0

THE STORY OF US CHAPTER 6


Report

“Surprise baby!”
“What are you doing here?” nagugulat na tanong nya kay Burn. Nang tingnan nya ito ay nakasuot ito ng uniform nila.
“Of course! Im here to study and be with you!” nakangising sagot nito sa kanya. Napapalingon ang mga estudyante dito. Sino bang hindi mapapalingon sa gwapong nilalang na nasa harap nya. Gwapo si Burn. Matangkad ito na kelangan nya pa tingilain dahil hanggang balikat lang sya. kaya kitang kita nya kung gano katangos ang ilong nito.
“What? You’re just gonna stare at me? I know im gwapo baby. Stop staring im melting.” maangas na sabi nito. Natawa sya sa pagka conyo nito.
“Tara na nga. San ba section mo?” natatawang yaya nya dito papasok ng building nila. Wala silang masyadong klase ngayon kasi bukas na ang Foundation day. Kaya more on preparations na lang sila.
“Of course kung nasan ka doon din ako!”
“Section 2 ka?”
“Yup!Kinulit ko pa ang principal kahapon ilagay nya lang ako sa Section 2! Section 1 dapat ako pero ayaw ko dun. Wala ka naman dun!” parang bata na reklamo nito.
Natawa naman sya dito.
“Morning Nana!” bati sakanya ni Jax nasalubong nila ito sa hagdan pababa ito.
“Morning Babs! San punta mo?” tanong nya dito.
“Sa booth namin tutulong ako sa preparations. Dito ka na mag aaral bro?”, biglang baling nito sa katabi nyang si Burn.
” Yap! kung san si Lyna ay doon ako!” maangas na sagot nito.Nakita naman nya napataas ang isang kilay ni Jax.
“Ah Babs. Akyat muna kami sa room hah. Papakilala ko lang sya sa mga classmate namin.”
“Classmate din kayo?” nagtaka ito.
“Yap! dito muna kami hah.” paalam nya dito tatalikod na dapat sya pero parang narinig nya pang may sinabi si Jax.
“Gusto ko na din magpalipat sa Section 2” ang hina ng boses nito kaya di nya masyadong narinig.
“Ano yun Babs?” sabi nya dito.
“Wala wala. Sige na akyat na kayo.” pagtaboy nito at tuluyan na umalis.
“Anyare dun?” nagtataka nyang tanong kay Burn. Nakita nyang naka smirk ito.
“Let’s go.” aya nito.
Pagdating sa classroom ay pinakilala nya si Burn sa mga classmates nila. Kitang kita ang paghanga sa mga mata ng babaeng classmates nila. Pinaupo nya ito sa isang bakanteng upuan. Nagpumilit ito na sa tabi na lang nya. Pero di sya pumayag kasi hiwalay ang boys at girls sa seating arrangement nila.
“Oh jan kana muna hah. Bababa muna ako.” paalam nya nung ok na ito sa seat nito.
“Why? Where are you going?” tanong nito.
“Sa booth. tutulong ako sa preparations. Bukas na kasi start ng foundation day. Timing ang pagtransfer mo.”
“I’ll go with you. I want to help.” alok nito.
“Ok tara na baba tayo.”
Sinama nya ito sa baba sa school grounds kung saan ang set up ng mga booths. Bukas na lang nya ito ililibot sa buong school pag wala na syang masyadong gagawin.
Tumulong sila sa mga props na gagawin para sa booth. Kasalukuyan sila nagpipintura dalawa ni Burn habang nagkkwentuhan at nagtatawanan ng bigla may naglapag ng bottled water sa tabi nya. Paglingon nya nakita nya si Jax. Napangiti sya dito.
“Hi Babs!Tapos na kayo?” tanong nya dito.
“Hindi pa naka break lang kami.” sagot nito habang binubuksan ang tubig at inabot sa kanya.
“Thank you! Kumain ka na?” tanong nya dito.
“Hindi pa kakain pa lang ako dinaanan muna kita kasi baka uhaw ka na.”
” Oh sweet ng bestfriend ko!” kinurot pa nya ang pisngi nito.
“Kumain ka na. Hindi kita masasabayan. Nag aya kasi si May. Di ko na natanggihan.” paalam nito.
” Wow talaga!? Ano pang ginagawa mo dito? Dapat di mo na ko pinuntahan. Dali! baka mainip yung date mo! ” masayang taboy nya dito. Masaya sya kasi nagkaron ng time si May sa bestfriend nya. Wala naman itong nagawa at tumayo na at nagpaalam sa kanila.Kinawayan na lang nya ito.
“Who’s May?” nagulat sya ng magsalita si Burn sa tabi nya. Nalimutan nyang kasama nya to heheh.
” Si May yung nililigawan ni Jax. Mamaya ituturo ko sayo.” nakangiti nyang sagot dito.
“Really? may nililigawan syang iba at hindi ikaw?” paninigurado nito.
“Oo! Anu kaba. Magbestfriend lang talaga kami. May kanya kanya kaming gusto ni Jax.” napangiti ito sa sagot nya.
“So who’s the one you like?” tanong nito.
” Secret! Im not gonna tell you!” nagbelat pa sya dito para asarin ito.
” Huh!Malalaman ko din naman yan.” maangas na sagot nito.
” Tara na nga. Kaen na tayo nagugutom na ako.” aya niya dito sa canteen.
Tumayo na sila at naglakad papunta ng canteen. Nakasabay nila si Mira.
“Mira! Sabay ka na sa amin.” aya nya dito. Nakita nyang napatitig ito sa kasama nya. Napangisi sya.
“By the way. Mira this is Burn. Burn Si Mira kaibigan ko.” pakilala nya sa mga ito.
“Hi! Nice to meet you!” naglahad pa ng...


kamay si Burn sa harap ni Mira. Natawa sya ng makitang namumula ang kaibigan nya.
“Hi” nahihiya pa itong abutin ang kamay ni Burn. Natawa sya. Kinalawit nya ang kamay sa braso nito at niyaya na ito papasok ng canteen.
“Burn libre mo naman kami ni Mira.” pang uuto nya dito.
“Sure! What do you want girls?” sang ayon agad nito.
” Kahit ano. Di kami maarte ni Mira sa food. Right Mira?” nakangising tanong nya sa babae.
“Huh? ah oo.” natatarantang sagot nito.
“Ok. Ako na bahala. Just find us vacant table. I’ll just order guys.” paalam nito at dumiretso na sa counter.
“Maygash Girl! Ang gwapo! Ano mo yun??” parang maiihi sa kilig na bulong sa kanya ni Mira pagtalikod ni Burn.
Natawa sya.” Haha childhood friend ko yun.Kakabalik lang galing sa America at kakatransfer lang dito.” paliwag nya dito.
“Hi Lyna! Hi Myloves!” nakita nya si Tony na kumakaway sa kanila sa isang mejo may kalakihang mesa. Sinesenyasan sila na doon na lang maupo.
“Maygad. Anjan na naman sya di ba titigil tong tukmol na to kakakulit saken.” reklamo ni Mira ng makita si Tony.
“Hi Tony! Pwede makishare ng table?” bati nya dito.
“Of course! Para sa myloves ko payag agad ako!” masayang sagot nito. Nakita naman nya ang pag ikot ng mata ni Mira. Natawa sya.
“Burn! Here!” tawag nya dito ng makitang hinahanap sila. may hawak itong tray na madaming pagkain.
Nilapag nito ang mga tray paglapit.
“Wow ang damiiii..” nagningning ang mata nya sa nakita. Ang daming nakahain. May rice, apat na ulam at may dessert pa na cake. Naglaway sya sa nakita.
“Haha di ko kasi alam kung ano gusto nyo kaya kinuha ko na lang kung ano mukang masarap” napapakamot sa batok na sagot ni Burn.
” Ok lang! Kayang kaya natin maubos to haha.” sagot nya dito.
“Same old Lyna.Malakas ka pa din kumain.” nangingiti na sabi nito.
“Naman!Talent yan hahaha.”
“Ahem!” natigil naman sya sa pagtikhim ni Tony. Ay nakalimutan nya pakilala ito.
” Ay sorry. Burn this is Tony. Tony this is Burn.” pakilala nya sa mga ito.
” Tara lets eat!” yaya nito ni Burn after nila mag shake hands ni Tony.
“Yes tara na!” masayang sagot nya.
Maguumpisa na silang kumain ng bigla magsalita si Tony.
“Jax! Here!” kumakaway pa ito sa kakapasok lang na si Jax at May sa canteen.
“Ano ka ba Tony! Nagdadate sila! Dapat di mona tinawag para masolo naman ni Babs si May.” suway nya dito. Nakita nyang kinausap ni Jax si May. Siguro tinanong kung ok lang na dito sila maupo. Nakita naman nya ang mahinang pagtango ng babae.
“Hayaan mo na Lyna. Mas sasaya pa nga yan si Jax pag dito sya umupo.” makahulugang sagot nito na pinagtaka nya. Di nya nagets.
“Tara join us guys!” yaya naman ni Burn sa mga ito ng makalapit. Nginitian lang nya si Jax ng makita nyang nakangiti na ito sa kanya.
” I’ll get us food.” paalam nito kay May. sabay punta sa counter pagka paupo kay May sa tabi nya. Bali napapagitnaan na sya ni May at Mira. Sa harap nya si Burn sa tabi nito si Tony na kaharap si Mira. At ang makakaharap ni May ay si Jax.
“Hi May! Meet Burn my friend.Burn this is May.” pakilala nya sa dalawa.
“Hi.” nakita nyang nahihiya si May at nagbblush sa harap ni Burn.
No. No. Di sya pwedeng magkagusto kay Burn! Pano na ang bestfriend ko!
Nagulat sya ng may maglapag ng lemon juice sa harap nya. Pagtingala nya si Jax na may dalang pagkain nila ni May.
“Thank you Babs!” alam nitong favorite nya ang lemon juice lalo na after kumain ng heavy meal.
Nagumpisa na silang kumain.
Nagkkwentuhan ang mga kasama nya sa table at kadalasan si Burn ang tinatanong ng mga ito. Samantalang siya walang pakialam. Basta kain lang sya ng kain ng mga masasarap na pagkain na nasa harap nya. Busy sya sa sariling mundo nya kasama ang mga pagkaen.
“Nana”
“Baby”
Sabay na tawag sa kanya ni Jax at Burn.
“Baby?” narinig nyang bulong ni Mira sa tabi nya. Nakita naman nya napataas ang kilay ni May.
“Why?” inosenteng tanong nya sa dalawang lalaki sa harap nya.
Naunang kumilos si Jax inabot ang pisngi nya at pinunasan ng tissue.
“Tsk. Para ka talagang bata kumaen.” sermon nito habang pinupunasan sya.
“Ay hehe.Sorry Babs. Ang sarap kasi ng food.” nag peace sign pa sya habang nginingitian ang mga kasama sa mesa..
“Kaen lang kayo guys. Dont mind me. ” aya nya sa mga ito. At nagbalik ang focus nya sa pagkaen sa harap nya.
Narinig pa nya ang pagtikhim ni Burn pero di na nya pinansin ang mga to. Narinig din nya ang pagtawa ni Jax pero wala na ulit sya pakialam.
‘Hmmmm. anu sunod ko kakainin?’ tanong nya sa isip.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.