate : hello po!! (Nakangiti niyang bati)..ako nga po pala si Katelyne, ako nga pala yong—-
Abby : ah oo sinabi na sakin ni sir lahat, ah katelyne sabi nga pala ni Sir Alvin, may pupuntahan lang daw siya, sabihin mo daw sakin kung ano ang kailangan mo at huwag kang mahihiya.
Kate : ah wala po pala si Alvin? Akala ko,nandiyan kasi nandiyan yong kotse niya.
Abby : yong isang sasakyan ang gamit niya.
Kate : ganun po ba!
Abby : oo, sige mag-almusal kana.
Kate : salamat po, kayo po kumain na po ba?
Abby : hindi ako nag-aalmusal eh, diet kasi ako, wag mo na ako popoin, baka magkasing edad lang tayo.ilan taon ka na ba?
Kate : 19.
Abby : o kita mo na, mas matanda lang ako sayo ng isang taon..sasabayan na lang kitang mag-kape..
Kate : sige buti pa nga.
.
Nang makatapos mag-almusal si Katelyne ay nakaginhawa naman ang tiyan niya, madami siyang nakain dahil sa sobrang gutom niya.humihingi siya ng pasensiya kay Abby dahil halos naubos niya ang kanin sa rice cooker at ang ulam na niluto ni Abby, tinawanan lang naman siya ni Abby.
.
Kate : pasensiya kana abby nagutom talaga ako ng husto..
Abby : ano ka ba okay lang yun, mag-luluto na lang ako ulit ng makakain ni sir Alvin.
.
Hindi nagtagal ay tinutulungan ni Kate si Abby na linisin ang hapagkainan ng biglang nakaramdam siya ng sakit ng tiyan, nag-alala si Abby.
.
Abby : kate, okay ka lang ba? Ano nangyayari sayo?
Kate : ang sakit ng tiyan ko.(daing niya)
Abby : ha naku, baka nasobrahan ka sa pagkain.
Kate : at saka para akong nahihilo.
Abby : naku magpahinga ka muna, sandali lang at, kuhanan kita ng tubig! Maupo ka muna diyan at baka ka mabuwal.
.
At hanggang sa hindi na nakayanan ni Kate ang sarili, nag-collapse na siya, nataranta si Abby hindi malaman ang gagawin.
.
Abby : Diyos ko po kate, kate—-
.
Hindi nagtagal ay dumating na si Alvin, at narinig niyang sumisigaw si Abby, kaya nagmadaling pumasok si Alvin sa loob ng bahay..
.
Alvin : Abby, anong nangyayari bakit ka ba sumisigaw?
Abby : sir Alvin, madali kayo, si Kate, nawalan ng malay.
Alvin : ha?
.
Nataranta din si Alvin ng makitang nakalupasay sa sahig si Kate, pinangko niya ito at inilabas at isinakay sa kotse para isugod sa Clinic sa kanilang subdivision.
.
Alvin : doc, kumusta po si kate?
Doc : okay na siya, mababa ang dugo niya 80/60 hindi na niya nakayanan kaya nag-collapse siya, sobra sigurong stress, pagod, kaya eto ang ipapa-inom mo sa Girlfriend mo ha.
Alvin : ah hindi ko po siya girlfriend.
Doc. : ay ganun ba akala ko girlfriend mo, ang ganda kasi eh..
.
At ibinilin kay Alvin lahat ng gamot na iinumin ni katelyne, at pinuntahan na ni Alvin sa kwarto si Kate, nadatnan niyang nakatulog ang dalaga. naupo siya sa gilid ng kama, nakaramdam na naman siya ng awa sa dalaga. At ngayon lang niya natitigan ng mabuti ang mukha ng dalaga, napaka-amo ng mukha, napakaganda ng hubog ng mga labi at may matangos na ilong.naawa si Alvin dahil sa kwento ni kate sa kanya ang sinapit sa piling ng ama..kaya siguro nagkaganun ang dalaga dahil sa sobrang pasakit ng ama. At hanggang sa unti-unting nagmumulat ng mata si kate..nagulat pa si Kate dahil pagmulat niya ng mata ay ang unang nasilayan niya ang gwapong mukha ni Alvin..
.
Alvin : kumusta ka na?
Kate : A-alvin!
.
Nagtaka pa si Kate kung nasaan sila, nagtaka siya at hindi naman yong kwarto na iyon ang tinulugan niya, at noon lang niya napansin na may swero sa gilid ng kama niya, at tiningnan niya ang kamay niya ay may nakatusok ng karayom, hilong hilo pa siya kaya napapikit uli siya..nag-alala uli si Alvin..
.
Alvin : what’s wrong? May masakit pa ba sayo, ano ang nararamdaman mo (natataranta niyang tanong)
Kate : nahihilo pa ako!
Alvin : pahinga ka muna, nandito lang ako, babantayan kita.(nag-aalala niyang sabi)
.
Naligayahan ang puso ni Katelyne sa sinabi ni Alvin, nakita ni katelyne na nag-aalala sa kanya ang binata, kaya ipinanatag na lang niya ang isip niya, at hanggang sa nakatulog ulit si Kate, nakabantay nga lang si Alvin kay kate, habang inaalala ang mga pinag-usapan nila ni Erica, pinuntahan kasi niya si Erica, para makapagpaliwanag ulit..
.
Alvin : please Erica maniwala ka naman na hindi ko kagustuhan ang nangyari kagabi, at saka i swear di ko ginalgaw yong babae, mahal kita at hinding hindi ko magagawang lokohin ka.
Erica : ginawa mo na Alvin. At kahit ano pang sabihin mo, hindi na ako pakakasal sayo!
Alvin : no hindi mo yan gagawin sakin erica for God sake erica, pinilit lang ako ni Jessie, oo pinunthan ko yong babae sa kwarto pero nag-usap lang kami, at sinabi niya sakin kung bakit naroon siya sa kalagayan na yun, kaya tinulungan ko siya na ireport sa pulis ang tatay niya.
Erica : o sige pinilit ka na kung pinilit ni Jessie, bakit wala ka ba namang sariling isip na tumanggi at kailangan mo pa talagang puntahan yong malanding pokpok na yun, yuck!! Nakakadiri!!!
Alvin : Hindi siya ganun! (Bulyaw ni Alvin)..hindi siya masamang babae, hindi siya katulad ng inaakala mo!!(galit na sabi niya)
Erica : my God. Tingnan mo at nakukuha mo na akong sigawan dahil lang sa babae na yun..umalis kana Alvin, ayaw na kitang makita, walang kasalang magaganap..
Alvin : my God Erica, bakit ba pilit mong pinaniniwala ang sarili mo na masama akong lalaki, ni minsan hindi kita niloko alam mo yan, at alam mo na mahal kita, kaya kita pakakasalan.
Erica : im sorry, buo na ang desisyon ko, hindi na ako pakakasal sayo.
Alvin : no erica, you cant do this to me..magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo..marami na ang nakakaalam ng kasal natin, at handa na ang lahat kaya sisipot ka sa kasal natin bukas..
Erica : huwag mo akong subukan Alvin at hindi ako sisipot sa kasal, hindi na ako pupunta ng simbahan, kaya huwag ka na rin pumunta sa simbahan dahil mapapahiya ka lang!!.
.
At hanggang sa nahinto ang pagmumuni-muni niya dahil may pumasok na nurse.
.
Nurse : sir kuhanan ko lang po ng blood pressure ang pasyente.
Alvin : ah, okay sige.
.
At binigyan niya ng daan ang nurse para makuhanan ng BP si katelyne, naupo si Alvin sa may sopa, sobra siyang nag-alala sa kalagayan ni Kate, kasabay naman ng problema niya kay Erica, hindi niya alam kung sino ang sisisihin niya kung si Jessie ba o si Erica na may pagkamakitid ang pang-unawa, o si Katelyne na ngayon ay nasa pangangalaga niya..pero naisip pa din niya na hindi dapat sisihin si katelyne dahil hindi kagustuhan ng dalaga iyon, si Erica lang ang problema, dahil ayaw siyang pakinggan nito..
.
At hanggang sa lumipas ang mga oras ay nagising na si Katelyne, pag mulat niya ay naroon na sa sopa si Alvin at naka-idlip, naligayahan ang puso niya dahil, hindi nga siya iniwanan nito..at nagpasalamat si Katelyne dahil maganda na ang pakiramdam niya at wala na siyang hilo, at hindi nagtagal ay nagmulat na din si Alvin. Nagulat pa si Alvin at naka-upo na sa kama si Katelyne.
.
Alvin : (lumapit sa kama).. kate, kumusta, ano na ang pakiramdam mo?
Kate : okay na ako Alvin, salamat ha, tinulungan mo na naman ako, hindi ko alam kung paano ako makakabayad sayo..
Alvin : wala yun, wag kang mag-isip ng kung ano-ano, dahil hindi naman kita sisingilin, ang isipin mo gumaling ka..
Kate : salamat talaga.
.
Hindi nagtagal ay pumasok ang doktor..
.
Dr. : kate, okay naman na yong BP mo, pwede na kayong umuwi ngayon, huwag mo lang kalimutang inumin ang mga gamot mo ha.
Kate : salamat po doc!
Dr : welcome! Ah nurse pakitanggal mo na yong swero niya (baling sa nurse)
Nurse : yes doc.
.
At lumabas na nga sila ng clinic, at hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ng binata, nag-aagaw dilim na nun.inalalayan ni Alvin si Kate na makapasok sa bahay dahil medyo nanlalambot pa ang dalaga at laking gulat nila ng makitang naroon si Erica.
.
Erica : what is the meaning of this??(pinagpalit-palit ang tingin sa dalawa)
Alvin : erica, mali yong iniisip mo kaya lang siya nandito sa bahay ay–
Erica : dahil attracted ka talaga sa babae na yan, kaya gusto mo siyang kasama dito sa bahay mo..at ikaw babae ka, sobrang landi mo,(akmang sasampalin).
Alvin : huwag Erica..wag mong bigyan ng kahulugan kung bakit nandito si kate, dahil wala siyang matitirahan at dahil—-
Erica : at gusto mo maniwala ako sayo ha, Alvin!!Kung pangit yan at mataba, maniniwala ako sayo. Pero ayan tingnan mo, maganda na, sexy pa.
.
Naiiling na natatawa sa isip si Kate, dahil insecure sa kanya ang girlfriend ni Alvin, pero ang hindi niya nagustuhan ay ang sinabi ni Alvin..
.
Alvin : Sweetheart naman, kahit gaano pa kaganda ang babae at kahit gaano kakinis o kasexy, alam mo naman na wala ng mas hihigit pa sayo, at saka alam mo naman na disiplinado akong tao, at hindi ko kinukuha ang isang bagay na hindi naman akin, wala lang matutuluyan si Kate, kaya dito ko na siya pinatuloy sa bahay ko..
Erica : nagpunta ako dito para sabihin sana sayo na itutuloy natin ang kasal pero nagbago na ang isip ko, dahil sa babae na yan..(sabay alis)
Alvin : Erica, sandali mag-usap pa tayo..(habol niya)..mag-usap pa tayo!!
Erica : no! Ayoko na Alvin!!
Alvin : please Erica..pakinggan mo muna ako, agad ka kasing nag-rereact eh, hindi mo pa naman kasi inaalam ang totoo.
Erica : (huminto sa paglalakad)..o sige ano pakikinggan ko na dahil nandiyan yang babae na yan dahil maganda siya at seksi, at nanghihinayang ka at hindi mo siya nagalaw kagabi..
Alvin : hindi totoo yan, gusto ko lang siyang tulungan, yun lang..
Erica : ows come on Alvin, lalake ka, kapag lumapit na sayo ang babae at nilandi ka makakatanggi ka pa ba, sa ganda at seksi niyang babae na yan!!
Alvin : my God Erica, alam mo naman na may self control ako, alam mo yan, dahil napatunayan mo yan, kapag magkasama tayo..
Erica : syempre dahil nag-reresist ako sa kapusukan mo, samantalang ang babaeng bayaran, tiyak na gagawin niya ang lahat para palibu—-
Alvin : shut up!!!(sigaw niyA)
Erica : see! Sinisigawan mo na ako dahil sa babae na yan, damn!!(sabay talikod)
.
Hinawakan naman ni Alvin si Erica sa braso para pigilang ulmalis.
.
Alvin : im sorry erica, mali lang kasi yong iniisip mo eh.
Erica : enough Alvin, tama na yong mga panloloko mo sakin, ayoko na.!!
.
Nakaramdam ng pagod si Alvin, parang sumusuko na siyang pagpaliwanagan si Erica, kaya hinayaan na lang niya na makaalis ito..at walang nagawa si Alvin kundi sundan ng tanaw ang papalayong si Erica, at nang hindi na nya matanaw ang nobya, ay nagpasya na siyang pumasok ng bahay.
.
Kate : Alvin sorry—(nahihiyang sabi)
Alvin : please kate, hindi mo kasalanan ang nangyayari, Abby ikaw muna bahala kay kate, paki alalayan na lang siya papunta sa guestroom..
Abby : opo sir.
.
Umakyat na din si Alvin sa kanyang kwarto, nakaramdam na din siya ng inis sa nobya, dahil sa pagiging makitid ang utak, mahirap umunuwa ng mga sitwasyon..at samantalang si Kate naman ay sobrang nakokonsensiya dahil sa nagulo niya ang buhay ni Alvin, hiyang hiya siya sa binata, nakita niya kasi na nahirapan nga si Alvin sa pagpapaliwanag sa nobya…
.
Kate : sorry alvin dahil sakin, nahihirapan ang kalooban ngayon.!(sabi sa isip)
.
Abby : halika na sa kwarto Kate, para makapagpahinga ka ulit, hahatiran na lang kita ng pagkain mo.
itutuloy


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.