0

THE REVENGEANCE Chapter 2


Report

“Mae,nakausap mo na ba ang Chinese Man na si Mr.Chin Tan kung sa atin pa ba sila makipag-share ng mga products.?” tanong ni Armina sa pinagkakatiwalaan niyang Secretary
“Yes,Miss Armina bukas na sila pupunta dito sa Pilipinas at segurado akong magugustuhan nila ang magandang offer natin.” masiglang sagot ng kanyang Secretary
Tatlong taon na rin siyang namahala sa company nila at alam na niya ang pasikot-sikot sa negosyo,pero nangamba siya kung tatanggihan siya ni Mr.Tan,tiyak na kalahati ng kompanya ay ma-down.
“Huwag naman sana..” buntong hininga niya nang mag-isa siyang pauwi sa mansion nilang mag-ina.
“Good evening Mom,” bati ni Armina sa kanyang Ina nang nadatnan niya ito sa Sala na nagbabasa ng Newspaper.
“Good evening,how’s your day Iha?” tanong ng Ginang at masaya niyang ikinuwento na bukas ang pirmahan nila ng Chinese Man sa sharing ng Textile Company nila.
Dalawa silang magkapatid at nandun sa ibang bansa ang kuya Stephan niya na busy sa sariling negosyo at pamilya.


/> ****
Subalit isa si Armina Alcantara na pinasubay-bayan ni Daniel De Dios na sa pag-akalang ito ang apo ni Don Ignacio sa labas at nalaman niyang ang dating De Dios Textile Company ay pagmamay-ari na ng mga Alcantara at tinatangkilik na ngayon ng ibang bansa para sa Exports.
Marahan niyang tinitigan ang picture ni Armina at may kirot siyang naramdaman at nabighani naman ang kanyang mata sa kagandahan ng dalaga.
“Napakamalas mo naman na ikaw pa ang naging apo sa labas ng lolo ko..” diin ni Daniel at nag-iisang pinagmasdan ang mga litrato na pinadala sa kanya ng kanyang imbestigador.
*****
“Miss Armina,may bad news po..” mahinang sabi ni Mae na parang hindi direkta ang pagkatitig sa dalaga.
“Ano iyon Mae” sagot ni Armina
“Hindi na daw po tutuloy si Mr.Chin Tan sa pakipagshare sa atin..” mahinang sabi ng kanyang secretary
“Ano!!??..” gulat ng dalaga,na hindi sya makapaniwala “pero maayos na ang usapan namin di ba?” dagdag ng dalaga


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.