0

The Man in my Dreams CHAPTER 2


Report

Nalilito si Drake sa mga sandaling iyon sa mga ikinikilos ni Jera at parang nawala na ang ngit-ngit nito sa dalaga, dahil sa pakikipagkalas nito sa kanya, gusto ni Drake na gantihan si Jera dahil sa pakikipag break nito, ngunit nawala ang galit ni drake sa dalaga.
.
Drake : talaga bang mahal mo ako?(naupo sa tabi ng dalaga)
Jeralene : natural, sasagutin ba naman kita noon kung hindi!!
Drake : (inakbayan ang dalaga) hirap naman kasi sayo, galit ka ng galit kapag binabalewala ka..
Jeralene : natural na magagalit ako sayo, minsan gusto kong mag-dinner na kasama ka, nasan ka nandoon sa mga barkada mo, na ewan ko kung ano ang pinagkaka-abalahan nio!! (Katwiran niya dito) ano ba kasi ako sayo, palamuti? Tao ako na nagmamahal sayo drake, bakit kulang ang panahon mo sakin!!( nag-gagalit-galitan)
.
At tila nasundot ng dalaga ang malambot na bahagi ng pagkatao nito, effective nga yong diskarte niyang ginagawa kay drake.
.
Drake : talagang mahal mo ako? (Tanong niya uli)
Jeralene : o-oo nga!!
.
Malambing na ang tinig ni Drake, at niyakap na niya ang dalaga, napapikit nalang si Jeralene sabay kagat sa labi dahil sa nadaramang di pagkagusto sa yakap na ginawa ni Drake, mula ng nakipag-break si Jeralene kay Drake ay tuluyan ng nawala ang pagmamahal niya dito dahil sa pangit ang ugali ni drake, pero sa halip na manulak ang dalaga, yumakap rin siya dito at nagsumiksik sa katawan ng binata, para tuluyan niyang makumbinsi na totoo siya, upang iligtas ang sarili sa anumang kapahamakan na maaari niyang kaharapin, wala siyang laban kay drake at sa mga barkada nito, kaya kailangan ay pagbutihan niya ang pakikitungo sa lalaki.
.
Jeralene : bakit ganyan ka?(humihikbi pa niyang tanong) Manhid kaba? Demanding ba ako kung hindi kita mahal, at isa pa kaya lang naman ako galit noon, dahil naiisip ko na baka hindi lang yong mga kabarkada mo ang pinagkakaabalahan mo, kaya madalas na wala kang panahon sakin.
Drake : Ha, at sino pa ba?
Jeralene : si Leslie, di ba lagi siyang sumasabit sa barkada niyo, minsan nga nakita ko pang malapit siya sayo!! Siguro gusto mo din siya ano?? At ang pagkaka-alam ko mapag-bigay ang babae na yun, at kaya siguro nahuhulog na ang loob mo dun? Ano nga naman ang panama ko dun sa leslie na yon, seksing magdamit, samantalang ako manang.at ayaw sa pre-marital sex, anong magagawa ko, kung ganito ako pinalaki ng mga magulang ko.
.
Natigilan si Drake, sa mga sinabi ng dalaga, at lihim na nag-alala si Jeralene, nakahalata yata na ang tinutumbok ng mga salita niya ay tungkol sa pagtanggi niya sa sex, at nag-aalala din siya na baka, mahalata ni drake na nire-reverse niya ito, nililibang na para palayain siya.
.
Drake : ano ka ba, hindi lang naman sex ang gusto ko sayo ah, kung yun ang gusto ko sayo hindi sana kita iginalang sa mga panahon na tayo diba, nakita mo naman itinigil ko na din ang pangungulit ko sayo na pag-bigyan mo ako, alam mo naman ang reputasyon ko sa mga babae, pag gusto kong maging syota, nagiging akin, at pag hiniling ko sa kanila yong gusto ko agad nilang ibinibigay, ngunit iba ka doon sa mga yoon, dahil mahal kita..
.
Sa narinig ni Jeralene kay drake, nagsiksik muli siya sa dibdib nito habang humihikbi, pinigil niya sa sarili niya ang pangingilag at pag-aalala.
.
Drake : oh sige tama na ang iyak, magsimula na tayo uli ha.(at masuyong hinaplos ang mga buhok nito)
Jeralene : ang ibig mo bang sabihin ay—-
Drake : oo, magsimula tayo uli, at kalimutan ang mga nangyari at ang break-up natin, at pangako ko na hindi kana magiging less priority ko, alam mo bang sobra akong nasaktan ng makipag-break ka sakin..at ngayon na nalaman ko na ang pagkukulang ko sayo, narealize ko na mahal na mahal pala kita, at hindi ako makakapayag na mawala ka pa sa akin, mapapatawad mo ba ako?
.
napalunok si Jera sa tanong ni drake, sa isang sagot lang niya ng oo at baka maging okay na ang lahat, magiging okay na sila at hindi na itutuloy ang talagang balak sa kanya na gawan ng masama..pero paano kung hindi? Wala naman na siyang choice, kailangan niyang makaligtas sa kamay ni Drake at sa mga barkada nito.
.
Jeralene : oo naman!! (Natataranta pa niyang sabi) M-mahal kita, ayaw ko rin namang mawala ka sa akin.
Drake : salamat!!( tuwang niyakap niya ang dalaga)
.
Napapikit na lang si Jeralene na parang gusto niyang manulak, magwala. At labis siyang nag aalala dahil baka daw ang susunod na gawin ni drake ay hilingin na sa kanya ang bagay na noon pa sa kanya kinukulit na makuha, todo tanggi lang niya, naaalarma siya na baka iyon ang hilingin na katibayan nito na kung totoong mahal nga niya ito, nahiling ni Jera na huwag naman sana.
.
Drake : ang mabuti pa, magpahinga kana ha? (Bumitaw sa pagkakayakap kay Jeralene at masuyo pang pinisil ang baba) at magpapahanda ako ng hapunan natin, im sorry hindi na ito mauulit, hindi na kita pagtatangkaan ng masama.
Jeralene : talaga?(sagot agad ng dalaga at lihin na nakahinga ng maluwag)
Drake : oo, pero gusto ko, itakda na natin ang kasala natin ha?
Jeralene : Ha, K-kasal!!!(gulat niyang sambit)
Drake : oo bakit ayaw mo? (bahagyang tumalim ang mata)
Jeralene : A-ayaw?? Syempre gusto ko!!.(at naging mabilis ang pag-iisip ni Jeralene) ang inaalala ko baka pagkasal na tayo, balewalain mo naman ako.
.
Mabuti na lang at matalas ang isip niya ngunit sa kabilang banda, may katotohanan sa sinabi ni Jera na baka Pag mag asawa na sila ni Drake ay para Lang siyang basahan na iiwan nito sa isang tabi.
.
Drake : Hindi ko gagawin sayo yun sweetheart, basta pakasal ka sakin, magbabago na ako!!
Jeralene ; talaga?(pinasigla ang boses)
Drake : Oo sweetheart!!
Jeralene : oh Sige, mamanhikan na kayo sa amin pagbalik natin, kailan ba tayo babalik?
Drake : mga isang...


linggo tayo dito?
Jeralene : isang linggo?(nagulat siya sa sinabi ni drake) pero drake may trabaho ak–(Hindi natuloy ang sasabihin)
Drake : Hindi mo na kailangan pang magtrabaho, dahil ikakasal na tayo, dapat ka ng mag-resign, hindi naman ako papayag na mag-asawa na tayo nagtatrabaho ka pa, gusto ko ako na Lang ang aasikasuhin mo!!
.
Nalulula si Jera sa pinagsasabi ni Drake, hindi naman siya pwedeng tumutol, ayaw niyang kontrahin kahit na naghuhumiyaw ang pagtutol ang kanyang kalooban.
.
Jeralene : sigurado ka na gusto mo akong pakasalan?
.
muli niyang tanong upang libangin si drake dahil parang nagdududa na ito Sa kanya
.
Drake : Oo naman gusto ko nang magkaroon ng karapatan sayo. Kung talagang kasal Lang ang gusto mo bago may mangyari sa atin, so be it!!
Jeralene : S-sige kung yan ang gusto mo!!(sabi niya agad)
Drake : oh thank you, sweetheart,(at muling niyakap ang dalaga)
.
Hindi tumutol si Jeralene ng yakapin sya nito, at kahit ng halikan siya ni drake sa mga labi ay pilit niyang tinugon ito ng gaya ng dati na mahal pa niya ito, ang mahalaga ay ligtas siya kahit pansamantala sa masamang balak nito sa kanya.
.
Drake : sige, magpahinga ka na.
.
at lumabas na si drake ng resthouse, at gulat ang mga barkada ni Drake na nalaman na nagkaayos silang dalawa.
.
Wilson : putya naman!! Napurnada pa ang delihensiya namin, akala ko ba pagkatapos mong pagsawaan ay ipapasa mo samin. Alam mong atat din kami sa kanya noon kaya lang inunahan mo kam—-
.
hindi natuloy ang sinasabi ng barkada ni drake dahil dumapo nabang kamao ni drake sa muka ng barkada.
.
Drake : tarantado ka, huwag na huwag mong pag-iisipan ng kabastusan si Jeralene ( sinurot surot pang daliri niya ang muka ni wilson)
Wilson : teka pare, sandali, kaya ko lang nasabi yun dahil ikaw narin ang may sabi sa amin ang balak mo bago natin siya kid—–(hindi natuloy ang sasabihin)
Drake : pwes, kalimutan na ninyo ang pinagusapan natin, dahil akin lang si Jeralene..at papatayin ko kung sino man ang magtatangka ng masama o hahawak man lang sa kanya, kahit na sa dulo ng buhok(sabay kasa ng baril at itinutok sa mga barkada niya. At huminto sa mukha ni Wilson.)
Wilson : pare naman, huwag mong itutuk sakin yan, at baka pumutok yan!!(takot na sabi niya)
Drake : talagang ipuputok ko ito sa iyo, kapag magsalita kapa uling kabastusan kay Jeralene!!!
Wilson : O-oo, oo hindi na!! Akala ko kasi ayaw mo na sa kanya!!
Drake : gago, anong ayaw?? Pakakasal na kami at magiging asawa ko na siya!!
Wilson : talaga, sige hindi na ako magsasalita pa ng kabastusan tungkol sa kanya!!
Drake ; mabuti at nagkakaintindihan tayo(ibinaba ang hawak na baril) at kayo (sabay turo sa iba niyang barkada) huwag na kayong mag-ilusyon kay jeralene ha, magiging asawa ko na siya at huwag ninyo siyang babastusin..
.
sabay sabay tumugon ng oo ang mga ito, takot sila kay Drake dahil alam nilang kaya nitong pumatay ng tao, alam nila kung ano pa ang kayang gawin ng pamilya nito sa kanila…maimpluwensiya ang mga pamilya ni Drake.
.
Mabuti na yong nagkakaintindihan tayong lahat, sa isang linggo pa tayo babalik sa lungsod, gusto kong ma- enjoy ni Jeralene ang bakasyon dito sa resthouse namin. At habang narito kami yong kabilang cottage ang gamitin ninyo ha, at ayokong matakot siya sa inyo.
.
At sinang-ayunan na lang siya ng mga barkada niya, at samantalang si Jeralene mula sa pagkukubli sa gilid ng hallway ay dahan dahan siyang humakbang pabalik ng silid, dinig niya lahat ang pag-uusap nila drake at mga barkada nito, buti na lang daw pala ay napagbago niya ang isip ni Drake, kung hindi, pagpipyestahan ng mga barkada ni Drake ang katawan niya, at sa isiping iyon ay kinilabutan si Jera.
.
Jeralene : (sa isip niya) Grabe..kapag nagkataon. Ang magiging asawa ko, ay may ugaling hoodlum, bakit ba kasi nasagot sagot ko pa yun, nasilaw ako sa gandang lalaki niya, pero hindi bale, kung sakaling hindi na ako makawala sa kanya at nagpakasal na kami baka sakaling magbago.. Sana nga..
Drake : sweetheart !!
Jeralene : H-ha!!(gulat na napalingon) ikaw pala, (pilit niyang nginitian si Drake)
.
Nakangiting lumapit sa kanya si Drake..
.
Drake : ipinahanda ko na yong hapunan natin, halika na kumain sweetheart!!
Jeralene : sige, nagugutom na nga ako eh (naka ngiti niyang sabi)
.
Pilit ang siglang ipinapakita niya kay drake, kahit ng akbayan siya nito ay hindi siya pumalag, ikinawit pa niya ang braso niya sa bewang ni drake. At sabay silang lumabas sa silid na iyon..
At inakala ni drake na nagbalik na uli ang pagtingin niya dito, kaya ang sabi ni Jera ay kailangang pakikitunguhan niyang mabuti si drake, dahil ligtas siya sa kamay ng mga barkada nito at mismong sa kahayupang binalak nito sa kanya, ginalingan ni Jera ang pagpapanggap kay Drake, upang magmukhang makatotohan na bumalik na ang pagmamahal niya dito.
.
Jera : Alam mo sweetheart, namiss ko to.
Drake : Ako din.
.
Ipinagkalagay ni Jera ng pagkain sa plato si Drake.
.
Drake : ang mabuti pa sweetheart, maupo ka na at ako ang dapat na magsilbi sayo.
Jera : hindi ako ang babae kaya dapat ako ang magsisilbi sayo.
Drake : ang sweet naman ng sweetheart ko.
Jera : kanino ba itong place nato?
Drake : sa pamilya ko to, private resort..
Jera : wow, bakit hindi mo ako dinala dito nun, siguro madami ka ng babaeng naidadala dito ano.
Drake : wala pa, ikaw pa lang ang idinala ko dito
Jera : Hmp nakaka inis, kung hindi pa pala ako nakipag break hindi mo pa ako idadala dito.!(kunwaring nagtatampo)
Drake : sorry na, hayaan mo, mamamasyal tayo sa dalampasigan.
Jera : talaga?
Drake : oo.
.
Umaayon ang pagkakataon kay Jera, dahil kailangan niyang makita ang buong kapaligiran ng lugar na iyon dahil sa sandaling makakuha siya ng tyempo ay tatakas siya..
.
Itutuloy..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.