0

Cassandra (the innocent) Chapter 25


Report

Samantala sa condo ni ethan walang batid si andrea sa pag Dial nito ng phone n’ya…simula kasi ng umalis si cassandra ay hindi na ito mapalagay kung ano ba ang nangyayari sa kaibigan kaya naman humingi sya ng tulong kay ethan…kung saan ito hahanapin dahil…naging matalik at malapit naman sa kanya dati si Gabriel..
“Ethan…pwede bang maupo ka muna nahihilo na ako sa pauli-uli mo sa harapan ko…sambit ni andrea na may inis sa mukha nito.
“hindi ako matatahimik hangga’t hindi natin sya nakukuha kay Gabriel…tugon ni ethan na halos mag-panting na ang kanyang panga.
“Bakit hindi mo man lang sya pinigilan…Andrea..Alam mo naman na nanganganib ang buhay nya hindi ba yun ang sabi mo sa akin….
“pwede ba ethan ….H’wag mo akong pagalit…umalis sya na sulat lang ang naiwan nya…ang hindi ko lang alam..kung ano ang tumakbo sa isip nya kung bakit sumama sya ..sa kaibigan mong gago…!!!!tugon nito na halos matalim na mata ang iginawad nya sa kanyang kaibigan. Habang nakaupo ito sa sopa..at nagiisip din kung na saan ba ang kaibigan….
“H’wag ko lang ….Gabriel na may gawin kang masama kay Cassandra…dahil hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng isang bagay na hinding-hindi mo magugustuhan…bulong ni ethan sa kanyang isipan…”mahal nya si Cassandra..hindi bilang kaibigan lang kung hindi bilang isang kapatid…dahil napamahal na ito sa kanya..
Habang abala sa pagluluto sa kusina si cassandra ay hindi naman maipinta ni Gabriel ang ngiti sa kanayang mukha.
“minsan hindi din nya maintindihan ang sarili n’ya kung umiibig na nga ba sya sa babae…pero sa t’wing maiisip n’ya kung gaano nasaktan si shiena…sa ginawa ni ethan…ay bigla nalang ito…napapalitan ng pait sa kanyang nararamdaman…
“Ay ….!!!gulat ni cassandra habang niluluto n’ya sa kawali ang itlog yun kasi ang gustong ulamin ni Gabriel…
“Ano ba ito…? sambit ng babae…hindi pa kasi kumukulo ang mantika ay dali-dali nyang inilagay ang itlog sa kawali..kaya ganun na lamang ang ….pagtatalon nya habang hawak-hawak ang isang taklob upang ipangharang sa nagpipilantukang mantika.
Cassandra…pwede bang ayusin mo ang pagluluto mo? kakalagay lang kasi ni cassandra ng itlog sa pinggan nito …na halos malunod na ito sa mantika ng hindi pa gaano luto..
“pasensya kana ….Gabriel…hindi kasi ako ..marunong magluto …
kung maari si nanay betrin nalang ang paglutuin natin…para makakain ka…Hindi ba may adobo naman dito…bakit hindi nalang kaya ito ang kainin mo…sambit ni cassandra habang makikita sa mukha nya ang lungkot nito.
“hindi ba’t trabaho mo ito….Bakit kailangan si nanay betrin pa ang tawagan mo..mula ngayon wala nang ibang magluluto ng pagkain ko kung hindi ikaw…naintindihan mo….tugon ni Gabriel..
“Pero Gabriel….paglinisin mo nalang ako ng bahay,kaysa naman ipagawa mo sa akin ang hindi ko naman kaya..
“kung ano ang inuutos ko yun ang gagawin mo…honey…habang makikita mo...


kay Gabriel ang paglihim ng ngiti nito sa kanyang labi.
‘Honey…hindi honey ang pangalan ko Gabriel…at kung may kakaiba ka pang ipapagawa sa akin ng hindi ko kaya…magaling pang pabayaan mo nalang ako…ahmmm …at kasunod nun ang unti-unting pagpatak ng kanyang mga luha…”Mabuti pa si Ethan palagi syang nandyan para..hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng akmang hawakanni Gabriel ang braso nya..
“ahmmm.kasunod ng pagtaas ng panga nito..Handang ano…handa ka n’yang paligayahin…iyun ba ang kaya n’yang gawin sayo…cassandra….”Pwes…!!!! ibibigay ko sayo kung ano ang gusto mo…sambit nito…habang hawak nito ng madiin ang braso n’ya.
“Gabriel…Ano ba..?nasasaktan ako…please…habang hawak nya ang kamay ng lalaki upang maalis ang pagkakahawak nito.
“Uulitin ko lang sayo ….sa akin ka at hindi sa iba….kung gusto mong lumigaya sige…paliligayahin kita….!!! kasabay ng mapusok na halik ni Gabriel sa kanyang mga labi…
“subukan man …ilayo ni cassandra ang sarili nya kay Gabriel ay hindi naman sya nito ganun kadaling sumuko…sa kanyang ginagawa …
“sunod -sunod ang tulak nya sa dibdib ni Gabriel pero para itong batong ….hindi man lang nya kayang maitulak…makalipas ang dalawang minuto (2mins.) ay kusa nalang nitong itinigil ang kanyang ginagawa…
“at kasunod ang malakas na sampal mula sa palad ni cassandra…
“Pak…..habang itoy umiiyak…Gabriel kung iniisip mo na katulad lang ako ng ibang babae…na nakikita mo…pakiusap…itigil muna..dahil hindi ako katulad nila….sa totoo lang…Pagod na pagod na ako….Sana namatay nalang ako kasama nila…sana hindi nalang ako nabuhay…kung mawawala lang sila…sana pinabayaan mo nalang ako sa kagubatan…sana ….habang walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha…sa harap ni Gabriel…At sa sandaling yun patakbo nyang nilisan ang kusina…paakyat sa kanyang silid…
“sa mga sandaling yun iba ang naramdaman ni cassandra…sakit sa puso nya na ang taong gusto n’ya…ay iba ang nakikita sa kanya …babaeng ang gusto lang ang magpaligaya ng kahit sino mang lalaki….sana lang dumating ang panahon na maramdaman ko din na mahalaga ako….
“Lungkot ang namutawi sa isipan ni Gabriel ng marinig nya ang mga sinabi ni cassandra…
“hindi ko sinasadya…nadala lang ako ….bulong ni Gabriel…habang tinatanaw nya ang silid ng dalaga.
Ano …!!! may bago bang balita kung na saan ang pamangkin ko…tugon ni belinda na halos…manggalit na sa tauhang kanyang inutusan….
Meron po…Mam ang problema umalis na raw po ito sa Bar kung saan ito nagtratrabaho….pero ang sabi po ng isa sa nakausap namin isang araw lang ito duon at hindi nagtagal…sambit ng mga tauhan nito.
hanapin nyo….!!!!! dahil kutob kong may tumutulong sa kanya…kaya bilis bilisan nyo ha….!!!!at baka mapatay ko kayo alis….
“mommy….sigurado ka bang mahahanap mo sya…hahhaha…kasunod ng pagtawa ni Lea ng malakas…
tumigil ka….hindi ko hinihingi Lea ang opinyon mo…
mommy …..im just asking lang naman…eh..maarteng sagot nito.
Ano ethan ….may balita na ba…kung saan …hindi pa andrea…pero makikita din natin sya..sa kahit ano pa mang mangyari…
🍂thank you readers and admin🍂
bukas nalang po next chapter.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.