10

Secret admirer


Report

Secret admirer 1
Unang araw sa school, at bagong school. Hi ako nga pala si cristine. Tine for short. Napaka saya ko ngayong araw na’to dahil makikita ko na yung mga kaibigan ko. Kasi ilang months din kaming di nag-kita dahil sa pandemic. Ngayon magkikita na talaga kami. Pagpasok ko palang sa school may nakabangga ako na lalaki. Yung tipong walang emosyon. Lumakad lang. Hindi ko na nakita yung mukha kasi kinukuha ko yung mga gamit ko sa sahig. Naiinis talaga ako kasi hindi manlang ako tinulungan. Nakakainis talaga! “Oy tine ginagawa mo diyan” tanong ng kaibigan ko. “May nakabangga kasi sakin e” galit kong sabi. “Sino?” Tanong ng kaibigan. “Wala hindi ko nakita yung muka” sabi ko nmn. Pagkatapos nun. Parehas na kaming pumasok sa room namin. Buti nalang dumating siya dahil hindi ko pa alam kung saan room ko. At makalipas ang ilang minuto. Nag introduce your self na kami isa-isa. Ang saya kasi puro tawanan kami kasi yung iba nagkakahiyaan pa. Hanggang hindi namin namamalayan na nag bell na. “My God recess na agad” ang sabi ko. “Tara na tine” nagmamadaling sabi. “Wait lang, inaayos ko lang yung mga gamit ko” ani ko agad. Pagkatapos nun. Sabay kaming nag recess dalawa. Ng biglang may kumalabit saaking lalaki. “Miss para sayu. May nag papabigay” sabay alis. “Huy wait lang” sigaw kong sabi. “Kanino yan” tanong ng kaibigan ko. (WAIT! NAKALIMUTAN KONG PAKILALA SAINYO ANG KAIBIGAN KO. SIYA SI ALEXA. SOBRANG GANDA, MATALINO, AT SOBRANG BAIT.) “Kanino kaya to’?” Tanong ko sa sarili ko. Pero diko talaga alam kung kanino galing yung pagkain na yun. Sabi ko pa sa sarili ko. Sinong tangang magbibigay sakin ng pagkain? “Oy may nakasulat” sabi ni alexa. “Huh saan?” Agad kong hinanap kong saan. Nang makita ko yung sulat. Nagulat ako dahil ang sabi sa sulat “SORRY” omg baka yung nakabangga ko kanina. Hala sayang diko nakita yung muka pano ko makikilala yun. “Umalis nga kayo sa daanan!” Sigang sabi ni axel.
( SI AXEL ANG PINAKA MAYABANG, PINAKA SIKAT DAHIL NAGBABASKET BALL SIYA. HALOS LAHAT NG BABAE KILALA SIYA. MASAKIT MAN’ SABIHIN MAY ITSURA SIYA PO SIYA. HAYST OO NA GWAPO SIYA. PERO MAHANGIN TO’ KALA MO KUNG SINO!).
“Omg si axel” sigaw ng mga babae. “Mga bungol ba kayo?!!!” Sigaw na sabi ni axel. “Ang yabang mo nmng hayop ka!” Galit kong sabi. “Tama na yan tine. Wag mo ng patulan” sagot ni alexa. “Tama yang kaibigan mong maganda. Ikaw kasi panget na nga masungit pa!” Payabang na sabi. ( WAIT LANG F.Y.I LANG PO DIPO AKO PANGET SADYANG MAYABANG LANG YAN. MAGANDA DIN NMM PO AKO. KASO MAS MAGANDA SI ALEXA. PERO MAGANDA DIN NMN AKO GUYS). “Wait lang tine wag mo ng patulan. Ako nalang papatol. HOY! Kala mo kung sino kang hayop ka!” Sigaw ni alexa. ” kala ko ba wag patulan alexa” bulong kong sabi. “Nanggigil ako e. Panget ka daw!” Gigil na sabi. “Sige sigaw mo pa yung panget be. Tara na nga!” Sabay alis. Hayst nakakagigil talaga yung lalaking yun. Nakakairita. Nakakabanas. Alam nyo kinikilig na ako e tapos biglang sumingit yang hayop na yan. Pagkatapos ng pangyayaring yun. Bigla namin narinig yung bell kaya agad agad kaming pumasok sa room namin. So yun na nga. Nalate kami. Kaya di kami pinapasok. Hay nakoo! Ng dahil sa lalaking yun. Di sana kami malalate. So ayun tunganga kami sa hagdan ni alexa. Tapos nagulat ako ng may nag abot sakin ng papel. “Para sayu, abot ko daw sayu. Basahin mo” sabay takbo ung lalaki. Jusko ano nanamn to’ binukasan ko yung papel at may nakasulat. “Diko mabasa” ani ko. “Alangan nakabaliktad. Wait nga lang ayusin ko. Oh! Ayan na”...


tawang sabi. “Ay kaya pala” sabi ko nmn. Nung nabasa ko yung sulat. Kinilig ako kasi ang sabi sa sulat “SANA OK KALANG. KYUT MO PAG NAGAGALIT HEHEHE” OMG nakita nya ako sa canteen, bat diko siya nakita. Anubayan nakakahiya, di manlang ako nag pulbo. Ano ba yan. Nakakahiya talaga. Sana gwapo siya Hahahha. *BELL* omg nag bell na next subject na. Agad kaming pumasok sa room at nag sorry sa teacher namin. At ang sabi niya nmn wag nalang daw namin ulitin. Hayst buti nalang mabait yung titser namin. Nag usap kami ni alexa tungkol dun sa “secret adimrer ko”. Ganda ka ghorl Hahahaha may pa secret admirer. Nagtataka ako kung bakit diko siya nakita. Tapos nakita nya namn ako. My ghad lilinawan ko na talaga yung mata ko para makita ko siya.
Makalipas ang ilang oras. Pauwi na ako. Diko kasabay si alexa kasi sinundo siya ng papa niya kaya ako lang magisa umuwe. Nang nagulat ako nung may tumawag sakin. “Hoy panget!” Sigaw na sabi ni axel. Hay nako bigla akong nabad trip. Uuwe na nga akong mag isa may asongot pang dumating. “Oh! Bakit mag isa ka lang uuwe” tanong niya sakin. “Wala kang paki” taray kong sabi. “Sungit nmn nitong panget na to’ Hahaha” birong sabi. “Hoy di ako nakikipag biruan sayo ha!” Galet kong sabi. “Ha? Hakdog!” Pilosopong sabi. Hay nakooooooo nang gigil na talaga ako nyang that time. Pinipigilan ko lang kasi nasa kalasada kami e. Kung ako lang dimonyo tinulak ko na yan sa dumadaang truck. Nako talaga ayaw pa niyang tumigil. Ang ginawa ko nalang sumakay nalang ako ng jeep. Kahit jan lang yung bahay ko. Para tumahimik na yung hayop na yun. Hayst. “Hoy san ka pupunta?” Tanong niyang sabi. “Alangan uuwe tanga lang” gigil na sabi.
“Sige ingat ka. Bye panget HAHAHAHAHAHA”. Hay nako nakakairita talaga. Nabwibwiset na ako talaga jan kay axel e. Bawat araw wala siyang ginawa kundi batukan ako. Sabihan ako ng panget nakaka gag* lang. Diko alam kung magaaral pa ako. Jusko dahil sa pilosopong lalaking yan. Pero alam nyo guys sa araw araw na pambwibwiset sakin ni axel.
Ang nagpapasaya sakin yung secret admirer ko. Kasi tuwing mag rerecess pinapadalhan nya ako ng pagkain. Tapos may nakalagay pang eatwell. Hay nako sulit lahat Hahahah chour. Isang araw. May sinabi saakin si axel. “Sana ol may secret admirer” sabi niya. “Pano mo nalaman na may secret admirer ako?” Nagulat ako nung sinabi niya na. ” kilala ko yung nag papadala sayu ay hindi pala yung nag bibigay lang hindi yung secret admirer ha” seryosong sagot. Alam nyo ito ang pinaka magandang dulot ni axel sa buhay ko. “Oh kilala mo. Yes! Kung ganun bigay mo sa kaniya to’ wag mong bubuksan ha!” Sabi ko. “Ah sige. Bakit ano ba to’?” Tanong niya. “Basta abot mo nalang” ani ko. Actually ang nakalagay sa sulat ay. “MAGKITA TAYO SA COURT NG UWIAN” “osige bigay ko na to’, kaw ha. May nagkakagusto pala sayu HAHAHA” asar na sabi. “TSE! Basta bigay mo na yan. Now na. Bilis!” Excited na ako para mamaya.
*MAKALIPAS ANG ILANG ORAS*
So ito na nga magkikita na kami. Hayst kinakabahan ako. Alam nyo nagpaganda pa ako neto. Nag pulbo ako nag makeup ako nag lipstick ako. Naghanda na ako ngayon. Para pag nakita nya ako. Maganda namn ang lola nyo HAHAHHA. CHAROT masyadong maharot. Makalipas ang ilang minuto. Di pa din siya na dating. Ang tagal ko na sa court. Inisip ko baka di na siya dumating kasi baka niloloko lang ako ni axel. Hanggang sa nawalan nalang ako ng pag asa. Malungkot ako habang naglalakad. Ng may nag salita na. “Sorry late ako”.


10 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.