1

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 14


Report

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 14
Nakahiga si Keziah sa kama niya. Nakatakip ang unan sa mukha niya. Naalala niya kasi kung ano ang sinabi niya kay Drake kanina. Mabuti na lang at kinailangan ito sa kompanya kaya di man nito gusto umalis ay kailangan. Inaamin niya na na lungkot siya dahil Iniwan siya nito parang gusto niya tuloy pumasok ulit sa kompanya.
“Anak, maayos na ba ang pakiramdam mo? Mabuti na lang at napainom ka ni Drake ng gamot.” sabi ng mama niya na kakapasok lang sa kwarto niya. May dala rin itong pagkain para sa kanya.Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha niya.
“Ahhm ayos na naman Ma, pwede na nga akong pumasok bukas ehh” sagot niya dito at ngumiti. Niyakap naman siya ng mama niya.
“Anak alam ko kung ano ang namamagitan sa inyo, mahal mo na rin siya diba?” medyo nagtaka pa si Keziah sa sinabi ng mama niya pero kalaunan ay naintindihan niya rin.
“Ma sorry pero nagpapanggap lang po kami, boss ko po talaga siya, sorry po talaga” hinaplos lang ng mama niya ang buhok niya habang nakayakap siya rito.
” Pero anak alam ko mahal ka ni Drake” tumatango tango naman siya rito.
“Sinabi ko niya nga po sa akin at umamin na rin ako sa kaniya. Pero natatakot po ako na baka masaktan lang ulit katulad ng dati. Baka lokohin niya lang rin ako at ipagpalit sa iba.” rinig niya ang pagbuntong hininga ng mama niya.
“Anak walang nakakaalam kung anong pwedeng mangyari, wag ka masyadong mag-isip maloloka ka lang, piliin mo yung kung anong makakapagpasaya sayo, wag mo munang pairalin ang takot. Lahat ng nagmamahal ay nasasaktan.” kapag kailangan niya ng mga payo lagi naandiyan ang mama niya.
” Ma kung magiging kami nga ni Drake, magiging masaya po ba kayo ni papa para sa akin? “tanong niya sa mama niya.
” Aba oo naman, botong boto nga kami sa kanya ehh, bihira na ang ganoong lalaki anak, Sige ka baka mawala siya sayo”sabi ng mama niya at kinukurot ang bewang niya.
“Hindi ko hahayaan mangyari yun,mangangalbo talaga ako.” natawa naman ang mama niya sa sinabi niya.
“Sinagot mo na ba siya anak? Kayo na ba?” di naman agad siya nakasagot.Dahil hindi pa sila ni Drake.
“Patay di ko nasabi Ma, umalis agad kanina ehh.” sabi niya dito.
” Edi sabihin mo sa kanya kayo na, bukas pagpasok mo sabihin mo sa kanya pero baka may mabinat ka, sa ibang araw na lang” sabi ng mama niya.
“Bukas na lang Ma, magaling na ako bukas, ikaw kaya doctor ko” natawa naman ang mama niya dahil sa sinabi niya.
“O sige diyan ka na, maaga ka matulog” kinapa nito ang noo niya. “Hindi ka na rin mainit maayos na ang pakiramdam mo bukas paggising mo. Kung papasok ka bukas ay sakit lang ha, sabihin mo lang kay Drake na kayo na talaga tas umuwi ka na agad.” tumango naman siya sa mama niya.
Ipinikit niya ang mga mata para makatulog na.
Nagising si Keziah na maayos na ang pakiramdam niya. Wala na siyang sakit.Pero kailangan niya pa rin uminom ng gamot upang makasigurado.
Naligo siya pero saglit lang dahil papasok na ulit siya sa kompanya. Pagkatapos ay nagbihis na siya ng pang-opisina. Itinali niya ng pa ponytail ang mahaba niyang buhok at naglagay ng konting make-up.
“Good morning mama” sabi niya sa mama niya at yumakap dito.
“Good morning papa,” sabi niya sa papa niya at yumakap din diyo sabay halik sa pisngi.
“Iba talaga ang anak ko kapag nagkakasakit bumabait” pang-aasar ng papa niya.
“Pa naman ehh” sagot niya dito.
“Pero Lalong gumaganda, siyempre mana ka samin ng mama mo ehh, sabihin mo na lang sa akin kapag niloko ka ng lalaking iyon, paaabangan natin diyan sa labas” pagbibiro ng papa niya...


kaya mahinang tumawa ang mama nya.
Para kay Keziah ang swerte niya sa mga magulang niya dahil mahal na mahal siya ng mga ito.
” O anak ha basta alam mo na gagawin kapag may babaeng umaaligid” usal ng mama niya.
“Wag mong sabihing babaero ang lalaking iyon Keziah?” tanong tuloy ng papa niya sa kanya.
“Hindi pa, medyo lang naman” sagot niya dito.
“subukan lang ng Drake na iyon na saktan. Subukan niya lang saktan ka makikita niya!” asik ng papa niya kaya niyakap niya ulit ito pagkatapos ay ang mama niya naman. Kailangan niya na kasing pumasok sa trabaho.
“Sige po papasok na po ako” tumango naman sa kanya ang mga ito.
Sumakay siya ng taxi para makarating na sa kompanya.
“Keziah!!! Namiss kita!!!” salubong agad sa kanya ni Layla ng makapasok siya sa kompanya ni Drake. Para namang napakatagal nilang hindi magkita ehh isang araw lang naman.
“Woii, ang OA mo isang araw lang ako nawala” sabi niya dito.
“Hi Keziah” sabi sa kanya ng isang empleyado na nanglait sa kanya noon at may kasama pa ito na nilait rin siya. Kita sa mga mata ng mga ito na gusto nitong himingi ng tawad sa kanya.Ngumiti lang siya sa mag ito. Pagkatapos ay naglakad na.
“Oyy Keziah infairness nag-alala si Boss Drake sayo nung nalaman na nilagnat ka ha,sabi nga ng board ay parang wala raw siya sa sarili sa meeting kahapon parang may ibang Iniisip at baka ikaw” sabi ni Layla sa kanya.
“Dumating na siya?” tanong niya dito.
“Oo naman nasa office niya na, ayiee namiss mo rin noh!” kinikilig na sabi ni Layla sa kanya.
“Paano ko mamimimiss yun nasa bahay namin yung kahapon” nadulas ang dila niya.
“Ano???” gulat na tanong ni Layla sa kanya.
“Wala sabi ang ganda mo, diyan na ha baka magalit kapag late ako ehh” sabi niya at naglakad na papunta sa office ni Drake.
Nagulat siya ng makitang may babaeng nasa office ni Drake at bigla nitong niyakap si Drake. Bakit hindi nabanggit ni Layla sa kanya na may babae pala rito.
“Who are you?” mataray na tanong ng babae sa kanya na mukha ng clown sa kapal ng make up!mas maganda siya dun noh!
“Ehh ikaw sino ka?” ganti niya rito.
“Keziah” pagtawag ni Drake sa pangalan niya. Tinulak nito ang babae para lumapit sa kanya.
“I’m His girlfriend” sabi ng malanding babae gusto niya itong gilitan ng buhay dahil sa sinabi nito. Siya lang girlfriend ni Drake!siya lang!
“Baka nagkakamali ka” pang-aasar niya dito.
“of course not!! Sino ka ba kasi?!” tanong ulit ng babae sa kanya.
“She’s my girlfriend, ” sagot ni Drake dito. At hinapit ang bewang niya kaya di maipinta ang mukha ng babae.
“oo girlfriend niya ako, may angal ka?” tanong niya dito na nakataas pa ang isang kilay.
“No!!! Youre his secretary!!!” sagot pa ng babae.
“I’m His Secretary and his girlfriend, may masama ha?!Gusto mo kaladkarin kita paglabas ng opisinang to ha? Wala kang karapatang yakapin ang boyfriend ko okay!!! Now get out!!” sabi niya sa babae.
“Drake” sabi ng babae.
“Just fucking get out now!!!” sabi din ni Drake dito. Nagdadabog na lumabas ang babae sa opisina.
Susunod na dapat siyang lumabas pero niyakap siya ni Drake ng patalikod.Magtitimpla lang naman siya ng kape nito.
“Allyson let me explain” sabi nito sa kanya.
“Wala kang kailangan I explain nakita ko naman” sabi niya dito.
“So ikaw na talaga ang girlfriend ko?” tanong nito sa kanya.
“Oo, boss” sabi niya dito.
“Wait lang bat ka pumasok agad baka mabinat ka” alalang sabi NI Drake sa kanya.
“Baka mamiss mo ko” sagot niya dito pagkatapos ay hinalikan ito sa labi pagkatapos ay lumabas na ng opisina para ipagtimpla nga ito ng kape. Hindi niya na inintay ito nagsalita.
Sila na!!!! The real boyfriend and girlfriend thingy!!!


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.