0

The Hottiest Woman Series 2 Chapter 2


Report

💃🏻Chapter 2💃🏻

Nang matapos ang show ko sa bar sa pagkanta ay pumunta naku sa likuran para magbihis dahil ilang minuto na lang ay uwian na.

Nagulat naman ako sa biglang pagyakap sakin ni Don Rodolfo Vegas sa likuran ko at hinalikan ang leeg ko,sabay bigay nito nang dalawang pu’t libo sakin.

“Babe allowance mo” kamusta sa school?” tanung nito at nginitian ko namang kinuha ang pera sa kamay niya.

“Ok lang babe.”

“Babe,i want you now.” bulong nito sa tenga ko sabay kagat nito.

“Hmm,ungol ko sa ginawa niyang pagkagat sa tenga ko.

“I want your body now.” wika nito at siniil ako nang halik sa labi na kaagad ko naman pinutol.

“Ok,but before that” lets drink para uminit ang gabi natin.” malandi kung wika.

“Okay,get your favorite wine let’s drink.” nakangiti namang wika nito.

Agad naman ako nagpunta sa mga nakadisplay na wine at kumuha,kumuha narin ako nang dalawang baso. Habang naglagay ako nang wine sa baso ay pasimple ko naman kinuha ang gamot na pampatulog at nilagay ko iyun sa inumin ni Don.

“Here i come babe.” wika ko dito sabay abot sa kanya nang baso,nakahiga ito sa kama at nakahubad na nang pang taas nitong suot, naka boxer na lang ito.

Kahit malaki ang agwat nang edad namin ni Don,ay masasabi ko parin namang malakas parin ang karisma nito at may makisig parin na katawan na hinahabol parin nang mga kababaehan.

Pagkatapos niyang inumin ang wine na binigay ko,ay agad niya kung hinawakan sa bewang papalapit sa kanya at siniil nang halik na tinugon ko naman,para bukas ito ang maalala niya at isipin niyang may nangyari samin kahit wala ganun ang ginagawa ko sa kanya dati pa dahil ang gamot na binigay ko sa kanya ay my side effect na pagod ang katawan mo kinabukasan.

“Babe,your the only woman,to make me crazy.” bulong nito at patuloy sa paghalik sa labi ko hanggang sa maramdaman ko na lang ito na huminto na kaya agad ko itong tinulak,pabagsak itong nahiga sa kama,inayos ko muna ang pagkakahiga niya at kinumutan ko ito,bago ako tuluyang umalis nang bar.

Paglabas ko nakaramdam na ako nang antok hanggang sa marating ko na ang call center at naghintay nang taxi para maghatid sakin at sa harap nang call center may waiting shed kaya naupo ako at ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko,habang naghihintay nang taxi.

Nagising naman ako na yumuyogyog ang katawan ko,pagmulat ko nasa pidecab na ako ni Jayford.

“Honey,sorry kung nagising kita.” wika nito.

“Jayford sinundo mo ako?”

“Oo,hindi kasi ako makatulog kaya pinuntahan na lang kita,mabuti na lang walang nangyaring masama sayo ang sarap nang tulog mo sa waiting shed,ni hindi mo namalayan na binuhat na kita paupo sa pidecab ko paano kung may masamang taong unang nakakita sayo.” mahabang litanya nito.

“Sorry,Jayford” antok na antok na kasi ako.”

“Alam ko,kaya mamaya at sa susunod susunduin na kita lagi.”

“Wag,wag na Jayford nakakahiya naman sayo maabala pa kita.”wika ko dahil ayokong malaman ni Jayford na sa bar ako nagtratrabaho at mas lalong ayokong makita sj Jayford ni Don,baka anong gawin niya kay Jayford,seloso pa naman yun,naalala ko nung may lumapit sakin sa bar at agad akong niyakap pasimpleng pinasundan ni Don ang lalaki yun sa mga tauhan niya at binugbog ayokong mangyari iyun kay jayford na inosente at walang alam sa trabaho ko.

“Honey,nandito na tayo sa harap nang bahay mo.”wika nito kaya agad akong tumayo at bumaba sa pidecab niya,kukuha sana ako nang pambayad nang bigla niyang pinigilan kamay ko at hinawakan nang mahigpit.

“Wag na,diba sabi ko masaya akong naihahatid ka sa school at sa trabaho mo.”

“Hmm,marami na utang ko sayo niyan,magkano naba? Ngiting tanung ko.

“Hindi na mabilang,pero saka na kita sisingilin pag handa kana.”natatawang wika nito at itinulak ako papasok sa bahay.

“Sige na honey,pumasok kana para makatulog kana nang maayos.”

“Okay thank you,ikaw din matulog kana ulit.”

“Oo makakatulog naku nang mahimbing dahil alam kung ligtas kana.” wika nito at ngumiting umalis sa harapan ko kaya pumasok na ako at dumiretso na sa kwarto ko,mahimbing nang natutulog ang lahat nang tao sa bahay dahil alas tress na nang madaling araw.

Pumasok muna ako sa banyo at nagpalit nang pantulog,pagkatapos kung magpalit ay agad akong nahiga sa kama ko.

Tatlong oras lang akong nakatulog at kailangan ko ulit bumangon para pumasok sa school,pagkatapos kung mag almusal naligo at nagbihis nang uniporme ko ay inilagay ko naman ang malaking salamin ko sa mata at bumaba narin ako,himala dahil tahimik ngayon kaya ako na ang kumuha nang pera at ibinigay ko kay mama,kumuha ako nang limang libo at iniabot sa kanya.

“Ma,mag stock kayo...


nang bigas at bilhan niyo nang paboritong pagkain si ate rose.” wika ko dito at lumabas na nang bahay naabutan ko naman si jayford na nasa harap na nang bahay namin naupo sa pidecab niya at nakatulog,nagising naman ito nang biglang huminto ang trycycle ni kuya sa harapan ko.

“Bunso sakay na ako na maghahatid sayo sa school.” wika ni kuya.

Tumango ako kay kuya at nilapitan ko muna si Jayford.

“Jayford,napuyat yata kita kagabi matulog kana muna,si kuya rommel na maghahatid sakin.”

“Ah okay lang honey kung si rommel ang maghatid sayo.”

“Matulog ka na lang ulit pre,wag mo kasi lagi isipin tong kapatid ko.” natatawang wika ni kuya.

“Oo na bilisan mo ihatid muna si honey”mamaya ha ako magsusundo kay honey.”wika ni jayford kay kuya.

“Oh sige pagbibigyan na lang kita,baka magkasakit ka ei,kung dimo maihatid sundo ang kapatid ko.”

“Naku,puro kayo biro halika na nga kuya,ihatid muna ako baka ma late naku.” wika ko sabay upo sa trycycle nito.

Mabilis naman ito pinaandar ni kuya,nang makarating na kami sa harap nang school,kumuha muna ako nang pera sa wallet ko.

“Oh ito kuya o isang libo bili mo nang gatas at diaper kay baby.” wika ko kita kung ang laki nang ngiti nang kuya ko sakin kaya agad ko itong iniwan.

“Salamat bunso,.” sigaw pa nito.

Naglalakad naku papunta sa class room ko nang mapansin kung bukas pala ang bag ko at nahulog ang diary ko. Pupulutin ko sana nang mabilis naman kinuha iyun ni cheche na isa sa bully kong kaklase kasama nito ang baklang si kris at iba pang mga alipures nito na mga bully.

“Akin na yang notebook ko.” wika ko sabay abot kay kris sa book,matangkad kasi itong si bakla. Pero hindi ko maabot kaya panay ang tawa nang mga ito.

“Ano ba,akin na yang book ko.” inis kung wika.

“Abutin mo nerd! Abutin mo nerd ! Sigaw nila,nang dumating naman ang tatlong famous sa school si Aubrey Mich at Toni.

“Hoy Ano ba ang aga aga ingay niyo.” singhal sa kanila ni Aubrey at kinuha ang book ko.

“Umalis nga kayo dito kung ayaw niyong sipain ko kayo.” sigaw ni Aubrey sa mga nambully sakin.

Nginitian ko si Aubrey dahil natutuwa akong tinulungan niya ko,pero nagulat ako nang biglang hilahin ako ni mich at toni sa loob nang banyo at isinandig sa pader.

“Bakit mo kami sinundan kahapon ha?” taas kilay na tanung ni Mich.

“Hindi ko kayo sinundan kahapon,nagkataon lang na doon ko naisipang matulog kaya nakita ko kayo.”yukong wika ko.

Maya maya narinig kung binasa ni aubrey ang nakasulat sa book ko at nagsimula silang magtawanan.

“Dear Diary.” saad ni aubrey na binasa ang nakasulat sa diary ko.

“Hahahahaha may pa diary kapa ha.” si toni naman na labas ang ngala ngala sa kakatawa sa sulat nang diary ko.

“Sige basahin niyo pa kung ano pa ang nakalagay diyan.” wika ni mich.

” Love parang buble gum,pag dumidikit nakaka baliw! Wika ni aubrey

Lakas naman nang tawa nang tatlo nang basahin nila ang nakasulat sa diary ko.

“Ang pag ibig parang ibon,pag iyung pinakawalan kusa itong babalik kung para sayo.”

“Tama na yan,akin na yang book ko.” wika ko pero hinigpitan lang ni mich at toni ang pagkakahawak sakin.

“Bakit ba ha,may tinatago ka ba sa book mo?” singhal ni mich.

“Ang charot charot mo ha.” natatawang wika naman ni Aubrey.

“Aubrey,pinapatawag kayo nang principal.” sigaw nang kaklase namin kaya binitawan na ni aubrey ang book ko.

Binitawan na din ako ni mich at toni,kaya mabilis ko agad pinulot ang book ko at akmang lalabas naku nang banyo pero agad naman akong pinatid ni mich dahilan para madapa ako sa sahig.

Tiningnan ko si mich,ngumiti ito at tinaasan ako nang kilay bago umalis.

“Mga pasaway nato,malaki yata problema nang mga ito sa mundo kesa sakin at walang magawa kung hindi mumbully,pagalitan sana kayo ni principal.” bulong ko at nagmamadaling tumayo at inayos ang malaking salamin sa mata na suot ko at tumakbong pumasok sa classroom dahil late naku.

Nang matapos ang isang teacher,ay agad naman pumalit ang isang teacher,pero nagtataka ako bakit panay tawa ulit ang mga kaklase kung sira ulo.

“Hahahaha.” malakas na tawa nang kaklase ko sabay turo sa likod ko kaya inabot ko iyun may nakadikit sa likod ko na papel at may nakasulat.

OPEN FOR S*X nang mabasa ko iyun ay gusto kung maiyak kaya sinumbong ko sa teacher.

“Keep Quiet!! Sigaw ni teacher.

“Maa’ m oh idinikit nila sa likuran ko.” wika ko at pinabasa ko sa teacher.

“Hindi na kayo nahiya,ang lalaki na na ninyo pero mga isip bata parin kayo mga spoiled brat.” sigaw nito na nagpatahimik sa mga kaklase kung bully.

To be continue..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.