0

Fated Hearts CHAPTER EIGHT


Report

DALAWANG reply ni Clark ang nakita ni Rhodel sa kanyang e-mail. Ang una ay sinabi nitong hinahanap pa rin siya ng ama at hindi pa rin nagkikibuan ang kanyang mga magulang. He sighed. It was definitely not good news for him. Pero ano ba ang inaasahan niya? Bumuntong-hininga uli siya at ibinaling ang atensiyon sa pangalawang e-mail. Clark was asking him where he was. Nabanggit kasi niya sa nakaraang e-mail na nasa Mindanao siya. And Clark’s response sounded like he was freaking out.
Immediately, he typed his reply.
πŸ“² RHODEL :
No worries. I told you I’m perfectly safe. 😊
And then he hit the Send button. Ang bilis ng reply ni Clark na ikinatawa niya.
(Ano bang iniisip ng mokong na to? Na binihag ako ng mga rebelde?)
With a smile, he replied and told him he was staying at Cagayan de Oro.
πŸ“² CLARK :
Where in CDO exactly?
πŸ“² RHODEL :
Somewhere in Macasandig
Several seconds later, his best friend replied and told him he was relieved. Chuckling, he replied once more before logging out.
πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•
NAKATITIG si Cris sa langit na punong-puno ng nagkikislapang mga bituin. Halos mag-aalas-diyes na ng gabi pero hindi pa siya inaantok. Nandoon lang siya sa bakuran at nakatingala sa langit. Narinig niyang bumukas ang front door at nalingunan si Rhodel na papalabas.
“Hey. Hindi ka pa natutulog?” tanong niya nang makalapit ito.
Umupo si Rhodel sa kanyang tabi at umisod siya upang bigyan ito ng espasyo. “Ikaw? Ba’t hindi ka pa natutulog?”
Marahan siyang ngumiti. “Hindi pa ako dinadalaw ng antok, eh.”
“You should be asleep by now, you know. May trabaho ka pa bukas.”
“Alam ko. Don’t worry, papasok na rin ako. Just give me five more minutes.”
Tango ang naging sagot ni Rhodel.
Muli siyang tumingala sa langit at mula sa sulok ng mga mata ay nakitang ganoon din ang ginawa ng binata. Ang mahinang pagdampi ng hangin sa kanyang pisngi ay nakakaantok.
“Hey, I have a confession to make,” pagbasag ni Cris sa katahimikan.
Nilingon ni Rhodel ang binata at tinignan nang deretso sa mga mata.
Ngumiti ang kanyang mga mata. “My real name si actually Merry Cris.”
“Merry Cris…..” ulit ni Rhodel na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.
Her name sounded soft and melodic as each syllable slid from his lips and that made her smile.
“Well, I have a confession, too. My real name is actually Mark Rhodel. But your name it’s the sweetest name I’ve ever known.”
Pinigilan ni Cris na matawa ngunit hindi siya nagtagumpay. “Shut up.” Mabuti na lang at medyo hindi nito nakikita ang kanyang mukha dahil sigurado siyang namumula ang mga pisngi niya.
Tumawa si Rhodel. “Totoo. Hindi ako nagbibiro, I swear.”
“Wag mo nga akong lokohin.” Hinampas niya ito sa balikat na lalo nitong ikinatawa.
Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.
“I have another confession to make,” mayamaya ay sabi ni Rhodel. Sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang mukha.
“Now don’t tell me, you’re an angel and your mission is to protect me,” biro ni Cris. Ngumiti ito at sa unang pagkakataon ay hindi iyon umabot sa mga mata. “Rhodel?”
Kinuha ni Rhodel ang kanyang kamay at pinisil. Hindi niya binawi ang kamay. Nakatingin lang siya sa side profile nito, hinihintay na muling magsalita. “Remember when I told you I ran away from home?” tanong nito.
Tumango siya habang hindi inaalis ang mga mata sa binata.
“It’s because…..my parents arranged for me to marry someone.”
Napasinghap si Cris. Base sa lungkot ng mga mata ni Rhodel, alam niyang hindi ito nagbibiro. Biglang uminit ang sulok ng kanyang mga mata. She threw her arms around him and blinked her tears away. Ipinatong niya ang ulo sa balikat nito. She felt stupid for feeling hurt. First of all, she was not his girlfriend. But still, she could not help herself.
“Hindi ako susunod sa gusto nila. I’m not going to be their puppet anymore,” mahinang sabi ni Rhodel.
Bahagya siyang lumayo sa binata upang tignan ito. “Paano kung pilitin ka pa rin nilang magpakasal? Paano kung itakwil ka nila kapag hindi mo sinunod ang gusto nila? Paano kung wala kang choice kundi ang sundin sila?”
Hindi na napigilan ni Cris ang pamumuo ng mga luha. Huli na para mag-iwas ng tingin dahil nakita na ni Rhodel ang mga luha sa kanyang mga mata. Ngunit nagbaba pa rin siya ng tingin at pumatak na ang kanyang luha.
“Cris, are you crying?” Hinawakan nito ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha.
“Yes. At hindi ko alam kung bakit.” Kinagat niya ang ibabang labi at pinahid ang luhang naglandas sa pisngi.
Tumawa nang marahan si Rhodel at ginagap ng dalawang kamay ang kanyang mukha. “You sound like my troubled girlfriend.”
Lumayo siya rito. “Yon nga ang problema, eh. Hindi mo ako girlfriend pero…..” Her voice trailed off. Hindi niya kayang tignan ito sa mga mata.
“Pero ano, Cris?”
“Pero nasasaktan ako,” mahinang pag-amin niya.
Namagitan ang katahimikan sa kanila. Naghintay siyang magsalita si Rhodel ngunit wala siyang narinig mula rito. Kinagat niyang muli ang ibabang labi at nagdesisyong pumasok na lang sa loob ng bahay. Pero bago pa man niya magawa iyon ay hinawakang muli ni Rhodel ang kanyang kamay. Lumingon siya, para lang makitang dinala nito sa mga labi ang kanyang kamay.
Pagkatapos ay hinagkan siya sa mga labi. Gumanti ng halik si Cris nang walang pag-aalinlangan. Habol nila ang hininga nang matapos ang halik. Pinaglapat ni Rhodel ang kanilang mga noo. Pumikit siya at ninamnam ang sandali.
“I don’t want to hurt you, Cris. That’s the last thing I want to do,” bulong nitong ginagap ng dalawang kamay ang kanyang mukha.
“Then don’t,” ganting-bulong niya. Dumilat siya at sinalubong ang tingin nito.
“Hindi ko maipapangako.”
Ngumiti siya. “Hindi mo kailangang mangako.”
Gumanti ng ngiti si Rhodel at muli siyang hinagkan sa mga labi.
πŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’ž
TATLONG araw na ang lumipas at mas naging malapit sina Cris at Rhodel sa isa’t isa. It was like they were both in a relationship, but not really. Wala naman kasi sa kanila ang nagsasabi ng L word. It just happened. Hindi alam ni Cris kung saan iyon patungo. Hindi naman siya nagmamadali, eh. She will just let things happen naturally. She was sure Rhodel was doing...


the same thing.
Linggo ngayon at sabay na naman silang nagsimba. Actually, there was nothing new about it. Paglabas ng simbahan ay nakita nilang umaambon. Worse, wala silang dalang payong. Gusto pa naman sana nilang mamasyal.
Napatingin si Cris sa binata nang bumuntong-hininga ito. Ang braso ni Rhodel ay nakapulupot sa kanyang balikat. She could smell his perfume and she wanted to bury her nose in his shirt.
“Ano na?” tanong niya.
Tumingin si Rhodel sa kanya at ngumiti. “Gusto mong mamasyal, Hindi ba?”
Umiling siya. “Kanina yon, pero hindi na ngayon. Sa bahay na lang kaya tayo? Let’s watch a movie or something.”
“Hmmm, that doesn’t sound too bad.”
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Para ka namang napipilitan.”
Marahan itong tumawa. “Hindi, ah.”
“Sige na. Sa bahay na lang tayo. Baka kasi lumakas pa itong ulan at mabasa lang tayo. Ayokong magkasakit, no.”
She did not know she was pouting until Rhodel dipped his head and kissed her. At sa harap pa ng simbahan!
PDA na nga, sa harap pa ng simbahan. Jusko!
Pero mukhang balewala iyon kay Rhodel. “Kung magkakasakit ka man, I’d be more than happy and willing to take care of you.” His eyes were twinkling as he said those words.
Gustong tumili ni Cris dahil sa nararamdaman ngayon. Her heart was beating fast and she could feel some butterflies in her stomach tickling her. Tumikhim siya, ngunit bago pa man makapagsalita ay tumawa nang marahan si Rhodel.
“I really love the way you blush, Merry Cris.” Abot-tainga ang pagkakangisi nito.
“Nag-blush on ako kaya wag kang assuming,” depensa niya na sinisikap na huwag mamula.
Hindi na siya nakapag-react pa nang pisilin ni Rhodel ang kanyang pisngi bago tinignan ang kamay nito. He grinned even wider when he did not see any signs of makeup on his fingertips. “Yeah, right.”
Kung matutunaw si Cris sa kinatatayuan ngayon, kasalanan iyon ni Rhodel.
“We’d better go home,” sabi ng binata habang nakatingala sa kalangitan.
Medyo kumalma na ang puso ni Cris at ganoon din ang ambon. Ang isang kamay ni Rhodel ay nakapatong sa kanyang ulo na para bang ayaw nitong mabasa iyon kahit na hindi naman talaga nakakabasa ang ambon. Hindi niya mapigilan ang ngiti sa mga labi dahil sa concern ng binata.
Tuluyan nang tumila ang ambon nang makababa sila ng tricycle. Habang naglalakad ay hinawakan ni Rhodel ang kanyang kamay at hinayaan lang niya. She wanted him to hold her hand, so why stop him?
“Cris?”
“Hmmm?” Lumingon siya at nakitang nakatingin ito sa kanya.
Bumuka ang bibig ni Rhodel upang magsalita pero may kung anong umagaw ng atensiyon nito kaya nagbawi ng tingin. Nakatingin ang binata sa harap nila kaya ganoon din ang kanyang ginawa.
May itim na sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay ni Cris. May matandang babae at lalaki na lumabas mula sa sasakyan. Hindi niya kilala ang mga ito pero sa paraan ng pagpisil ni Rhodel sa kanyang kamay, alam niyang kilala nito ang dalawa.
Napatingin siya kay Rhodel at may nakita siya sa mga mata nito. Takot.
“Mark. It’s time to go home.”
Napabaling si Cris sa matandang lalaking nagsalita. Noon niya napansin ang resemblance ni Rhodel sa matandang lalaki. Napasinghap siya. Hindi kaya……..
“Dad….” anas ni Rhodel.
“Oh, Mark, my son.” Tumakbo palapit sa kanila ang babae at niyakap si Rhodel.
Hindi alam ni Cris kung ano ang gagawin. Isa lang naman kasi ang nasa isip niya ——- they’re here for Rhodel. At iuuwi na ng mga ito ang binata.
“It’s time to go home now, anak. We’ve been so worried about you. And thank God, we finally found you. We’ve missed you. Come on, it’s time to go home,” sabi ng ginang na hinila si Rhodel, ni hindi siya tinapunan ng tingin. It was like she was invisible.
Agad na napuno ng mga luha ang kanyang mga mata nang maramdaman ang dahan-dahang pagbitiw ni Rhodel sa kanyang kamay. Gusto niya itong hawakan at pigilan pero hindi niya magawa. Ni hindi niya magawang ihakbang ang mga paa.
“Rhodel…..” mahinang tawag ni Cris sa binata.
Lumingon si Rhodel at nakita niya sa mga mata ng binata na ayaw nitong umalis. Nabaling ang atensiyon niya nang lumabas si Kuya Borj mula sa gate bitbit ang isang malaking bag. It was Rhodel’s. May spare key kasi si Kuya Borj sa kanyang bahay kaya ito nakapasok. Lumingon muna si Kuya Borj sa kanya bago inilagay ang bag sa luggage compartment at nakita niya ang panibugho sa mga mata ng lalaki.
“Mom, h-how did you know I was here?” tanong ni Rhodel sa ina ngunit ang ama nito ang sumagot.
“Someone told us you were staying here at dali-dali kaming pumunta rito. Mabuti na lang at napagtanungan namin sila.” Tumingin ang ama ni Rhodel kina Kuya Borj, Kuya Indong at Kuya Bruno, pagkatapos ay muling bumaling sa binata. “They instantly recognized your face as soon as we showed them your picture.”
“Dad ———”
“It’s time to go home. Marami nang araw ang nasayang. We need to keep going.”
“B-but, Dad ———”
“We need to leave now!” bulyaw ng matandang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Cris. She could not believe how he was treating Rhodel. Gusto sana niyang magsalita pero humarap sa kanya ang ina ng binata. Nagulat siya at bahagyang napaatras.
Ngumiti ang ginang sa kanya. “Here, take this. Pasasalamat namin sa pagpapatira mo sa anak namin sa bahay mo.” Kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay ang puting sobre na may lamang ilang lilibuhin.
“N-no, Ma’am. Pasensiya na po pero hindi ko to matatanggap.” Sinikap ni Cris na isauli sa ginang ang sobre pero isinara nito ang kanyang kamay.
“Come on, Leticia. Just leave it. Kung ayaw niya, eh, di wag,” sabad ng asawa nito.
Bumuntong-hininga ang ina ni Rhodel, pero ngumiti na rin bago tumalikod. Binalingan niya si Rhodel na noon ay nakatingin na rin sa kanya.
Kinagat ni Cris ang ibabang labi para pigilan ang sarili na mapaiyak. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa namumuong mga luha sa mga mata habang pinanonood si Rhodel na lumulan sa kotse. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Nang hindi na mapigilan ay tuluyan na siyang napahagulhol. When the car drove away, she was sure her heart was also taken away.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.