0

Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 2.1


Report

Halos malagutan ako ng Hininga sa sinabi ni Kuya Tupe. Pinaghahampas ko sya sa subrang galit dahiL sa ginawa nya’y hanggang ngayon ay wala paring maLay si Tita Sisa.
“Patawad Esang “sabi nya sa malungkot na tinig
Hindi ako umimik . Panay ang agos ng luha ko sa pasasalamat sa Diyos at hindi ang tito ko at kapatid na si Long ang Nasabugan ng denamita kundi si Kuya Kiko na nakatira malapit sa school dto din sa aming baryo. Nalulungkot din ako sa nangyare sa kanya kase nasa opital ng bayan dahil putol ang isang braso.Pero walang pagsidlan ng saya dahiL ligtas ang tito ko at kapatid ko.
Katorse paLang namn si kuya tupe pero may pagka chismoso .pagkarinig nyang may nasabugan ng dinameta na Kiko ay agad syang pumunta sa bahay para ibalita sa tita ko .di muna inalam kung sino talaga ang nadisgrasya nung oras na yun. Pakiramdam ko tuloy na Prank kame. Isang hindi nakakatuwang Prank.
Nagising na ang tita ko at agad kong pinainom ito ng tubig. Sakto nman ang pagdating ng tito ko at kapatid. DahiL guilty si kuya Tupe ay ayun agad na umalis. Tiyak na sandamakmak na sermon na nman ang aabutin nya sa kanila pag uwe.
“kamusta ang tita mo? Balita ko nahimatay dahiL sa maling balita ni Tupe? “sabi ng tito ko
“oo nga po ey pero ok na po sya “sagot ko
“lokong bata talaga yung pinsan mo.”tanging nasabi ng tito ko.
DahiL sa nangyare mas lalo kong pinaramdam na mahal ko ang mga kapatid ko. Kse naramdaman ko yung takot .Takot na baka mabawasan kame at ang sakit pala talaga. Pero syempre minsan di mo na rin mapigilang hindi patuLan.
Sabado .
Wala sila tito at tita kaya kaming magkakapatid lng ang naiwan sa bahay .
“tara akyatin natin. “yaya...


sa akin ni Long
“Ayaw ko “pagtanggi ko.
Lahat kame nakatingin sa kalderong nakasabit sa taas ng bubong at maylaman itong ulam. nilagang baboy 😂 pero Lauya kung tawagin namin.May nagkatay kase ng baboy sa baryo namin at pweding utangin basta sa sunod linggo bayad. Syempre tuwing desyembre at fiesta lng nman kame nakakain ng baboy kaya nandun yung Pananakam .
“Antayin nalng natin sila tito. Pauwe na yun at baka pagalitan pa tayo”sabi ko
“matagal pa yun. Alas Dyes palang oh. Mamaya pang tanghali yun uuwe. Isang hiwa lng nman.”sabi pa nito..
Napaisip ako. Kunsabagay.
“sige. Isang hiwa lng ah para di halata “sabi ko
“sige, ako na aakyat “sabi nya.
Naglambitin syang parang unggoy sa dingding ng kusina. Mejo may kataasan kase ang bubong at di agad makukuha yung kaldero kse malaki yung sabitang nakakawit sa hawakan neto. Kaya kinuha ni Long ang ulam gamit ang kanyang kamay. Kumuha sya ng isang hiwa at kumagat sabay abot sa bunso kong kapatid na si Marya.Nanghingi kami ni Boboy pero di kame binigyan .kinain nyang lahat.
“Aba! Apakadamot “sabi ni Boboy.
“pahingi”sabi ko kay Long na di padin bumababa
“Umakyat ka dto kung gusto mo “sabi nito.
So heto na. Kampihan na ang labanan. Si Long at Marya. Vs Ako at si Boboy.
Nag ala spiderman din ako sa pag akyat. DahiL sa payat ako ay nagawa ko. Kumuha ako ng isang hiwang baboy at agad iniabot kay Boboy na alam kong takam na takam na ring makakain ng karne.. At kumuha din ako ng isang hiwa para sa akin. Napakasarap sa panlasa nung uLam hanggang sa kumuha si Long at Ako din ng paulit ulit..
Ng bigLang bumukas ang pinto at..
Itutuloy..
Sa lahat po ng nagcocoments sa bawat post ko NAKAKATABA PO NG PUSO AT MARAMING SALAMAT PO.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.