0

The Broken Angel Three:


Report

The Broken Angel🌻
Three:
Napayuko ako at nagsimula na namang matakot dahil sa tanong niya, ang luha ko ay agad din nagsituluan, awang-awa ako sa aking sarili, pakiramdam ko para akong aso na naghahanap ng bagong amo.
“Paki-usap po.. gagawin ko po ang lahat huwag niyo lang po akong ibalik sa amin.” Kung kinakailangan na magtrabaho ako sa pamamahay niya ay gagawin ko, pwede akong kasambahay kahit na ang totoo ay hindi ako maalam sa gawaing bahay, wala akong natutunan kahit isa sapagkat akoy laging ikinulong ng aking Tiyuhin.
“Magpapakabait po ako at susundin ko po lahat ng gusto niyo…huwag mo po akong ibalik.” Pakiki-usap ko sa kanya, hinaplos niya ang aking likod para patahanin sa pag-iyak, gamit ang isang kamay ay hinawi niya ang aking buhok at isinabit ito sa aking tainga, pinahiran niya din ang aking luha gamit ang kanyang daliri.
“Shhh.. hindi kita ibabalik..” Kumalma ako dahil sa sinabi niya, naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking braso at nakitaan ko ng galit ang kanyang mukha.
“Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa sa iyo nito?” Umiiling ako at hindi siya sinagot, gusto kong isumbong si Tito ngunit ayaw kong mapahamak siya, kahit na ginawan niya ako ng masama hindi ko pa rin kayang makita na masaktan siya, siya lang ang pamilya na mayroon ako.
“Hindi ko po alam.” Pagsisinungaling ko dito, ang mga pasa ko ay ginamot niya dahilan upang mabawasan ang hapdi nito.
“I won’t force you to tell what really happened to you. Pero Angela ikaw ay isang menordeng edad pa lang, kapag may nagsumbong na may itinago akong bata dito sa bahay ay maari kang kunin sa akin at patirahin sa ampunan.” Aniya.
Kung nasa ampunan ako ibig bang sabihin nun ligtas na ako? Wala na bang tito na sasaktan ako? Paano kung malaman ni Tito at kukunin niya ako tapos ikadena na naman ulit.
“Ligtas po ba ako sa ampunan.” Umaasang tanong ko sa kanya, hindi ko alam kung ilang beses akong naawa sa aking sarili, nakakawa ang isang batang tulad ko, naghahanap ng lugar kung saan ay mas ligtas ako.
“I’m not sure, Sweetheart. Kapag nasa ampunan kana, may mga tao na gustong mag-ampon ng mga bata.” Paliwanag niya.
Alam ko ang ibig niyang sabihin, hindi siya sigurado kung ligtas ba ako doon dahil hindi lahat ng inampon ay inaalagaan at minamahal, may inampon na ginawang alila at sinasaktan. Pero dahil sa hindi na ako nakakulong sa madilim ay nagkaroon ako ng pag-asa, ngayon pa ba ako susuko?
“Magiging maayos po ako.” Kumbinsi ko sa kanya, kailangan kong mag-isip ng positibo dahil walang magagawa ang negatibong pag-iisip.
“I actually called the attorney while you were asleep and I decided to adopt you as my sister, that’s if you will accept me as your kuya.” Siya na talaga ang ginamit ng panginoon para iligtas ako, ito ang lagi kong ipinagdarasal na may taong magmamahal sa akin ng higit pa sa buhay ko, taong kaya akong alagaan at ipaglaban.
Sa ilang taon na pagdurusa ko ay dumating siya at iniligtas ako, God is indeed our provider. Alam niya ang mga kailangan ko at ngayon ay ibinigay niya ang taong ito.
Hindi niya man ako mahal at least hindi siya tulad ni Tito na sasaktan ako. I will promise I will be a good sister to him.
“Talaga po? Amponin niyo po ako? Kapatid na po tayo? At kuya...


na po kita?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
“Oo. My attorney will find a way to make you a Ventura.” Aniya.
“May kuya na ako.” Napa-iyak ulit ako at yumakap sa kanya, ngumuso siya ngunit niyakap din naman ako pabalik.
“Yeah.”
“Kuya Dimetri…” Bulong ko sa hanging, masarap sa pakiramdam na may mayayakap ka, may kausap at may nag-aalaga sa iyo. Sa ilang taon na nakakulong sa kwartong iyon, sinasaktan at inaabuso ay pakiramdam ko gusto ko na lang maglaho sa mundong ito.
“Hindi mo po ako iiwan.” Tumingala ako sa kanya habang siya naman ay yumuko ng kaonti para magpantay ang aming mukha, ang lapit ng kanyang mukha sa akin, naamoy ko ang mabango niyang hininga. Pumungay ang kanyang mata at hinaplos ang aking mukha dahilan upang mapayuko ako.
Ayaw ko ng pakiramdam na iiwan ako kasi mahirap ang mag-isa, subrang hirap sa isang batang tulad ko ang magpatuloy sa mundong ito.
“I don’t know what this feeling I felt for you but sweetheart I won’t leave you.” Akala ko lahat ng tao katulad ni Tito, walang malasakit at sarili lang ang iniisip ngunit mali pala ako kasi nandito sa harap ko ang taong may malasakit sa akin.
Hindi ko siya kaano-ano ngunit pinatuloy niya ako at ngayon ay gusto niya pa akong maging kapatid niya. I felt like God started showered me his blessings for he knew how long I am asking for it.
Alam niyo ba kung bakit kahit ilang beses kong lisanin ang mundong ito ay mas pinili kong lumaban at magpakatatag? Dahil ang sabi ni Tiya noon na lahat ng tao ay binigyan ng Diyos ng anghel, anghel na magliligtas sa atin at anghel na tutulong sa atin.
Dumating na ako sa punto na unti-unti na akong nawalan ng pag-asa ngunit kumapit ako sa salita na ‘Gods will provide’ that someday he will grant what’s my heart desire.
“Ibig mo po’ng sabihin, dito na ako titira?” Ang batang isang katulad ko na inaabuso at minamaltrato ay ngayo’y nakahanap na ng kalinga.
May matatawag na akong pamilya at gagawin ko ang lahat at pahalagahan ang mayroon ako, kasi hindi lahat ng tao nabibigyan ng magandang pagkakataon na tulad ko.
“Yes and you will be our only sister.” Aniya.
“Our?” Tanong ko.
“Danilo Xiello Ventura ang isang kapatid ko na magiging kapatid mo na rin.” Ibig sabihin may dalawa na akong magiging kapatid.
“Talaga po?” He only nod and then hold my hand, he smiled senserily and he then stood up.
“Wait here, I will call my secretary to buy you a clothes for you to wear.” aniya at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa at nagsimulang tumawag.
(Hello everyone, As an author it would be my pleasure to read your thoughts about my story. I accept cricitism as much as I accept my readers opinion. Do not bully anyone who comments rudely about my story, negative or positive I will accept it. KaGammy out there, please do respect those readers who comments bads words, it thier way of expressing thierselves. Tumatanggap ako ng opinion ngunit hindi kasama doon ang murahin ako or magreklamo na matagal ang update. Remember, I am a student and I have a siblings to take care off. May sarili akong buhay at hindi lang ito ang inaatupag ko. Follow my Facebook account para lagi kayong ma-update kung kailan ang update. Thank you and God bless us all.)


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.