0

The Broken Wife Chapter 11


Report

The Broken Wife
Chapter 11
Nandito kami ngayon nina Ryker, ang kanyang mga magulang at ang aking mga magulang sa simbahan kung saan ay magpapa-reserve kami ng araw kung kailan ang kasal. Medyo excited kasi ang aking mga magulang na maikasal ako kaya naman para hindi na sila mangulit pa ay pumunta na kami sa simbahan. Kaso mukhang natunugan din ng mga magulang ni Ryker kaya sumama na rin sila. Ayan tuloy isang buong pamilya ang nandito sa may simbahan na nakikipag-usap at sobrang daming tanong ng aking ina at ang ina ni Ryker. Seriously, sino ba’ng ikakasal, sila ba o ako?
Napatingin na lang ako kay Ryker at umiling na lang siya. “Mom.” Lapit ni Ryker sa kanyang ina kaya natigil ito sa pagtatanong. “Sa tingin ko ho much better ho kung kami na lang siguro ni Serenity ang mismong magtanong ng availability ng dates. Kailangan din kasi nating problemahin ang venue para sa reception.”
Nagkatinginan ang aking ina at si Tita Estrella at nahihiyang lumayo sa secretary ng simbahan. “Sorry, pasensya ka na iho. Medyo nasasabik na rin kasi ako na maikasal ang aking gwapong anak.”
“Why don’t we just have a cup of coffee somewhere and let our children be the one to plan their wedding?” Suhestiyon ng aking ama at tahimik na tumango naman sila. “Okay. I have the perfect place so let’s go.”
Naiwan kaming dalawa ni Ryker ng gano’n gano’n lang kaya napangiti na lang ako kay Ryker. Kami na mismo ang nagasikaso ng aming kasal tulag ng sabi ni Papa. Sinigurado ni Ryker na wala kaming kasabay dahil gusto niyang maging espesyal ang araw na iyon para sa aming dalawa. Habang may pinapapirma sa amin sa simbahan ay napalingon na lang ako nang may boses ng isang babae ang bumati kay Ryker. Pagtingin ko sa kanya ay nakasuot siya ng hapit na hapit na dress at halos sumilip na ang cleavage nito. Maganda naman siya at sexy sabay naka-shades pa ito.
“Ryker? Oh my god!” maarte nitong bati kay Ryker at napakunot ang aking noo sa inasta niya. “It’s been months since I last saw you. By the way, thank you for healing my mom’s heart. She owes it to you.” Dinikit nito ang kanyang malaking hinaharap kay Ryker at mapasimangot ako nang hindi man lang umiwas si Ryker sa kanya.
“Nice to see you again, Clare. Good to know that your mom is fine and well. Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong naman ni Ryker.
“Actually sinamahan ko lang iyong friend ko kasi ikakasal na siya next month. Hinahanap ko nga siya kaso hindi ko na siya makita kasi hinanap daw niya iyong restroom dito.” Maya-maya ay ikinawit niya ang kanyang mga braso sa braso ni Ryker. “How about you what are you doing here? I missed you.” Napamaang na lang ako sa sinabi niya. “Siya nga pala, you want to go to a hotel?”
Nakaramdam ako ng inis sa kanilang dalawa kaya naglakad ako paalis na hindi nagpapaalam kay Ryker. Isa siyang malanding doctor! Pabalik na sana ako sa nakaparadang kotse ni Ryker nang narinig ko mula sa malayo si Ryker. Hindi ko siya liningon at binuksan ang car door ng kotse nang bigla na lang itong itulak ni Ryker. Napatingin ako sa kanyang nakasimangot at hindi ko namalayang inikotan ko siya ng aking mga mata.
“Hey, are you angry?” tanong niya sa akin at hindi ko siya sinagot. Hinarap niya ako at hinaplos ang aking mukha. “Nagseselos ka ba?”
“Bakit hindi ka nag-stay doon? Bakit hindi mo kausapin si Clare? ‘Di ba pupunta raw kayo ng hotel?” Iniiwas ko ang aking tingin sa kanya at natawa siya ng mahina.
Hinila niya ako palapit sa kanya sabay pinulupot ang kanyang kamay sa aking baywang at nagulat ako nang bigla niyang siilin ng halik ang aking mga labi. Napamulagat ako at naitulak siya ng wala sa oras dahil ang daming tao rito ngayon.
“Stop pouting and don’t be jealous of Clare. I swear wala akong gusto sa kanya. She’s…ahm…” Napataas ang aking kilay dahil hindi niya maituloy-tuloy ang kanyang sasabihin. “During my playboy days, she became one of my flings.” Humaba ang aking nguso at naiinis na napatingin sa kanya. “We became friends because her mother was sick before.”
“Okay,” sagot ko.
Natawa ulit siya at agad akong yinakap. “I am yours, Serenity. Ikaw ang pakakasalan ko kaya sa iyo lang ako.”
Napangiti naman ako...


at hindi ko mapigilang kiligin sa kanya. Nawala bigla ang aking galit dahil ang galing niyang magpawala ng sama ng loob. Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sabay pinapakita ang puti at pantay-pantay niyang ngipin.
Sobrang saya ko lang talaga at para akong lumulutang sa ere ngayon. Buong buhay ko ay dumaan ako sa tatlong relasyon na hindi naging maganda ang kinalabasan niya. Lahat ay tumagal ng isang taon o higit pa pero kay Ryker ay wala pang isang taon pero ramdam ko ang purong pagmamahal niya. Wala na akong hihilingin pa.
Pagkatapos ng reservation ay tinawag na namin ang aming wedding coordinator na sila mama ang nag-suggest. Sinabi namin kung ano ang gusto naming motif sa kasal, anong design ng simbahan, ilang bisita ang balak naming imbitahan at kung ano-ano pa.
Lumipas ang araw at naging abala kami ni Ryker sa paghahanda ng kasal. Totoo pala ang sabi nila na magastos at magiging abala kayo sa paghahanda ng kasal. Nakaupo ako ngayon sa harapan ng aking laptop at ako ang gumagawa ng design ng invitation letter namin sa mga iimbitahin namin. Abala ako nang marinig kong kumatok si Ryker sa pinto. Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang masayang mukha ni Ryker.
“Good morning, my future wife.” Yinakap niya ako at dumukwang para bigyan ako ng halik. “I bought some cake. Kumain ka na ba?” tanong niya at linapag ang cake sa mesa.
“Nope, but I was planning to cook.” Dumiretso ako sa kusina at pinainit ang kawali.
Nagluto ako ng dalawang itlog, bacon at hotdog habang pinapainit ang apat na tinapay sa toaster. Nagtimpla na rin ako ng juice at nagluto ng kanin sa rice cooker. Nang matapos ako ay hinanda ko ang lahat ng ito sa hapag kainan. Masaya kaming kumain ng almusal ni Ryker at nag-usap lang tungkol sa kung anu-ano.
Nang matapos kami ay tinulungan ako ni Ryker na magligpit ng aming kinainan. Tinuloy ko ang paggawa ng invitation letter at nandoon lang si Ryker at pinapanuod ako sa aking ginagawa. Nang mapagod ang aking mga mata ay sabay kaming umupo sa veranda kung saan ay may duyan doon.
Magkatabi kaming umupo at humilig ako sa kanyang dibdib habang pinulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. Nakatingin lang kami sa malayo at pinagmamasdan ang view na nasa aming harapan.
“Alam mo ba sinabi ko sa aking sarili noong liligawan pa lang kita na kapag sinagot mo ako ay pakakasalan na kita.” Napatingin ako kay Ryker sa kanyang sinabi.
“Talaga? Matagal mo na pa lang balak na pakasalan ako.” Tumango siya.
“Oo. Kaso hindi ko alam kung papayag ka agad,” malungkot niyang sabi.
“Bakit naman?” Napatingin siya sa akin bago siya tumingin sa kawalan.
“Because I’m a playboy Serenity. Noong hindi pa kita nakikilala ay palagi kaming pumupunta ni Jack sa bar at gabi-gabi akong may kasama. Sa sobrang babaero ko ay pati ang dati kong sekretarya ay pinatulan ko.” Nakatitig lang ako sa kanya pero hindi ko alam na sobrang babaero siya noon.
Sino ba namang hindi maaakit sa kanya? Gwapo, mayaman, mabait, tapos may karisma pa.
“The truth is I only stopped seeing women when I met you.” Tumingin siya sa akin at napangiti ako.
Hinaplos niya ang aking pisngi. I can see pure love in his eyes and it’s overwhelming. Hindi mo iisipin na dati siyang babaero sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako tumigil sa pagiging babaero ko. I love you so much, Serenity. Kapag hindi kita nakikita o nakakasama parang may kulang.” Kinuha niya ang aking kamay at linapat sa kanyang dibdib.
Nagulat ako sa lakas ng tibok ng puso niya.
“That is my heart beat every time you are with me. Sometimes it hurts because I just want to pour all my love to you.” Kinikilig ako sa mga naririnig ko.
“You are spoiling me, Ryker. Sige ka baka hindi na ako masanay na wala ka.” Tumawa siya ng mahina.
“That’s good. Dahil gusto ko kailanganin mo pa ako.” Pinisil ko ang ilong niya.
Wala kaming ginawa nang araw na iyon kundi maglambingan. Araw-araw ay nakikita ko ang bagong ugali ni Ryker. He’s jealous, loving, very sweet, and possessive. Sana lang talaga hindi siya magbago.
– Pasensya na natagalan ako ng update. Busy kasi ako kaninang umaga kaya hindi ako nakapag-update. Ito na po iyong bagong Chapter. Enjoy reading po. 😁


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.