16

Embrassing the Darkness Kabanata 1


Report

Kabanata 1

“A-yoko na…N-nandyan na naman s-siya. S-sasaktan na naman nya ko. Ayoko n-na. Ayoko na!”

Napabalikwas ako sa aking higaan dahil sa isa na namang masamang panaginip na kasa-kasama ko na ‘twing matutulog. Bumangon ako at pumuntang kusina para mahimasmasan man lang. Napatingin ako sa cellphone ko, ala sais na pala ng gabi. Bumalik ako sa kwarto, naligo at gumayak na para sa aking trabaho. Sa tapsilogan na lang ako muli kakain at nawalan na ko ng gana pang magluto. Ini-ready ko muna ang damit na susuotin para mamaya at ang aking puhunan. Make up at pabango. Mabilis ako lumabas at nilock na ang maliit na bahay na pamana pa sa akin ng magulang ko. Mabaho, magulo, mausok galing sa mga yosi ng tambay o kaya sa iba’t ibang ihawan, maingay na mga nagchichismisan, at sumisigaw na mga lasing o ‘di naman kaya sigawan ng mag-asawang nag-aaway. Iyan ang normal nang tanawin sa akin pagpasok at paguwi galing trabaho. Sanayan na lang, aba ewan ko na lang kung ‘di ka pa masanay kung simula pa lang nung inire ka ito na ang kinamulatan mo sa squatter. Nang mapadaan ako sa tumpukan ng nagiinuman, agad akong hinarang ni Bert. Isang lalaking moreno, payat, may kaliitin, walang pang-itaas, namumungay ang mata siguro sa kalasingan, at okay naman ang itsura. Naghiyawan pa nga ang mga kainuman nito. Inirapan ko na lang ang mga ito at tamad na tiningnan ang kaharap.

“Masarap. Bagong sweldo ako ngayon. Baka pwede naman..” namumungay na matang sabi nito sa akin.

“Pwede naman. Basta alam mo na ang kalakaran tamang bayad-tamang sarap, sobrang bayad-sobrang sarap at malaking bayad-ligaya. Kaya kung wala ka din namang datung aba’y stop na kung ayaw mong saktan ng puson.” paanas ko pang sabi. Na parang nagse-sales talk lang ng promo ng mumurahing pagupitan. Sasagot na sana sya ng biglang lumapit ang asawa nitong may bitbit na sanggol at may bata pang nakahawak sa duster nito.

“Layuan mo ang asawa ko! Pokpok na ito! Malandi!” nakasigaw nitong sabi at hinila ang asawa nya sa tabi nya. Inirapan ko ito at nakahalukipkip na hinarap ang babae.

“Pokpok man sayong paningin ngunit maganda at malinamnam pa rin, kaya’t asawa mo’y haling sa akin.” Makata ko pang pang-aasar at kinindatan pa siya. Nagsigawan muli ang mga lasenggo sa amin ng marinig ako. Isinisigaw pa nila ang pangalan ko kaya kinindatan ko din sila. Galit na galit na tumingin sa akin si Alma na asawa ni Bert. Nginisian ko ito bago tinalikuran, ngunit huminto din ako sabay sabing “Ang losyang mo na kasi girl. Kaya hindi ko masisisi asawa mo e kung naakit sa alindog ko. Paano kumbaga sa isda bilasa ka na. Friendly advice ha, ligo din pag may time. Medyo maasim na e. Bye..” maarte pa kong kumembot at kumaway kaway sa mga instant audience na pala namin na naghihiyawan muli. May naririnig pa kong ‘sa pula sa puti’. Sabik na naman sila na pagpustahan ako, sabong lang?

Umorder na ko ng tapsilog at RC na maiinom. Nanghingi na din ako ng sabaw na mahihigop ko. Suki na ko dito, parati akong dito kumakain kapag tinatamad akong magluto. Malinis at mura pa kasi sa halagang 35 lang, may kanin, tapa, itlog, sabaw at unlimited toyo, suka, ketchup at malamig na tubig pa. San ka pa? Okay nagse-sales talk na naman ako kung makakapag-aral lang ako bagay talaga sa akin ang kursong Marketing e. Haha. Naalala ko na naman ang eksena ko kanina. Oo, totoo iyong sinabi ni Alma pokpok ako. But not your typical pokpok, pokpok with brains ito noh. Madiskarte at praktikal kumbaga. Maaring iniisip nyo na nagpapagamit ako, madumi, whether you believe it or not. Hindi. Ginagamitan ko talaga ng utak. Kapag tine-table ako at ite-take out, sinisiguro ko na lasing na lasing na ang costumer ko, minsan ginagamitan ko ng sleeping pills o kahit isang masarap na massage lang ‘pag lasing na lasing tulog na agad sila. At pagkagising nila nagiging writer ako at gumagawa ng napakasarap na kwento. Haha. Easy money ika nga. Tinapos ko na ang pagkain at inabot ang bayad. Sumakay na ko sa jeep papunta sa trabaho ko. Malapit lang naman ito sa tinitirhan ko. Pagkababa ko agad kong nasilayan ang pangalan ng pinagtatrabahuhan ko, LASANG PANG-MASA iyan ang mababasa mo. Kalat na ang mga babaeng nakasuot ng maiikling kasuotan, may suot na nagkakapalang make up at nagbebenta ng laman. May iba ding bugaw na naroroon.

Kanya-kanyang alok..

Lahat desperadang kumita..

Lahat kumakapit sa patalim kapalit ng perang kikitain na panglamang tiyan para mabuhay..

Pagpasok ko wala pa masyadong tao, ngunit may nagsasayaw ng nakahubad sa stage. Binati ako halos lahat ng mga katrabaho ko. Hindi na kasi iba ang turingan namin dito, kahit ganitong uri ang hanapbuhay namin. Pamilya pa din ang tingin namin sa isa’t isa. Pumasok na ko sa may kalakihang silid na naglalaman...


ng malaking salamin at lamesa sa harap. Doon nakalagay ang mga make up namin. Pati ang napakaraming nagiikisiang kasuotan ay nasa gilid. Nadatnan ko ang tatlo sa kasamahan ko at isa pang babae. Busy sa pag-aayos ang dalawa samantalang naguusap naman ang dalawa pa.

“Oh Masarap. Ang aga natin ngayon ah.” sabi sa akin ni Malinamnam. Kung nagtataka kayo kung bakit Masarap at Malinamnam ang tawagan namin. Iyon ang tawag sa amin dito sa bar. Iba-iba, ako si Masarap. Meron ding Matamis, Mapagbigay ( sa kama ), Malambot, Mapaglaway, Magaling, Maharot, Malibog, at kung anu ano pa. Maganda si Malinamnam, hindi man masyadong katangkaran pero maputi ito. Mahaba ang straight na kulay itim nitong buhok. May kalakihan ang mata at matangos na ilong.

“Maaga kasi akong nagising. Oh sino iyan, bago?” turo ko sa isang babae na hindi pamilyar sa akin.

“Ah, oo Masarap. Bagong dala ng recruiter na taga sa amin din.” paliwanag ng isa ko pang kasamahan na si Matamis. Si Matamis naman ay ang kasamahan ko pang palangiti na may magagandang ngipin at mapulang labi. Singkit ito at morena. Matangkad din ito at may kulay kapeng buhok na hanggang balikat nito. Napansin ko na naman ang isang babaeng ‘di pamilyar sa akin na kausap kanina ni Matamis, umiiyak ito habang nagbibihis na ako.

“Oh e bakit sya umiiyak?”

“Alam mo naman Masarap, first job tapos sa ganito pa. Inosente at laking probinsya.” sabat ni Malambot habang abala ito sa paglalagay ng make up. Ang kasamahan ko naman na si Malambot ay nagtataglay ng magandang kutis at katawan. Ngunit ang mukha nito ay tama lang, average kumbaga. Mahaba ang blonde nitong buhok. Halos lahat naman kami dito ay nagtataglay ng kagandahan noh.

“Naku, naku. Masasanay ka din girl dito. Sa una lang iyan. Huwag ka nang umiyak at walang napapala ang mahihina dito. Patibayan ng sikmura, kapal ng mukha, pero gamitan din ng isip. Iyan lagi itatak mo sa isip mo para maka-survive ka at kung para saan at para kanino ba ang gagawin mong ito. Hugutan mo. Hahaha.” payo ko sa baguhan. Napapalakpak naman ang tatlo kong kasamahan at sinangayunan ako. Learn from the expert daw?

Matapos kong magbihis at mag-ayos napatitig ako sa mukha ko sa salamin. Magaganda ang mapupungay kong mata na nagtataglay ng mahahaba at makapal na pilik mata. Talk about asset huh. Maliit ang matangos kong ilong, makipot ang manipis kong labi na mamula mula. May tangkad akong 5’7, may tamang puti at tamang katawan. Ngunit makatawag pansin ang aking hinaharap na malaki talaga lalo na’t sobrang nipis at kipot ng aking tiyan. Siguro naman nabigyan ko ng hustisya ang binigay nilang pangalan sa akin MASARAP or mas tamang sabihing Mukhang Masarap. Kasi wala pa naman nakakatikim sa akin. Walang nagtagumpay. At wala akong balak dito isuko ang tanging bagay na aking maipagmamalaki.

Nilapitan ko ang newbie namin na tumahan na ngunit nangingilid pa din ang luha sa mata.

“Anong pangalan mo at ilang taon ka na ba?” tanong ko ng malapitan ito. Umupo pa ko sa harap nito. Nag-aayos na din naman kasi si Matamis kaya ako muna ang aaliw dito.

“Marie Belle po. 17 na ko.” mahinhin na sagot nito. Bahagya namang nanlaki ang mata ko ng malaman ang edad nito. Napakabata pa, maging ang dalawa ko pang kasamahan ay nagulat din. Si Matamis naman mukhang alam na.

“Ang bata mo pa ah. Buti isinama ka ng nagrecruit sayo? Ayaw kasi ni Madam ng wala pa sa 18 o legal age.” sabi ni Malambot.

“Sabi po kasi ni Aling Manda, okay na daw ito. Mag-eighteen na daw kasi ako this year tapos ‘di naman daw halata kasi hinog na katawan ko.” paliwang nito. Napailing na lang ko, sabagay hindi halata sa katawan nito. May kaitiman man ngunit pantay ang kulay nito at maganda ang katawan. Mahahaba ang biyas at mahaba ang along alon na buhok nito. May inosente pang mukha, kaloka inosente talaga.

“Buti pumayag magulang mo? Alam ba nila ang magiging trabaho mo dito sa lungsod?” may pag-aalalang tanong dito ni Malinamnam. Napansin naming lumuha na naman ito.

Tumango ito bago sumagot na humaplos sa puso namin at nakaramdam ng matinding awa para dito “Oo alam nila. Sa katanuyan si Nanay pa ang bumugaw sa akin kay Aling Manda. Hiningian na nga agad ni Nanay ito ng down payment na malaking halaga. Kaya wala akong kikitain at hindi ko din alam kung saan ako pupulutin.”

Bigla namang may kumatok iyong baklang assistant ni Madam pala si Cherry. Nagbatian muna kami bago nito iannounce ang balitang nagpahagulhol lalo sa bago at batang bata naming kasamahan.

“Oy mga bakla mamaya na tayo magchika okie? Kailangan ng lumabas sa stage ni Maalindog in fifteen minutes. Patapos ng magperform si Mapagbigay, bihis na baby girl ha ay este hubad na pala. At medyo mainit ulo ni Madam.”

To be continued…
Ano pong masasabi nyo continue or delete?


16 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.