18

The Story Of Us*Part11*End Of Book1.


Report

Jedrians POV.. ( Officially Yours❤️❤️..)

Sabi ng doktor malapit na daw akong Lumabas ng hospital bukas..pahinga lang daw ang kaylangan,bukod sa mga pasa ko sa mukha at sugat sa bibig wala naman na daw na’damage sa akin..buti nalang hindi ako nabalian ng buto at salamat naman dahil dun..

“,I cant believe hinayaan mo lang na bugbugin ka Jed”,sabi ni Bert .. dinalaw ako ng teammates ko at nagdala pa sila ng mga prutas..

Ngumiti ako “, pinagbigyan ko lang sila “,sabi ko kahit hindi naman talaga yun yung dahilan.
Pero okay naman na ako ngayon pinaghiganti narin naman ako ni Jake sa kanila at ang grupo nila..

“,Yun lang ba talaga ang dahilan??”,tanong ni Coach Andy,ipinagbabalat nya ako ng apple.
Nagkibit balikat nalang ako..

Ang totoong dahilan kung bakit hindi ako lumaban ay hindi dahil sa naduwag ako.Kung tutuusin kayang kaya ko silang gulpihin kung gugustuhin ko,ang kaso.. ayukong gawin yun sa harapan nya.. ni Ella..

Ayukong makita na naman nya akong makipag’away..manakit ng kapwa,nangako akong magbabago ako dahil sa kanya kaya naman Pinagbigyan ko na sila,hindi ako gumanti kasi ayuko ng maging bayolente.. isa pa ginawa ko yun para protektahan sya..

Dahil alam kung kapag gumanti ako ng suntok sa kanila,lalo lang silang mangigigil sa akin,baka pati si Ella madamay pa..andami ko ng kaaway ayuko ng dagdagan pa sila,baka pag nagkataon si Ella naman ang balikan nila.

Ayuko na sana ulit lumapit kay Ella pinangako ko na yun ilang ulit na,kaso traydor ang puso ko at sinasabing hindi ko kaya na magkaroon ng distance sa aming dalawa..Gustong gusto ko sya wala ng iba pa..

“,Jed …”!”,

Napangiti ako ng bigla syang pumasok sa room ko.Bahagya pa syang nagulat ng makitang marAming tao roon..saglit syang natigilan..kung bakit gustong gusto ng mga mata ko na nakikita syang nabibigla ay ewan ko nalang.. ang cute nya kasi.

Humalukipkip ako.. “,Nasa langit naba ako?anghel kasi tong nakikita ko eh “, pagbibiro ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Mukhang naiinis na naman sya,katulad ng dati palagi syang napipikon kapag nagsasalita ako ng mga nakakakilig sa kanya “,Excuse me noh,buhay kapa at kung patay ka man..im sure hindi ka sa langit mapupunta kundi sa impy—–!!”,natigilan si Ella ng mahalatang nakikinig lang pala sa kanya ang iba ko pang mga bisita

Nakita ko kung paanu sya napakagat sa labi.Sa kabila ng iniinda ko diko mapipigilan di mapahalakhak sa kanya.Sya nga talaga ang Ella na mahal ko..na walang pakialam sa ibang tao basta masabe lang nya yung tunay nyang nararamdaman.. at muli,ang cute nya dahil dun.

Alam kong galit sya sa akin,kasi naman nuong hinatid nya ako dito sa hospital ay tanong sya ng tanong kung bakit daw hindi nga ako lumaban,syempre nagsinungaling na naman ako sa kanya.Di ko sinabi ang dahilan alam kong magui’guilty lang sya kapag sinabi kong ako nga ang dahilan.. Ayuko naman nun..

Ilang sandali pa ay nagpaalam na sina Coach..
may practice pa daw sila..Naiwan kaming dalawa ni Ella sa loob ng room habang si Mama ay nakabantay sa labas!Ayos… Solong solo ko na sya ngayon..

“,Late kana dumating “kunwari ay nagtatampo ako sa kanya. .

Inilalapag nya sa mesa ang mga dalang prutas,mukha na tuloy prutasan ang room ko..
Sa totoo lang hindi naman na nya kaylangang mag abala kasi sya lang sapat na..

“Sorry hah.. busy po kasi ako sa school “, sarkastikong sabi nya..mukhang may period na naman masungit eh..

Uupo sana sya sa upuang malapit sa akin pero hinatak ko ang kamay nya at napasubsob sya s kama..Natawa ako sa itsura nya!

“,Ano ba!gusto mo ba ulit masaktan?ako na mismo gugulpi sayo ! “,Naiinis na sya..

“,Dito ka sa tabi ko umupo.. “,sabi ko,binigay ko sa kanya ang pinakamatamis na ngiti ko para siguradong hindi na naman nya matanggihan.
Mukhang epektibo naman dahil naiiling na nuopo nalang sya duon..Ay sabi ko na walang kahit na sino ang pwedeng tumanggi sa karisma ko.. maging sya ..

“,Makakalabas na ako bukas ..”, excited kong sabi “,ituloy na natin yung date natin –awww!!”,bigla nyang hinampas ang balikat ko..nagbibiro lang naman ako eh..

“, Ayuko ng sumama sayo noh,baka mapahamak na ko sa susunod duwag ka naman pala..”,..

Napahalakhak akong muli “,sabi ko na sayo pinagbigyan ko na sila eh ..dont worry pag nagdate tayo ulit magdadala na ako ng bodyguards..”,

“,At talagang nakakapagbiro kapa ng ganyan ah,sa kalagayan mong yan ! “,

Lumapit ako sa kanya..”, kaya ko ang sarili ko noh..”,

“,Kaya mo pala kaya naman pala nagpabugbog ka..panu kung mamatay ka??!”,

Natawa akong muli “,patay agad??para bugbog lang eh “,,sinikap kong pakalmahin ang aking anyo ng mahalatang naluluha na naman sya..
Ilang beses ko na syang nakitang umiiyak,karamihan sa dahilan ay ako..at wala akong gustong gawin kundi ang ako mismo ang pumunas nun,kung dati wala akong lakas ng loob gawin yun ngayon ay hindi ko na sasayangin ang pagkakataon..

“,Nag aalala ako sayo alam mo ba yun..”,sinikap nyang wag tumulo ang luha nya subalit huli na..pumatak na iyon..

Hindi nya alam kung gaano ako na’relieved sa sa sinabi nya.Sa ilang taong pagrerebelde ko,bukod kay mama ay wala ng ibang tao na nag alala sa akin ..meron naman sina Bert oo pero.. ngayon lang may isang babaeng na umiyak para sa akin dahil nag aalala sya..Only Ella.. ngayon alam ko na kung bakit ko sya mahal..

Naghalo rin ang emosyon sa aking pakiramdam,gusto ko sanang punasan ang luha nya pero hindi yun ang gusto kong gawin sa kanya ngayon.. gustong gusto ko syang yakapin…

Hinawakan ko ang ulo nya at inilapit yun sa dibdib ko..at hinayaan kung ang damit na suot ko nalang ang magpunas ng mga luhang yun..

God.. ang tagal na panahon ko ng gustong gawin ito sa kanya.. at napakasarap sa pakiramdam.. hindi manlang sya nagreklamo sa ginawa ko sa halip ay nagpa ubaya na lamang sya sa ginawa ko.Ewan ko rin kung naririnig ba nya sa mga oras na to ang pintig ng puso ko,pero wala akong pakialam,ayuko munang maistorbo gusto ko ang posisyon namin ngayon,nakasandal ang ulo nya sa dibdib ko habang hindi sya nagrereklamo.
At dapat ko iyong samantalahin..

Napapikit na lamang ako.,dinamay ang sarap sa pakiramdam na yun.Ganun pala ang feelings kapag yakap mo ang taong mahal mo,masarap kahit wala naman kayong label..

Ah label?oo nga pala wala nga palang kami,pero ang ginagawa namin ngayon ay ang ginagawa lang ng mag syota,at hindi naman ako nagyayabang pero 100 percent sure ako na gusto rin ako ng babaeng to,na pareho lang kami ng nararamdaman.. kaya kahit walang kami ay alam kung may M.U kami.. pero hindi ako papayag na hanggang duon na lamang kami sa pagiging M.U.. gusto ko pang mas lumalim yun,gusto ko syang maging Girlfriend!

“,So.. papayag ka na bang ligawan kita?”,gusto kong murahin ang aking sarili ng sabihin ko yun.bat ko pa kasi yun nasabi??na break na toy yung spell bumalik na sya sa pagiging dragonesa.. tinulak nya ako upang maialis ang ulo sa aking dibdib..ayaw ko pa sanang matapos ang eksenang yun pero estupido talaga ako dahil sa aking sinabe,sana di nalang ako nagsalita..

“,Ayuko nga.. ayukong manligaw ka”,

I cant Believe this girl pakipot pa “,Anong ayaw mo? dapat nga proud ka eh..andami daming nagkakandarapa sa akin para lang pansinin ko tapos ikaw liligawan ko ayaw mo?ang labo mo rin noh ???”,.

“,Kung ganito rin lang kayabang ang manliligaw sa akin ayuko nalang magpaligaw noh ..”,

“,Well atleast may maipagyayabang ako noh”,umarko arko ang kilay ko.. “,ano bang gusto mong paraan ng panliligaw?gusto mo bang haranahin kita?or ipag igib kita ng tubig o kaya naman magsibak ng kahoy??”,

“,Hindi mo kaylangang gawin yun Jed ..!!”,.

“,Bakit??kasi sinasagot mo na ako??”,

“,No ! Kase binabasted na kita !!!!! …

***
MERRY CHRISTMAS !!

MAGkakasabay naming isinigaw nina Mama,Papa at Bryan ang salitang yun kasabay ng pagsindi ni papa sa kwitis! lumipad yun at gumuhit sa langit ang napakagandang anyo nito na tila ba isang magandang bulaklak sa langit .

Sunod sunod din ang pagputok ng ibat ibang klaseng fireworks mula sa aming kapitbahay..
Habang kami ni Bryan ay nakangiti lang na nakatingin sa Langit..

Sa bahay namin nagpasko ang Lola at Lolo ko mga magulang nina Papa at ang dalawa kong pinsan na si Kevi at Carrie.. sila ang mga katulong nina papa sa paghahanda kanina,kami naman ni Bryan ang syempre tega kain hahaha..

Madami kaming handa,onces in a year lang daw kung icelebrate ang napakasayang pagdiriwang na ito kaya naman ay pinaghandaan talaga namin.. busog na busog ang aking mga mata dahil sa pagkain sa lamesa gayunpaman hindi muna ako kumain,nagpapak na ako kanina at medyo full pa ang tummy ko..isa pa may kaylangan pa akong puntahan.. may usapan kami ni Jed na magkikita sa park..

Ang sabi ni Jed...


sa huling pag uusap namin, kaylangang makapunta ako sa Park sa araw ng pasko..kapag hindi ako nagpakita ,iyon na daw ang huling beses na kukulitin nya ako sa panliligaw sa akin!Hinding hindi narin daw sya magpapakita sa akin kahit kelan and he mean it!..sawa na siguro sya sa pagpapakipot ko ..

Ilang gabi ko ring inisip kung pupunta paba ako o hindi na?Pag hindi ako nagpunta nangangahulugang binabasted ko ulit sya at kapag nagpunta naman ako…ay nangangahulugang sinasagot ko na sya ..

At mas pinili ko ang puntahan sya!
Mahal ko si Jed,at wala na akong pakialam pa sa sasabihin ng ibang tao,isa ako sa napakaraming kabataan ngayon na marupok pagdating sa usaping Love!pero atleast diba ang sarap maranasan yun..lalo na kung yun ang aking first Love.. at hindi ko yun kayang palampasin.

Sa dami ng pinagdaanan namin ni Jed,masasabi kong puro ang pagmamahal ko sa kanya,at alam kung maging sya man ay ganundin,napakarami nyang nagawa sa akin na hindi nagawa o hindi kayang gawin ng kahit na sinumang guy.. not even Alex !!

Si Jedrian Santos..isang moody na tao na puro hangin lang ang laman ng utak, basagulero at walang pakialam sa mundo.. proud kong sasabihin na “Mahal na Mahal ko sya!”,

No buts.. no ifs…!!
Anumang kalabasan ng relasyon namin wala akong pagsisisihan..ang gusto ko lang maging official ng kami!!maging official na sya sa akin!!na kahit pa madamay ako sa mga kalokohan nya okay lang nangako naman sya na ipagtanggol nya ako ..alam ko naman yun!
Ako naman nangangakong hindi na magpapaapekto sa kung anumang inihuhusga sA kanya..

Nuong nalaman ko yung dahilan kung bakit sya sinugod at sinapak si Carl dahil pinagtanggol nya si Carl ay humanga na ang puso ko lalo sa kanya..At mas lalo ko pa syang minahal ng malaman kung hindi pala sya ang sumapak kay Alex nalamang ko rin na kundi dahil sa kanya baka mas grabe pa ang natamo ni Alex,nagsisi tuloy ako sa pagjudge sa kanya nuon.. ng mag sorry ako sa kanya dahil sa nalaman ko wala syang ibang sinabi kundi.. “,okay lang yun..tapos na yun ..”,

Si Jed yung klase ng tao na matapang lang sa panlabas na anyo subalit napaka soft naman sa loob.Ayaw nya ng mga taong naapi at kahit mabugbog pa sya okay lang basta naipagtanggol nya ang mga tao sa paligid nya,handa nya iyong ipagtanggol kaya ipinagkakatiwala ko na ng buong puso ko sa kanya kahit bugbog na bugbog na yun sa kilig sa tuwing nakikita ko sya..

My Rebel Love. Sya si Jed ang mahal kung si Jed…

***
“,Maligayang Pasko.. “,

Mula sa kinatatayuan ay napalingon si Jed ng sa wakas makarating na ako sa tagpuan namin..may take out pa akong pagkain para sa kanya..

Nahigit ko ang hininga ng palapit na sya sa akin,ang gwapo na naman nya sa suot nyang jogging pants at black jacket..ang astig!

“,Late ka na naman .. kung nasa school ka lang buong ground ang ipapalinis ko sayo “,sabi nya ng makalapit..nagbiro na naman wala talagang pagbabago.”,Ang usapam natin sabay tayong manunuod ng fireworks pero dahil late ka tira tira na lang tuloy tong makikita natin.. “,

Pansin ko nga.. isa isa nalang ang mga lumilipad na fireworks sa langit..

Madaming tao sa park pero sa kokonting tao lang nya ako dinala, para daw masaya..

Binigay ko na sa kanya yung pagkain at kinuha naman nya agad yun.Umupo kami sa upuang sementado at sabay Tumingin sa langit..

Binigo muna namin ang aming mga mata sa pagtatyaga sa papaubos ng fireworks bago muling nagsalita si Jed..

“,So.. ibig bang sabihin kaya ka nagpunta dito ay kasi??kasi.. “,hindi yata makuha ni Jed ang dila nya, nabulol eh ..

“,Amh..may gusto lang muna akong itanong bago yun*,*,”

“,Ano to?exam?”, reklamo na naman nya.”,Sige pero wag tungkol sa math yung tanong hah!”,

Natawa naman ako dun.. pagkatapos kung tumawa sinikap kung pakalmahin ang aking sarili bago nagsalita.

“,Jed bakit ako ..?bakit mo ako gustong ligawan??”,

Natigilan sya sa sinabi ko,ilang beses gumalaw ang adams apple nya na tila ba pinaghahandaan ang isasagot.. Gusto ko kasing malaman kung bakit ako ang gusto nyang ligawan samantalang napakarami naman dyang iba.. na mas maganda at mas mayaman pa sa akin pero bakit ako??

“,Tanga ka talaga dika nag iisip natural gusto kitang ligawan kasi nga MAHAL KITA..hay nasa mataas na section kapa naman pero ang utak mo parang last section.. “,

Inirapan ko sya sa sinabi nya..dahil may words na pang iinsulto sa sagot nya hindi ko tuloy na feel yung sinabi niyang Mahal nya ako.. pero gayunpaman gusto ko ulit makasiguro!! At kapag nagkamali pa sya ng sagot!babastedin ko na naman sya..

“,So bakit mo nga ako mahal???”,,tanong ko ulit patay sya pag nagkamali sya ng sagot!

Biglang napakamot ng ulo si Jed..parang hindi naman nya alam ang sasabihin.Wait,namumula yata sya.. “,wala.. basta.. basta mahal kita yun lang.. “,

Kinikilig naman ako sa sagot nya kaya lang ay parang kulang..

“,Bakit mo nga ako mahal?”,pangungulit ko.

This time tumitig sya sa akin..seryoso,tagos hanggang buto “, Bakit? kaylangan ba may dahilan para magustuhan kita???”,

Owww.. natouch naman ang puso ko..parang sobra pa yung sagot nya sa ini’expect ko..

Tinitigan ko din sya.. “,Ang ibig kong sabihin..bakit mo ako mahal?andami naman dyang iba?mas maganda,mas matalino..at galing sa mayamang pamilya,so bakit akoo??”,

“,Dahil ikaw si Daniella.. “,

Ang puso kong naka seatbelt ay nahulog sa sahig dahil na naman sa sagot nya,bakit feeling ko pumi’pick up lines lang sya?diko na tuloy alam uunahin kpng pakiramdam..kung kikiligin o mata’touch??

“, Dahil ikaw si Daniella..walang dahilan at kahit wala man sayo ang lahat.. para sa akin.. ikaw lang sapat na !!!”,

Then.. yung ineexpect kong sagot nya upang tuluyan ko na rin syang sagutin ay sa wakas narinig ko na rin..

Biglang nagtama ang mga mata naming dalawa..hindi yun ang unang beses na magkatitigan kami,maraming beses na pero itong titig na to ngayon ang pinaka sincere..
Na kahit walang gustong magsalita sa aming dalawa.. alam na namin ang ibig sabihin ng mga tingin na yun..

Hanggang sa,may dinukot si Jed sa bulsa ng kanyang jacket.. Isang may kalakihang kahon.

Oh my G magpo’propose si Jed sa akin?pero teka di ko pa sya sinasagot ah..

Dahan dahang binuksan ni Jed yun sa harap ko at pagbukas nya nun tumambad sa paningin ko ang dalawang relo.. ah Couple watch akala ko pa naman diamond ring asyumera talaga ako kahit kelan!!

“,Daniella.. Ang oras ay isang mahalagang elemento sa mundo,bumibilis kapag masaya ka at bumabagal naman kapag malungkot ka.Parang ikaw.. napakahalaga mo sa akin.. bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandyan ka at gusto ko yung pabagalin kapag kasama ka..”,

Sinasabi yun ni Jed habang sinusuot nya sa kamay ko yung watch.

“,Handa ka na bang ipagkatiwala ang oras mo sa akin???”,

Oh my God this is it pansit!!

“, Daniella.. can you be my Girlfriend????”,

Oo naman Yes the Best !!!!¡!

Bago ako sumagot ng oo ay ngumiti muna ako!”,Oo naman .. “,

Pagkatapos ay nakita ko ang liwanag sa mga mata nya..mas maliwanag pa sa pa fireworks ni Mayor…

Bigla syang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at sumigaw ng “Yessss!!!kami na ni Ella !!!!!!!!!!”,

Bigla akong naalarma sa sigaw nya,..pero nawala na yun ng biglang humarap sya sa akin at hinatak nya palapit dito..niyakap nya ako mg mahigpit!

Ang sarap sa pakiramdam …

“,So tayo na??””,sabi nya maya maya.

“,Amh sa tingin ko naman ay oo “,napangisi ako..

Hinawakan nya yung kamay ko..
“,Kung ganuon.. dapat magkaroon tayo ng tawagan alam mo na,term of endearment kaya”,

“,Diba ang corny naman nun??”,

Lumabi sya..walang corny corny sa akin..”,amh,pwede bang PAKO nalang ang itawag ko sayo ???”,

Bigla akong natawa na ikinasimangimot nya”,
bakit mukha ba akong construction worker at pako itatawag mo sa akin??”,kunwari umirap ako..

“,Shunga ka talaga,dimo ba alam na ang ibig sabihin ng PAKO ay PANGARAP KO…?”,

OH MY GOD,yun pala ang meaning nun..kilig to the bones na naman ako ulit.

“,Kasi nga matagal na kitang pangarap kaya PAKO nalang ang itatawag ko sayo..okay?Pako???”,

Kahit parang ang cheesy naman ng tawagan namin ay pumayag narin ako,ayuko na syang awayin baka mag break kami hahaha..

Nakaisip din ako ng itatawag sa kanya,syempre pa kelangan korin pakiligin si Jed..

“,Kung ganuon ang itatawag ko naman sayo ay BUKO???”,

Sya naman ang umarko ang kilay “,Buko?bakit buko?kasi puro tubig ang laman ng utak ko??!

Napahalakhak ako sa sinabi nya.. “,Of course not..ang ibig sabihin ng BUKO ay.. BUHAY KO!”,

Muntik ng nahulog sa kinauupuan si Jed dahil sa sinabi ko..kahit ang korny namin tingnan,ang saya naman..at kung alam ko lang na ganuon pala kasaya na makasama sya palagi sana pala.. nuon ko pa sya hinayaan na mapalapit sa akin.. sayang tuloy ang mga araw,pero ano bang inaalala ko?sa akin na sya ngayon.. wala ng iba pa .m


18 Comments

  1. MAMATay po ba si Jed sa book2 kasi pansin ko yung Prologue sa umpisa kapag ganun ayaw ko na magbasa hahahahaa feel ko mamatay sya or its a prank po kaya haha

  2. fb accnt nyo nga po naintriga po ako sa itsura mo or wattpad mo nlng po alam ko meron po kasi ang galing po ng pag deliver nyo ng kwento mas feel na feel yung emotion po

  3. sobrang ganda looking 4warsd for the book two cant wait godbless po miss writer pang wattpad ang mga story mo feeling ko sikat ka at maganda pwede hingin fb accnt m po?thanks

  4. Pasensya na minadali ko ang pagsusulat may biglaan akong lakad ahe ..dont worryy Book 2 pa naman to,hindi pa kasi tapos ang pagpapakilig ni Buko at Pako eh.. hahaha… abangan nyo nlang kase sa mga oras na to nasa byahe ako papuntang Manila at gusto ko muna matulog .. Muah !!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.