0

The Battered Wife CHAPTER 19


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( SKY – POV )
Alam kong naiinis na sa akin si Elise.
Pagkatapos kase naming kumain ng kanyang niluto ay hindi ko na siya tinigilan sa kasasabi ko ng salitang i love you .
” Para kang sirang radyo diyan.Hindi kana nakakatuwa Sky ”
” Hindi ka natutuwa pero Kinikilig ka naman ”
Natatawang sabi ko sa kanya.
Kita ko ang pagpula ng kanyang mukha.
Hindi na siya umimik pa , sa halip ay nagpatuloy nalang siyang mag-ayos ng kanyang gamit.
” Elise , mag-isa ka lang dito delikado sayo lalo pa’t babae ka.Dito na kaya ako tumira , magsama na ulit tayo.Atleast , mababantayan kita.”
” Sky bakit ka naman titira dito eh hindi naman kita kaano-ano tsaka kapag bumalik naman si Franco , sasamahan naman niya ako palagi.”
Biglang nagbago ang pakiramdam ko ng sabihin niya ang pangalan ng lalaking iyon.
” Sa ilang oras na nandito ako sa tabi mo Elise , si Franco ba ang nasa isip mo ? Wala na ba akong karapatang samahan ka ? Pwes kung ayaw mo akong makasama bahala ka , talagang nagbago kana , wala na yung Elise na dati kong kilala.”
Hindi ko na napigilan ang akinh emosyon.
Nagseselos kase at nasasaktan ako kapag ibang lalaki ang nasa isip ni Elise.
Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero dumiretso nalang ako palabas ng kanyang unit at hindi na nagsalita pa.
( ELISE – POV )
Hindi ko naman sinadya na magsalita ng ganon sa harap ni Sky.
Hinabol ko siya pero mabilis siyang nakasakay ng kanyang kotse .
Sinubukan ko ring tawagan ang kanyang numero pero hindi niya ito sinasagot.
Kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik nalang sa loob ng aking unit.
Napaupo nalang ako sa sofa
Nasa isip ko pa rin ang mukha ni Sky habang paalis sa lugar na ito.
Nasaktan ko ang damdamin ng lalaking pinakamamahal ko.
Pero meron akong napansing wallet sa tabi ko dito sa sofa.
” Kay Sky ang wallet na ito ”
Tiningnan ko ang laman ng wallet.
Una kong nakita ay ang larawan noong ikinasal kami.
” Ang alam ko naalis ko na ang lahat ng pictures namin , pero bakit meron pa siya nito ?
Tanong ko sa aking sarili.
Sunod ko namang nakita ay ang isang pares ng singsing.
Ang wedding ring namin.
Ang buong akala ko ay itinapon o binenta na niya ang mga ito pero hindi pala.
Sa oras na ito ay tuluyan na akong umiyak.
” Sky , gustuhin man kitang tanggapin ulit sa buhay ko dahil nga mahal kita hindi ko naman magawa.Dahil natatakot ako na masaktan mo ulit ang puso ko.”
Ilang oras ang lumipas , hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawag sa numero ni Sky.
Hanggang may sumagot sa tawag ko.
” Hello Sky , nasaan ka ? Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko. ”
” Kayo...


po ba si Mrs.Elise Villafuente ? ang asawa ni Sir.Dominick ”
Napatigil ako saglit dahil ibang tao ang sumagot sa tawag ko
At ano yung sinasabi niyang Mrs.Villafuente , eh sa pagkakaalam ko ay matagal na kaming hiwalay ni Sky.
Pero saka ko na iyon aalamin.
” Ah oo ako nga , sino ka ? bakit nasayo ang phone ni Sky ? ”
” Ma’am lasing na lasing na po kase si Sir … kung maaari po sana ay sunduin nyo na sya ”
” Saang lugar yan ? Wag mong iiwang si Sky baka biglang mapaaway yan ”
” Sa ——- bar po .Sige po Ma’am , hindi ako aalis sa tabi ni Sir.”
Agad kong umalis ng condo unit ko para puntahan ang selosong Sky.
Pagdating ko sa nasabing lugar ay agad kong nakita ang lalaking bumihag ng puso ko.
Mayroon pa naman siyang malay .
may kung ano ano siyang sinasabi nung napatingin ito sa akin.
Mukhang nakikilala pa naman niya ako.
” ikaw ba yung asawa ko , hello tara inom tayo.”
” Sky , mahiya ka naman.Lasing kana ”
” Bakit nagagalit ka kapag nainom ako ? shige , hindi na ko iinom pa ng alak .. hoy ikaw lalaki , alisin mo yunh alak sa loob ng katawan ko.”
Napatawa ako ng bigla niyang sigawan ang waiter na nagbabantay sa kanya.
” Hoy Sky , anong sinasabi mo ? tara na nga umuwi na tayo ,”
” Uuwi na tayo ? ”
” Oo at bitawan mo na yang alak.”
” Gagawa na ba tayo ng baby ? ”
Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya doon sa waiter na nanunuod sa amin kaya kinausap ko nalang siya.
” Ah eh , pasensya sa mga naririnig mo.Pwede patulong ako papunta sa sasakyan ? ”
Hindi ko alam kung paano ko nagawang dalhin dito sa unit ko ang mabigat na katawan ni Sky.
Tulog na tulog dahil sa kalasingan.
( FRANCO – POV )
Nung mabasa ko ang text ni Bella sa akin ay hindi na ako mapakali.
Bakit hinayaan ni mama na umalis sa poder ko ang babaeng mahal ko.
Kaya tinawagan ko agad si mama .
” Mama , bakit mo hinayaang umalis si Bella ? ”
” Anak siya na ang nagpumilit , wala akong karapatang kontrolin ang buhay niya.”
” Mama naman , alam mong akin lang siya.Uuwi agad ako dyan ”
” Anak hindi ka pa pwede bumalik dito , kailangan mo pang manatili dyan.”
” Wala akong sakit Mama , hindi ako baliw.”
” Anak hindi ko sinasabing baliw ka , gusto ko lang na gumaling ka agad.”
Pinatay ko nalang ang tawag.
Bumalik tuloy sa aking isipan ang mga ala-alang pinipilit kong ibaon sa limot.
” Akin ka lang Bella , akin ka lang ! ”
( TO BE CONTINUED )
( Sa tingin nyo , ano yung pilit na kinakalimutan ni Franco ? )


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.