0

THE STORY OF US CHAPTER 8


Report

“Pres! Pres!” nakita nya ang natatarantang si Rico habang papalapit sa kanya.
“Why?” nagtataka nyang tanong dito. Kasalukuyan siyang nanonood ng mini concert . Ginawan ng malaking stage sa school grounds nila. Dito din gaganapin ang Battle of the Bands mamaya.
“We have a problem! Umuwi si Macy kasi masakit ang tyan! Wala tayong lead vocals sa band!” kita nya ang pagkataranta sa muka nito. Pati tuloy sya nataranta na din.
“Maygash pano na iyan! nakakahiya pag umatras tayo! at sayang lahat ng nireherase nyo!” nammroblema na din na sagot nya.
“Baby ikaw na lang! Tanda ko na maganda ang boses mo!” biglang singit ni Burn na nasa tabi nga pala nya.
Bigla naman nagliwanag ang muka ni Rico dahil sa narinig.
“Tama! Ikaw na lang Pres! pumunta ka na naman sa rehearsals namin kaya alam mo yung mga kakantahin.” masayang sabi nito.
“Huh? Di ko kaya! Ang daming tao!” tanggi nya agad.
“No. You can do it Baby! Sayang ang ganda ng boses mo kung di din maririnig ng madami.” pangungumbinsi pa ni Burn sa kanya.
Napatingin sya sa paligid. Sobrang dami ang tao. Kinakabahan sya. Napapikit sya. Naisip nya ang mga classmate nya. Sya ang President ng section nila. Sa gantong panahon ay sya lang aasahan ng mga ito. Isasantabi na lang muna nya ang takot. Sige! bahala na mamaya. Ang mahalaga ay makapag perform sila. Dumilat sya ng mata at tinignan ang umaasang muka ni Rico.
“Ok! payag na ko para sa section natin!” determinado nyang sagot dito.
“Yes!” napatalon pa sa tuwa si Rico. Si Burn naman ay nangiti lang.
“Gagawa na ako ng banner for you! ” masayang sabi ni Burn at bigla na lang umalis sa tabi nya.
Si Rico naman ay hinila na sya sa room nila para marehearse ang kanta. Bale 3 kanta ang kakantahin nila mamaya. Sya ang lead vocals, Si Rico back up vocals, si Chrys at Jun sa Guitars, si Chuck sa Drums. Una nilang kakantahin ang Oo ng up darma down tapos may duet sila ni Rico ng Huling Sayaw ng kamikazee and last song nila ay Haunted ni Taylor Swift.
Buti na lang memorize nya ang mga kanta na to. Mahilig kasi sya magkakakanta sa bahay nila.
1Hour na lang bago magstart ang contest. Nagpapahinga n lang sila para di mapaos. Naisipan muna nya lumabas. I gogood luck nya lang ang bestfriend nya. Kasali kasi ito sa banda ng section 1. Lead guitar ito at back up vocals din. Maganda ang boses ng bestfriend nya. Pero ayaw nito mag lead vocals. Ewan ko ba sa lalaki na yun.
Lumapit sya sa pinto ng room ng section 1. Nakita nya nagpapahinga na din ang mga to. Nakita nya si Jax sa sulok na may hawak na gitara at nag strum.
“Babs!” tawag nya dito at napalingon lahat pati ang mga kasama nito sa loob.
“Nice! Yan na pala ang inspiration eh. Mananalo na tayo guys! ” lokong asar ni Tony. Kasali din pala ito. All boys sila. Si Jeff ang lead vocals.
“Mga loko!” natatawang saway ni Jax sa mga kasama habang naglalakad papunta sa kanya.
Nangiti na lang din sya at di na pinansin pa ang pang aasar ng mga kasama.
“Bakit Nana? Are you here to congratulate us in advance?” maangas na tanong ng bestfriend nya paglapit sa kanya. Tumigil ito sa harap nya.
” Haha! Sira! Igogoodluck lang kita! Galingan mo hah. Di papatalo ang section namin.” nakangiti nyang hamon dito.
“Haha we’ll see. Nakita ko na ang vocalist nyo. Malabong manalo samen yun. Kung ikaw pa ang vocalist may pag asa kayo. Sana.” mayabang na dagdag pa nito. Lalo sya napahalakhak. Alam kasi nito na imposible syang sumali dahil sa takot nya sa crowd.
“Just wait and see VillaMayor!” naka smirk na hamon nya dito.
“Well anyway.Good luck na din sa section nyo.”
“Yap! Goodluck din sayo! Goodluck din sa inyo!” baling pa nya sa likod para mabati ang mga kasama nito sa loob.
“Thank you!” sagot ng mga to.
“Wala ba kong goodluck kiss jan para pampa swerte man lang Nana?” nakakalokong suggestion ni Jax sa kanya.
At di nya alam kung anong sumapi sa kanya at tumingkayad sya at hinalikan ito sa pisngi. Kita nya ang gulat dito pati sya nagulat.
“Yown! Panalo na kami!” sigaw ng mga tao sa loob na nakakita ng ginawa nya.Doon sya natauhan at bigla na lang sya tumalikod at tumakbo sa room nila.
“Nice ano panalo na?” narinig nya pang asar ng mga kasama kay Jax.
“Hahaha mga sira” narinig pa nyang sagot...


ni Jax bago sya makarating sa room nila. Napangiti naman sya sa di malamang dahilan.
“Bat pulang pula ka Pres?” nagulat sya na nasa loob n pala siya ng room. Bungad sa kanya ni Chuck.
“Huh? Ahm ano mainit sa labas.” Palusot nya
” Pres bihis ka na.Eto yung susuotin mo oh.” abot ni Rico sa isang black dress na spagetti strap na hanggang taas ng tuhod nya. Napangiwi sya.Paktay sya kay Jax mamaya pag nakita sya nitong suot ito. Napansin ata ni Rico ang reaction nya.
“Bakit?May problema ba sa damit?” takang tanong nito
“Eh kasi magagali-”
“Si Jax” si Rico na nagtapos ng sasabihin nya.Sabay tawa. Nag aalangan syang tumango.
“Haha di pa talaga kayo magjowa nyan hah. ” pang aasar nito.
“Sige na! Sige na! Bahala na mamaya. Bibihis na ko.” pag sang ayon na lang nya kasi ang muka nito ay nang aasar.
Nagbihis na sya at inayusan siya ni Rico ng buhok at muka. Ang buhok nya ay naka high ponytail at kinulot ni Rico ang dulo nito. Ang make up naman nya simple lang. Ayaw nya ng makapal na make up at mangangati sya.
Malapit na mag umpisa ang contest. Andito na sila sa back stage. pang huli pa sila. Bali 12 silang maglalaban laban. Hindi sya masyadong nagpapakita sa iba.Wala pang nakakaalam sa section nila na sya na ang kakanta. Sabi ni Rico para surprise daw. Haha ewan ko ba sa bakla na to daming arte.
Kay Jax hindi talaga sya nagpapakita kasi alam nyang sisitahin sya nito sa suot nya. Bibihira sya magsuot ng mga ganto. Ayaw nya ng masyadong nagpapakita ng balat na damit. Kaya di rin sya masyadong kumportable.
Nagstart na ang contest. Inumpisahan ng 1st yr section 5. at sinundan na ng iba pa.
Ng sila Jax na ay lumabas sya sa gilid ng stage. Doon na lang sya manonood para di sya mapansin ni Jax. Pang 10 sila. Bali isa na lang after nito at sila na ang kasunod. Buti nga di sila magkasunod atleast mapapanood nya pa ito.
Pumwesto na ang mga ito. Nakita nya si Jax na seryoso ng hawak ang gitara nya. Pwesto na sa gitna ni Jeff at nagstart na mag strum ng gitara si Jax.
‘Labis akong nahuhumaling..’
Unang linya pa lang ang binitawan ni Jeff pero naghiyawan na ang mga tao. Ang galing nya. Tuliro ng Spongecola ang unang kanta nila. Nakisabay na ang mga tao sa pagkanta nya. Sabay pa ng pagtaas ng kamay ng mga to. Lalo tuloy syang kinabahan. Sana magawa nya din ito sa crowd mamaya.
Sunod nitong kinanta ang Jopay ng Mayonnaise. Nagwawala na ang crowd. Napapa headbang pa ang mga tao. Ang galing nila. Tinignan nya si Jax. Nakapikit ito habang nag gigitara napapa headbang pa ng mahina. Wow ang gwapo ng bestfriend ko habang seryosong nag gigitara sa stage.
Nakatitig lang sya dito buong kanta. Di nya alam bakit napako na ang tingin nya kay Jax. Nagulat sya ng pagkatapos ng pangalawang kanta ni Jeff ay pumalit sa gitna si Jax.
‘Aba! Kakanta ng solo ang bestfriend ko!’ sigaw nya sa isip.
Napanganga sya ng makilala ang kakantahin nito. Favorite song namin to!
It took one look
And forever laid out infront of me
One smile and i died
Only to be revive by you
Pumailanlang ang malamig na boses ng bestfriend nya. Napatitig sya dito at nakitang nakapikit ito habang kumakanta.
I’ll take one step away
Then i find myself coming back to you
My one and only, one and only you.
Dumilat si Jax pagkabitaw ng chorus at diretsong tumingin sa harap. Sinundan nya ang tingin nito at nakitang nakatitig ito banda kay May na nakapwesto sa unahan. Si May naman ay todo ngiti. Napangiti din sya kahit di nya alam kung para saan yung mumunting kirot na nararamdaman nya sa puso nya.
Pumikit ulit si Jax. At nagulat sya ng muling pagmulat nito ay sa kanya na nakadirekta ang mata nito.
‘Now i know that i know not a thing at all
Except the fact that I am yours and that you are mine.
Ohh if you told that this wouldnt be easy.
And know im not want to complain…’
Sobra ang bilis ng puso nya habang nagtititigan sila ni Jax habang kumakanta ito. Di nya alam kung bakit at para saan ito. Naguguluhan sya sa nararamdaman nya. Bago pa umpisahan muli ni Jax ang chorus ng kanta ay may humila na sa kanya palayo sa gilid ng stage kaya di na nya natapos pa ang kanta nito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.