3

The Story Of Us **Part5**


Report

“,Daniella..”,

Nakalabas na ako ng canteen ng biglang may kung sinumang humawak sa kamay ko..
Hinarap ko ito at nakita ko si Jed..
Nakatayo sya sa may pintuan ng canteen!

Teka hindi si Jed ang humahawak sa kamay ko ngayon?at sino naman to?!

“,Pwede ba tayong mag’usap..?”,

Isang lalaking may salamin sa mata ang humahawak sa kamay ko ngayon?Si Alexander ng section 1..isa sa pinakamatatalinong mag aaral sa first section at pinagpipilian na maging valedictorian.May salamin ito sa mata gayunpamay hindi maitatangging Napakagwapo nito at ito ang pinakagwapong nerd na nakilala ko..kaya naman naging ackward sa akin ang sitwasyon..

Mabilis kong binawi ang kamay ko at binitiwan naman na nya iyon.

“,Mamayang 2pm may meeting ang mga teachers gusto ko sanang makausap ka..pwede ka bang pumunta sa likod mamaya sa ilalim ng puno ng acasia? please may sasabihin lang ako.. “,yun lang at napansin kong namumula na itong patakbong umalis.

Napanganga ako..ano daw?inuutusan nya akong pumunta sa likod sa may ilalim ng acasia?Hell no!sino sya para sundin ko?!at anong gagawin namin dun? lelecturan nya ba ako tungkol sa Science..?!

Nakatitig ako sa kawalan ng makitang palabas na ng canteen ang grupo nina Jed!wala na nga pala akong pakialam sa kanya.Pero may paki ako sa kamay nyang nakaakbay na naman sa babaeng bruha!

Tulad kanina ay hindi manlang sya tumingin sa spot ko!.Kasunod ng mga to sina Iya at Jecca.
Ng makalapit si Jecca sa akin ay pakanta kanta pa ito..

“,Ay yayay pag ibig..nakakailig!”,..pakantang kanta ni Jecca kahit wala naman sa tono!tapos bigla silang magkakatinginan ni Iya at tsaka tatawa..did i missed something?parang hindi ko sila ma gets,hindi naman nila naabutan si Alex ng section 1 kanina ah bakit feeling ko inaasar nila ako ngayon?Kahit wala silang sabihin alam kong tinutudyo nila ako!!!

++++Chapter5 (Complicated..)

2pm..
Tulad ng sabi ni Alex kanina may meeting nga ng teachers sa office,.Dahil alam ng adviser namin na magugulo kami kapag walang guro ay nagpasulat sya sa Class secretary namin na si Angel sa blackboard..kopyahin daw namin yun at mag checheck daw sya ng notebook!
Pero dahil pasaway kami heto..hindi kami nagsusulat tulad ng iba naming mga kaklase.

Nilabas ni Iya yung scrabble nya sa bag maliit lang naman yun at lagi niyang dala dala yun pagdumarating ang sitwasyong tulad ngayon.

“,game..”,sabi ni Jecca.

Tumingin ako sa bintana at naisip si Alex..
ano kayang sasabihin nya?mahalaga kaya yun?
Nanduon na kaya sya? hinihintay ba nya ako?

“,Hoy bruha.. ikaw na!”,untag sa akin ni Jecca,tiningnan ko sila nakabunot na pala sila pareho,nagbunot narin ako di ko alam kung bakit ako tinatamad..ngayon lang ako tinatamad sa game na to dati naman energetic ako..

“,Game ako mauuna!,”,sabi ni Iya ..pinakalast naman akong magbibigay ng words.Habang hinihintay ang turn ko ay tumingin ako muli sa labas.Mainit sa labas ngunit sa may silong ng acasia na sinasabi ni Alex na kung saan kami magkikita ay siguradong presko duon.
Hindi ko sinabi sa dalawang bruha na magkikita kami ni Alex alam ko ng hanggang sa bagong taon ay aasarin na naman nila ako isa pa wala akong balak makipagkita kay Alex, siguradong wala na sya duon..kanina pa kaya nag alas dos..

“,Hoy ..ikaw na ulit bruha!!”,si Jecca ulit.

Ah ako naba?aligaga akong tumingin sa nilalaro.Nangunot ang noo ko mg makita ang words na ginawa nila..

J-E-D-R-I-A-N..

“,Hoy..hindi naman to word ah!”,sabi ko ng mabasa yun!nagngisian sila.

“,Word yan sa akin”,sabi ni Jecca “,ang hirap nga espilingin eh ,di ba Iya??!”,

Yah.. tiningnan ko si Jecca hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nyang ang hirap spelingin kung ang word ba o mismong si Jed??teka bat na naman nasali ang kumag na yun sa isip ko?!
At tong dalawang gagang to hindi ko alam pero nawewerduhan ako sa kinikilos nila!May hindi ako alam na alam nila!well marami rin naman akong hindi pinapaalam sa kanila..wahaha!
Tulad nung kay Alex…!and speaking of Alex!
Baka mamuti na ang buhok nya sa kakahintay sa akin,2:30 na yata sa tantya ko lang..at alam kung aatakehin ako ng guiltyness kapag hindi ko sya sinipot alam kong hindi ko sya dapat inentertain pero half of me saying na pumunta ako duon at wala namang mawawala..tsaka baka mahalaga ang sasabihin nya.

Namalayan ko ang aking sarili na palabas na ng pinto.

“,Bruha saan ka pupunta?!”,

***
Inayos ko ang paglalakad ng malapit na ako sa meeting place namin ni Alex.Nilinga ko ang paningin sa paligid at wala akong Alex na nakita..umalis na kaya sya??

“,Pinaalis ko na sya..

“,Ay kabayo!”,,nagulat ako ng may magsalita.May isang lalaki na nakasandal sa puno ng acasia..nakaupo sya at nakatalikod sa akin!Mukhang inaasahan naman na nya ang pagdating ko dahil kahit na nakatalikod ito ay alam nitong may tao sa likod nito..

“,Pinaalis ko na sya nakaka istorbo sya sa akin!”,

Nanlalaki ang matang nilapitan ko ang lalaki!
Si Jed yun!at ano na namang ginagawa ng kutong lupa na to sa harap ko ngayon?hindi pa ako nakaka move on sa inis ko sa kanya kanina at mukhang madadagdagan na naman yun ngayon!

“,Pinaalis mo dito si Alex?!sino kaba sa akala mo?!ikaw ba may ari nito?!”,

Tumayo so Jed at pinagpag ang pantalon.Tsaka ko lang napansin na hindi pala sya nakasuot ng uniform sa pang itaas..Nakasuot sya ngayon ng t shirt na black na may tatak na tribal!I cant help my self staring at him.. he looks like a hot rebel guy!

“,Hindi ako ang may ari pero favorite place ko to,at walang pwedeng pumunta dito habang nandito ako”,,sabi nya ..this time nakapamulsa na sya,mukha naman syang model ngayon!
Model ng mga kodigong nasa bulsa..at hindi ko nagugustuhan ang mga sagot nya!

Natawa ako”,,sino kaba sa akala mo?sa pagkakaalam ko pag mamay ari to ng school at hindi ng kahit na sinong estudyante..”,inirapan ko sya.

Mukhang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko at tila naiinis na tumingin sa akin..”,Hindi mo alam ang sinasabi mo… “,,sabi nya at ako pa ngayon ang walang alam?!

“,Mas lalo kana!hindi mo rin naman alam ang ginagawa mo sa buhay!first nambubugbog ka ng walang dahilan Pagkatapos pinaalis mo dito si Alex dahil ayaw mo ng istorbo?ganyan ka ba talaga?!!!”,at kanina inisnob mo ako sa harap ng kaibigan mo tapos ngayon pinapansin pansin mo ako?aba who you!!!!!!gusto ko sana yun sabihin kaso hwag nalang.. ..

Hindi sya nagsalita nagulat ako ng lampasan nya nalang ako at hindi manlang sinasagot ang mga sinabi ko!oh come on Jed!nasa mood pa naman akong makipag away sa iyo ngayon.

“,Sa susunod na may date kayo ng boyfriend mo utang na loob wag dito!ayukong makakita ng isang boring na guy at isang…”,tiningnan muna nya ako mula ulo hanggang paa bago pinagpatuloy ang pagsasalita”,isang madaldal na babae..”,yun lamang at tumalikod na ito.
Teka ako ba yung sinasabe nyang madaldal na babae?Hoy hindi ko boyfriend si Alex noh!!
Ah bwisit!nakalayo na lamang si Jed ay hindi ko manlang naipagtanggol ang sarili ko!
Hindi naman ako madaldal ah.. slight lang!.
Hmmp!speaking of Alex..kakausapin ko nalang sya next time..

**
Six thirty na ng matapos ang practice namin sa dula dulaan namin bukas..kaylangang perpekto ang presintasyon namin bukas kaya naman nag practice narin kami hanggang sa ganitong oras..nasa ibang grupo sina Iya at Jecca kaya alam kong nakauwe na sila sa mga oras na to at safe na safe na sila sa bahay nila at nanunood samantalang ako palabas palang ng gate sa campus..

Paglabas ko nakita ko yung canteen kung saan
ako binalikan ni Jed nuon,sarado na ulit yun at napatigil ako sa paglalakad ng makita na naroon yung kulay blue na scooter!

Naiinis ako ng makita yun!Ah..makaganti nga!
Tinungo ko ang kinaroroonan ng scooter at walang anu anong sinipa ko ang gulong nito sa harap!

“,Awww!”,napalakas yata yun at tumama ang paa ko sa matigas na bagay..kahit kelan ang karma napakabilis talaga!pero kaylangan kong gawin yun kahit manlang papano ay makaganti ako sa Jed na yun ! Sinabihan nya akong madaldal na babae at hindi ko sya mapapatawad!Pero masakit talaga tong paa ko..medyo nagsisi pa tuloy akong sinipa yun tuloy heto ako..paika ika na maglakad at dahil alam kung sa kanto pa tumatambay ang mga tricycle ay medyo malayo layo pa ang lalakarin ko ..

“,Sakay..!”,

Napatigil ako sa paglalakad ng may huminto sa tapat ko.

Agad na naningkit ang mga mata ko!Ang lalaking dahilan kung bakit ako pipilay pilay ngayon ay heto!inaalok ako ng ride??

“,Sasakay ka ba o maglalakad parin?well base sa itsura ng paa mo konting lakad nalang ay malulumpo kana … “,

“,Ano bang pakialam mo”,pagsusungit ko!hindi ko parin makakalimutan ang pang iisnob nya sa akin..ang pagsabi nyang madaldal ako ang sya ang dahilan kung bakit ako pipilay pilay,kaya may pinanghuhugutan ako ng lakas ng loob na sungit sungitan sya ngayon!at para ano?para pumayag na naman ako na isakay ny pagkatapos iisnobin na naman nya ako sa harap ng mga kaibigan nya?No way ayuko ng umasa..

Nilampasan ko sya..

“,Baka wala kana namang barya pag nag tricy ka???!”,

Nilingon ko sya.Ah..siguro narinig nya yung sinabi ko kay Jecca kaninang lunch or should i say kaninang inisnob nya ako.

“,,Meron na noh!andami ko na ngang barya eh..”,

“,Bat ba ang tigas ng ulo mo!!”,

Bat ba ang gwapo mo!!

“,Eh bakit ikaw napakapakialamero?!”,

Ilang saglit na tinitigan nya ako na tila ba naiinis.. Gusto ko ang awrahan nya kapag naiinis sya!.

“,Geh!antigas naman pala ng ulo mo dyan ka na nga lang!!!!!”,yun...


lang at umalis na sya!

Hoy teka!nagbibiro lang naman ako eh sino ba ang tanga na ayaw malibre ng pamasahe!I cant believe that guy!tama nga sina Iya at Jecca ang hirap nga mya ispellingin!napaka moody!
Nuon nginitian nya ako sa court,tapos nakita ko ulit sya na nambubugbog.. after nun binalikan nya ako sa kabila ng malakas na ulan at inihatid sa bahay,tapos inisnob nya ako,nagkita kami ulit pero sinabihan naman nya akong madaldal..tapos ngayon aalok alok sya na sumakay ako in the end hayun..nag walk out na naman na naiinis?Anong mood meron ang lalaking yun?praning ba sya?or adik kaya!
Hay ewan…. !

At sumakay na ako ng eksaktong may papalapit na tricycle sa harapan ko .Sa plaza nalang ako nagpahatid balak kong tulungang magbent sina mama isa pa..ayuko muna umuwi im sure sa kwarto lang naman ang bagsak ko,nagkakape sa sulok nakikinig ng Stay ng Cueshe at higit sa lahat… iisipin ko na naman sya!!!!!

Pagbaba ko sa tricycle nagulat na naman ako ng makita si Jed..nakasandal sya sa nakahintong scooter nya.At ang galing ni Manong driver dahil sa tapat mismo ni Jed ipinarada tong tricycle nya ..Nagbayad ako at dahil naiinis ako kay Jed nag keep the Changes ako kay manong..ah diba galante ako kapag naiinis!!!

“,Ano na namang ginawa mo dito? stalker kaba?!”,.

Nagulat ako ng tumawa ito”,ako stalker mo?ako kaya nauna sa iyo dito noh?!”,

Oo nga pala..

“,I MEan anong ginagawa mo dito sa plaza?!”,kanda haba ang nguso ko..

“, Sasakay sa running lights ano pa nga ba!!”,

Ah waley!!pinigil kong matawa sa joke nyang kasing corny ng kornik!!

“,Ano bang magandang rides???!”,..

“,Kwento mo sa pagong!”,yun lang at ako naman tong nag walk out ..

****Chapter Six.
(Sorry I cant Be perfect!)..

Dahil nakonsensya ako kay Alex dahil hindi ako nagpunta sa meeting place namin on time kahapon ay kaylangan ko syang makausap,kaylangan ko ring itanong kung ano ang sasabihin nya..at gagawin ko yun mamayang breaktime..

“,Uy alam nyo naba yung latest chika..”,isa sa mga kaklase kong si Kris ang nagsalita,si Kris ang pinakachismosa sa room at walang chismis ang hindi pwedeng palampasin ng nito.Tama lang ang pangalan nitong Kris dahil kapangalan nito ang queen of talkshow na si Kris Aquino..at kapag nag umpisa na syang magsalita mas nakikinig pa kami sa kanya keysa sa mga subject teachers..

“,Kahapon ganap na alad dos ng hapon sinapak si Alex ng isang lalaki sa may puno ng acasia!”,

Biglang kumabog ang dibdib ko sa intriga ni Kris!alam kong tsismosa ang babaeng to pero kahit kelan di sya sinungaling..at ano daw?
Sinapak si Alex?kahapon ng alas dos sa may puno ng acasia?

Si Jed agad ang naisip ko,posibleng si Jed ang sumapak dito!pero anong problema nito kay Alex?!!kaya ba wala na si Alex sa meeting place namin kasi sinapak na ito ni Jed?kaya ba diko sya inabutan kasi umalis na ito duon at kaya ba naroon si Jed dahil ito ang salarin?gusto kong magwala sa galit!Galit ako kay Jed!bat kaylangan nyang gawin yun kay Alex?!

Kaylangan kong ma confirm na totoo ngang nasapak ni Jed si Alex.. at kung totoo man yun!
Lalo ko ng kamumuhian si Jed!

Sumapit ang breaktime at nagdesisyon akong pumunta ng section One..Hinanap agad ng mata ko si Alex at natutop ko ang bibig ng makita kong may black eye nga sya..Ang sabi ni Kris ay hindi daw sinasabi ni Alex kung sino ang gumawa nun sa kanya..ah malamang ay natakot nga! syempre sinong hindi matatakot kay Jed.

Gusto ko sana syang puntahan kaso ng makita nya ako ay parang iniwasan nya ako.. Nagtungo sya sa Cr..anong problema nito?may kinalaman ba ako sa ginawa ni Jed sa kanya? At kung wala man..bakit ginawa ni Jed sakanya yun?Bigla akong naawa dito,alam kong maingat sa reputasyon si Alex at wala pa akong nabalitaang nakipag away ito o may nakaaway ito!pero bat ganito ang nangyayari sa kanya ngayon?..

Hindi ko nalang sya pinuntahan.May isang tao pa kasi akong naiisip na gustong puntahan at kaylangan kong bigyan ng leksyon ang taong yun! sumosobra na sya!hindi pwedeng basta basta nalang sya nananakit ng tao!at bakit di pa sya naki kick out sa school?!bakit hindi gumawanng paraan ang school para mapaalis ito duon?di sapat na dahil pambato sya sa basketball para di sya ma kick out!kelan pa sila kikilos?kapag nakapatay na ito?at kaya gumagawa palagi ng kabulastugan si Jed ay dahil alam nitong hindi ito kayang patalsikin ang sa school at hindi yun tama!!!

Tinungo ko ang room ng last section habang nagpa practice ng sasabihin!Kaylangang masabi ko kay Jed ang lahat ng aking saloobin ng perpekto at detalyado!wala akong pakialam kung anong gagawin nya sa akin..magalit man sya!wala akong paki dahil mas galit ako sa kanya ngayon!at pinapatapang ako ng galit ko ngayon!

Pumasok ako sa room nila at pinagtitinginan nila ako..

“,Wow..!may trespassing.. “,

Hindi ko pinansin yung nagsalita dahil hindi naman ako naroon para dito..Bago ako pumasok kanina narinig ko na ang malakas na halakhak ni Jed ngunit nawala ang masayang awrahan nya ng pumasok ako..napalitan yun ng..tingin na punong puno ng pagnanasa..what?pagnanasa??!

Sinugod ko sya at parang nagulat naman sya”,how dare you!”,pag english ko!pag galit ako napapa english talaga ako..!”,kulang kaba sa aruga hah!hindi naman yata tama na basta basta ka na lang nananapak ng tao!”,nagulat ako ng tumayo sya.Kung kanina may pagnanasa akong nabasa sa mga mata nya ngayon ay napalitan na ng pagkapoot!pero hindi ako natinag..kahit lampas balikat lang nya ako ay tiningala ko sya para masabi ang lahat ng nararamdaman ko”,Ganyan kaba talaga hah!sinasaktan mo yung mga tao sa paligid mo kahit wala namang kinalaman sayo?!”,alam kong nakatingin ang lahat ng mga mata sa amin ni Jed..at makailang beses ko naring nakita na nagtatagis ang mga bagang niya.Bumubuka ang bibig nya pero sa huli mas pinili nyang pigilan ang kung ano mang sasabih.kaya dapat kung samantalahin yun”,Hindi kaba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang disip—-+++!!!”,

“,Wag mong idadamay ang mga magulang ko!wala kang alam!!!”,nagulat ang lahat ng sumigaw sya..medyo nagulat din ako dun”,kung andito ka para ipagtanggol yung nerd mong boyfriend well! deserve nya yung nangyari sa kanya..kulang pa nga!”,

Napuno ng pagkasuklam ang puso ko!parang inamin na rin nya na sya nga ang may gawa nun.I hate him beyond hate!!!

“,Hobby mo ba talagang manakit?masaya kaba sa buhay mo kapag nakakasakit ka ng ibang tao?nagpi fiesta ba yang mga cells mo sa katawan kapag nakakasapak ka?!”,ilang beses kong nahalatang naikuyom nya ang mga kamao at alam kong nagpipigil lang ito na saktan ako..”,alam mo ikaw yung pinakakawawang nilalang na nakilala ko..sa kalagayan mong yan wala ka ng pg asa!nakakaawa ka!!!”,

“,Umalis ka na”,,nagbabaga ang mga tingin ni Jed..kung hindi pa sya titigil..baka saktan na talaga sya nito!”,Umalis ka na!baka sipain pa kita !!!!!!!”,umalingawngaw ang malakas na tinig nya..

Na’schoked ang lahat ng naroon!Maging ako man!!!marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya mga pang iinsulto pa sana pero diko na magawang sabihin yun dahil nabalutan ng takot ang katapangan ko.Madilim na ang mukha ni at galit na galit na ang anyo nya..anumang oras alam kong bubuga na sya ng amoy dahil sa galit na nararamdaman!
Hindi rin ako makapaniwala na sasabihin nya yun sa akin..ano raw?sisipain nya ako?hindi ko alam ang pakiramdam ko..nagulat ako pero parang may kung ano sa akin na nahihiya at may makirot sa pakiramdam ko ngayon!oo inaamin ko malakas ang loob ko na sugurin si Jed kasi sa ilang ulit naming pagkikita may parte sya na alam kung hindi naman talaga masama..at aaminin ko rin na umaasa akong hindi nya ako kayang saktan,kaya nga nag eenjoy akong pagsalitaan sya ng mga masasakit kasi alam kong kanina pa sya nagpipigil na saktan ako..part of me saying na ah hindi nga nya talaga ako kayang saktan!at proud ako dun!

Pero..ng sabihin nyang Umalis na ako at baka masipa nya pa ako ay naghalo halo ang lahat ng feelings ko!..hindi ako na shocked dahil nagulat ako.. na’schoked ako dahil napahiya ako!at nasaktan!well kasalanan ko naman!kahit hindi nya ako sinaktan physically sinaktan naman nya ako emotionally.. dahil nag assume ako na hindi rin nya ako kayang pagsalitaan ng masasakit ay heto ako ngayon!!nasasaktan!

Kung pwede lang lamunin na ako ng lupa sa pagkapahiya kaso hindi na maibabalik pa yun!
Naramdaman kong may pumatak na luha sa aking pisngi,hindi ko alam kung guni guni ko lang pero nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jed ng tumulo ang luha ko.. nagkabuhay na ulit yung mga mata nya at kung hindi lang si Jedrian Santos ang kaharap ko umaasa akong baka sya pa mismo ang magpunas sa mga luha ko!ano ba yan.. nag assume na naman ako..

Hindi ko na talaga mapipigilan yun luha ko,bago pa ako mapahiya ng tuluyan kaylangan ko ng umalis sa lugar na to,lumayo kay Jed!ayukong makita nya akong umiiyak..baka lumaki pa ulo nya sabihin pang iniiyakan ko sya,well totoo naman..!

Napaatras ako at hinanap ng lumuluhang mga mata ko ang pintuan!..tinakbo ko yun ng makita ko pero bago ko yun narating may narinig akong kumalabog sa room na yun!Wala na akong energy para lingunin kong anuman yun isa pa hindi ko na mapigilan ang luha ko…

(**Habang sinusulat ko to naawa talaga ako kay Ella!hindi kasi sya nagsasabi sa min ni Iya


3 Comments

  1. Please continue your story, ang ganda po.. lagi ko syang inaabangan, God bless po author😘😘

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.