3

Pulubing Pag-ibig


Report

5.. likuran ang comfort room likod lang ni Mara ang unang bumungad sa kanya at unti-unti nyang minasid ang hugis ng mukha ni Mara hanggang sa yumuko si Mara dahil sa nahulog na panyo..

Naupo na si Monchito sa harap nila at titig na titig hanggang inangat na ni Mara ang mukha nya, nakatitig lang si Monchito at napapikit. Si Monchito at Mon ay iisa.

Kaya nung nakita nya ang mukha ni Mara naalala nya ang mukha ito agad nagbalik tanaw sa kanya ang pulubi na Mara habang pinupunasan nya.

Nagkatitigan sila ni Mara..
“Mara?” bigkas ni monchito

Nakatitig parin ang dalaga Kay Mon na takang-taka at halos hindi makapaniwala na si Mon ang kanyang kaharap at ang lalaki na pinagkakasundo sa kanya ay iisa.

“mag kakilala na kayo?” tanong ni Don.Carlos Kay Mon

“siguro po” sagot ni Mon

“paano at kelan? Ganun na mag kakilala na kayo mas mapapabilis ang ating pag-uusap” sagot na muli ni Don carlos

Biglang tumayo si Mara at lumabas ng kwarto at agad naman din na tumayo si Mon at sinundan si Mara.

“Mara! Mara! sandali lang!” sigaw ni Mon

Hinawakan nya ang kamay nito at ihinarap sa kanya.nakayuko si Mara at umiiyak.

“San ka nagpunta? bakit bigla kang nawala at hindi nagpakita?” umiiyak na pagkasabi ni Mara

Biglang natawa si Mon

“ipaliwanag mo muna sakin to, bakit? Bakit ka nagpalaboy at nagpanggap na pulubi?” Ani ni Mon

“bakit ka biglang nawala? Alam mo bang nag antay ako at hinanap kita?”
Umiiyak na sagot na muli ni Mara at agad naman syang niyakap ni Mon

“wag kana umiyak, hindi na tayo mag hihiwalay, kung alam ko lang na ikaw pala ang anak ni ninong di sana hindi ko na pinatagal, bakit ka nga ba nagpapanggap na pulubi? Gusto ko malaman” tanong ni Mon habang yakap si Mara

“ayoko kaseng makasal sa hindi ko gusto kaya umalis ako” sagot ni Mara

“di ayaw mo pala ako pakasalan?” tanong ni Mon

Natawa lang at umakap din ng mahigpit si Mara..

“Hinanap din kita,inikot ko na ang buong lugar malapit sa resto at park hindi kita matagpuan,nagpunta ako ng Hongkong nais ko magpaalam sayo pero hindi kita makita kaya nag naisip ko ay sulatan ka ngunit hindi naman nakarating sayo” paliwanag ni Mon

“Bakit mo ako sinukuan sa paghahanap?”
pangungulit ni Mara

“Kung hindi kita sinukuan hindi tayo magkasama ngayon” banggit ni Mon habang nakatitig kay Mara

Umakap muli si Mara kay Mon

“Kahit pulubi ka o ikaw ang anak ng Ninong ko mamahalin kita ng buong-buo” bulong ni Mon kay Mara

Hinalikan ni Mon sa noo si Mara at niyakap nya ito ng mahigpit

‘Aynaku tama na masyado na akong kinikilig sayo” pabirong sabi ni Mara

Napagdesisyunan na ng dalawa na pumasok.

Habang masayang papunta sa loob sina Mara at Mon ay biglang may tinig na tumawag kay Mon sa bandang likuran nila.

“Honey! Honey!” paulit-ulit na tawag

Sabay na lumingon sina Mon at Mara at nabigla si Mon ng makita si Debbie.

“What are you doing here?” Pagtataka na tanong ni Mon

“You, what are doing here? And who’s that girl?” matapang na sagot ni Debbie

Hinawakan ng mahigpit ni Mon si Mara ng akmang aalis ito.

“You stay here, Mara.” pakiusap ni Mon

“Who’s that girl Mon?! Siya ba yung kababata mo?” naiiyak na pagkakasabi ni Debbie

“Yes. She is. Mara is my fiance at nandito kame lahat to prepare for the wedding.” paliwanag ni Mon

Nakatingin lang si Mara sa dalawa habang nakikinig sa mga sagutan nila.

“Punyeta Mon! Ang pagkakaalam ko ako ang fiancee mo? Bakit naging siya?” galit na sigaw ni Debbie na hindi na napigilang humagulgol ng iyak.

“After you texted me about your wedding with your friend Brando, now you’re asking me why?” Galit na bigkas ni Mon

“What?!” nagtataka na tanong ni Debbie

“Please, Debbie stop it” pakiusap ni Mon.

“If you dont mind Ms.Mara, can I talk to Mon privately?” Pakiusap ni Debbie

Hinawakan ng mahigpit ni Mon ang kamay ni Mara upang hindi ito makaalis.

“No, you stay here Mara.” pakiusap ni Mon

“Mon, please? It’s not my business, you two need to talk.” paliwanag ni Mara

Tuluyang umalis si Mara ngunit hindi sya umakyat sa itaas. Pasimple siyang nakikinig sa usapan ng dalawa.

“Mon, I called you many times but you hung up and didn’t answer my calls.” umiiyak na sabe ni Debbie

“Why I can’t answer your calls? After you broke up with me and tell me that your wedding will happen as soon as possible with Brandon? You abandoned me Debbie.”
naluluha na pagkakasabi ni Mon.

“No! You abandoned us.” umiiyak na pagkakasabi ni Debbie

Nabigla si Mon sa narinig.

“What do you mean us?” namumutlang tanong ni Mon

“I’m hospitalized for 2 weeks Mon. To save our baby, the doctor said that I need to rest for 2-3 weeks. I told mom to call you but you didn’t answer your phone.” napaupo na umiiyak si Debbie.

Natulala si Mon sa narinig at si Debbie ay patuloy na umiiyak.
Habang si Mara naman ay naluluha habang nakikinig sa mga sinabi ni Debbie

“Our baby is weak. I need to save him Mon.
Ito yung pangarap natin diba?” at lalong umiyak si Debbie

Naawa si Mon sa itsura ni Debbie at nilapitan niya ito at itinayo sa pagkakaupo.

“I’m sorry, hindi ko alam.” naluluha na pagkakasabe ni Mon

Nakayuko si Debbie at agad itong niyakap ni Mon.

“Galit si mommy kase pinabayaan mo kame kaya siguro nagtext sya ng ganon Mon,sana manlang tinawagan mo ako” nakatingala pagkakasabi kay Mon habang akap-akap sya nito

Hindi na napigilan ni Mara ang nakikita na eksena kaya napaiyak na ito at narinig ni Mon kaya biglang nilingon nya ito.

“Mara” naiiyak na bulong ni Mon

Di alintana ni Mon na pinanonood sila ng kanyang ama at ninong mula sa itaas.

“Yaya oring,yaya oring, lets go home”
nagpipigil na pag-iyak ni Mara

Bigla syang niyakap ni yaya oring

“Ok iha”naawang sabe ni yaya oring

“I’m sorry tito, I think we gonna leave.”naiiyak na pagkakasabi ni Mara sa ama ni Mon

“Ok iha, sige na umuwi ka na at magpahinga”
malungkot na sabe ng ama ni Mon.

Tuluyan ng umalis si Mara at Yaya at sina Mon at Debbie ay kasalukuyang nag-uusap parin.
Kinuha ni Debbie ang kamay ni Mon at inilagay sa tiyan nya.

“Baby daddy is here, we miss him diba?” Umiiyak muling sabi ni Debbie

Habang hawak ni Mon ang tiyan ni Debbie ay hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman nahahati ang pag aalala nya kay Debbie at Mara.

“Halika at ihahatid na kita, lets talk the other day.” mahinahon na sabi ni Mon

Nauna na lumakad si Mon papuntang sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Debbie.
Binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan dahil sa hindi pag-imik ni Mon kaya naisipan ni Debbie hawakan ang kamay ni Mon.

“Hon, hindi ko kasalanan mawala at hindi magparamdam sayo, pinagbawalan ako ng doctor.” naluluhang muli na pagkakasabi ni Debbie

Biglang huminto si Mon at hinampas ang manubela

“Pls,debbie!para na akong sasabog,alam mo yun? ang sakit ng dibdib ko hindi kita sinisisi dahil sa mga nalaman ko na dahilan mo,baka ako nga ang mali,pero kung pwede wag ka muna magsalita ng kahit ano? kahit ngayon lang” pakiusap ni Mon

Tumahimik si Debbie habang hindi mapatid ang tulo ng luha at nakahawak sa kanyang tiyan. Nang makarating na sa harap ng bahay ni Debbie agad bumaba si Mon at pinagbuksan ito. Lumabas si Debbie af lumakad palayo kay Mon ngunit bago pa si Mon makasakay biglang nagsalita si Debbie.

“Mon,what happened to you? Alam ko at lagi ko naririnig sayo na ako yung buhay mo diba? 3yrs tayo at ngayon magkaka-baby na pero anglayo mo na,hindi na kita makilala at maramdaman. Habang nagmamahal ka ng...


iba sinasalba ko naman ang buhay ng anak natin,asan ang mali ko dun? At alam mo ang pinaka masakit Mon? Yung taong nagmahal sayo ng lubos at pinaglalaban ka sa lahat ay iba na ang mahal at pinaglalaban ngayon” Umiiyak na sabi ni Debbie at tuluyan ng pumasok sa loob

Biglang humarurot paalis ang sasakyan ni Mon at hindi narin nya naiwasan sumigaw at umiyak sa loob ng sasakyan sa bigat ng nararamdaman hanggang sa makarating sya sa bahay ni Mara.Tinatawagan nya ito ngunit hindi sinasagot.

“Mara,sumagot ka” bulong ni Mon

Habang si Mara naman ay nakatalukbong ng kumot habang umiiyak

“Mara!Mara!Mara!mag-usap muna tayo!” Sigaw ni Mon

Dahil sa gabi na binaba na ni Yaya Oring si Mon

“Yaya,pls.kahit saglit lang gusto ko sya makausap” pakiusap ni Mon na nagmamakaawa

“Mon,hayaan mo muna si Mara malay mo bukas okay na sya palipasin mo muna ang araw na ito” paliwanag ni Yaya oring

Nakinig naman si Mon at umalis narin ito

Dumiretso si Mon sa resto at doon ay nag-inom mag-isa at ng ilang minuto ang lumipas ay naisipan nya tawagan si Dave tungkol sa mga tawag ni Debbie.

“Oh,Mon bakit napatawag ka?” patanong ni Mon

“Pre,si Debbie nagbalik” umiiyak na sabi ni Mon

“Ano? Akala ko ba nagpakasal na yun tulad ng sabi mo?” pagtataka ni Dave

“Tumawag ba sya nung umalis ako pa hongkong?” Tanong ni Mon na lasing na lasing na

“Oo,pero saglit lang kinuha ata ng mommy nya ang fon nya habang kausap ako kaya naputol din ang usapan namin” paliwanag ni Dave

“Ilang beses sya tumawag?” Tanong na muli ni Mon

“Isang beses ko sya nakausap pero may mga miscalls sya pero sabe mo nga na kinasal na kaya hindi ko na initertain” paliwanag ni Dave

“Buntis sya pre” umiiyak na sabi ni Mon

“Ano?” Nagtataka na tanong ni Dave

“At akin yung bata,hindi rin sya kinasal nanganib ang buhay ng baby namin kaya naospital sya para maalagaan” lasing na lasing na sabi ni Mon

“Ok ka lang pre? Gusto mo puntahan kita dyan?” Tanong ni Dave

“Huwag na pre,ayos lang ako sige na pre matulog narin ako”paalam ni Mon

Habang nag iinom naisipang muli ni Mon umalis at mag ikot-ikot sa kabila ng kalasingan neto at habang nagdradrive huminto ito sa isang lugar na bihira daanan ng mga tao at dito nya inilabas ang bigat ng nararamdaman nya

“Ayoko na!!!! ang sakit-sakit! hindi ko na alam ang gagawin ko,mahal na mahal kita Mara pero hindi ko pwedeng talikuran si Debbie at anak ko hindi ko na alam anong gagawin ko” umiiyak na sabe ni Mon

Muli nyang naisipan tawagan si Mara sa 50 times miscall bago sya kinausap ni Mara

“Hindi ko na alam gagawin ko” umiiyak na bulong nya habang kausap si Mara sa fon

“Sundin mo yung tama” sagot ni Mara

‘Ayoko mawala ka,ayoko!ayoko!ayoko Mara!”
sumisigaw na sambit ni Mon habang naiyak at lasing na lasing ito.

“Nasaan ka? Lasing na lasing ka Mon” tanong ni Mara

“Pupuntahan mo ba ako kapag sinabi ko sayo?” Nagmamakaawa na pagkakasabi

“Nasaan ka nga?”

Hanggang sa sinabi na ni Mon kung saan sya naroroon at pinuntahan sya ni Mara at dahil sa gabi na at kadiliman din sa kinaroroonan ni Mon nakailang ikot sa paligid si Mara hanggang sa nakita nya ang isang lalaki m
na nakahiga sa gitna ng damuhan at nung nilapitan nya nakita nya ang lasing na lasing na si Mon.

“Mon,Mon gising!” nakatihaya na himbing na himbing sa pagtulog si Mon

Walang nagawa si Mara kundi pagmasdan si Mon habang umiiyak,awang-awa sya sa kasintahan na lango na lango sa alak at magang-maga ang mga mata dahil sa labis na pag-iyak habang tinititigan nya si Mon bigla ito dumilat ng bahagya at biglang hinawakan ang kamay nya at hinila sya paupo.
Habang nauupo si Mara inakap sya sa baywang ni Mon at muli itong pumikit.

“Pumasok tayo sa sasakyan malamig dito baka magkasakit ka” mahinang pagkakasabi ni Mara

Hindi umiimik si Mon at patuloy parin sa pagkaakap sa kanya habang natutulog

“Mon,lumipat tayo sa sasakyan” mahinang muling pagkakasabi habang hinihimas nya ang ulo ni Mon

“Habang nakapikit si Mon napansin ni Mara na tumutulo ang mga luha ni Mon na agad naman kinahabagan ni Mara at sa sobrang awa sa kasintahan ay hinalikan nya ito sa mata.

“Halika na,magkakasakit ka dito” pakiusap Mara

Biglang nagsalita si Mon habang nakapikit

“Ayokong mawala ka pero anong gagawin ko?”garalgal na pagkakasabi ni Mon na nagpipigil sa pag-iyak

“Tsaka na natin pag-usapan yan lumipat muna tayo sa sasakyan” pakiusap na muli ni Mara

Dumilat si Mon at tumitig kay Mara
“Mahal mo ba ako?”tanong ni Mon

Habang nakayuko at nakatitig kay Mon si Mara hinawakan niya ang mukha ni Mon at hinalikan nya ito.

“Mahal na mahal” sagot ni Mara

Umiyak na ng tuluyan si Mon

“Ano ba Mon tama na sobrang maga na ng mga mata mo halika na sa kotse malalim na ang gabi baka may mga gumagapang dito”

“Natatakot ako baka hindi ko maipaglaban ang pagmamahal ko sayo” walang tigil sa pag-iyak na pagkakasabi ni Mon

“Tsaka na natin usapan yan,pumunta tayo sa resto dun tayo mag-usap” paglalambing ni Mara kay Mon

Isinakay na ni Mara si Mon sa kanyang kotse at tumawag ito ng driver na maaring magdrive sa sasakyan ni Mon at habang nagdridrive si Mara ay nakapikit si Mon na nagpapanggap na natutulog natulo ang mga luha ni Mara habang nagmamaneho.

“Sorry” biglang sambit ni Mon

Tinapik ni Mara ang kamay ni Mon

“Matulog ka muna mamaya na tayo mag-usap” mahinang sagot ni Mara

Habang nagmamaneho biglang nagring ang fon Mon at si Debbie ang natawag hinahayaan lamang ito ni Mon at tiningnan ni Mara ang caller.

“Sagutin mo Mon baka importante yan” muling mahinahon na sabe ni Mara

At sinagot na nga ni Mon ang tawag ni Debbie.

“Why?” sagot ni Mon

“Hon, I need your help please come here immediately. We don’t have a driver right now.”
natatarantang sabi ni Debbie.

“Saan ang house ni Debbie. Dumeretso na tayo doon” ani ni Mara

“Okay lang ba sayo?”nag aalinlangan na tanong ni Mon

“Saan nga?” Timping-timpi na pagkakasabi ni Mara

Natungo na nila ang bahay at natanaw na nila si Debbie at ang yaya neto.

“Get me to hospital faster.” mahinang banggit ni Debbie habang may sakit na nararamdaman.

Huminto si Mara at pinalipat si Mon sa likod upang maalalayan si Debbie at napansin neto ang pagkataranta at pag aalala ni Mon kay Debbie.

“Asaan ang car mo Mon?” Mahinang tanong ni Debbie

Hindi umiimik sina Mon at Mara. At ng napuntahan na ang ospital ay nagmamadaling bumaba si Mon at Debbie. Dumeretso agad ang dalawa sa ER. Nagmamadaling bumaba sina Mon at Debbie at aakay akay nya ito bakas na bakas sa galaw at mukha ni Mon ang takot at pag aalala.Nakamasid naman si Mara sa dalawa bago umalis ay hinintay muna nya makapasok ang dalawa na wala manlang narinig na paalam mula kay Mon.
Pagkauwi ng bahay agad tinungo ni Mara ang kusina at kumuha ito ng alak na maiinom.

“Mara, huwag kana mag-inom nakakasama yan sayo” bilin ni yaya oring

Biglang yumakap si Mara kay Yaya oring at humagulgol ito ng iyak

“Yaya, tama ba na pakawalan ko na si Mon?”
tanong ni Mara na nagdadalawang isip

“Oo. Magkakababy na siya at mas matagal ang pinagsamahan nila kesa sa iyo.” pag papaunawa ni yaya.

“Hindi ko kaya yaya” umiiyak na pagkakasabi ni Mara

“Dapat mong kayanin,naalala mo ba yung kinuwento ko sayo? Debale na masaktan kung para sa ikakabuti naman ng lahat” naiiyak narin na sabe ni Yaya Oring.

Habang akap ni Yaya Oring si Mara nag ring ang phone neto at ang tawag mula kay Mon.

“Pakisagot yaya,sabihin mo tulog na ako” pakisuyo ni Mara

At sinagot nga ni Yaya Oring ang tawag.


3 Comments

  1. pasensiya napo nagkasakit lang po. meron napo tayong ep.6salamat sa pagsubaybay kina Mon,Mara at Debbie

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.