1

WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 32


Report

David’s POV:
OVERNIGHT.
Ito agad ang desisyon na binitawan ko kanina habang enjoy na enjoy si Michael sa beach.
Sinabi ko sa kanila na dito kami magpapalipas ng gabi, para sa gano’n maging sulit ang pagpunta namin sa lugar na ‘to.
But the truth is, may pinaplano ako ngayong gabi.
Balak kong magpropose kay Kate.
Balak kong hingin ang kamay niya para maging asawa ko na siya.
Hindi ko na kasi hahayaan na tumagal pa ang lahat. Alam kong mabilis dahil hindi pa nag-iisang buwan ang relasyon namin, pero gusto kong makasal kami.
Napatitig ako ngayon sa maliit na box na hawak ko.
Singsing ito na binili ko kanina.
Kaya nga ako natagalan sa pagbalik dahil dumaan pa ako sa jewelry para bumili nito. And happy to say, napili ko ang maganda at mamahalin na singsing.
A diamond ring that cost million.
Ganyan ko kamahal si Kate.
“Papa, ano po ‘yang hawak mo?”, sulpot na tanong ni Michael.
Muntik ko pang malaglag ang singsing dahil sa biglaang pagsulpot niya sa harapan ko.
“Nak naman, ‘wag mo akong gulatin ng ganyan.”, usal ko sa bata.
“Hindi po kita ginugulat papa, nagtatanong lang po ako ng maayos.”, he said.
Pilosopo talaga ‘to.
“Hays. Nasa’n ba ang mama mo? Kasama mo ba?”, tanging sambit ko.
“Nakikita mo po ba si mama sa tabi ko?”, balik na saad niya.
“Hindi.”, I replied.
“Oh edi, wala po siya dito papa. Hindi ko siya kasama.”, muling turan niya.
Tangina! Naiisahan lagi ako ni Michael.
“Akala ko ba, okay tayo? Bakit parang binabara mo ako?”, I asked him.
“Kasi papa, hindi mo sinasagot ang tanong ko.”,
“Ano ba kasing tanong mo?”,
“Kung ano po ‘yang hawak mo? Kanina ka pa kasi tulala at nakangiting mag-isa.”,.
“Ah eto ba? Para ito sa mama mo.”, wika ko naman.
Sa puntong ito, lumuhod ako para maging kapantay ko si Michael.
“Balak kong magpropose ngayon sa mama mo. Para makasal agad kami.”, pag-aamin ko.
“Kasal? Wow papa! Gusto ko ‘yan!”, bigkas niya na lumalaki ang mata sa saya.
“Oo. Gustong-gusto ko na rin mapangasawa ang mama mo. Gusto ko maging legal ang pagsasama namin at maging legal kitang anak.”, seryoso kong sagot.
Siguro kapag nangyari na ‘yon, ako ang pinaka-swerteng lalaki sa buong mundo.
“Ang bait mo papa! Kaya gusto kita para kay mama! Basta ‘wag mong sasaktan ang mama ko ha? Kapag pinaiyak mo si mama, makakalaban mo ako.”, saad nito na may pagbabanta sa boses.
Ginulo ko ang buhok niya at nangako.
“Hindi ko sasaktan ang mama mo. Wala sa isip ko na saktan siya.”, tugon ko at tumayo ulit.
“So ano, tulungan mo ako ha? Hanapin mo ang mama mo tapos papuntahin mo sa pinaka-last floor ng hotel.”, pag-uutos ko sa kanya.
“Walang problema papa! Ako ang magiging tulay para sagutin ka ni mama. Tsaka, sigurado naman ako na matutuwa ‘yon sa gagawin mo.”, sambit nito at kumaripas ng takbo.
Hindi na rin ako nagsayang pa ng minuto at tumungo na ako sa itaas para tingnan kung handa na ang lahat.
May inutusan kasi ako...


para maayos ang set-up sa last floor.
“Sir, okay na po.”, bungad na saad ng babae sa akin pagkapasok ko.
Tiningnan ko ng mabuti ang bawat sulok at makikita ko na pulido at maganda ang kinalabasan.
“Thank you.”, tugon ko kasabay ng pag-abot ko ng bayad sa dalaga.
“Welcome Sir, I need to go na po.”, pagpapaalam nito at tuluyang lumabas.
Parang nasa castle ang design at style ng room.
Dito mo mararamdaman na para kang hari dahil sa kagandahan ng loob.
At ngayong gabi, magiging reyna ko na si Kate.
Siya na lang ang kulang sa buhay ko.
“Bilis na po mama. Ang bagal mo namang maglakad.”, rinig kong boses mula sa labas.
Boses ‘yon ni Michael na animo’y pinapabilis ang kilos ng mama niya.
Ang batang ‘to, daig pa ang matanda kung umasta. But I love his personality. Masyado siyang bibo at nakakatuwa siyang panoorin.
Kahit hindi ko siya kadugo, para sa akin, anak ko na si Michael.
“Bakit ba kasi? Ang sakit na ng paa ko ha? Kanina mo pa ako kinakaladkad. Hindi dito ang room natin, anak. Bumaba na tayo. Baka hinahanap na tayo ng papa David mo.”, wika ni Kate sa bata.
Palihim akong tumatawa dahil sa ka-cutan ng boses nilang mag-ina.
I can’t wait to be her husband.
Na-eexcite na ako na maging missis ko siya.
“Buksan mo na mama, dali.”, bigkas ni Michael sa kanyang ina.
“Alam mo anak, hindi kita tinuruan ng maling asal ha? Makaalis na nga.”, inis nitong saad.
“Mama, ang KJ mo. Hindi ka na bata para magpakipot. Bubuksan mo lang naman.”, usal nito sa magulang.
“Hayss. Ang kulit mo! Ano ba kasing meron sa pesteng room na ‘yan? Kapag may multo akong nakita, talagang iiwan kita dito.”, pagalit niyang sabi.
Unti-unti kong nasilayan ang marahan nitong pagpihit ng pinto dahilan para mabuksan niya ang room.
Pero buti na lang, nasara ko agad ang ilaw kaya hindi niya agad ako nakita.
When she was about to press the switch on, hinanda ko na ang sarili.
One.
Two.
Three.
Salitang ‘WILL YOU MARRY ME?’ ang gumuhit mismo sa ilaw.
Iba’t ibang ilaw ang gamit kaya makulay ang datingan.
“I love you Kate. I love you, always.”, malambing na sambit ko.
Sinabayan ko ng music ang bawat paglapit ko sa kanya.
Hindi bongga ang proposal ko, pero pinaghandaan ko rin ‘to.
“Ayoko ng mawala ka pa sa buhay ko, honey. Kaya habang maaga pa, gusto ko ng hingin ang kamay mo at iharap ka sa altar. Alam kong pinangarap mo ‘to sa ibang lalaki noon, pero ako na ang tutupad no’n para sayo. Mahal na mahal kita Kate, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili.”, pahayag ko at dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya.
“So, will you be my long-time partner? Will you be my wife?”, patuloy kong bigkas.
Naiiyak itong tumango na bilang sagot sa tanong ko.
Kaya sinuot ko ang singsing sa daliri niya at hinalikan siya ng mariin sa labi.
This girl infront of me, is now my fiance.
END OF CHAPTER 32
©Binibining_Timoji


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.