0

THE REVENGEANCE Chapter 3


Report

Hindi makapaniwala si Armina sa sinabi ng kanyang secretary,paano na lang ang iniingatan niyang Textile Company.
“..pero malinaw na ang usapan namin di ba?” patuloy ng dalaga
Hindi siya makapaniwala tila naguluhan dahil kalahati ng company ay nakasanla na at may possibility na malulugi kung di niya gawan ng paraan.
“Kahit ano pong pakiusap Miss Ar,hindi daw po sila tutuloy dahil may iba pong nag-offer sa kanila.” paliwanag ng kanyang secretary
Nanlambot siya sa narinig na balita,tila blangko ang isip na nakatingala sa kawalan.
“Miss Ar,pero may good news po..” sabi ni Mae,bumaling siya rito at tila nabuhayan ng loob
“May tumawag po na Bangko at willing sila na itubos ang kalahati ng Alcantara Textile Company.” patuloy na sabi ng secretary
Ibinigay ng Secretary ang Address ng Company at ng nasabing Bangko,tila may kaba siyang naramdaman pero kailangan niyang lakasan ang loob dahil nakasalalay dito ang kanilang company.
Kinabukasan...


ay maaga siyang nagbihis,kailangan comfortable siya sa sarili para kausapin mismo ang may-ari ng company na willing tutulong sa kanya.Dumating na siya sa nasabing Address at ito yata ang pinakamalaking kompanya sa Pilipinas ,napakalaking building at nagdalawang isip siyang pumasok.Sinaludo siya ng Guard at binati din ng mga staff .
“Good Morning,may I know the office of Mr.Daniel De Dios,the CEO of this company?” sabi niya sa isang babaeng staff
“Good morning ma’am,may appointment na po ba kayo?..ahm wait ma’am may meeting pa po pala sila ngayon wait lang po kayo mga 30 minutes.” sagot ng staff at pinapaupo muna siya sa waiting area,kailangan niyang magtiis muna dahil siya ang may kailangan sa CEO ng company,maya-maya’y sinenyasan siya ng isang staff.
“Are you Miss Armina Alcantara?proceed na po kayo sa office ni Mr.De Dios ma’am,tapos na po ang meeting nila..”sabi ng isang staff
“Thank you.” masiglang sagot niya rito


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.