0

MY AMNESIA WIFE CHAPTER 3


Report

🥀CHAPTER 3:Little White Lies 🥀
Maagang gumising si Alliyah para ipagluto ang anak niya at ang p*ste niyang asawa. Hindi niya kailanman makakalimutan ang ginawa nitong panloloko sa kanya kasama ang best friend niyang si Carla. Well dati yon dahil simula ngayon hindi niya na ito kaibigan!Pinagtaksilan siya ng mga ito!
“Good morning po Ma’am Alliyah” bati sa kanya ni Zayra ng bumaba siya para magluto na sa kusina nila. Sa lahat ng katulong sa mansyon ito ang pinakaclose niya.
Tatlo lang naman ang katulong dahil dati siya ang mandalas na gumagawa ng mga gawaing bahay. Thats why the call her a perfect wife or all package na daw.
“Magandang ka pa sa umaga”bati niya naman dito sabay ngiti.Yun kasi ang natural na siya. She’s been always nice to other people kahit dun sa hindi niya kilala.
” Siyempre Ma’am mas maganda kayo sakin at di hamak na mas maganda kayo sa mal*nding Carla na yon.
Napangiti na lang siya sa sinabi nito. Siyempre maganda talaga siya! Kaya nga nahulog sa kanya ang bw*set niyang asawa. Bahay talaga ang pangalan nitong Marco short for manloloko!
“Ayiee ikaw po magluluto. Alam na this. The best yan. Pwede na nga kayong chef ehh.” sabi pa nito sa kanya ng may ngiti sa labi.
Namiss niya na rin ang pagluluto. Lalo na sa kung para sa anak niya ,at sa manloloko niyang asawa!She always been a perfect wife pero nagawa pa rin siya nitong lokohin!
” Zay lagi bang pumupunta dito si Carla noong wala pa ko?” tanong niya dito habang hinahalo ang niluluto.Hindi agad ito makasagot.
Para sa kanya si Zayra ay hindi lang nila kasambahay itinuturing niya na rin itong matalik na kaibigan. Hindi nito magagawa ng magsinungaling sa kanya.
” Madalas po kaya nga laging umiiyak si Charlene. Minamalditan kasi ng lok*ret na babaeng yon. Palibhasa alam na wala kayo.”
Nagpanting ang tenga niya sa kanyang narinig. Anong karapatan ng Carla ng yon na paiyakin ang anak niya? Ang sarap sabunutan!
“Si Marco anong ginagawa niya? Ipinagtatanggol ba naman niya ang anak namin?” kuryoso niyang tanong. Iniisip niya pa lang na wala itong ginagawa habang ginaganon ang anak nila ay kumukulo na ang dugo niya.
“Pinapalayas po ang mal*nding babaeng yon kaso balik ng balik. Sobrang k*pal ng mukha. Sarap bigyan ng mag-asawa ng sampal” natawa naman siya sa sinabi nito.
Kapag siya yon hindi lang mag-asawa ng sampal ang ibibigay niya may kasama pang kab*t. Anong karapatan ng babaeng yon na tumuntong sa pamamahay nila?
“Sige paayos na lang ng mesa. Gigisingin ko pa si Charlene. Namiss ko na rin ang anak ko.” Tumango na lamang kapagkuwan ay ngumiti sa kanya at sinunod ang kanyang inuutos.
Ng makabalik siya sa kwarto ng anak. Katabi niya kasi itong natulog kagabi. Marahan niya itong ginising. Minsan kasi ay umiiyak ito.
” Baby gising ka na. Nagluto si Mommy para sayo.” malambing niyang sabi. Kaya agad itong napabangon at niyakap siya.
“Mommy hindi ka umalis. Hindi mo ulit ako iniwan. I love you Mommy.” puno ng pagmamahal nitong sabi habang yakap siya. “I love you more Charlene baby ko.”
“Si daddy hindi mo na ba siya love?” Hindi niya alam ang isasagot sa anak. Lahat ng pagmamahal niya ata sa ama nito ay napalitan na ng galit.
“Tara baba na tayo. Mamaya papasyal tayo sa Mall.” Kaya tuwang tuwa ito at nagtatalon sa kama.
“Yehey! I will have a bond with you again! Namiss ko ng magshopping kasama ka, mommy” Napangiti na lamang siya. She will do everything that can make her daughter happy.
Bumaba na silang mag-ina. Naabutan niya don ang asawa at mukhang hinihintay na sila. Nakaayos na rin ang mesa. “Goodmorning daddy.” bati ng anak niya dito.
“Yaya sinong nagluto?” tanong nito kay Zayra nakatingin naman sa kanya. Sinenyas niya dito na magsabi ng totoo. “Si Ma’am Alliyah po.” magalang nitong sagot.
“Wow afritada my favorite! Yehey si Yaya kasi hindi marunong magluto nito ehh.” sabi pa ng anak niya sabay tawa.
“Pritong egg at hotdog lang ang alam ni yaya.” sabi naman ni Zayra kaya napatawa na lang din siya. Umupo siya sa tabi ng anak.
“Hon, pupunta tayo sa Doctor bukas.” saad ng p*ste niyang asawa habang kumakain sila. Hindi siya t*nga para hindi maintindihan ang sinasabi nito.
“Huh?bakit wala naman akong sakit?” Nagtataka niyang sabi. Pero sa totoo lang ay gusto niya itong irapan. “So we can kailan babalik ang mga ala ala mo.” sagot nito.
Magsasalita pa sana siya pero biglang may dumating. At kilala niya ito. Si Mike Del Mundo ang kapatid ng asawa niya. At ka close niya ito.
“Holy mother of God! Alliyah is that you? Kailan ka pa nakabalik? Namiss kita sister in law.” tuwang tuwa nitong ani habang nakatingin sa kanya.
“Shut up Mike! And what the h*ll are you doing here?” mukhang Inis na sabi ng asawa niya sa kapatid. “Siyempre bumibisita at nabigla ako dahil nakabalik na pala si Alliyah.”
“Mommy do you know him?” Pagtatanong ni Charlene sa kanya. Mukhang sinusuportahan talaga siya ng anak sa kanyang pagpapanggap. “Hindi ehh.” sagot niya dito.
“Alliyah wag kang magbiro ng ganyan. I’m Mike ang pinakagwapo mong brother in law.”Siyempre natatandaan niya ito. Dahil naging napakabuti nito sa...


kanya.
Dalawang taon lang rin ang tanda niya dito. Minsan nga naisip niya Paano kung ito na lang ang minahal niya at hindi si Marco!
“My mommy has an amnesia Tito Mike pati nga po kami hindi niya marember ehh. So are you.” kunyari ay malungkot na sabi ng anak niya.
Manang mana sa kanya sa pag-arte! Ang bongga. “Yan na pala ang bagong joke ngayon. Nice one di niyo ko madadali diyan.”Hindi pa rin ito naniniwala.
“Si Carla natatandaan mo? Yung best friend mo yung sinabi ko sayo na gusto ko? Tanda mo?” pagtatanong nito sa kanya. Siyempre hindi niya yon makakalimutan.
Close sila ni Mike kaya marami itong nasasabi sa kanya. Oo nga at gusto nito si Carla pero ang gusto ni Carla ay ang asawa niya. Mukhang wala itong alam.
” Just go Mike wala ka naman gagawin dito. Get the h*ll out of my house!” Inis na sabi nito sa kapatid. Napakasama talaga ng ugali.
“Wala akong ginagawang masama kuya. I just want to see Charlene at tutal nandito naman si Alliyah magbobonding lang kami.” May dating nitong sabi.
Papatulan pa sana ng asawa niya ang kapatid pero biglang may tumawag dito at mukhang kailangan na ito sa kompanya kaya kailangan ng umalis.
Tinapos muna nito ang pagkain Humalik muna ito sa pisngi niya kapagkuwan ay umalis na. Siya na ang nagligpit ng pinagkainan nila.
Umakyat muna ang anak niya sa kwarto. Kaya naiwan sila ni Mike sa kusina. “Alliyah.” pagtawag nito sa pangalan niya. “Mike wala na kong amnesia.” diretsahan niyang sabi dito.
“So your just playing with kuya Marco?” takang tanong nito. Agaran naman siyang tumango.
“You know it right yung sa kanila ni Carla?” tanong nito na nagpabigla sa kanya. Akala niya ay wala itong kaalam alam.
“Ofcourse I know it. Na niloloko ka nila noon. Nalaman ko pero di ko sinabi sayo dahil alam kong masasaktan ka.” paliwanag nito sa kanya.
Hindi niya alam pero muli na namang tumulo ang mga luha mula sa mata niya.
“Bakit di mo sinabi sakin? Gusto mo si Carla diba? Bat mo hinayaan?” garalgal na ang boses niya.
“Dahil alam ko kung gaano mo kamahal si kuya at kung sasabihin ko sayo di mo ko paniniwalaan. They are your husband and your best friend.” Sabi nito habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
“Pero nahuli ko sila at sa kwarto pa talaga namin. Ang sakit Mike!Bakit nila ginawa sakin yon? Ganon na ba ko kawalang kwenta?” umiiyak na siya kaya niyakap siya nito.
“Don’t say that youre the best woman that I have ever met. Kung hindi ka nga lang asawa ng kuya ko. Niligawan na kita.” sabi nito habang yakap siya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap nito.”Nice joke! Napatawa mo ko.” Kunyari ay natatawa niyang sabi dito. “Im serious Alliyah matagal na kitang gusto pero hindi pwede dahil asawa ka na ng kuya ko.”
“Pero malapit ng maging hindi. Paglalaruan ko lang siya at pagkatapos noon makikipaghiwalay na ko. Sobrang sakit ng ginawa nila sakin ni Carla. Akala niya ba nakalimutan ko na yon.” May halong hinanakit niyang sabi.
“What will you do?” pagtatanong nito sa kanya. As always laging inaalala ni Mike ang kapakanan niya. Sana nga lang ay ito na lang ang minahal niya.
“I will make him deeply fall in love with me again at kapag alam kong hulog na hulog na siya doon ko siya dudurugin at sasaktan. Magpapanggap lang akong walang maaalala. Kunyari ay maayos pa namin ang lahat at aakto na napatawad ko na siya sa lahat ng nagawa nila ni Carla sa akin noon. But in the end iiwanan ko siya at isasama ko ang anak namin. ”
” What the f*ck are you doing here Carla? “Galit na tanong ni Marco sa babaeng naabutan niya sa kanyang opisina.
” Babe don’t you miss me?Yesterday I go to your house then I saw Alliyah is back pero bakit di niya ko maalala? “ngisi pa nitong sabi.
At mukhang sayang saya pa. Gusto niya itong kaladkarin palabas ng kanyang opisina.Ito ang may kasalanan ng lahat kung bakit walang maaalala ang asawa niya”(Echos yan pareho kaya sila:) ”
“Wala ka na don Carla! Just get the h*ll out of here! And never na nagkaroon ng tayo. This all your dam* fault! Umalis ka na dito baka ano pang magawa ko sayo.” Pinipigilan niya ang sarili na masaktan ito.
“Ohh babe I like that.” mal*ndi nitong pagkakasabi. Tinapos niya na ang lahat sa kanila. Pero ito ay walang ginawa kung di ang humabol ng humabol sa kanya.
“Look at yourself you look like a desperate sl*t b*tch. Kailanman hindi ko ipagpapalit ang asawa mo ng dahil lang sa isang katulad mo! Ibang iba siya sayo.” Wala siyang pake kung masaktan ito sa mga sinasabi niya. Dahil deserve naman nito iyon.
“Kapag bumalik ang mga alaala niya.Iiwanan ka rin niya! She will left you! Hinding hindi ka non mapapatawad. Mark my word, Marco. Babalik ka din sakin. Because that once a friend of mine will never love you again!Hindi ka na mamahalin pa ni Alliyah! ”
A/N:Chapter 3 updated! ❤️Bigay kayo opinyon niyo hehe 👇😉 may naguguluhan ba? 😁Anong masasabi niyo sa mga characters? ☝️🥀Happy talaga ako sa mga comments eh😊


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.