0

The Battered Wife CHAPTER 21


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( SKY – POV )
” Elise , dali na paliguan mo muna ako , medyo nahihilo pa kase ako.”
” Hay nako Sky tumigil ka hindi na ako maniniwala sayo ”
” Sige ka ikaw din.Kapag may nangyaring masama sa akin sa banyo.”
” Ewan ko sayo , dyan ka muna may bibilhin lang ako sa labas.”
” Teka , iiwan mo ‘ko … wait sasama ako.”
” Batayan mo nalang itong unit.Babalik din ako agad.”
Akala ko ay agad na lalabas ng pinto si Elise.
Pero lumakad muna ito pabalik sa akin.
At niyakap niya ako.
” Wag mong susunigin ang unit ko ha.Bye.”
Sasagot pa sana ako pero tumakbo na agad siya palayo sa akin.
Pero ako , nanatili lang nakatulala.
Nakakabaklang pakinggan pero kinikilig na naman ako kahit na simpleng yakap lang yung ginawa sa akin ni Elise.
” Sana sa susunod halikan mo rin ako.”
( FRANCO – POV )
Nagpumilit akong bumalik agad sa aming bahay kahit hindi pa pwede.
Nagulat nga sa si Mama ng makita niya ako.
” Anak ? Anong ginagawa mo dito ? ”
” Ang ganda naman ng bungad mo Mama , umuwi lang ako dito para ilagay itong mga gamit ko , kailangan ko lang hanapin si Bella.”
” Anak , alam mong kailangan mo pang magpagamot . Franco , pasensya na dahil hindi ko alam ang mga nangyari sayo sa nakaraan.Masyado kase akong nagtiwala na walang masamang mangyayari sayo.Patawarin mo sana ako ”
Umiiyak na si Mama.
” Kanino mo nalaman yan ? ”
” Anak hindi na importante kung kanino.Kung kailangan mo talagang hanapin si Bella ngayon , hindi kita pipigilan pero sana ay sabihin mo sa kanya ngayon ang kalagayan mo.Tandaan mo Anak , nandito kami para samahan at gabayan ka.Kaya sana pigilan mo ang sarili mo na makagawa ka ng masama sa amin.”
Pati ako ay umiiyak na din.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umiyak ako sa harap ni mama.
” Mama , pasensya na dahil hindi ko agad sinabi sa inyo.Natatakot kase akong ipagtabuyan nyo ako kaya hindi ko ipinaalam sa kahit na sino ang mga pinagdaanan ko.Mamaya na po tayo mag-usap kailangan ko lang hanapin si Bella.”
Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta para makita si Bella.
Nagmamaneho lang ako ng bigla akong makaramdam ng gutom.
Kaya napagpasyahan kong kumain muna.
At habang kumakain ako ay may nakita akong pamilyar na babae.
Si Bella.
Hindi ko na inubos pa ang bili kong pagkain.
Agad akong lumapit sa babaeng matagal ko ng hindi nakakasama.
” Bella hintayin mo ako.”
Sumigaw na ako dahil alam kong hindi niya ako napapansin.
” Franco , talaga bang nandito kana … ”
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na halikan sa mismong labi si Bella.
( SKY – POV )
Dahil mahigit isang oras ng hindi bumabalik si Elise ay naisipan ko siyang hanapin.
Sinigurado ko munang naka-lock ang kanyang condo unit.
Habang naghahanap ako sa kanya ay may nakita akong cute na love birds.
Naimagine ko tuloy na kaming dalawa yun ni Elise.
Wala akong pakialam kung may kamahalan ang halaga nito hindi na kase ako nag-isip pa at binili ko agad yung mga ibon.
Para sa babaeng mahal ko , gagawin ko lahat.
Masaya akong naglalakad dala ang regalo ko para kay Elise.
Hanggang ngayon kase hindi ko pa siya nakikita.
Pero sa hindi kalayuan ay may nakita akong mga taong tila ba may magandang pinapanuod.
Kaya nakiusisa na rin ako.
Pero sana hindi ko na ginawa dahila ng lahat ng saya na naramdaman ko ay biglang naglaho.
Hinahalikan ni Franco Si Elise.
” Ay ang sweet naman nilang dalawa.”
” Oo nga , talagang mis na nung lalaki si ate girl ”
” ang swerte naman niya , gwapo yung lalaki ”
Iba’t-ibang kumento ang mga naririnig ko.
Hindi ko na nakayanan pa ang eksena.
Umalis na agad ako , pabalik sa condo unit ni Elise.
Nang makarating ako ay agad kong kinuha ang mga gamit ko.
Napatingin naman ako...


sa mga ibong binili ko kanina.
Kinausap ko ang mga ito.
” Kayo na muna ang bahala sa Mommy Elise nyo ha.Alam ko kase na kahit ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanya ay si Franco pa rin ang pipiliin nya.Alam kong hindi nyo ako naiintindihan pero sana wag nyong pabayaan si Mommy Elise.Sa tingin ko kase kailangan ko ng umalis ng tuluyan sa buhay nya.”
May nakita akong papel sa may drawer ni Elise.
Naisipan kong sumulat , babalik din naman kase siya dito kaya alam kong mababasa nya ito.
Kaso sa pagbalik nya , wala na ako.
Kase pagbalik niya alam kong kasama na niya si Franco at ipapamukha sa akin na talo na ako sa labang ito.
” Elise , sorry sa lahat ng nagawa ko sayo noon.Alam kong labis kitang nasaktan kaya hindi kita masisisi kung si Franco ang pinipili mo.May nanalo na sa puso mo kaya ibig sabihin nun ay talo na ako.Regalo ko nga pala sayo ang mga ibon na makikita mo.Alagaan mo sila ha.Hindi ko iyon maibibigay sayo ng personal kase kailangan ko ng lumayo.Nakita kong hinahalikan ka ni Franco kanina kaya yun na din siguro yung sign para layuan ka ng tuluyan.Wag mong pababayaan ang sarili mo.Mahal na mahal kita.Pero siguro talagang hanggang dito nalang ang istorya nating dalawa.”
Umiiyak ako habang sinusulat ang lahat ng gusto kong sabihin.
Pagkatapos ay muli kong kinausap ang mga ibon.
” Aalis na si Daddy Sky ha.Wag nyong pababayaan ang mommy nyo.”
Sa huling pagkakataon ay bumalik ako sa kwarto ni Elise at niyakap ang unan na kanyang ginagamit sa pagtulog.
” Para na rin kitang nayakap Elise.Kumakapit kase ang natural mong amoy dito sa unan.Pano ba yan , aalis na ako.Hindi ko akalaing huling yakap mo na yung kanina.I Love You Elise.”
Pagkatapos nun ay agad na akong lumayo sa lugar na yun.
Masakit na bitawan yung taong mahal ko pero wala na akong magagawa kung may iba na siyang minamahal.
Simula bukas ay mabubuhay na akong mag-isa na hindi kasama ang babaeng mahal ko.
” Hindi ko alam kung makakaya kong wala ka sa buhay ko.”
( ELISE / POV )
Hindi ko agad naitulak palayo sa akin si Franco dahil labis akong nagulat sa kanyang ginawa.
Pero biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Sky kaya doon na ako natauhan.
” Franco ano ba ? bakit mo ako hinalikan ? ”
” Bella , sorry na mis lang kita dahil matagal kitang nakita.”
” Pero hindi pa rin yun tama Franco , wala tayong relasyon kaya wala kang karapatang halikan ako.”
Narinig ko naman ang mga sinasabi ng mga taong nanunuod sa amin.
” Ay bakit naman ganon yung lalaki , humahalik sa babae kahit wala silang relasyon.”
” Nako , lumang style na yan.Baka nga bukas buntis na nga yung babae.Bibigay rin kase yan ”
Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita.
” Hoy kung magsalita ka akala mo kilala mo ako.”
” Bella tama na … sorry ako yung dahilan.”
” Wag mo muna akong kausapin Franco , nagagalit ako sayo ngayon ”
Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin pa.
Agad akong bumalik unit ko , alam kong kanina pa naghihintay sa akin si Sky.
” Sky , nandito na ako pasensya na dahil natagalan ako.”
Pero walang sumalubong sa akin.
Tanging nakita ko lang ay ang mga love birds at sa ibaba nito ay mayroon sulat.
Agad ko itong binasa at hindi ako makapaniwala.
Nalibot ko na ang buong bahay sa pag-aakalang nakikipaglaro lang sa akin si Sky pero talagang wala na siya.
Sinundan nya pala ako kanina at ang masaklap pa ay nakita niyang hinalikan ako ni Franco.
” Sky bakit umalis ka agad ? Hindi mo hinintay na magpaliwanag ako.Handa na sana akong tanggapin ka ulit sa buhay ko dahil alam ng puso ko na ikaw lang yung lalaking mahal ko.”
Umiyak lang ako ng umiyak.
” Sky , mahal na mahal kita . ”
At tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
( TO BE CONTINUED … )


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.