1

The Heartless Mafia 🌹 Chapter 13:


Report

ADAM DAVID:
PAKIRAMDAM ko ay tumigil ang aking mundo ng hinila niya ako sa tabi niya at niyakap. Pareho kaming nakahiga sa kama, yakap niya ako habang hinahalikan ang aking buhok, parang gusto ko na lang manatili sa bisig niya at hindi na aalis dahil sa init ng yakap niya. Ang lahat ng galit, poot at selos ay biglang natunaw dahil sa init ng yakap niya.
Gusto kong dumilat ngunit natatakot ako na kapag ginawa ko ay mawawala siya sa akin. Baka aalis siya at pupunta sa bisig ng ibang babae. Hindi ko inamin nitong nakaraan na nagseselos ako ngunit ngayon ay hindi na akong nahihiya na aminin ito.
“Hmm..your smell so good love.” Hinalikan niya pa rin ang aking buhok at inamoy ito, masarap sa pakiramdam ngunit masakit sa bahagi ko dahil alam kung ginagawa niya rin ito sa iba.
Siya na nga ang nagsabi sa akin noon na hindi lang ako ang natikman niya, marami at ibat ibang klase, may bata at may edad na. Para akong klase ng pagkain na kung magsasawa ay papalitan na.
Hindi ko akalain na sa pagpasok ko sa ipinagbabawal na gubat ay magsisimula pala ang buhay ko, buhay na kasama siya ngunit alam kong darating ang araw na iiwan niya rin ako.
Hindi ko namalayan na ang pagpanggap kong matulog ay nagkatotoo, nagising ako ng naramdaman ko ang gutom, yakap niya ako ng mahigpit, tulog na tulog siya at kitang kita ko ang gwapo niyang mukha, napalunok ako ng mapadpad ang aking paningin sa kanyang mapupulang labi, nakaawang ito kaya masarap halikan, pumikit ako at agad na dinampian ng halik ang kanyang labi. Ninam-nam ko ang mainit at malambot niyang labi sa akin dahil alam kong hindi ko siya mahahalikan kapag gising siya.
“Sana akin ka na lang. I will never leave nor hurt you. I love you, Boss.” Napaiyak ako dahil sa sinabi ko, alam kong hindi niya ako maririnig dahil tulog na tulog siya, hindi ko akalain na mamahalin ko pala ang lalaking gumahasa sa akin, ang lalaking walang puso, ang lalaking subrang rahas.
Kinuha ko ang braso niya na nakapulupot sa akin at dahang-dahan inalis sa aking beywang, umalis ako sa kama para magluto pero bago ako tumayo ay hinaplos ko ang kanyang perpektong mukha at dinampian ng mabilisang halik ang kanyang labi.
Ito siguro ang pakiramdam ng marupok, yung galit na galit ka pero konting yakap at halik niya lang tunaw na agad ang galit mo. Ang daya ni Adam hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magalit sa kanya.
“Sana akin ka na lang. I will never leave nor hurt you. I love you, Boss” uminit ang aking pisngi dahil sa hiya, paano kapag narinig niya ang sinabi ko? I’m pretty sure hindi kasi ang himbing ng tulog niya.
Hindi ko din inakala na masasabi ko ang katagang iyon bigla na lang kasing lumabas sa bibig ko. I admit I am inlove with Adam. Kasi kung hindi ko siya Mahal bakit ako nagseselos diba?
“I hate the way you walk, I hate the way you talk, I hate the way you look at me.” Kanta ko habang nagluluto.
“Coz we can never be more than friends and hurt me every time I closed my eyes all I see is you.” Patuloy ko sa pagkanta habang nilalagyan ng konting asin ang adobong manok na niluto ko.
“Crazy love..crazy love ..oh ..this crazy love.. crazy love..” Masyadong matabang kaya dinagdagan ko ng konti.
“I hate thingking of you coz Everytime I do.”
“What are you doing my heron?” Napatalon ako ng may yumapos sa akin sa likuran and it was Adam hugging me from behind.
“My heron were cooking, eh?” Hinalikan niya ako sa aking leeg habang niyakap niya ako, nanginginig ako dahil sa yakap niya, ang puso ko ay...


nagsimulang kumabog ng malakas.
“Good morning by the way my love.” Pakiramdam ko ay himatayin ako dahil sa dampi ng labi niya sa aking pisngi, kinagat ko ng mariin ang aking labi at nanginginig pa ang aking kamay sa paghalo ng adobo, pakiramdam ko ay nanghina ako bigla dahilan upang gabayan pa niya ako.
Batay sa kilos niya ay masaya siya, nawala ang kilig na naramdaman ko sa isiping kaya siya masaya dahil sa mga babae niya, bigla na lang akong nawalan ng gana kaya umiwas ako sa kanya at hinayaan siyang tapusin ang aking niluluto.
“We’re going back to the Philippines.” Aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya, babalik kami sa pilipinas dahil ba ibabalik niya na ako sa pamilya ko? I should be happy kasi ito naman ang gusto ko ang makabalik sa dating buhay na mayroon ako, buhay na kasama ang aking kapatid at Lola ngunit bakit ata ayaw ko ng bumalik? Bakit ayaw ko ng iwan si Adam?
“Eat up.” Tinitigan ko ang bawat kilos niya at masasabi kong masaya talaga siya at naiirita ako dahil hindi ko alam ang dahilan ng kasiyahan niya, siya ang nag-asikaso ng lahat.
“Kailangan mong kumain ng marami para naman tumaba ka kahit konti.” Bakit mataba ba ang gusto niyang babae? Mataba ang babae niya ngayon? Kailan kaya mawawala ang inis ko sa kanya.
“Hindi ako payat at mas lalong hindi ako mataba. Sakto lang ang katawan ko at alam kong sexy ako.” He just smirked and look at me using his playful eyes.
“Hmm.” Mas lalo akong nagalit sa sagot niya, ‘hmm?” Ano iyan?
“Baka naman kasi kaya mo nasasabi iyan dahil mataba ang babae mo. Payat ang tingin mo sa akin kasi subrang taba ng mga babae mo.” Nanlaki ang kanyang mata at tumaas ang kanyang kilay na para bang nasisiyahan siya sa pinag-awayan namin.
Ano? Tama ako noh? Na may babae ka? Ayaw mo lang aminin.
“What babae you were talking about?” Aniya na may ngiti sa labi.
“Bakit kasi ayaw mong aminin na may babae ka? Kaya ka natagalan nung nakaraang gabi dahil may babae ka. Aminin mo kasi.” Pakiramdam ko ay pumutok ang aking ugat dahil sa tindi ng galit at selos. Ngumiti lang siya kaya sinamaan ko siya ng tingin dahilan upang sumimangot siya.
“Bakit ko naman aaminin? Wala naman akong aaminin dahil wala naman akong babae.” Para siyang batang pinagalitan ko at dahil hindi ako kontento sa sagot niya ay nilapitan ko siya.
Boung buhay ko ngayon ko lang ata naranasang magalit dahil sa subrang selos.
“Wala? Anong wala? Sege nga sabihin mo sa akin kung bakit ka natagalan nung nakaraang gabi?” Sumimangot siya ngunit nakitaan ko pa rin ng tuwa ang kanyang mga mata.
“May ginawa lang ako—”
“Ginawa? What a lame excuses. Ano namang ginawa mo? Nambae?” Umiling siya na parang bata, takot na takot dahil sa galit na ipinakita ko.
“Hindi ako nambae, Luna kahit tanungin mo pa si Hance.” Saad niya at hinawakan ako sa braso na iwinaksi ko naman, sakto namang pumasok si Hance at nadatnan niya kaming nagtatalo.
“Boss? Anong nangyari? Bakit kayo nagsisigawa-”
“Pwede ba umalis ka? Hindi ikaw ang kausap ko.” Binalingan ko si Adam dahil hindi talaga ako kontento sa sagot niya.
“Luna..mag-usap tayo ng hindi nagsisigawan.” Si Adam.
“Bakit sumisigaw ba ako?
Sinisigawan ba kita?” Umiling naman siya.
“Boss..” si hance.
“Pwede ba umalis ka na?” Saad ko kay hance.
“Pero–”
“Umalis ka daw hance, sabi ni Luna.” Saad ni Adam na agad namang sinunod ni Hance.
*Salamat po sa mga feedback na nabasa ko na kinoment niyo, mas
Nakaka-inspire magsulat kapag may naka-appreciate. Sa nagtanong pala kung nasa dream ba ito? Wala po ito sa dream pero Plano ko pong I publish ito sa Wp soon. I hope this will be posted Admins. Thank you.


One Comment

  1. Miss A, thank you po sa update. Inaabangan ko po ito. As in, lagi kong chinecheck kung may update. Ang ganda kasi ng story, worth to wait po. Godbless miss A. Thank you sa ud. If ever na mapost ti sa WP, just give us your UN and I will support you. Even on Dreame.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.