0

The Broken Wife Chapter 26


Report

Serenity
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nakita kong nasa tabi na namin si Ryker na tulog pa. Napangiti ako dahil nakayakap pa ang aking anak na si Ryder sa kanyang ama habang nakapulupot naman ang kamay ni Ryker dito. Napangiti ako kaya naman kinuha ko ang aking cellphone sabay pinicturan silang dalawa.
Dahan-dahan akong bumangon upang hindi sila magising sabay pumanhik sa baba nang makita ko sina Linda at Maria na abalang nagluluto para sa aming almusal. Nang makita nila ako ay sabay nila akong binati at agad naman akong ngumiti sa kanila. Tumulong na rin ako sa paghahanda sa hapag kainan. Habang naghahanda kami ng almusal ay tinanong ko sila tungkol sa garahe kagabi.
“Ahm, kayo ba iyong nasa may bandang garahe kagabi?” tanong ko sa kanilang dalawa at nagtinginan naman silang dalawa.
“Ano po ang ibig niyong sabihin Ma’am? Ang pagkakaalala ko naman po ay tulog na ho tayong lahat. Bakit ho may nakita ho ba kayo kagabi sa may garahe kagabi? Hindi ho kaya si Sir Ryker lang ho iyon?” tanong ni Maria sa akin at umiling ako agad.
“Imposible e kasi hindi pa dumadating nun si Ryker. Kung sakaling dumating na siya ay sana narinig ko ang sasakyan niya,” sagot ko naman sa kanilang dalawa.
Nagtataka silang napatingin sa akin at halata ang takot sa kanilang mga mukha dahil sa aking mga kwento. Hindi ko na lang itinuloy na tanungin pa sila dahil mukhang wala nga silang narinig kagabi at tanging ako lang ang nakarinig. Maaaring guni-guni ko lang din kaya kung anu-ano na ang mga naririnig ko.
Nang matapos kaming maghanda ng almusal ay pumanhik ako sa taas upang gisingin ang aking mag-ama pero pagdating ko sa kwarto namin ay nakita kong gising na pala silang dalawa at nagtatawanan pa. Pagkakita nila sa akin ay mabilis akong ngumiti at saka tinawag na silang dalawa sa hapag kainan.
Nauna na akong bumaba at saka muling tinulungan sila Linda sa paglagay ng mga pagkain sa mesa. Nakababa na ang mag-ama at agad na silang umupo sa harapan ng hapag kainan. Linagyan ko ng pagkain ang pinggan nilang dalawa habang si Linda naman ang abalang naglalagay ng juice sa baso namin. Nagsimula na rin akong kumuha ng aking mga pagkain nang maalala ko si Ryleigh.
“Ryker? Si Ryleigh kumusta na pala siya?” Napangiti siya sabay napatingin sa kwarto ni Ryleigh sa ikalawang palapag ng bahay. “She’s here?” Tumango siya at gano’n na lang ang galak ko nang malaman na nakauwi na si Ryleigh.
Nang matapos kaming kumain ay agad na akong dumiretso sa kwarto ni Ryleigh at nakita kong tahimik na siyang natutulog at parang hindi siya nanggaling sa hospital. Napangiti na lang ako at pinipigilan ko ang maiyak sa sobrang tuwa. Nakatayo ako sa may bukana ng kwarto ni Ryleigh nang maramdaman ko ang yakap ni Ryker sa aking likuran. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking baywang sabay pinatong ang kanyang baba sa aking kanang balikat.
“I’m so happy that she’s already well. Thank you.” Humarap ako kay Ryker sabay binigyan siya ng halik sa kanyang mga labi.
“No, my love. I should be the one saying...


thank you. You gave me a beautiful family, and yo’ve tolerated my craziness and didn’t leave my side. That’s why thank you so much love.” Napangiti naman ako sabay isinara na ang pinto ni Ryleigh at hinayaan siyang magpahinga dahil ilang araw din siyang nanatili sa hospital.
Bumaba na kami sa may salas nang maalala ko iyong dapat kong tanungin kay Ryker. Abala siyang umiinom ng isang baso ng tubig nang humarap ako sa kanya at saka seryosong napatingin sa kanya.
“Ryker? We need to talk. I need to tell you something very important, and it’s been bothering me ever since.” Lumunok siya at saka napatango.
“Sure. What is it, my love?” Napalunok ako.
“It’s about Laila.” Napatigil siyang muli at napatingin sa akin ng seryoso. Maya-maya ay nakita ko na nag-iba ang kanyang ekspresyon.
“Is she bothering you again?” Alanganin akong tumango dahil hindi ko naman alam kung siya nga iyong nagpadala ng kahon na iyon.
“I don’t know because we don’t have any proof yet.” Nakagat ko ang aking labi sabi hinawakan ang kanyang kamay ng mahigpit at saka ilinapit ito sa aking mukha. “I think Laila has been following me ever since she’d known that I am your wife.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?” kunot-noong tanong ni Ryker sa akin.
“Noong mga panahon kasi na nasa hospital pa lang noon si Ryleigh at noong mga panahon na palagi kang nasa hospital ay may natanggap akong isang package na nakalagay sa isang pulang kahon. Kasama ko pa noong mga panahong iyon si Linda, Maria, Kuya Robert at Ryder. Nang buksan ko kung ano ang laman nun ay halos tumayo lahat ang balahibo ko,” paliwanag ko.
“Bakit? Ano ang nasa kahon?” muling tanong niya.
“It’s a finger of a person with a wedding ring on it. The finger looks authentic at mukhang kakaputol lang nito.” Napamaang si Ryker sabay napahilot sa kanyang noo.
“W-What? Why didn’t you tell me this before? Where is the finger? Nasaan iyong box?” sunud-sunod na tanong ni Ryker sa akin na nag-aalala na.
“Wala na. Pinatapon ko na kay Kuya Robert. Hindi ko na alam kung saan niya ito tinapon basta ang alam ko ay sa sobrang takot ko noon ay pinatapon ko na lang ito.” Tuwing naaalala ko ito ay tumitindig ang aking balahibo. “At kagabi lang ay parang may tao sa garahe at akala ko ay ikaw na iyon pero noong titignan ko na ay hindi ko ito nakita dahil nagising si Ryder.” Mas lalong naalarma si Ryker at agad na kinuha ang kanyang cellphone sabay tinawagan.
Lumayo siya sa akin sabay nakipag-usap sa kung sino sa may telepono habang nakatingin sa akin. Napalunok naman ako at hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Are we in trouble? Nang matapos makipag-usap si Ryker sa telepono ay mabilis na lumapit siya sa akin.
“Pack your things and get the kids. We need to leave this house as soon as possible.” Kita ko ang takot at pag-aalala sa mukha ni Ryker noong mga panahong iyon. Doon pa lang alam ko na maaaring may kinalaman nga si Laila rito.
-Chapter 26 up!- 😁


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.