2

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 13


Report

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 13
Nakahiga sa kama niya si Keziah. Sobrang sama ng pakiramdam niya. Peste kasi ang Drake na iyon ito ang dahilan bakit siya naulanan. Mahal daw bat Iniwan. Siraulo rin ehh!
“Anak, anak may gustong kumausap sayo!” rinig niyang sigaw ng mama niya sa may pintuan.
“Mama, may sakit ako, at tsaka sino po ba yan?” tanong niya sa mama niya pero nakahiga pa rin siya sa kama.
“Boyfriend mo anak” nabigla siya sa sinabi ng mama niya. Anong ginagawa ng lokong boss niya sa bahay nila.
“Ma, wala akong boyfriend! Paalisin niyo! May sakit ako ngayon kaya di ako makakapasok” sabi niya sa mama niya. Pero bigla namang bumukas ang pintuan niya.
“Hoy! Anong ginagawa mo dito ha?!” asik niya kay Drake na pumasok sa kwarto niya.
“Sorry,” iyon lang ang naisagot nito sa kanya. Tinaasan niya naman ito ng kilay. Lahat ba ay nadadaan sa sorry? Bakit kailangan pa ng pulis.
“So inaamin na kaya ako nagkasakuta dahil sayo! Kung Alam ko lang sana hindi na kita pinuntahan!” kahit may sakit siya ay hindi niya mapigilan ang sarili niya na magtaray pa rin.
“Lasing ako.sorry if nasigawan kita at sa mga nasabi ko. I didn’t mean what I said.” puno ng sinseridad na sabi nito sa kanya.
“Sana ikaw na lang naglakad sa gitna ng ulan! Ayokong nagkakasakit! Ngayon lang ako nagkasakit alam mo yon ha?!” mahina itong natawa dahil sa sinabi niya.
“Anong tinatawa mo diyan?! Di pa tayo bati noh! Kaya lumabas ka na sa kwarto!”pero siya nito sinunod. Lumapit pa ito sa kanya at umupo sa kama niya. Kapal ng mukha!
” I will stay here, babantayan kita, “medyo nawala ang Inis niya dito dahil sa sinabi nito. Nakakainis talaga ang boss Drake niya.
” Ma, luto na po ba yung lugaw?Lagyan niyo po ng itlog.Gutom na ko ma”sabi niya sa mama niya. Rinig naman siya nito dahil pasigaw ang boses niya.
“Hindi ka pa kumakain?” tanong ni Drake sa kanya. Kaya nga siya himihingi ng pagkain diba kasi di pa siya kumakain. Kahit kailan sarap kutusan.
“Walang ganang kumain ang may sakit. Ang kinakain ko lang kapag may sakit ako ay ang lugaw ni mama”sagot niya dito.
” Kinakausap mo ko so hindi ka na galit sakin? “tanong ni Drake sa kanya.
” Mukha mo hindi galit! Ano ba kasing ginagawa mo dito? May trabaho ka pang dapat asikasuhin sa kompanya niyo,. Tapos nandito ka! “asik niya dito.
“Pwede ba wag kang sumigaw baka lalo kang magkasakit niyan,” mahinahong sabi nito sa kanya.
“Ehh sa gusto kong sigawan ka. May magagawa ka? Pero sige di na ko sisigaw baka biglang pumasok si tatay .” sabi niya dito.
“Anak, eto na yung lugaw mo kumain ka ng marami ha para gumaling, nag-alala na rin ang boyfriend mo sayo,” gusto niyang bigwasan si ang boss Drake niya dahil ngumiti ito ng sinabi iyon ng mama niya.
“Ma, salamat. The best talaga luto niyo” sabi niya sa mama niya.Nag-iiba talaga siya kapag may sakit.
“O sige maiwan ko na kayo diyan ha” sabi ng mama niya at sinarado ulit ang pintuan.
“Pati pagkain ko panonoorin mo?” taas kilay niyang tanong dito. Nakatingin na naman si Drake sa kanya.
“Alis muna ako babalik din ako” sabi nito sa kanya at lumabas na ng pintuan. Diba dapat masaya siya? Pero nakaramdam siya ng lungkot. Paasa talaga!
Lumabas muna si Drake ng kwarto ni Keziah. Mukhang Inis talaga ito sa kanya. Sana siya na nga lang ang nabasa ng ulan hindi ito.
“Ano bang meron sa inyo ng anak ko? Boyfriend ka ba talaga niya?” nagulat siya sa tanong ng mama ni Keziah.
“Oho boyfriend po ako ng anak niyo” “kinakabahan niyang sagot sa mama nito.


/> “Magsabi ka ng totoo” Maawtoridad na sabi naman ng papa ni Keziah na nakaupo sa salas. Di niya napansin iyon.
“Ano po bang ibig nitong sabihin?” tanong niya sa mga ito.
“Kung boyfriend ka nga ng anak namin, bakit lagi ang sungit niya sayo? Napakasweet ni Keziah sa mga dating boyfriend niya na niloko lang siya.” makahulugan sabi ng mama ni Keziah sa kanya.
“Anong pakay mo sa anak namin? Wala kaming pakialam kung boss ka niya.” tatay namna ni Keziah ang nagsalita.
“Mahal ko po ang anak niyo” mga salitang lumabas sa bibig niya.
“Ano kamo?” tanong ng mama ni Keziah na di makapaniwala sa narinig.
“Ehh kung mahal mo bakit hinayaan mo siyang maulanan kagabi? Sinong lalaki ang gagawa nun ha?” nakakatakot rin pala ang mama ni Keziah mukhang dito ito nagmana.
“Lasing po ako kaya hindi ko alam ang ginagawa o nasabi ko. I’m very sorry” sincere siya sa pagsasabi niya noon.
“Alam mo bang Nag-aalala si Keziah sayo kagabi ha? Bakit ka daw naglalasing. Baka siya daw ang dahilan. Kaya pinuntahan ka niya. Pero ng umuwi siya ay basa ng ulan” Ang tatay naman ni Keziah ang nagsalita.
“Hindi mo ba napapansin na may nararamdaman rin ang anak namin sayo? Kilala namin si Keziah hindi ka niya pupuntahan doon kung wala ka lang sa kaniya kahit boss ka pa niya.” sabi ulit ng mama ni Keziah.
“Pero hindi niya po napapansin na gusto at mahal ko na siya” sagot niya dito.
“Akala mo lang yon, ayaw niya lang masaktan ulit dahil sobrang sakit nun. Wala naman siyang sinabi na hindi ka niya gusto o mahal diba?” papa naman ni Keziah ang nagtanong.
“Wala naman po siyang sinabi” sagot niya dito.
“Ehh ayun naman pala ehh edi patunayan mo sa kanya na mahal mo siya, aamin rin yun.,” sabi ng mama ni Keziah.
“Ma, ibigay mo sa kanya ang gamot ni Keziah, siya ang magpainom ng gamot” sabi ng papa ni Keziah sa asawa nito. May inabot na gamot ang mama ni keziah sa kanya.
“Ipainom mo yun sa kanya kapag napainom mo yun sa kanya, hindi ako nagbibiro may nararamdaman din sayo ang anak namin. Ayaw na ayaw niya sa gamot na yan. Kahit kami ay hindi namin siya mapainom niyan.” paalala ng mama ni Keziah bago siya pumasok ulit sa kwarto nito.
” Ma, ayokong uminom ng gamot na ayan”rinig niyang sabi ni Keziah na Nakahiga sa kama habang nakatalukbkng ng kumot.
“Your mother is outside, it’s me” sabi niya dito. Mabilis lang naman nito inalis ang talukbong ng kumot.
“Akala ko naman, ayokong uminom ng gamot na iyon, magbibiogesic na lang ako,” mahinahong sabi nito.
“You need your medicine” mahinahong sabi niya dito.
“Ayoko nga! Sobrang pangit ng lasa, bakit kasi hindi tableta, bwisit ka kasi kaya ayokong nagkakasakit ehh!” sabi sa kanya Ni Keziah.
“Let’s have a deal,,” sabi niya dito.
“Ano na naman kalokohang deal yan?”tanong nito sa kanya.
” Kapag ininom mo yung gamot hindi ka na magpapanggap ulit na girlfriend ko at babalik na tayo sa dati. Yung normal na secretary at boss. Yung inaasar mo na lang ako lagi. Kakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko sayo. “hindi naman ito inimik at parang na lungkot ang mukha nito. Naniwala ito sa sinabi niya. Haha.
“Edi hindi ko lalo iinumin yan!”asik nito sa kanya.
” Why??? “tanong niya dito.
” Ayokong bumalik ulit tayo sa dati, at hindi okay sakin na kalimutan mo yang nararamdaman mo sakin. Dahil pareho lang tayo ng nararamdaman.Mahal rin kita”sabi nito sa kanya. Na patuloy ulit na umeeko sa isip niya. Hindi alam ni Drake kung ano ang nararamdaman niya.
“Iinumin ko yung gamot hindi dahil sa deal mo kung di dahil ikaw ang nagpainom” Baka mag-alala ka pa sakin. “


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.