0

The Battered Wife CHAPTER 17


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE / BELLA – POV )
Dalawang araw na hindi umuwi si Franco.
Palagi siyang tinatanong sa akin ng kanyang ina pero wala naman ako maisagot.
Sobra na akong nag-aalala sa kanya.
Hindi naman ako makaalis ng bahay nila dahil baka naman sa oras na umalis ako ay siya namang pagdating niya.
Tulad ng nakagawian ko , umupo ako sa labas ng bahay nila.
Sa dalawang araw kase na lumipas ay ganito ang aking ginagawa upang hintayin ang muling pagbabalik ni Franco.
Matagal ko na ding pinag-iisipan kung bibigyan ko na ba siya ng pagkakataong tuluyang makapasok sa buhay ko.
Sana sa pagkakataong ito ay hindi na ako magkamali sa desisyon kong ito.
Sa araw na ito ay hindi na ako nabigo pa.
Nakita ko na ang kotse niya.
Pagbaba niya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
” Franco , mabuti at umuwi kana . ”
” Na-mis mo ba ako ? ”
Malumanay niyang tanong sa akin.
” Oo naman … dalawang araw kang nawala.Hindi ka man lang nag text o tumawag sa akin.”
” Sino ba naman ang taong hindi masasaktan sa mga nakita ko ng gabing iyon .. ”
” Franco , sorry ”
” Bella , hindi mo kailangan humingi ng patawad sa akin.Kung talagang wala akong pag-asa sayo , sana sinabi mo agad para hindi na ako umasa pa.”
lakas loob ako na nagtanong
” Susuko ka na ba ng ganon nalang ? ”
” Alam ko namang si Dominick pa rin ang pipiliin mo kaya sana hindi mo na ako pinagmukhang tanga ”
Nakikipag-usap nga siya sa akin ngayon pero hindi naman siya humaharap.
” Paano kung sabihin ko sayo ngayon na handa na akong bigyan ka ng pagkakataong ligawan ako.”
” Hindi mo ako kailangang biruin pa Bella, dahil hindi nakakatuwa ”
” Sa tingin mo ba nagbibiro ako ? Alam mong hindi ko sasabihin ang mga salitang iyon kung niloloko lang kita.”
Sa oras na ito ay pilit ko siyang pinaharap sa akin.
” Franco , hindi ba’t matagal mo ng hinihintay ang pagkakataong ito ang sabihin ko sayong pumapayag na ako na ligawan mo ‘ko … ”
Akala ko ay magagalit ito lalo sa akin.
Pero ng tumingin ito sa akin ay bigla siyang ngumiti.
At hindi ko maiwasang matakot sa ngiting ipinapakita niya ngayon sa akin.
” Totoo ? Payag ka ng ligawan ako.”
” Oo , Franco. ”


/> ” Salamat Bella … hindi mo alam kung paano kabilis mong nagawa na alisin ang mga galit na nararamdaman ko.Pangako , simula sa oras na ito , opisyal na kitang liligawan at hindi magtatagal sasagutin mo rin ako.”
Agad ko naman siyang binatukan.
” Ang layo agad ng mga iniisip mo.Tara na sa loob naghihintay na ang mama mo.”
At pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay.
Pero habang naglalakad kami papuntang pinto ay hindi maalis sa isipan ko ang takot na naramdaman ko sa mga ngiti ni Franco kanina.
” Bakit ganon ? Parang may nag-iba sayo ngayon Franco … ”
Tanong ko sa aking sarili.
Pero alam kong hindi pa iyon mabibigyan ng kasagutan sa ngayon kaya binalewala ko na muna.
( SKY – POV )
Gumawa ako ng paraan para malaman kung saan ngayon tumutuloy si Elise , at hindi naman ako nabigo.
Nalaman kong nasa bahay pala siya ni Franco.
At hindi magandang tingnan iyon.
Wala naman silang relasyon , bakit kailangan nilang magsama sa iisang bahay
Kung hindi ko sana sinaktan at niloko noon si Elise , eh di sana ako ang kasama niya.
Dapat sa panahong ito ay mayroon na kaming masaya at kompletong pamilya.
Kaya ngayon na malapit na ulit sa akin si Elise , gagawin ko ang lahat para mabawi siya.
Kapag nagkasama na ulit kami ay talagang babawi ako sa mga pagkukulang ko sa kanya.
Habang nagpaplano ako ng mga gagawin para kay Elise ay napagpasyahan kong pumunta sa bahay nina Franco.
At hindi maganda ang inabutan ko.
” Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa ? ”
Nakita kong nag-uusap nina Elise at Franco
” Bakit hinawakan ni Elise ang kamay ng lalaking iyon ? ”
Niyakap pa ni Franco si Elise.
At hanggang sa pumasok na sila ng bahay ay magkahawak kamay pa rin sila.
” Hindi maaaring mahulog ang damdamin mo Elise kay Franco.Akin kana noon , alam kong magiging akin ka ulit … ”
Hindi ko naman kase magawang bumaba ng aking sasakyan at paghiwalayin ang dalawang iyon.
Lalo kaseng magagalit sa akin si Elise at baka tuluyan na niya akong iwanan.
( SOMEONE’S POV )
” Boss , may pinuntahan siyang bahay.Alam kong sobra siyang nasaktan sa eksenang naabutan niya.Pero hindi naman nagtagal ay umalis na rin siya.”
Hindi na ako sumagot pa sa aking tauhan dahil alam na niya ang ugali ko.
” Dominick , kaunti nalang mahahalikan mo na ang lupa.”
To be continued …


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.