0

Touch of an Angel Chapter4


Report

“Gelay, mukhang pagod na pagod ka yata, hanggang ngayon ba janetress ka pa rin.?” Tanong ni kulas
“Hindi kuya, sa office na ako!”
“Mabuti kung ganun.. Eh bakit parang pagod na pagod ka..?”, Neng kung nahihirapan ka tumigil
Ka na.. Hayaan mo na kami ng mga kuya mo na mag diskarte hayaan mo na gagaling din si kuya Lucas, wag ka nang pumasok doon.
“Kuya, masama ba yong boss nyo?” si Sir Dilan..?
“Bakit mo nman natanong yan..?” Abay Hindi ko alam, hindi ko pa nga yon nkikita eh..
Siguro nman hindi, dahil kung masama yon Hindi magtatagal doon si kuya Mando bilang driver..”
Medyo napanatag siya sa sinabi ng kuya niya..
Bka nga tama ito.. Ang pinsan kasi niyang si Mando ay ilang taon na nitong driver, si Mando ang breadwinner sa pamilya.. Dahil sa pagiging driver nito sa binata ay npag aral nito sa kolehiyo ang tatlong kapatid na nkakabata..
Isa na dito si May anne kababata
at pinsan niya.. Graduating na ito sa kursong education.
.
Makaedaran lang sila pero dahil tumigil sya ng isang taon kya naiwanan siya nito. Ang dalawa pang kpatid nito ay parehong Nasa bangko nagtatrabaho kaya maayos na Ng buhay nila.. Hindi katulad kina nila lahat contraction worker ang mga kuya niya kaya lagi silang kapos..
Kadalasan ay pinagkakasya lang nila ang sahod ng mga kapatid..Minsan naisip niya
Maswerte si may Anne dahil pinalad ang kuya niya na may maayos na amo malakas MgpapA sahod, at tinulungan din nman din nito ang mga kuya nya dahil ipinasok sa trabaho ni Mando sa agency din ng amo..kaya kahit papaano gumaan ang buhay nila dahil permamente na ang trabaho ng mga kuya niya. Hindi tulad Tulad dati na pahinto hinto..
_____
“Goodmorning sir ” bati ng mga emleyado sa kanya..
Tingin lamang ang ipinukol niya sa mga ito saka lumakad papunta sa office.. Padating niya sa desk, tambak ang mga papel na kailangan niyang pirmahan. Inisa-isa niya iyong tininggan.
“MissTina!”
“Yes sir bakit po?”
“Pakitawag ang manager!”
“Yes sir!”
Dumating si Miss nicky Marssigan.
“Yes sir Goodmorning po!”
“Miss Marasigan look, hindi ako satisfied sa mga pinag gagawa nyo nung wala ako” .
“Tinggnan mo!! Anu to may may fire insedent
Sa ibaba!!
” Yes sir minor lang po naagapan naman po!”depensa ng babae.
” Kahit maliit pa yon may kapabayaan pa ring nangyari doon. Bakit nagkaroon ng insedenting ganun?,” Ang sabihin mo pabaya ang mga tao mo! ! Nasaan sila tawagin mo!!!
Isama mo na rin ang Nasa , Engineeng at purchasing department’natin!! Sigaw ng lalaki
“Yes sirrr,!!! tarantang sagot ng manager.”
May minuto din ang mga ito bago nkapunta sa office niya.
Nakayuko ang mga ito
“Goodmorning Sir!!bati ng mga ito sa kanya..”
“Walang Maganda sa umaga!! Kung ganito ang bubugad sa akin!!”
“Kayo!!!”, Sabay turo sa maintenance..
“Gawain nyo ang trabaho ninyong maayos
Ayaw ko ng kapalpakan, ang aksedente ay maiiwasan kung ginagawa ninyong maayos ang trabaho nyo!!!!”
Saad niya ditong malakas ang bosses..
“Sorry sir Hindi na po maulit! !” wika ng
Lalaking nkayuko.
“Dapat lang!! talagang Hindi na dapat maulit yon
Dahil sa susunod na mangyari yon tanggal na kayong lahat!! Naiintinhan nyo!!,” bulyaw niya sa mga empleyado.
“Opo sir!!”, sabay sabay nitong sagot
“At kayo naman!!!,”. Baling nito sa mga Engineer “Hanggang ngayon ba ito pa lang ang na gagawa nyo!!” Sabay pakita sa papel na hawak.
“Anong klasi ba kayong magtrabahoo???” “Kailangan nating mameet ang deadline!
” Hindi pwdei ng ganito lang ang kaya nyo!! Dismayadong turan nito sa mga tao.
“Sir kasi po..” . Hindi na nito natuloy ang
sasabihin.
“Ayoko ko ng dahilan, ang kailangan ko resulta!!
Naintindihan nyo??” pasigaw na wika niya sa mga ito.
Umangang umaga sabon ang Inabot ng emplyado kay Dilan sa lakas ng boses nito habang nagsasalita ay dinig na ito sa boung second floor nayon kung saan naroon ang opisina niya..kalahating oras din itong nag salita.
” Gawin nyo ang trabaho nyo ha!!!dahil ako ginagawa ang parte ko bilang may ari ng kompanyang ito!! Kung Hindi nyo kaya
Sabihin nyo dahil mag hahanap ako ng ibang gagawa niyan!!”, Bulyaw niya sa mga ito. Sabay hagis sa mga papel na hawak..at tinalikuran ang mga tauhan sabay labas sa opisina.. Sumonod naman ang mga tauhan palabas..
Pag labas ni Nicky, nakita Niya agad si
Angela Nasa tabi late na itong pumasok at
Medyo basa pa ang damit. Dahil umuulan ng araw nayon.
“Ikaw Sigasig bakit ngayon ka lang, anu bang nanyari sayo!??” , Sigaw nito sa dalaga, na marahil nahawa na sa malakas
Na boses ni Dilan..
” kasi po ma’am naligaw po ako, Mali po ang Nasa yan ko ng jeep.. Ang halos maiyak niyang wika..
” Anu? Naligaw ka?” Anung katangahan yan
Angela Sigasig? Mag iisang buwan ka nang pabalik balik dito naliligaw ka pa? galit na turan ng babae
.
Napayuko lang si Angela..
“Alam mo ba kung ilang oras ka ng late ha? Isang oras kalahati! , mahaba na yon! Hindi ka nag pweding pumasok..!”
“Ma’am magleleave na lang po ako..”
“Halika dito baka makita pa tayo dito ni Sir
Mainit pa man din ang ulo niyon.”
Dinala sya ng babae sa HR. Pag dating niya doon ay natatawa-tawa ang mga ito sa itsura niya.. Parang na kasing siyang basang sisiw dahil sa naulanan siya wala siyang dalang payong ng araw nayon nakalimutan niy Iyon.
Dahil Hindi pa naman nabuhos ang ulan ng umalis siya sa bahay..
Sa jeep nag siya Inabutan ng ulan..
At nkarating nga siya sa kompanya na basa..
Pinunasan niya ng panyo ang basa niyan mukha at braso.
“Angela sana naligo ka na lang sa ulan at Hindi ka na tumuloy dito, tinggnan mo sarili mo? Inis na turan ni Miss Reyes.. “, makakapagtrbaho ka ba itsura mong yan?eksaheradang dagdag pa nito.
“Mag papasa na lang po akong leave ma’am” . Malgkumbabang wika nya.
“Okay pirmahan mo to!at pagka pirma mo niyan umuwi ka na!!
Nagsusulat siya ng dumating ang secretary ni Dilan..
” Miss Reyes pinapatawag po si Miss sigasig ni Sir..wika ng Secretary..
“Ah sabihin Mo na nakaleave!maiksing tugon ng babae.
” Ay nasabi ko na po na nandito sya.”.sagot ng secretary.
” Pinapatawag na po sya sa office ngayon din. Dagdag pa nito.
“Hay bahala nga kayo..! Angela ikaw ba bahala magpaliwanag kay sir, at ayusin mo mainit pa naman ang ulo noon..! , Babala nito sa kanya. Akin na yang leave form mo” !, Pahabol pa nito.
Kinakabahan na sumama si Angela sa secretary ni Dilan. Patingin tingin sa kanya ang babae.. Parang ito pa yata ang nahihiya sa itsura niya. At si ito nakatiis
“Anu bang nangyari sayong babae ka? Hay naku you look so mess.tila nandidiring wika nito sa kanya.
Hindi na siya nkapagsalita dahil Nasa harap an na sila ng office ni Dilan,,
” Pumasok ka na naghihintay si sir”.. Ani ng babae..
Huminga muna siya bago pumasok.naabutan niya ang lalaki na nakaupo sa mesa..
Hindi na niya itong nagawang batiin nakayuko sya sa harapan nito, hindi sya makatingin sa mukha nito. Hinihintay niyang...


pagalitan siya ng lalaki katulad ng ginawa sa kanya sa HR at ng manager.
“Anung nangyari sayo angela bakit ganyan ang itsura mo? Ani lalaking may mababang boses..
Tintingnan niya saglit ang mata ng kausap
Saka nag salita..
“naligaw po ako sir, malayo na po ang narating ko Mali po ang nasakyan Kong jeep.. Kaya po ako na late at Inabutan ng ulan, nakalimutan ko po ang payong ko.. Ang maluha luha niyang
sagot.. Sabay punas sa mata ng panyo..
Tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya..” Hindi ka ba nilalamig?ani ng lalaki na tila naawa sa Kanya..
Tumingin siya sa lalaki at umiling,, “hindi po sir.,”
“Sir, Uuwi na po ako.. Late na po ako nag leave na po ako ngayong araw” ..
“Hindi ka Uuwi.. Halika dito sumunod ka sakin..
Wika ng lalaki sabay labas ng opisina.
Sinundan niya ang lalaki. Ang bilis nitong maglakad.. “saan naman kaya pupunta si sir, tanong niya sa isip.
Tuloy tuloy lang na lumakad ito hanggang
Makarating sila ng parking area. Binuksan nito ang sasakyan.
” Sakay na!
“Anu po?, paniniguro niyang tanong.
” Get in!”
Pumasok siya sa loob ng kotse sa katabi my lalaki siya naupo.. Agad itong pinaandar ng lalaki.
” Saan po tayo pupunta?
Tiningan lang siya nito at Hindi sumagot..
Sa isang boutique sila bumaba..
“Ah miss paki Bigyan mo sya ng bihisan at mga damit pang extra” .. Wika nito sa sales lady..
Bumaling ang babae sa kanya.
“Halika dito miss susukatan kita..
” Ah maupo po muna kayo syang.. Ani ng babae na nakangiti kay Dilan..
Npasunod na lamang si Angela sa babae.. Marami itong pinasukat sa kanya..
Magaganda iyon at mukhang mamahalin..
Yong hinubad niyang damit na basa kanina ay nag mukhang basahan ng itapat sa mga damit na nandoon ang layo ng itsura.. Wala nman kasi talaga siyang maayos na damit dahil mas inuuna nila ang mga pangangailangan niya sa schools at sa bahay nila..KAya nman ang mga sout niya Hindi ka gandahan pero kahit ganun ang itsura porma niya ay Hindi nito maitatago
Ang mala Angel niyang ka gandahan ,
At maamo niyang mukha.. Na nkakaakit sa mga Lalaki ng Hindi niya nalalaman..
. Sout na niya ang bagong damit at masarap ito sa pakiramdam. Komportabli ito at naibsan ang lamig na kanina pa niya nararamdaman Inayos pa ng sales lady ang
Ang Kanyang buhok na basa blinower ito ng babae para matuyo saka itong sinuklay..
Lumabas sila pakatapos mag sukat sa fitting room, dala ang iba pang mga damit..
“Sir ito na po si ma’am, at ito po yong mga extra na kasya sa kanya ilan po ba ang kukunin nyo?
” Lahat yan! Paki balot na lang..
Nanlaki ang mata ni “Angela sir sakin po ba lahat yan? .. Hindi ko po yata matatanggap.. Masyado pong marami at mamahalin.. Nkakahiya nman po..”
Angela, hindi yan Libre! Babayaran mo din yan..
Ito ang resibo.. 50 thousand pesos..
Namulta si Angela sa sinabi ng lalaki..ang laki nun para sa mga damit lang, tig iisang daan nga lang ang mga bibinili niyang damit sa Tabi-tabi.tapos ganun kalaking halaga sa damit niya ang mapupunta, hindi yata pwdei yon.
Dahil para sa kanya napakarami na syang mabibili wa halagang yon.
“Sir masyado po yatang malaki pwdei po bang Hindi ko na lang po tatanggapin, mababaon po ako nyan ng utang sainyo..wika niyang may pagtanggi.
” Kailangan mo yan, lalo na araw araw ka na papasok sa opisina, kailangan presentable ka sa Lahat ng oras kagaya ngayon!!” pagpupumilit ng lalaki.
“Pero sir, lalagnatin po yata ako niyan sa sobrang mahal.”, nasa boses pa rin ang Di pagsang -ayon.
“Anu ka ba, hindi ko pa yan sisingilin sayo agad agad kaya tanggapin mo na,
” Pero sir may utang pay po ako sainyo.. Baka
nman po Nasa kabilang buhay na ako Hindi ko pa rin kayo nababayaran niyan..
“Sige na tanggapin mo na para ganahan kang pumasok araw-araw, gawin mong motivation yang mga utang mo sakin para magsikap ka pa.
Paano naman po ako niyan Sir gaganahan ang dami ko na pong utang..NNakasimangot niyang sagot.
” Ito na po sir ang mga damit..wika ng sales lady..
Kinuha iyon ng lalaki.. “halika kana Angela may pupuntahan pa tayo.nkasimangot .siyang sumunod sa lalaki..
Nasa kotse sila ang ang sama ng tingin niya sa mga damit..
Napapakamot sya ng ulo.. Si sir talaga, hindi pa nga ako nKakabawas ng utang, may pinautang na naman. Kaylan ko pa kya mababayaran to..wika niya sa isip.
Pasulyap sulyap sa kanya ang lalaki. Hindi niya
Ito pinapansin..Hindi siya tumitingin dito..
“Angela Isasama kita sa meeting ko sa isang resturant kailangan nakangiti ka ha bawal ang nakasimangot..ani ng lalaki at hinuhuli nito ang tingin ng dalaga.
” Po?, bakit po ako? Hindi po ba dapat yong sectary mo ang kasama mo?
Angela wag ka nang magreklamo, alalahanin mo marami kang utang sakin!
Napatingin siya sa lalaki. Nakangiti ito sa kanya.
” Ikaw ang gusto ko kasama, isa pa nandito na tayo lahat ng mpapagusapan namin inonote mo ha?
” Sige po..” napilitan niyang sagot.
” Halika baba na! Ani ng lalaki at ipinagbukas pa siya nito ng pinto ng sasakyan..
Naroon na iyong ka meeting ni Dilan.. Naupo ito sa Malaking mesa.. Tatlo itong magkakasma, nakangiti ito sa kanya.. Sinuklian niya rin itong matamis na ngiti… Dalawang oras din nag usap ang mga ito sa tungkol sa negosyo..sa huli Maganda ang kinalabasan niyon..
“Sir saan na po tayo pupunta.? Babalik na po ba tayo sa office.
” Hindi mayroon pa akong isang meeting.. At sasamahan mo uli ako.. This time kami lang ang mag uusap hihintayin mo ako sa kabilang table ha..
“Okay po..
Dalawang oras din uli bago na tapos ang pag uusap ng dalawa. Pumunta din sila sa site.. Hapon na ng makabalik sila sa office.
Nanlaki ang mga mata ng ka tao doon ng makita silang mag kasama at iba na ang itsura ni Angela.
Demeretso sila sa opisina ni Dilan..
“Sir may ipag uutos pa po ba kayo sakin?
” Ipagtimpla mo ako ng kape!
“Opo sir! Wika niya at lumabas ng office
Ska siya pumunta sa coffee station..
” Angela,, ayos ang itsura mo ha?
Humm.. Si sir ba ang bumili niyan..? Mukhang mag hapon kayong mag kasama ha.. Pang uusisa ng officemate niya..
“Parang ganun na nga pero Hindi.. Nman kasi babarayan ko pa to..
” Angela mag-ingat ka dyan kay sir,
HUH?
“Mag-ingat ka dyan dahil yong isang ka relasyon
Ni sir nawawala hangaang ngayon Hindi pa rin makikita..pa bulong na wika ng babae. Wag kang maingay.
Wag mong ipag sasabihin ha.. Secret lang ito.. Binanalaan lang kita… Wika nito na Lalo pang humina ang tinig.
Tumango lang siya sa sinabi ng babae..saka umalis.
Sir ito kape nyo? Wika niya sabay lapag ng kape sa mesa ng amo.. “may ipag uutos pa po ba kayo?
May gagawin ka pa ba?
Babalik po ako doon sa gen. Affairs po kay miss nicky..
Dito ka na lang, malapit ng mag uwian.. Ihahatid kita sainyo bka maligaw ka na nman.
.
.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.