2

*The Story Of Us*Part6..


Report

Jedrians POV (The soft Side Of Jed)..

Pagkatapos kung mabasa ng malakas na ulan at maihatid ko ang babaeng yun sa bahay nila ay dumiretso na akong maligo!hindi ko alam kung bakit masaya ang pakiramdam ko ngayon.. dahil ba sa naligo ako ng di oras sa ulan o dahil sa babaeng inihatid ko kani kanina lang??.

Pagkatapos kong maligo nagpalit agad ako at nagtimpla ng kape,di ako mahilig sa kape pero feeling ko masarap to sa panahong ito.. hindi ako nag abalang buksan ang tv ng kwarto para mag video game at di ko rin alam kung bakit tinatamad akong gawin ang mga bagay na nakasanayan ko na dati..!

Pinunas ko ang basa kong buhok ng maalala ang mukha nya,kung paano sya kumilos kanina at mataranta sa harap ko ng makita kong nakabaliktad yung binabasa nya,ang cute lang nya kasi,at nag eenjoy ako sa na nakikita syang ganun..
Napangiti ako ng maalala sya, gayunpaman gusto kong murahin ang sarili ko ngayon dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan nya!Kundi lang ako natotorpe sa tuwing nakikita ko sya ay nuon pa man sana ay nalaman ko na agad ang pangalan nya!isa akong malaking istupido!!!

Noong makita ko palang sya sa court ay gusto ko ng tanungin ang pangalan nya pero hindi ko maintindihan kong bakit diko manlang yun nagawa..hindi ko gusto ang pakiramdam ko sa twing nakikita ko sya at alam kong may hindi tama duon..may mga nararamdaman ako sa kanya na hindi ko pa kahit kaylan naramdaman sa ibang babae,alam kong may mas maganda sa kanya may mga magaganda ngang babae na kulang nalang ay sambahin ako pero kakaiba ang pakiramdam ko sa tuwing nasa paligid ko ang babaeng yun.. hindi ko mapigilang sumaya kahit saglit lang!kahit medyo may pagkamasungit yata sya..

Piniksi ko ang ulo at pinilit alisin ang mukha nya sa utak ko!ayuko nito!hindi ako to!Pinikit ko ang aking mga mata pero sya parin ang nakikita ko!Hindi pa ako nagkaganito sa isang babae,not even my ex’s!!walang kahit sino sa kanila ang nagpakabog ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko sila!At kahit kelan di pa ako nag effort sa ibang babae!wala pa akong babaeng binalikan at sumugod sa ulan!sya lang!!!

Pero hindi ko pwedeng itolerate ang nararamdaman kong ito!hanggat maaga kaylangan kong iwasan ang babaeng yun!Ako ai Jedrian Santos..marami akong kaaway at alam kong kung sakali mang papasukin ko ang babaeng yun sa buhay ko alam kong madamay sya..

Bigla akong nalungkot dahil sa naisip!Yah wala nga pala akong karapatang magmahal..

Kinabukasan nilagnat ako at nagkasipon..binilhan ako ni Mama ng gamot pero hindi naman ako nakakain ng maayos.
Natulog lang ang ginawa ko buong maghapon!
Ah kasalanan to ng babaeng yun!kung bakit ko pa kasi sya binalik balikan eh,hmmmp!!

Dumating ang araw ng lunes at medyo okay na ang pakiramdam ko may sipon nga lang ako at wala parin akong ganang kumain nasira na yata ang panlasa ko!ah kasalanan na naman nya.

Niyaya ako nina Bert sa canteen at sinabi ni Kim na ililibre nya ako bilang pasasalamat sa pagtatanggol ko sa kanya kay Carl.And speaking of Carl nasa hospital pa lang sya ngayon!Inareglo ni Papa ang pamilya ni Carl at dahil sa pera ay nagpa areglo ang mga ito.Tulad ng dati si Papa ang taga ayos ng kalat ko!May share din si Papa dito sa school kaya wala kahit sino ang pwedeng magpatalsik sa akin bukod sa malaki ang mawawala sa school kapag nag back out ng share si Papa ay mababawasan na naman ang school nila isa na namang gwapo kapag nawala ako!kaya nga nagagawa ko ang lahat ng gusto ko dito!!

“,Tara..”,yaya ni Kim at inilagay nya yung kamay ko sa balikat nya.Dahil wala namang malisya sa akin yun ay magkaakbay kami hanggang sa makarating kami sa canteen!

Pagpasok namin sa canteen isang pares ng pamilyar na mga mata ang agad kong nakita!.it was her..ang may kasalanan ng pagkakasakit ko!..

Sumisipsip sya nuon ng pepsi sa straw at ang cute nya duon!Naalala ko sa sarili ko na dapat ko nga pala syang iwasan.. oo iwasan!

Iniwas ko ang paningin sa kanya kahit pa nga gustong gusto kong titigan ang magaganda nyang mga mata!Pero isang bahagi ng isipan ko ang nagsusumigaw na hwag ko syang pansinin!!!Sununod ko naman yun!!!

Ng umupo sina Bert sa tapat ng table nila ay napilitan akong umupo paharap sa kanya!Di ko sya tinapunan ng tingin,weah!manigas sya.
Alam kong tinitingnan nya ako nagtataka siguro sya kung bakit diko sya pinapansin gayung hinatid ko lang naman sya nuong Biyernes..nagi’guilty naman ako sa totoo lang pero mas nagi guilty ako sa pwedeng mangyari sa kanya kapag pumasok sya sa mundo ko!

At dahil wala naman akong ganang kumain naisip kong ibigay nalang kay Kim yung ulam na inorder ko..

“,Wow ang sweet”,sabi ni Bert
“,Bat di nyo pa kasi aminin na kayo na??!”,..
Napangisi lang ako sa pang aasar nila,wala naman kasi kaming dapat aminin kasi wala namang kami..isa pa malabong maging kami!

“,Hoy Ella san ka pupunta??”,..

Napangiti ako ng tinawag ang pangalan nya.So Ella pala ang pangalan nya,what a beautiful name!!

“,Hindi ka pa nagbabayad “,sigaw ng kaibigan nya ..yung mas maliit!

Pinangako ko sa sarili kong hanggat kaya ko ay iiwasan ko sya pero hindi ko yun nagawa dahil nilingon ko sya..palabas na sya ng canteen!

“,Ikaw na muna magbayad wala akong barya!”,

Gusto kong matawa sa sagot nya..lumang style na yun.. Napatigil ako!heto na nga ba sinsabi ko eh,kapag nasa paligid ko ang babaeng yun ay napapangiti nalang ako mag isa..

“,,Si Ella talaga oh,”,,reklamo ng isa habang naglalabas ng pera sa maliit na wallet na may mukha ng isa sa F4..

“,Ako ng magbabayad para sa kinain nya!”,

Muntik ng maibuga ni Bert ang iniinom na softdrinks dahil sa sinabi kong yun.Gusto ko ring saktan ang sarili ko kung bakit ako umaastang ganito!anong nangayayari sa akin?
First inihatid ko sya!tapos heto ako ngayon nililibre na naman sya?nababaliw na yata ako talaga!!

“, Sigurado ka?!”,sabi nung isa ..Tumango ako.
Tiningnan ako nung babaeng mas maliit”, Sigurado karin ba na yung kinain lang ni Ella ang gusto mong bayaran?panu naman yung kinain namin???”,

Tiningnan ko rin sya mula ulo hanggang paa.
Kaibigan ito ni Ella at kung papatulan ko ito ngayon maaring mabadshot si Ella sa akin,ayuko naman nun”,No!kay Ella lang ang babayaran ko!'”,ayukong mabadshot pero ayuko rin namang mabaryahan pa ang nakatagong buo kong pera,at tsaka feeling naman tong mga to kong ililibre ko sila noh!

Pagkatapos kong magbayad ay lumabas ako para hanapin sya.Nakangiti pa nga ako paglabas ko ng canteen..Subalit nawala ang ngiting yun ng makita ko si Ella at may isang lalaking nakasalamin ang humahawak sa kamay nya!

Biglang umakyat ang dugo sa ulo ko!Anong karapatan ng lalaking yun na hawakan ang kamay nya?Gusto kong basagin ang mukha ng lalaki!gusto ko ulit manapak sa mga oras na ito!ang lahat ng saya ko sa loob ng canteen ay naglaho na naman dahil sa nakikita ko!napalitan na naman yun ng galit!ito na nga ba yung sinsabi ko sa tuwing nasa paligid ko ang babae ..sya lang ang babaeng nakakapagpabago ng mood ko!!

Naikuyom ko ang kamao at handa ko na sanang sugurin ang lalaki ngunit nakita kong winaksi ni Ella ang kamay nya dahilan para makabitaw ang lalaki!ah great mabuti naman kasi kung nagtagal pa ang pagkakahawak nyang yun sigurado akong magsasama sila ni Carl sa hospital!

“,Mamayang 2pm may meeting ang maga teachers pwede ba tayong mag usap?sa likod sa may puno ng acasia?please may sasabihin lang ako…”,

Bago ako tumalikod papasok ulit sa canteen ay narinig kong sabi nung guy!

“, Ayayay pag ibig nakakakilig ..”,pakantang sabi ng kaibigan ni Ella hindi ko alam kung ako ba ang kinakantahan nila o trip lang talaga nila kumanta,hay ewan!wala akong pakialam sa kanila ..mas may pakialam ako ngayon sa nararamdaman kong sasabog na sa selos!!ah lintik na pag ibig!!

Ng matapos kumain ang mga kaibigan ko ay nagdesisyon na kaming lumabas,,inakbayan ko ulit si Kim na feel na feel naman nya.Hindi ko na ulit nilingon ang kinaroroonan nya kanina!
Naiinis kasi ako sa kanya!

Ala una..
Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko,kanina ko parin gustong sapakin ang AP teacher naming kalbo,!nakakaantok na nga ang subject na to ay nakakaantok narin pati boses nya! nabubwisit ko ! Isa pang kinaiinisan ko ay kung bakit antagal namang mag alas dos!.
Gusto kong pumunta sa likod sa may puno ng acasia!gusto ko duon muna tumambay mamayang alas dos!may meeting daw ang mga teachers mamaya at gusto kong duon ako matulog!.

It was a lie! Gusto ko lang pala mang asar ng dalawang taong mag de date!!At gusto kong makita kong pupunta ba si Ella sa lugar na yun,dahil kung oo ay ibig sabihin ay interesado sya sa lalaking yun!.
Biglang sumakit ang puso ko!Panu kung pumunta si Ella?hindi ako tanga para hindi maisip na kaya sya niyaya ng lalaki ay para magtapat ng feelings sa kanya,at panu kung sagutin sya ni Ella?maging silang dalawa?may mangyari sa kanila at mabuntis si Ella?magpapakasal sila at magkaanak ng siyam???Hindi maari paano ako????!

“,Noooooooo!!!”, napatigil ang lahat ng tumayo ako at sumigw..

“,May problema ba Mr.Santos??”,..

Na’realize ko ang nagawa ko at ackward na bumalik ako sa pagkakaupo!Pinapraning talaga ako ng babaeng yun!Humanda sila sa akin mamaya dahil sisirain ko lang naman ang date nila!!!!..

1:59
..Malapit na ako sa may puno ng acasia ng may marinig akong boses ng lalaki mula duon.

“,Sige na ipahiram mo na sa amin yung Notes mo kokopyahin lang naman namin eh!”,..

“,Ayuko!”,sigaw ni Alex sa dalawang lalaki”,Hindi ako nagpapakahirap sa pag aaral para lang sa inyong mga tamad mag aral!”,sabi pa nya.

“,Abat ayaw mo hah!eh kung gulpihin ka namin ngayon?!!!”, sinuntok ng isang lalaki si Alex sa mata at tumalsik ang salamin nya sa lupa!
Napaluhod ito..

“,Hoy !!!”, lumapit ako sa kanila ng balak pa sana nilang sipain si Alex pero Nagtakbuhan naman sila ng makita ako,mga duwag pala tong mga to eh!!
Lumapit ako kay Alex at tinulungang kunin ang salamin nya.Naawa ako sa lalaki nanginginig ito at natrauma yata.. naisip ko ang gagawin ko sana sa kanya kanina,kung nasapak ko pala siya kanina ay baka hindi lang trauma ang abutin nya..

“, Masakit pa ba???”,tanong ko..pero sa halip na sumagot ay bigla nalang syang tumakbo!

Naiwan akong mag isa!hay..ano...


ba yan!ako dapat ang manira sa date nila at hindi ang ibang tao!nakakaasar!!

Nagtungo ako sa may puno ng acasia at sumandal duon,buti nalang may extra t’shirt ako at kahit mamantyahan pa ito ay itim naman ang kulay..hay matutulog nalan ako!mukhang hindi narin naman darating si Ella isa pa wala naman na syang madadatnan!yung duwag nyang ka date hayun at nabugbog na! I wonder kung ano ang magiging reaksyon ni Ella kapag nalaman nyang nasuntok sa mata yung kadate nya..hindi ko rin maimagine kung anong itsura ni Nerd na papasok bukas!im sure ang laki ng eyebags nya…

Hindi ko maiwasang matawa sa naiisip.Natigil lang yun ng may marinig akong kaluskos sign na may taong dumating.Umasim ang mukha ko,alam kung si Ella yun..ah at talagang balak pa nya talagang makipag date nainis tuloy ako!

“,Pinaalis ko na sya “,sabi ko sa kanya..

Lumapit sya sa akin at may kung ano ano pa syang sinasabi.Tumayo ako at nagpagpag ng pantalon..bla bla bla.. Nagsasalita pa si Ella pero diko nalang pinansin pinapangaralan nya ako eh,at naiinis ako sa babaeng madaldal!iiwan ko na nga lang toh!!Nilampasan ko sya subalit natigilan ako ng may maalala pang sasabihin..

“,Sa susunod na mag date kayo ng boyfriend mo..utang na loob wag dito!ayukong makita ng isang boring na guy at isang…”,tiningnan ko muna sya mula ulo hanggang paa!ang ganda nya lang,gusto ko sanang sabihin sa kanya na maganda sya kaso baka lumaki ang tenga nya kaya iba nalang ang naisip kong sabihin”, isang babaeng madaldal!!!”,yun lang at hindi ko pinahalatang nakangiti ako..Yung sinabi ko sa kanya na lugar ko duon ay joke lang sa totoo lang first time ko ngang makapunta dito!..

Katatapos lang ng practice namin sa gym.. kahit naman suspend ako ng dalawang game ay hindi naman ako suspend sa practice.Nagpaalam muna ako kela coach bago lumabas..

Palabas na ako ng Campus ng makita ko na naman si Ella.. Naglalakad sya palapit sa scooter ko at …. Owwww!!Natutop ko ang noo ng makitang sinipa nya ang gulong nun!damn alam ba ng babaeng to kung gaano ako kaingat sa gamit ko?at hindi ko yun winawashing two times a day para sipain nya!no!kaylangan kong maturuan ng leksyon ang bayolenteng babae na to! susugurin ko na sana sya pero nakita ko syang napangiwi sa sakit!..

Few inches later nakita ko na syang paika ika maglakad!Natawa ako sa itsura nya..nakakaawa!ang lahat ng galit ko sa kanya kanina ay nakalimutan ko na..

Sinundan ko sya at dahil naawa ako sa itsura nya ay nagmagandang loob na naman ako na lately ay nagiging hobby ko na,ilang beses na akong nagmagandang loob sa kanya hah!take note!..hindi na nga yata ako toh!

“,Sakay.. “, huminto ako sa tapat nya at nagulat ako ng nakabusangot ang mukhang hinarap nya ako!ano na naman kayang kasalanan ko dito at mukhang mainit na naman ang ulo nya!

Kahit anong pamimilit ko sa kanya ay di sya sumakay!Ang arte arte pa eh paika jka na nga!
Tapos sinusungit sungitan pa nya ako!At dahil dun nainis na ako ! Ayuko na syang pilitin pa ulit dahil bumababa na ang tingin ko sa aking sarili! pinaharurot ko na ang scooter at iniwan ko na sya! manigas sya…

Pero hindi naman talaga ako ganoon kasama,huminto ako sa kanto at sinabi ko sa mga tricycle drivers na..
“,Kuya may pasahero po sa dulo pakisalubong nalang po.. paki ingatan nyo po ang pagmamaneho,okay??”,.

Sumunod naman ang driver at tinungo ang direksyon ni Ella.Dahil hindi ako kampante sa mukha ng driver na mukhang adik ay sinundan ko ang tricycle.. mukhang rapist ang nasakyan ni Ella kaya naman dapat masiguro kong makakauwe sya ng maayos..

Sa plaza dinala si Ella ng tricycle..wait ano namang gagawin nya dto?Bago huminto ang sinasakyan nyang tricycle ay siniguro kong maayos na akong nakaparada sa tapat para pagbaba ni Ella ay ako agad ang una nyang makita,alam nyo na para may inspirasyon naman syang gwapo ngayong gabi?

“, Stalker kaba?!”,,pagbaba nya yun agad ang bungad nya..
Natawa ako”,ako stalker?ako kaya nauna sayo dito????!
“,I mean Anong gingawa mo dito sa plaza?
“,Sasakay ng running lights!!!”,
Sya naman ang natawa sa sinabi ko!Hindi napaghandaan ng puso ko ang tawa na yun kaya naman naghatid yun ng kakaibang pakiramdam sa akin..at last napatawa ko rin sya.
“,ano bang magandang sakyang rides dito?”,pag iiba ko ng tanong dahil diko na kayang tagalan ang kung anumang tense na nararamdaman ko ngayon!
“, Kwento mo sa pagong”,sabi nya at naglakad na.. nakangiti ako habang pinagmamasdang mapalayo sya! siguro kaylangan ko ng bumili ng alagang pagong dahil just in case nga na mabaliw na ako ngayo ay atleast maikukwento ko nga yon sa pagong!!

Pagkatapos ng pangayayaring yun sa plaza ay umuwe na ako agad,hindi naman totoong mag ra rides ako sa totoo lang kung gaano ako katapang makipag basag ulo sa tao ay ganuon naman ako kaduwag na sumakay sa mga yun!
At hindi ko makakalimutan na minsan na akong muntikang mamatay nuong huling sumakay ako sa ferris wheel.. Binugbog ko yung operator pagkatapos nun!sabi ko na kasi nuon na Stop dahil diko na kaya at masusuka na ako sa taas dahil habang umiikot yun ay pakiramdam ko naiiwan ang kaluluwa ko sa taas pero dahil hindi inihinto ng operator agad ay nasapak ko sya ng mahimasmasan ako!
Mula nuon dina ako sumakay sa rides!baka kasi sa susunod makapanapak na naman ako ng di oras!!..

Humiga ako sa kama at tumingin ako sa kisame!Mukha ulit ni Ella ang nakita ko duon,nitong mga huling araw palagi nalang na mukha nya ang nakikita ko,kahit bola ng basketball ay pakiramdam ko mukha parin nya ang naroon!Kaya nga kahit na practice lang ang ginagawa namin ay ayukong maagaw ng iba ang bola!ganuon kalakas ang dating nya sa akin!

Huminga ako ng malapit dahil napalitan ng agam agam ang sayang kanina ko pa nararamdaman..hindi nga pala maari,ayuko nga palang mapalapit sya sa akin..ayukong pumasok sa mundo nya ! Natatakot ako! At unang pagkakataon na natakot ako para sa ibang tao !!

Tumagilid ako at pilit ko syang winawaksi sa isip ko!pero traydor ang puso ko dahil sa bawat pagkikit ko ay nakikita ko parin ang mukha nya!

**
Naghaharutan kami nina Bert sa room ng biglang may magsalita.

“,Wow may trespassing..”,

Napatigil ang mundo ko ng makita ko si Ella, papalapit sa akin! biglang nagbago ang mood ko ng makita ko sya..biglang sumaya ang mga mata ko at hindi ko namalayang tinging may pagnanasa na pala ang naibigay ko..anong ginagawa nya dito sa room ng pinaka bobo?
Ah baka magpapansin lang sa akin!

“,How dare you!!!”,

Nagulat ako sa inasta nya..pinagsasabi nya?di ko maintindihan!

Hanggang sa andami nya pang sinasabi at walang pumasok sa isip ko isa man sa mga iyon isa lang ang naiisip ko!galit sya sa akin ngayon!at di ko naman alam kung bakit!!!

“,Hindi kaba tinuruan ng magulang mo ng tamang disip—-+++!!!”,

Galit akong napatayo dahil sa narinig!tatanggapin ko ang ilang masasakit na salita na lalabas sa bibig nya pero hindi ang idamay ang mga magulang ko!hindi ko sya mapapatawad!pinigil ko ang sarili kong saktan sya!kahit papanu ay may respeto pa naman ako sa kanya.. pero!salita parin sya ng salita at alam kong may limitasyon ang temper ko!kapag nagtagal pa sya sa pang iinsulto sa akin ay baka.. baka talagang masaktan ko na sya!

Hanggang sa isinumbat na nya sa akin yung mga ugali ko,yung pambubogbog ko ! Nainis narin ako kaya sinagot ko na sya “,Kung nandito ka para ipagtanggol yung nerd mong boyfriend well he deserve it kulang pa nga!”,

Nakita ko kung gaano sya nasuklam sa sinabi kong yun!gusto kong suntukin ang sarili ko kung bakit ko ba yun binitiwan pero wala na akong magagawa eh!nasabi ko na!!!may mga gusto pa sana akong sabihin sa kanya pero pinipigil ko ang sarili kong magsalita!!kasabay ng pagpigil kong saktan sya!!!

“,Nakaaawa ka!!”,.

Yung huling salitang sinabi nya ang talagang nakapagpa panting ng tenga ko!Ano daw nakakaawa ako??sa lahat pa naman ng ayaw ko ay kinakaawaan ako!Hindi ko na mapigilan ang sarili ko!! nagdidilim na ang paningin ko sa kanya at wala na akong pakialam kung sino man sya!kung sya pa ba si Ella?ang babaeng ilang gabi ng laman ng aking panaginip!hindi ko na tuloy maalala na minsan ay pinakilig din naman nya ako!Hindi ko na yun maalala ngayon!dahil lahat ng masasakit at pang iinsulto sinasabi nya gumuhit yun lahat sa pagkatao ko!!At bakit mas doble ang sakit nito ngayon na sa kanya mismo nagmula..sanay na akong ininsulto ng ibang tao at wala akong pakialam anumang tingin nila sa akin!eto ako eh,at hindi ko kaylangang magbago maging santo lang sa harap ng ibang tao!pero bakit kay Ella! pakiramdam ko..napupunit lahat ng pagkatao ko!!!

“,Umalis ka na..”,bago pa ako maging demonyo sa paningin nya kaylangan na nyang mawala sa harapan ko,baka pagsisihan ko pa ng malaki kapag napagbuhatan ko sya ng kamay”,Umalis kana baka masipa pa kita!!!!”,

Pero mas pinagsisihan ko yung sinabi ko ng makitang tumulo ang luha sa pisngi nya.God!ano ba itong nasabi ko sa kanya???
Ayaw na ayaw kong may makikitang umiiyak na babae sa harapan ko!!!pero ako ang dahilan ng pag iyak nito!Damn myself!!!ayuko syang makita ng ganito!gusto kong punasan yung luha nya!gusto kong dumampi ang palad ko sa mga pisngi nya!hihingi ako ng tawad sa kany kasi di ko naman sinasadya..nabigla lang ako!!!

Pero hindi ko nagawa ng lahat yun ng tumakbo na sya sa labas!!!..

Tsaka ko lang pinakawalan ang kanina ko pa pinipigil na galit at sinuntok ko ang desk ni Bert!fuck! Fuck! Fuck!! Hindi ako tumigil hanggat hindi ko nararamdamang namamanhid na sa sakit ang kamay ko!!
Tumutulo na ang dugo sa desk ng natauhan ako.. nagpasalamat parin ako na sa desk ko nalang naibunton ang galit ko at hindi sakanya!
Well okay lang sa akin na ako ang masaktan..
keysa sya dahil hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag nangyari yun!!!?

****Bigla naman akong naging team Jed hahaha.. Comment nyo nga po kung gusto nyo pang ituloy ko pa to kahit ang sakit sakit na huhuhhu… Sad ako for Jed ! Si Ella naman kasi eh susugod sugod wala namang kaalam alam haha .. nanggigil tuloy ako magsulat!!

Abangan nyo Next Update ko bukas..since tambay parin ako because of this Pandemic..
Keep Safe Guys ans Goodnytssss..muah!!


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.