11

The Story of Us * * Book2 * * Part19πŸ˜β€οΈπŸ’•πŸ˜˜


Report

….
Ella’s POV..

“,Here we are.. “,

Sabi ni Drew pagbaba namin ng kotse nya ..ipinarada lamang nya iyon sa tapat ng higanteng gate ng isang makaluma subalit marangyang bahay ..Mula sa ilaw na nakapalibot sa paligid ng bahay ay kita ng mga mata ko ang mga antik na gamit mula sa loob.
Gusto ko sanang busugin ang aking mga mata sa magandang tanawin na aking nakikita subalit tsaka na lamang…hindi iyon ang pakay ko sa mga oras na to..

“,Ella..ikaw ba si Ella ??!”,

Napaunat ako ng tayo ng hindi manlang namin namalayan ni Drew na may isang maganda at mas bata sa amin na nag abalang nagbukas ng gate..
Tumayo ako ng tuwid ng makilala sya,lihim ding namula ang pisngi ko..sya yung kasama nu Jake sa bookstore noon na tinatawag nitong Honey ..at kung di ako nagkakamali ay malamang ito nga si Mandy ..ang nagpakilalang kapatid ni Jake na tumawag sa akin kanina..

“,Ako to si Mandy ..kuya ko si Jake ..”,

Napakagat ako ng labi dahil tama nga ako..
At nagkaroon ako ng guiltyness ng maalalang minsay pinagselosan ko ang dalagitang ito !
Bigla tuloy akong nagngingitngit sa sarili..

Lumapit sa akin si Mandy at binigyan ko pa sya ng matipid na ngiti bago sya feeling close na humalik sa aking pisngi pagkatapos nun ay ginagap nya ang mga kamay ko,ito ang unang beses na may gumawa sa akin nito gayumpaman ay wala akong naramdaman na pagkakailang..siguro kaseee,malapit din ang loob ko sa kanya..

“,Lets go sa taas ba kung ano na ang ginawa ni kuya.. “,,nag aalalang sabi nya.Binalot din ako ng pag aalala sa narinig katapat nun ay ang excitement na makikita ko ulit sya..si Jake !!

Awtomatikong napalingon ako kay Drew na nakasandal parin sa kotse nya with matching halukipkip.. nagtaka ako dahil parang ni hindi manlang yata nakita ni Mandy ang binata at ako lamang ang tanging kinausap..ngunit lahat ng katanungang yun ay nasagot ko ng magsalita si Drew..

Kasalukuyan na akong inaakay ni Mandy ng magsalita ito..

“,Ganyan ba ang tamang pagbati mo sa lalaking minsan mo ring pinantasya???!”,

Mabilis pa kay The Flash ang paglingon ni Mandy kay Drew sa sinabi nitong iyon..Wait,ano daw? kinalkula ng utak ko ang sinabi ni Drew at kung di ako nagkakamali,baka may history ang dalawa..

Naaninag ko ang pagkislap na mga mata ni Mandy ng makaharap si Drew..tila kidlat na tumama ang paningin ni Mandy sa lalaking cool na cool lamang naman..

“,,Excuse me lang hah ,,pero parang mali yata yung dinig ko??Ano sabi mo?ikaw pinagpantasyahan?saan ka naman nakakuha ng kapal ng mukha para sabihin sa akin yan?!”,halata ang galit sa tinig ni Mandy ..na lalo pang nagpadagdag ng inis nya ng biglang humalakhak si Drew..

“,WOW,ang sungit mo na ngayon Ex hah,siguro hindi kaparin nakaka move on sa akin noh..”,

Tigalgal si Mandy sa narinig gayunpaman hindi parin natitinag ang katapangan nito “,ano ulit sabi mo?hindi pa ako nakaka move on?kapal talaga ng apog mo noh,ikaw yung taong hindi na kaylangan ipag move on ! Haller ni hindi nga kita iniyakan eh,kaliwete!!! “,

“, Hindi mo nga ako iniyakan pero naglasing ka naman dahil sa kin.. “, makahulugang tinitigan ni Drew ang dalaga..tila ba tine’tease ito ng mga titig nya .. nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan nila kaya naman bago pa may mamuo ulit na World War.. gumitna na ako sa pagitan nila..

“,Excuse me po “,sabi ko…”,alam kong LQ pa kayong dalawa pero story namin to ni Jake,pwede…tsaka na kayo mag away pag napuntahan na natin sya.. “, madamdaming litanya ko..

Nagkatinginan silang dalawa at tila ba natauhan sa sinabi kong yun .. Biglang umayos ng tayo si Drew at si Mandy naman mukhang bumaba na ang temper nya..

“,,Sa tingin ko, kaylangan ko na ring umalis since ikaw lang naman ang kaylangan ni Jake ngayon ..”, nakangiti si Drew sa akin habang sinasabi yun, Pagkatapos bumaling muli ang tingin nya kay Mandy at nakakalokong kumindat ito bago pumasok sa kotse..

“,Abat —–!!! “, Gigil na saad ni Mandy ngunit napatigil uli ito ng mapansing nakatitig ako sa kanya.Gusto ko sana sya tanungin kung ano ba ang umpisa ng love story nilang dalawa pero tsaka na lamang.. (baka tinatamad na ang author magkwenton🀣🀣)..

Muling ginagap ni Mandy ang mga kamay ko “,Lets go.. “, nakangiting saad nya bago ako inakay papasok..

*****—-++++>>

Tatlong beses muna akong napahinga ng malalim bago ko tuluyang pinihit ang door knob kung saan tinuro sa akin ni Mandy ang kwarto ni Jake.. kaya heto ako ngayon,nag iisa..naglalakbay sa ..gitna ng..

Kadiliman !!!

Kadiliman ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pintuan .. Madilim sa loob ng kwarto subalit naaninag ko ang switch ng ilaw mula sa ilaw sa labas..

Humakbang ako palapit sa loob pero hindi ko muna isinara ang pinto upang magsilbing tanglaw ko sa pag abot ng pakay ko..

Ilang hakbang nalang at malapit na ako sa switch ng ilaw ng biglang ————!!!!!!

Napasinghap ako ng may mga brasong pumulupot sa akin..Napigil din sa ere ang pagtili ko dahil sa gulat ng bumalya ang likod ko sa may pader..impit ko pang napakagat sa labi dahil medyo tumama ang likod ko sa pader..

“,I miss you so much …baby “,

My heart beat ! Biglang naging unstable yun dahil sa mg katagang sinambit sa akin ngayon ng lalaking nakapulupot parin ang braso sa beywang ko habang kaharap ko.. Dug dug.. sabi ng puso ko !!..

At kahit forever ng mag brown out at magkaroon ng kadiliman..alam ko kung sino ang may ari ng malamyos na tinig na yun ,at kilala ng puso ko ang kung sinumang nasa harapan ko ngayon …

“,Jake a..ano ——-!!!!!”,

,Pinigil ni Jake ng mararahas na halik ang mga salitang gusto kong sabihin..it was wild,and a force kiss..gusto ko sanang sumigaw ng rape dahil napakarami ko pang gustong itanong sa kanya,kung okay ba sya ?..kung anong gulong ginawa nya ..kaso..hindi ako makasigaw lalong lalo na ng biglang naging napaka passionate na ng mga halik nya..
Parang, biglang may mga paru parung lumilipad na ngayon sa tiyan ko.. hindi ko na kaya ang sensasyon na dulot ng mga halik nya…

I miss him ! So much..and very Much !at kung may salitang higit pa roon,ay yun na yun..

At dahil sa nag uumapaw ako ngayon ng kilig sa katawan..dahil sa dinudulot nya ngayon,parang ako na tuloy ang gustong mang rape sa kanya ——-!

Nawala lahat ng pag aalinlangan ko sa aking puso at namalayan ko na lamang na gumaganti na ako sa mga halik nya..at nakikigiyera na rin ngayon sa loob ng bibig nya ang aking mga dila.. mustulang dila ng palaka kapag nakakakita ng isang insekton! Hindi ko nman alam kung kelan ako naging expert sa paghalik ..basta ang alam ko lang ,gusto ko ang ginagawa nya ..

Ilang sandali pa,bago pa kami madarang sa isat isa ay nadismaya ako at nabitin ng putulin ni Jake ang halikang yun.. Shit ! How dare him na bitinin ako??

“, Hindi mo naman siguro gustong maging live to ulit baby??!”,..Nakangising sabi ni Jake habang kumakalas at tinungo ang pinto tsaka sinipa yun upang maisara..

Then excited ulit syang lumapit sa akin at muli akong hinapit sa beywang ..kinabig nya ako palapit sa kanya at tangka nya na ulit akong sisiilin ng halik ng biglang umiwas ako..

Syempre,badboy,kayo kaya ang mabitin..

“,Whats wrong???hindi mo ako na miss??!”,

Syempre namimiss… Gusto kong isigaw pero baka kilig to the bones lang ang mangyri kay Jake.. mahirap na baka kung saan na naman kami makarating..isa pa marami akong pinagtataka..bakit sabi ni Mandy kanina ay naglasing ito?at nagwawala subalit wala manlamang akong naamoy na kahit na ano mang amoy ng alak sa hininga nya,sa halip nakakahalina ang amoy mint na halimuyak ng bawat hinga nya.. at kung naging bayolente man sya..naaninag ko naman bago nya isara ang pinto na wala namang nagulo o nabasag sa kwarto nya..
Napakagtlabi ako at tsaka humarap sa kanya,kinukutuban na naman kasi ako eh..

“,Jake..prank na naman ba to ??”, tanong ko
,Gusto kong magpumiglas para isipin nyang nagtatampo ako pero..gusto ko rin ang paraan ng pagkakadikit ng balat namin sa isat isa..

“,Hmmmm..”,siniksik ni Jake ang ulo sa tenga ko at bahagya na namang kinilabutan ako sa kilig lalo na ng maramdaman ang mabangong hininga nya.. “, sorry again..baby !alam ko kasing kapag nakiusap ako sa yo, hindi mo rin naman ako kakausapin..kaya,ito lang ang naisip kong paraan, sorry..i love you “,

Bahagya kong kinurot ang dede nya na nagpahalakhak sa kanya ..”,Palagi mo nalang akong ginaganito..pinagmumukhang tanga..”,

“,Sorry…again and again and again.. “,

“,Hmmmn,alam ko na ang lahat..sinabi na sa akin ni Drew ang lahat at si Van—–“,

“,Sshhhhhh.. “,,dinikit ni Jake ang hintuturo sa labi ko upang i enterupt yung iba ko pang sasabihin..”,lets not talk about it ..lets talk about …. “, Biglang nagtaas baba ang adams apple ni Jake dahil sa paglunok bago itinuloy ang sasabihin… “,US !”,…

Marami akong gustong itanong sa kanya,marami syang dapat ipaliwanag at marami akong hinanakit sa kanya pero..tama sya,its just a past by the way ..na clear na ni Drew ang pangalan nila sa akin at siniguro narin ni Drew na walang makkalabas sa video namin..kaya tama nga ito..wala na akong dapat alalahanin pa ..at tingin ko naman ay ito narin ang tamang oras para pag usapan namin ang tungkol sa aming dalawa!
At kung pareho nga ba kami ng nararamdaman...


sa isat isa…

Bigla ulit akong kinabig ni Jake at this time mas malapit na kami sa isat isa.. at halos,mag unahan sa tambol ang puso naming dalawa dahil matagal muna bago may magsalita sa amin.. at si Jake ang bumasag ng katahimikan na yun..

“,I want to ask you something..Daniella,but first,i want to say sorry for everything ive done..
,Im really really sorry.. but i was so thankful because with what weve done..ill never realized how much..i …love you !”,

Kilig to the bones!kundi lang sya nag english ay baka hinimatay na ako..At dahil dun,apology accepted..

“,Hindi ko naman inakala na hahantong to sa ganito..alam mO na,..ganito ako ,”,

“,Diretsahin mo na ako Jake .. i cant wait”,

Sige.. pakiligin mo pa ako !

“,Hmmmn,nung una takot pa ako iexpress ang feelings ko sayo cause i know kakaiba ka sa iba..isa pa,.amhm…”, biglang parang may bumara sa lalamunan nya..at nahalata ko yun, gayun narin ang tila pag aalala na mababasa sa mga mata nya..tila may lungkot duon at parang nanghihingi ng paumanhin lagi,naaninag ko yun mula sa ilaw sa labas sa may tapat ng nakabukas na bintana..

Hinaplos ko ang anyo nya ,alam ko na kung ano ang ikinabagO ng mood nya.. isa rin kasi ang dahilan ko kung bakit tila ayaw ko pang pakawalan ang damdamin ko sa kanya,dahil yun sa isang lalaking nanloko sa akin..”,dahil ba kay Jedrian ???? “,Sa wakas.. nagtagumpay akong sambitin ang pangalang yun ng wala ng pag aalinlangan sa puso ko..

“,Hmmmm,yeah .. i know you and Jed have past and the worse is..pinsan ko pa sya,pero..i cant deny my Feelings for you,baby,i cant resist yOu..i love you “,..

Muli kong hinaplos ang kanyang napakaperpektong mukha, bakit ba napakagwapo nya???!..

Pero nagulat ako ng hawakan nya ang kamay kong humahaplos sa mukha nya at itinapat yun sa dibdib nya .

“,Ella.. listen,kung pakikinggan mo ang tibok nito, sinisigaw nito ang pangalan mo..”,sumamo nya…”,kaya, gusto ko rin sanang tanungin ka..kung tulad ko din ba,ay ako ang nilalaman ng puso mo??”,

Bigla akong napalunok at tila pinagpawisan ng malagkit sa tanong nya..hindi ako agad nakasagot kaya naman nag alala yata sya at hinawakan ng magkabilang palad ang aking mukha at iniangat iyon upang magtama ang aming mga mata..

“,Ella.. please be honest…Do you still love Jed???”,

Pain comes to Jakes eyes ng itanong nya sa akin iyOn..Muli akong napalunok ..madali lang kanina na umamin ako kay Jake na mahal ko sya ,, pero napakahirap naman palang magkumpara between..past and present .

Napalunok akong muli..at napalunok pa ..

“,I cant force you ,Ella ,”, dismayadong sabi ni Jake..”,i respect you , gusto ko lang naman malaman mo na .. gustong gusto kita,at..kung sakaling ..hindi mo naman kaya na,tugunan pa ngayon ang pag ibig ko..i can wait naman …”,
Naging maluwag ang pagkakayakap ni Jake sa akin at nagkaroon kami ng distance sa isat isa.

Humakbang sya palayo sa tulalang ako at tangkain nya sanang buksan ang pinto ng biglang matauhan ako..

Wala ng kumpo kumporme !

Humakbang din ako palapit sa kanya at bago pa nya maisindi ang switch ng ilaw..niyakap ko na syang nakatalikod…
Napasinghap sya dahil sa ginawa ko..alam kong nagulat sya dahil dun..

“,Ella….a ..ano—-!!”,

“,I love you to the Moon and Back and to the moon embracing the sun ..Jake ALtamirano!”,

Biglang kinalas ni Jake ang kamay ko mula sa beywang nya at pinaharap ako sa kanya habang hawak nya ang magkabilang balikat ko..

“,Anong sinabi mo?pakiulit nga… “,hindi makapaniwalang saad nya..

Lumabi ako.. “,hmmmn, english yun kaya hindi ko na uulitin pang bingi ka… “,Yamot na sabi ko.. humalakhak sya at pinisil ang ilong ko..

“,You know the reason why i love you?cause you always like that..your so cute,..and always be my baby …at hindi mo na kaylangang ulitin pa Miss Abelada..kasi alam ko namang mahal mo din ako.. “,

“,Abattt ! “, Hinampas ko sya sa balikat,”,how you know,aber??!”,

“,Cause no one ..cant resist my Charm ! “, Hinatak nya na ako at nagpahatak naman ako.
Kinikilig na tumugon na lamang ako sa mga halik nya .

At kung si John Lloyd may Six months rule kay Bea para maka move on ..ako wala ! Kasi nga,bakit ako mag stay sa ala ala ng isang taong nagpaiyak sa akin noun na nawala nalang bigla kung may isang tao namang handang magpasaya..

At choosy pa ba ako sa pagpili ng mamahalin?eh, napakagwapo ng bagong pag ibig ko ngayon,kaya bago pa sya maagaw ng iba..lalandiin ko muna sya 🀣🀣🀣🀣🀣..

At kung nasaan man si Jake ngayon..hangad ko na sanay makahanap din sya ng bagong magmmahal sa kanya .

Kasi ako, kahit walang forever ..kakapit muna ako sa pagkakataong meron kami ni Jake ngayon,even though..1percent lang yun..

“,Lets date ..baby “, bulong nya sa pagitan ng paghalik sa puno ng tenga ko .

Napangisi ako ..”,sabi mo,wala sa vocabulary mo ang makipag date diba?pinamukha mo pa nga sa akin yun eeh…”,pang aasar ko..

“,Yeah ..pero nasa dictionary ko na yun ngyon,simula ng makilala kita ..ikaw lang ang unang babae na gusto kong i date,Ella,thats why i never date..kasi hinihintay kita “,

Napuno ng saya at pagmamahal ang puso ko,sinong mag aakalang isang member ng astig na fraternity,maraming tattoo at masculado ay sweet at romantic naman pala,mahihiyang kumagat ang langgam dahil sa ka sweetan nya ..

“,So.. pwede na ba kitang maangkin ngayon,Baby???!”,

Mapahalakhak ako at nakaisip ng wild..Nasa mood pa naman ako ngayon…alam ko namang duon din ending namin eh,isa pa bat pa ako magpapakipot?may nangyari na nga sa amin eh ,navideo pa nga haha..kaya lalandiin ko muna sya.

“,But one more thing ..lets on the light,gusto kong makita ng buo ang alindog mo “, gigil na sabi ko..

“,As you wish .. “,natatwang sabi nya bago isinindi ang switch ng ilaw,”,you feel horny ah ..”,sabi nya ng maisindi iyon..Lumiwanag ang kabuuan ng kwartong yun …

“,Anong nangyari sa bibig mo?!”,bibig nya agad ang napansin ko ng makita kong bahagyang may pasa ang gilid ng labi nya..Pilit nya yung iniwas pero makulit ako.. “, Tell me,si Drew ba may gawa nito??!”,

Huminga muna sya ng malalim bago sumagot..
“,Its Kyle.. “,tipid na sabi nya ..

Ohhhh..nasapo ko ang noo,at tinotoo pala ni Kyle ang banta nya na ipaghigante nya ako dito,pero seeing Jakes putok labi ay di ko mapigilang hindi iyon bigyan ng panlunas .. KISSPERIN.. ! hindi ko napigilang halikan iyon..

At dahil sa ginawa kong yun,sumiklab agad ang apoy sa pagitan naming dalawa..at wala na lamang akong nagawa kundi ang magparaya!!

At yun din ang simula..ng JAELLA Loveteam 🀣🀣🀣🀣….

***
TWO YEARS LATER !!

….
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT..

“,Ian.. “,

Hatak ang malaking maleta na nilingOn ni Ian ang babaeng nagsalita mula sa kanyang likuran .Awtomatikong napangiti sya ng makilala ito ..

Maganda,sexy ..mahabang buhok..Si Kimberly Jane yun..isa na Ngayong registered nurse..

“,I told you,ako ang susundo sayo..”,habang papalapit ay sabi nya.. Ngumiti ako ng maluwag at sinalubong sya ng yakap ! Classmate ko si Kim noong High school at habang nasa America ako ay nagkaroon kami ng kumonikasyon hanggang sa kaming dalawa nga ay nagkagaanan ng loob ,may lihim narin naman akong pagtingin sa kanya noon pa man kaya ng magkaroon kami ng kineksyon ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at niligawan ko na sya..Sa ngayon nasa limang bwan na ang relasyon namin, naging LDR muna kmi at ito ang unang pagkikita namin bilang mag jowA!

Niyakap ko sya ng mahigpit ng makalapit at hinalikan ko ng ilang beses ang mabangong ulo nya..

“,I miss you.. “,sabi ko sa kanya ..

“,I love you “, nakangising sabi nya pagkatapos ay dinala nya ako sa kotse nya.. Nagdesisyon na syang mag drive dahil nagbiro pa nga sya na baka may jetlag pa ako kaya naman hinayaan ko na lamang sya..

Habang nasa byahe ay madami kaming napag uusapan..tungkol sa kalokohan namin back in high school,hanggang sa propesyon nya..
Exciting naman ang mga kwento nya at totoong nag enjoy naman ako ,,kaso na hassle lang kami ng biglang humaba ang traffic,natengga kami sa gitna ng araw…

Halos twenty minutes ng nakahinto kami..
Pero gayunpaman nakatulong naman yun sa akin dahil malaya kong napagmamasdan ang magagandang tanawin sa labas na sa loob ng dalawang taon ay antagal kong hindi nakita.
Bagamat puro lamang pulosyon ang dala ng hangin kumpara sa America ay mas gusto naman to ng pakiramdam ko..namiss ko ang Pilipinas..

“,Buko Juice ! BUKO Juice… “,

Napalis ang magandang ngiti ko ng isigaw ng lalaking nagtutulak ng kariton ang panindang Buko juice at sariwang mga Buko !

Napahawak ako sa ulo dahil tila ba may tinig ng isang babae ang nag eecho duon at bumubulOng ng mga salitang….

Buko..buko..buko means Buhay ko!kaya nga..tatawagin kitang Buko kasi ikaw ang Buhay ko ….. “,

Lalo kong nadiinan ang pagkakapit sa ulo ko at napapikit na lamang ako dahil paulit ulit na sinasabi yun ng babaeng, hindi ko naman kilala..

“,Ian may problema ba?!”,nag alalang tanong ni Kim..

“, Nothing..”,paglilihim ko .ayukong mag worry sya sa akin…

Ilang araw narin simula ng maririnig ko ang boses ng babaeng yun sa isipan ko,medyo malabo nga lang ang tinig subalit boses iyon ng isang babae,at siguradong hindi ko naman yun kilala… Kay bakit nawiwindang ako ngayon ss boses na yun?

Anong meron sa boses na yun?!!!!!bakit hindi sya maalis sa isip ko !!!

To be continued….

****
Pasenxa na kayo nawala ako ng matagal haha,dont worry tuloy tuloy na ito,Promise!
Salamat pala sa mga Comments,loveuall..moornyt!


11 Comments

  1. thank you writer may chapter 19..lagi tlga ako nakaabang sa story na2..Sana sipagin ka pa writer sa pag-post ng next…😊😊✍️✍️✍️ God bless sau.

  2. wow ..sobrang ganda na next na ulit plssss …. namis ko story nato lagi akong nag aabang ..ms. writer ..❀

  3. grabe ang galing mo si ian ba si jed bat ganon wala siyang maalala btw next po please

  4. wow gumaganda na Lalo ..thank u writter naka pag update kana ulit ..subrang namiss ko ang story nato..God bless😊😘

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.