0

The Man in my Dreams CHAPTER 3


Report

Samantala naman….
.
George : Kailangan nating ilipat ng lugar si Jojo, hindi sila marunong tumupad sa usapan nagsama pa ng mga pulis, anong akala nila sakin tanga!
Fred : san naman natin siya ililipat?
George : sa resthouse namin sa Bolinao Pangasinan, maluwang yong lugar namin dun at madaming mga cottage dun na pwede nating itago si Jojo.
Fred : Boss, bakit kasi hindi pa natin tuluyan yan?
George : hindi pa pwede, wala pang go signal si papa, at saka kailangan ko pa siyang buhayin, maliban kasi sa ransom money na ibibigay ng pamilya niya na sampung milyon, may kailangan pa akong papirmahin sa lalaking yan.
Fred : ang problema nga boss kahit anong bugbug namin, kahit anong pahirap namin ayaw pumirma.
George : konting pasensiya lang, bibigay din yan..sige isakay na sa van yang gago na yan at baka maabutan na tayo ng mga pulis dito.
.
Kumilos na nga ang mga tauhan ni Grorge, pinuntahan nila ang bihag nila na si Jojo.
.
Fred : (sinipa ang bihag) gumising ka.!!!
,
Nagulat si jojo sa ginawa sa kanya, napapikit siya sa sakit sa pagkakasipa sa kanyang katawan.
.
Jojo : bakit hindi pa ninyo ako patayin, wala kayong mapapala sakin( hirap na hirap niyang sabi)
Fred : (kinalag ang kadena sa paa) Gago, hindi ka pa namin papatayin dadalin ka namin sa ibang lugar, mahirap ding kausap ang mga magulang mo, kaya magdusa sila..tumayo ka na diyan at sumakay ka sa van.
.
Ngunit hindi kumikilos si Jojo, nananatili siyang naka-upo, wala siyang lakas na tumayo.
.
Fred : hindi ka tatayo? Kaladkarin yan palabas (utos niya sa mga kasamahan)
.
Dumadaing sa sakit ng katawan si Jojo, puro pasa ang mga katawan sa bugbog ng mga tauhan ni George.
.
Sa bahay nila Jojo ay nagkakagulo ang mama at papa niya.
.
Flor : Max, yong anak natin, baka kung ano na yong ginawa sa kanya ng mga kidnaper,..(umiiyak niyang sabi sa asawa niya,)
Max : malaki ang awa ng Diyos. Hindi niya pababayaan ang anak natin.
Andrea : ma anong nangyari kay kuya? (Umiiyak niyang tanong)
.
Kadarating nito galing canada, nang mabalitaang may nangyaring masama sa kapatid ay umuwi ito.
.
Flor : anak yong kuya mo, kinidnap ipinapatubos ng sampung milyon.
Andrea : ibigay na natin ang sampung milyon para pakawalan na nila ang kuya.
Max : nakahanda na nga ang pera kaso, wala na sila sa lugar na sinabi nila, nahalata yata nila na may pulis kaming kasama.
Andrea : hindi pa po ba tumawag uli ang mga kidnaper?
Flor : hindi pa.
Max : hinihintay nga namin ng mama mo baka sakaling tumawag.
.
Hindi alam ng Mag-anak ang gagawin, nalilito at sobrang nag-alala sina Flor at Max at ganun din ang nakababatang kapatid ni Jojo.
.
Samantala naman hinang hina si Jojo sa mga sandaling iyon nanginginig ang kanyang mga tuhod, at hinang hina ang buong katawan, utak nalang niya ang malakas, pero ang katawan ay walang wala ng lakas, nakarating na sila sa resthouse, ikinulong si Jojo sa isang cottage doon, nakakadena ang mga paa at pati mga kamay..dasal lang ng dasal si Jojo na sana ay makaligtas siya sa mga kamay ni George, ang angkan nila george at ang angkan nila ay mortal na magka-away, magkalaban pa sa mga negosyo, ngunit mas higit na mayaman at higit na maunlad ang angkan nila Jojo. Kaya bagay na ikina-inggit ng angkan ni George..at naalimpungatan si Jeralene sa mga sandaling iyon, nagising siya dahil naririnig niya ang malakas na boses ni Drake mukhang may katalo ito, pinilit niyang bumangon, sa kama at titingnan niya kung sino ang kaaway ni Drake, nag-aalala siya na baka ang kaaway nito ay si Wilson na naman at baka nagpupumilit ang mga ito na ituloy ang balak sa kanya..lumabas siya at nagkubli sa mga halamang nakalagay sa hallway para makita kung sino ang kaaway..
.
Drake : ano ka ba naman kuya George, oo sa pamilya natin itong resort, pero sa akin ibinigay ni papa ang resort, kaya akin ang resort na to kaya huwag mo akong papaalisin(pa-asik niyang sabi sa kapatid sa ama)
George : si papa ang may sabi na dito muna kami ng grupo..(galit din niyang sabi)
Drake : puta naman, baka madamay pa ako sa kagagawan mo nayan, baka sumabit ako dyan sa dala mo. Nariyan lang ang girlfriend ko sa itaas at balak naming magbakasyon ng one week dito..
George : kaya nga umalis muna kayo ng barkada mo at ng syota mo, kami muna dito, delikado pag may ibang tao dito.
Dtake : shit!!! Kararating lang namin kahapon dito,..(inis na sabi niyA)
George : ano aalis na ba kayo, o Isusumbong kita kay papa pag hindi mo ako sinunod.
Drake : shit naman kuya..bukas nalang kami ng hapon aalis.
George : agahan niong umalis baka makita ng mga barkada mo ang dala namin, may kumanta pa sa mga yan..mahirap na, delikado!!
Drake : pauunahin ko na sila ngayon, pero kami ng girlfriend ko bukas ang alis namin..hindi ko pa naipapasyal ang girlfriend ko ah.
George : saka mo na ipasyal!! Hindi ka na nga nakakatulong ayaw mo pang makikooperasyon, puro na Lang babae ang inaatupag mo!!
Drake : pambihira ka naman, Oo na Sige na, pangako bukas ng hapon aalis na din kami dito.
George : bantayan mo yang syota mo ah, baka magawi yan sa cottage sa gawing dulo, makita pa yang dala namin.
Drake : oo na, akong bahala.
.
Narinig lahat ni Jeralene ang mga pag-uusap ng magkapatid, at nagpasya nang bumalik muli ng silid si Jeralene at nasa isip niya mukang may ilegal na dala ang kapatid ni drake, hindi niya lubos maiisip na mapabilang sa ganoong klase ng pamilya, at iniisip din niya na ano kaya ang dala dala ng kapatid ni Drake na nasa dulong cottage, baka naman daw mga ilegal na baril o di kaya naman ay droga!! Kaya napagisipan ng dalaga na ayain na niya si Drake na umalis sa lugar na yun, pero inaalala niya na baka makahalata si Drake na nakinig siya sa usapan ng dalawa.
.
Jera : Diyos ko, kayo na po ang bahala sakin.
.
Dasal na lang ang ginagawa ni Jera, dahil labis na siyang natatakot sa mga oras na yun.
.
Jera : Drake, anong klase ba ng pamikya ang meron ka?
.
at Hanggang sumapit ang umaga, narinig ni Jera na kumakatok sa pinto si drake.
.
Drake : Sweetheart, gising ka na ba.
Jera : oo gising na ako.
Drake : halika breakfast na Tayo.
.
Nang sila ay...


nag-aagahan sinabi ni drake kay jeralene na dumating ang kuya nito..
.
Jera : ganun ba.
.
nagkunwari si Jeralene na hindi pa niya alam,
.
Drake : pasensiya ka na ha, kailangan din nating umalis bukas ng hapon.
Jeralene : ganun ba, bakit hindi nalang kaya tayo ngayon umalis, nakakahiya naman sa kuya mo at sa mga bisita niya, (painosente niyang tanong)
Drake : sila nga ang dapat mahiya sakin ano!! Akin itong resort na ito. Ibinigay sakin ni papA ito, Sige kumain ka na ng kumain at mamanasyal na tayo.
.
Hindi na lang kumibo si Jera, at baka daw makahalata pa si drake na alam niyang may tinatago ang kuya nito.
halos maghapon silang namasyal ni drake, nagjet-ski sila nag- fishing nag-swimming, kahit papaano ay nalibang din si Jera na kasama si drake, kaya naisip niyang baka sakaling magbago na ito..madami kasi syang ayaw kay jake, sa loob ng limang buwan nilang mag-nobyo, natuklasan niyang mainitin ang ulo, nagwawala ito pag lasing, lagi pang napapaaway,..natatakot siya sa ganong klase ng lalaki, kaya nga nong nagkaroon siya ng dahilan kay drake ay sinamantala niya ang pagkakataon na makipagkalas dito..at ang isa pa ang angkan nito, mukang laging may iligal na gawain, naisip niya yong kuya ni drake, ano nga kaya ang dala dala nilang nagpunta dun, na naroon sa dulong cottage, at napatingin nga siya doon sa lugar na iyon,,at talagang bantay sarado pa ng mga tauhan ng kuya nito, ewan ba niya kung bakit ganon na lang ang gusto niya, na malaman kung ano nga ang nasa may cottage na iyon, kaya nag-iisip siya kung paano siya makakasilip doon sa cottage na yun, gusto niyang malaman kung anong klaseng pamilya ang meron sila drake.
.
Drake : sweetheart, mukhang malalim yong iniisip mo ah.
Jeralene : ha,!! Wala akong iniisip, namamangha lang ako sa lugar na ito. Napaka ganda dito.
Drake : oo nga, kaya nga inawitan ko si papa na akin na lang itong lugar na ito, nag-enjoy ka ba?
Jeralene : oo naman, ang ganda kasi dito..
Drake : oo nga eh, parang ayaw ko pang umalis dito..sa isang araw na lang tayo umuwi,
Jeralene ; ha!! Akala ko gagamitin ni kuya mo itong resort na ito.
Drake : doon naman sila sa cottage tumutuloy, hindi naman sila gumagawi sa resthouse.
Jeralene : kahit na nakakahiya naman sa kanya.
Drake : basta. Ayaw ko pang umalis,..
Jeralene : ikaw ang bahala, (sang ayon nalang niya)
Drake : tayo na sa bahay, iluto na natin yong mga huli nating isda.
Jeralene : sige, ihawin natin yong iba..
.
At pumunta na nga sila sa resthouse, at muli na naman siyang napasulyap sa cottage na pinaglagyan umano ng kung anong dala, ng kapatid ni drake..at iniisip pa niyang puntahan ito pag nakatulog na si Drake pag dating ng gabi, talagang gusto niyang malaman kung ano ang dala ng kapatid ni drake.
Hanggang sa sumapit na ang gabi, nagpunta si Jeralene sa kwarto ni drake at bahagya siyang kumatok dito, ngunit walang nagbubukas kaya pinihit niya ang doorknob bukas ito.
.
Jeralene : drake.. drake..( tawag niya)
.
Ngunit walang sumasagot, tiningnan niya din sa terace wala din ito. At natanaw niyang may ilaw sa sa isa sa mga cottage dun. At narinig niyang maiingay ang mga nanduon, at nakita nga niya si drake na naroon din nakikipag-inuman sa grupo ng kapatid nito. Halos hating gabi na noon, nangangamba siya, na baka malasing si drake eh toyoin ang utak. Nagwawala pa man din, at ang isa pang ikinatatakot niya ay baka pasukin siya sa kwarto niya at ipilit na may mangyari sa kanila..papasok na sana uli siya sa silid niya, ngunit naisip niya ang cottage sa may dulo ng resort, naisip niyang sumalisi doon, tutal naman daw ay nalilibang ang mga tao doon, at napagpasyahan nga niyang pumunta duon sa cottage na yun. Luminga linga muna siya kung may tao sa dadaanan niya, ng wala siyang makitang tao, ay dali dali siyang pumunta duon, lakad takbo ang ginawa niya, at hanggang sa nakarating na nga siya sa dulong cottage. at nagpasalamat siya na wala ni isang bantay duon..nakikipag-inuman ang mga ito..nagpunta siya sa gawing likuran ng cottage, at nagpasalamat siya at may ilaw sa loob nun, makikita niya kung ano ang laman ng cottage na iyon, at nakakita nga siya ng isang butas sa dingding at sumilip siya roon..at laking gulat niya ng makita niya ang isang lalaking nakaupo sa silya at nakakadena ang paa at kamay nito.
.
Jera : Diyos ko, sino siya!
.
gimbal siya sa nakita, hawak niya ang kumakabog niyang dibdib, na nanginig sa nakita, yun daw pala ang dala ng kapatid ni drake..at mukha daw talagang pinahirapan ito, dahil puro pasa ang katawan at mukha, may dugo pa ang labi, at sa ilong..yun na nga ang ikinatatakot niya, ayaw niyang mapasama sa mga ganong klase ng pamilya..at tinanong niya sa sarili niya kung ano ang gagawin niya..at nagpasya na siyang umalis sa lugar na iyon at baka may makakita pa sa kanya duon, ngunit napatigil siya at parang may nag-udyok sa isip niya na silipin uli ang lalake, kaya sinilip niya uli, nilabanan ang takot, at masusing tiningnan kung paano ang ayos ng lalaking nakakadena, at awang awa siya, sa klase ng pagkakatali sa kanya ng kadenang iyon, at talagang madaming pasa at sugat sa buong katawan, ang ibig sabihin ay talagang gigil na gigil silang saktan ang lalaki, at lalong nagimbal ang dalaga sa isiping posibleng mangyari sa lalaki sa mga kamay ng kapatid ni drake, kung sakaling hindi ito makalaya mula sa pagkakadena nito.
.
Jera : Anong gagawin ko??
.
gusto pa sanang pasukin ng dalaga ang cottage at tanungin ang lalake kung bakit ginawa sa kanya iyon, ngunit sinaway niya ang sarili dahil baka mahuli pa siya ng mga tauhan ni George, at hindi nga nagtagal ay may nakita siyang papalapit na tao sa cottage na iyon, takot na takot siya, buti na lang at kulay itim ang suot niya at nagkubli siya sa malagong dahon ng halaman, dumadagundong ang tibok ng puso niya sa takot, halos hindi siya makahinga. At nang makakubli na ang dalawang tao na magbabantay sa cottage na yon ay, agad siyang umalis duon, at pakubli kubli niyang tinatalunton ang pabalik sa resthouse. At laking pasalamat niya at nakarating din siya ng resthouse, papasok na siya ng pinto ng—-
.
Drake : Saan ka galing..(galit na tanong niyA)
Jeralene ; Drake!!!
.
Sobrang kabog ng dibdib ni Jera sa takot, dahil si Drake ay masama ang tingin sa kanya.
Itutuloy..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.