0

TUNOG AT BOSES SA ILALIM NANG LAWA


Report

TUNOG AT BOSES SA ILALIM NANG LAWA
Author: Crismoxie Manunulat
Kay lamig nang hangin at kay ingay nang alon.
“Psst,” boses mula sa aking likuran.
Napalingon ako subalit walang katao-tao at naisipang baka guni-guni ko lang.
“Ang ganda nang buwan.” Ito’y bilog na bilog at tila ba napakalapit sa akin sa sobrang laki.
“Ahhh🎵Hmmmm🎻.” Himig sa kung saan, hindi ko alam kung sa lawa o sa kalangitan nang gagaling ang himig.
“Napakagandang pakinggan,” tugon ko at sumilip sa ilalim nang lawa. Laking gulat ko nang makita ang isang, “S-Sirena?”
Umahon siya sa tubig at tumingin sa akin.
“Sabayan mo ako sa aking awitin.” Nagpatugtog siya nang isang musika na tila ba mahihipnotismo ka sa boses niya.
“I-Ikaw ang sirenang pumapatay,”sigaw ko at itinuro siya.
Naging malungkot ang kaniyang expresyon. “Hindi ko sila pinapatay, kumakanta lamang ako sa tuwing kabilogan nang buwan at pag nag-umaga na babalik na ako sa ilalim nang lawa.”
“Pero, bakit marami ang...


umuuwing wala nang buhay? At sa gilid nang lawa sila’y nakahimlay?” Tanong ko subalit lumangoy na siya patungo sa ilalim nang lawa.
Katahimikan ngayon ang nanaig.
“Dahil natutulog sila sa kanilang bangka tuwing ako’y umaawit.”
Napalingon ako sa kaniya, “Dahil ang iyong tinig ay nakakaakit.”
Umawit siyang muli at hindi ko na mapigilan ang aking antok dahil sa napakaganda niyang boses.
Hanggang sa magising ako dahil ako’y tila nalulunod. Nakita ko ang sirena na hinahawakan ang aking kamay subalit ito’y dumudulas.
“Patawad, dahil hindi ko kayang tulungan ang mga taong nalulunod sa lawa na ito sapagka’t ako rin ay isang bilanggo.” Dinig kong sabi niya tiningnan ko ang kaniyang buntot at doon ko nakita ang kadenang sa kanya’y nakagapos.
Pinikit ko ang aking mga mata dahil nawawalan na ako nang hininga, nakangiti akong mamahinga dahil nakita ko din ang sirena.
Ang sirena sa lawang may magandang boses at mukha.
(Work of fiction! Photo not mine!)


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.