0

The Choosen ONE Chapter Dos


Report

Sa tatlumpong bihag na kadalagahan.Sampu lamang ang nakapasok sa qualification Ng check up session.At isa si Nadeline sa sampung iyon.
“Bukas ng gabi ay dadalhin na kayo sa KingPaws Island.Kaya hangga’t maaga pa ay ayusin nyo ang mga sarili nyo.Pagdating doon ayaw kong may umaarte arte”litanya ng madam ng grupo kuno sa sampung dilag na tahimik lang habang nakapila.Katatapos lang nilang maghaponan.Puro mga veggies pinapakain sa kanila dalawang araw na.Masyado daw kasing maarte yung Bagong hirang baka ni isa’y walang magustuhan sa kanila.Oh diba sya na nga lang ang tatanggap ng regalo maarte pa.
Ayaw kong may makita na may paayaw ayaw at lalo sa lahat ayaw Kong makakita na may umiiyak”dagdag pa nito sabay sulyap Kay Nadeline.
Tsaka naglakad patungo sa direksyon ni Nadeline.
Ang ngiti ang mas pinakaimportante sa lahat bukas ng gabi”madiing wika...


nito sa harapan ng dalaga.Umismirk ito habang tinititigan ang dalaga.Siguro ngay napansin nito na simula pa lang kahapon ay kalungkutan at pagkadisgusto Ang tanging nakikita sa mukha ng dalaga.
Kung gusto nyong mabago ang takbo ng buhay nyo pagkatapos nito galingan nyo”pahabol pa nito at binigyan ng isang tingin si Nadeline na nag iibig sabihin na ayusin ng dalaga.
Hala magsitulog na kayo”pinalakpak pa nito ang dalawang palad.Pumasok sa kanya kanyang tulugan ang mga dalaga na ang tanging tabing lang ng bawat silid ay manipis na puting tela.
Anong pangalan ng isang iyon?tanong nito sa katabing katiwala.
Nadeline Signe madam”agarang sagot nito.
Bantayan mo sya ng maigi simula ngayong gabi,dahil mukhang kakaiba sya.Kung Hindi man sya ang mapili ng Bagong hirang.Tiyak maraming magkakandarapa na mayayaman sa Deviled Island na kunin sya”sabay alis sa lugar na iyon…..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.