0

The Man in my Dreams CHAPTER 15


Report

Flor : Jojo anak, saan ka ba nagpunta, nakabili na kami ni Papa mo ng fresh flower na ibibigay mo kay Jeralene.
Jojo : wow naman, mama ang ganda naman niyang bouquet of red roses.
Max : syempre naman anak, para sa espesyal na babae na magiging manugang namin.
Jojo : thanks papa, mama, napaka-supportive naman ng mama at papa ko..
Flor : dapat lang naman anak na suportahan ka namin. Dahil eto na ang pinakahihintay namin ng papa mo.
Max : oo nak, buong buhay mo ginugol mo ang pag-angat ng negosyo natin, ganun din ang buhay natin. Naging matagumpay lahat ng negosyo natin dahil sayo. Kaya dapat lang na harapin mo naman ang sarili mo, panahon na para bigyan mo ng kasiyahan ang puso mo, alam ko naman na masaya kang kasama kami, kaya lang iba yong may babaeng kukumpleto sa buhay mo anak, panahon na para bumuo ka ng sarili mong pamilya na makakasama habang buhay.
Flor : kaya nga nong sabihin mo samin na mag-aasawa kana, ay natuwa kami.
Max : oo anak,. Kaya ipangako mo na mamayang gabi ay maidadala mo si Jera dito sa bahay, ayain mong dito mag-dinner dahil gusto na namin siyang makita at makilala ng mama mo.
Jojo : opo promise po, makikilala niyo na po siya mamaya.
Max : oh pano anak, pumunta kana at hihintayin namin kayo dito mamayang gabi ha.
Jojo : sige po papa. Maliligo lang po ako sandali.
Max : bilisan mo anak ha, at akoy inip na inip na..gusto ko nang makita ang mga magiging apo ko!!!(nakatawang sabi)
Jojo : opo..(nakangiti niyang sabi)
.
At nang makatapos ng maligo at magbihis, nagpaalam na siya sa magulang niya.
.
Flor : anak yong flower baka makalimutan mo.
Max : eh yong singsing baka nakalimutan mo?
Jojo : okay napo papa mama..sige po punta na po ako.
Flor : oh sigurado kang wala kang nakalimutan ah.
.
Inisip ni Jojo kung wala siyang nakalimutan, yong singsing kinapa sa bulsa. Yong flower na ibibigay niya kay Jeralene hawak na niya, yong wallet niya yong celpon, at susi ng kotse ah may nakalimutan siya ang Jacket niya…At bigla niyang naalala ang jacket niya, naiwanan niya sa May batuhan. Kinagalitan ang sarili bakit ba niya nakalimutan yun. Mahal na mahal niya ang Jacket niyang iyon dahil bigay ng lolo niya iyon.
,
Flor : o bakit anak. Ano yong nakalimutan mo?
Jojo : mama, yong Jacket na bigay ni lolo sakin, nakalimutan ko sa dalampasigan kanina, babalikan ko nalang muna yun, at baka mawala doon, saka ako pupunta kay Jeralene.
Max : o sige anak, alam mo bang puntahan yang address na yan?
Jojo : opo naman pa. Malapit nga lang po ito dito eh.
Flor : o sige anak, ingat ka!!
.
Natutuwa si Jojo sa mga magulang niya, at excited din ito katulad niya. Kinapa niya uli sa bulsa ang singsing. sumakay na siya ng kotse, pupunta na siya kay Jeralene, at tiningnan muna niya ang sarili sa salamin, at huminga ng malalim.,at sinabi sa sarili na, handa na siyang pasukin ang buhay may asawa, at si Jeralene ang gusto niyang makasama habang buhay..at bago niya puntahan ang address ni Jeralene na ibinigay ni Jomel ay nagpunta muna siya sa dalampasigan para kuhanin ang naiwang Jacket. Samantala naman si Jeralene ay inaalala ang mga sandali nila ni Jojo ng sila ay, nasa bahay nila Mang Berto at Aleng Sally, hindi niya makakalimutan ang lugar na iyon, dahil mayroong isang magandang alaala ang naiwan don, doon sa lugar na iyon ay may bakas ng pagmamahalan na naganap.doon niya ipinagkaloob ang sarili sa lalakeng minamahal, nong una palang na nakita niya si Jojo ay parang magaan ang loob niya dito, kya ganun na lang ang lakas ng loob niya na patakasin ito sa pagkakadena, parang hindi niya kayang isipin na may mangyayaring masama kay Jojo, at sa mga gabi na kasama niya ito sa kwarto, ay parang maligaya na ang puso niya, kahit na nasa hindi magandang sitwasyon ang buhay niya ng mga panahong nasa kamay siya ni Drake, makita niya lang si Jojo ay naiibsan ang takot.
.
At si Jojo naman ay naglalakad na siya patungo sa mga batuhan, para kuhanin ang naiwanang Jacket, napahinto si Jojo sa paglalakad ng makitang may nakaupo doon sa may batuhan na napag-iwanan niya ng jacket, ngunit tumuloy na din siya sa paghakbang, habang papalapit siya ay napag-alaman niyang babae ang nakaupo doon, hindi niya kasi masyadong makita ang mukha ng babae naka suot ng malapad na hat na pang babae, at natatakpan ang mukha nito at tapos naka shade ito at may scarf at medyo naka-side view, kaya hindi niya kita ang mukha ng babae, at hindi din naririnig ang mga yabag niya dahil sa hampas ng alon sa dagat na lumilikha ng ingay kaya, medyo lumihis siya ng daan, para hindi agad mapansin ang presensiya niya ng babae, hindi muna siya lumapit sa babae, nakita niya kasi yong jacket niya ay nasa tabi lang nong babae, nagkubli lang muna siya sa may malalaking bato, at pinagmamasdan niya ang babaeng nakatalikod mula sa gawi niya, meron din daw palang tumatambay doon sabi niya sa isip niya, at naalala niya tuloy noong bata siya na nakakubli din siya doon sa malaking bato na iyon, dahil pinagmamasdan niya yong crush niyang babae noon, at natigilan siya sa mga sandaling iyon, baka kaya yong babae na yon at ang batang iniligtas niya 18 years ago ay iisa!!, may kaba siyang naramdaman, sa isip niya ay baka yoon nga ang babae. Sa totoo lang hindi niya din nakalimutan yong batang babae na yun, hanggang sa magbinata siya, sa twing nakikita niya ang pendant sa wallet niya ay naalala niya ito. Nangarap din siya noon na maging girlfriend ito. at kaya niya nasabi noon na kapag bumalik siya galing ng America ay liligawan niya ito pag nagkita silang muli..pero hindi na siya nakabalik agad dahil nasa matinding karamdaman ang kanyang lolo, at siya lang ang gusto ng lolo niya na si jojo ang mag-alaga sa kanya, hindi niya natanggihan ang kannyang lolo dahil mahal niya ang kanyang lolo. Kaya ngayon nga ang problema ay may mahal na siyang iba, si Jeralene, si Jera na ang nilalaman ng puso niya dahil unang kita pa lang din niya kay Jera ay nakaramdam na siya ng kakaibang damdamin, katulad din ng naramdaman niya sa babaeng niligtas niya, tumibok na ang puso niya noong mura pa ang isip niya, sa kasabihan nga ay Puppy love!! At naulit nga ang ganung pakiramdam ng makita ang babaeng nagligtas sa kanya sa kadenang nakatali sa kanya noong nasa kamay siya ni George. At hanngang sa napagpasyahan niyang lapitan na ang babae at kausapin at alamin kung tama nga ang iniisip niya na yoon nga ang babaeng iniligtas niya sa pagkakalunod.
.
At samantalang si Jeralene naman ay nakikipag-usap sa kawalan..at nang medyo malapit na si Jojo sa babae. Ay nagsalita ang babae, pinapakinggan lang ni Jojo ang sinasabi nito at sa isip ni Jojo ay parang pamilyar ang boses nito, may ka boses daw ang babae, pero hindi na ang boses ang pinagukulan niya ng pansin, kundi ang sinasabi nito.
.
Jeralene : pasensiya ka na ha, hindi na kita mahihintay, ang tagal mo kasi, sabi mo After 15 years babalik ka at magkikita tayo dito mismo, bumalik ako, kaya lang hindi ka naman bumalik, 18 years na ang nakakalipas, masyado nang matagal kaya sorry ha, hindi na kita nahintay, may mahal na akong iba, mahal na mahal ko siya, alam mo ba katulad mo siya. Mabait din siya, at niligtas niya rin ako, kasi nga katanga ko naman kasing lumangoy..at salamat sayo ha, dahil niligtas mo ako sa pagkakalunod ko dito noong bata ako at dahil doon ay nagpatuloy ang buhay ko, salamat din sa inspirasyon, (tumutulo na ang luha niya) dahil sayo nagsipag akong mag-aral, lagi nga akong Honor student dahil gusto ko pag nagkita tayo may maipagmamalaki din ako sayo at isa pa, kung wala ka dito noon para iligtas ako, wala ako ngayon dito at hindi ko din makikilala ang lalakeng nagbibigay ligaya sa puso ko..alam mo buhat ng makita kita dito hindi kita kinalimutan, yon nga lang masakit isipin na hindi na kita uli makikita, kaya ibinaling ko sa iba ang aking isip, nagkaroon ako ng nobyo na wala akong pagmamahal sa kanya, sumubok lang ako, na baka sakali na makalimutan kita, pero hindi rin pala, bigo din akong kalimutan ka, dahil habang nakikilala ko ng husto ang naging nobyo ko na may pagkamagaspang ang ugali ay naalala kita, sorry pero sinisisi kita, dahil sayo kaya ako nasadlak sa masamang tao, alam ko naman na mali akong sisihin ka, kasi wala namang dapat sisihin kundi ako, dahil sobra akong nangarap ,umasa na magkikita tayong muli, at inaasahan ko din yong sinabi mong liligawan ako..pero tapos na yun, dahil ang lahat ng pinagdaan ko sa dating nobyo ko ay siya naman ang naging daan ng pagkakakilala namin ng mahal ko…pero sana makita parin kita, para makapagpasalamat uli sayo!! Hinding-hindi kita makakalimutan! Habang buhay akong magpapasalamat sa iyo mananatili ka dito sa isip ko.
.
Narinig lahat ni Jojo ang mga sinabi ng babae, hindi siya makapaniwala na tama ang hinala niya na ang babaeng niligtas niya noong bata siya, at ang babaeng nasa harap niya ay iisa, nalulungkot siya dahil nalaman niya na ganun siya minahal ng babae na yun,at narinig niya lahat ng sinabi ng babae, sa isip ni jojo ay humihingi siya ng tawad dito, umasa pala yong babae na babalik siya, nakokonsensiya siya dahil sa kanya pala ay napunta siya sa hindi tamang lalake, kailangan niyang kausapin ito at hihingi siya ng tawad, dahil sa umasa ito sa sinabi niya, natutuwa din siyang malaman na ginawa siyang inspirasyon nito, sa totoo lang ganun din naman si Jojo sa kanya, yun nga lang dahil mataas ang expectation ng lolo niya sa kanya, kaya ang nasa isip nalang ni Jojo noon ay makapag-aral ng mabuti, first priority niya ang pag-aaral kaysa makipag-girlfriend, pero hindi niya din nakakalimutan ang babaeng niligtas niya, ngunit naibsan din ng bahagya ang habag ng malaman din ni Jojo na masaya na ito dahil natagpuan na nito ang lalakeng minamahal..magsasalita na sana siya ng biglang kumilos ang babae, tinanggal ang shade at inilapag ito sa bato ganun din ang Scarf at tinanggal din ang suot na hat, at nagpapahid ng mga luha, at laking gulat ni Jojo ng makilala ito, hindi siya maaring mag-kamali, kahit nakatalikod ito ay alam niyang si Jeralene ito…ang babaeng kanyang minamahal, lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makilala ang babae, ang babaeng niligtas niya at ang babaeng minamahal ay iisa. Hindi siya makapag-salita sa nalaman niya..tumutulo na ang luha niya, hindi alam ang sasabihin.
.
Jojo : J-Jera!!!
.
nagulat ng marinig ang boses ni Jojo, at agad na lumingon at napatayo sa pagkaka-upo
.
Jera : J-jojo!!
.
Sinugod ni Jojo ng yakap si Jera, mahigpit niyang niyakap ang babaeng minamahal, at ganun din si Jera gumanti siya ng yakap kay Jojo, umiiyak si Jojo kaya umiiyak na din Jera, ayaw nilang bitawan ang isat isa dinadama nila ang mga sandaling magkadikit ang kanilang mga katawan,.at gustong patunayan ng bawat isa na hindi sila nananaginip lang na iyon ay totoong magkasama sila.
.
Jojo : i’m sorry, sorry mahal, sorry hindi ko sinasadya, na hindi ako nakabalik, sorry!!(umiiyak niyang sabi)
.
kumalas ng bahagya sa pagkakayakap at tiningnan sa mga mata...


si Jojo talagang pamilyar ito sa kanya.
.
Jera : ano ka ba, ano bang sinasabi mo?
.
napadako ang mga mata sa kwintas na suot ni Jeralene.
.
Jojo : i’m sorry mahal!!!(umiiyak niyang sabi at yumakap uli kay Jeralene)
.
Napaka saya ni Jojo sa nalaman, pero Natakot din si Jojo dahil baka magalit sa kanya si Jeralene kapag nalaman na siya yong batang lalake na nagpaasa sa kanya na babalik.
.
Jera : (kumalas ng bahagya sa pagkakayakap ni Jojo) hindi naman kita maintindihan? Bakit ka ba nagsosorry, ako nga ang dapat mag-sorry kasi iniwanan kita agad noong bumaba tayo sa Bus..wag ka nang umiyak, (sabay punas sa mga pisngi ni Jojo na inaagusan ng luha) daig mo pa ako kung makaiyak.
Jojo : masayang masaya ako mahal dahil nakita na kita, mahal na mahal kita!!
Jera : mahal na mahal din kita (umiiyak na niyang sabi) ano ka ba masyado na tayong madrama,.nahahawa ako sa iyak mo.
Jojo : masaya ako dahil nakilala kita, ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at buhay, dahil lakas loob mong kinalag ang kadenang nakatali sa akin, ng mga panahong nasa kapahamakan ako, nang dahil sayo nagkaroon pa ako ng pagkakataong makasama ang mga pamilya ko, at may pagkakataon akong mahalin ka, at makita kang muli.
.
Masaya si Jera sa mga narinig kay Jojo. Na totoo ngang mahal siya nito, kaya napahagulgol siya sa sobrang saya ng damdamin.
.
Jojo : At kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon dahil minsan sa murang isipan ko ay pinangarap ko ang isang babae na makasama at makitang muli, ngayon eto na, nakita ko na siyang muli, nasa harap ko na siya at sasabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya,
.
nagtaka sa mga sinasabi ni Jojo kaya medyo natigil ang iyak niya.
.
Jera : ano ba yang sinasabi mo, naguguluhan ako sayo, tayong dalawa Lang dito pero parang sa iba yata yong mga sinasabi mo, ngayon!!.
Jojo : hindi mahal, walang iba ikaw yong tinutukoy ko, mula nang bata ako nang una kitang makita pinangarap na kita.
Jera : teka lang, naguguluhan ako sa sinasabi mo eh, kailan lang tayo nag-kakilala pinangarap mo na ako mula nang pagkabata mo? (Nagtatakang tanong)
Jojo : Oo mahal.
.
kinuha ang wallet sa bulsa at inilabas ang pendant, at ipinakita kay Jeralene.
.
Jojo : buong buhay ko ay iningatan ko ang bagay na ito, sa tuwing titingnan ko ito ay naaalala ko ang batang babae na hinangaan ko ang taglay na kagandahan, na may maamong mukha, na bumihag sa aking murang isipan, at hindi ko kinalimutan ang batang babaeng iyon dahil dito sa isang bagay na ito na laging nakadikit sa katawan ko saan man ako magpunta ay lagi Kong kasama..(at pinakita ang pendant na kabiyak ng puso)
.
Hindi nakapagsalita si Jera sa mga sandaling iyon, dahil sa sobrang pagkabigla, kinapa niya ang palawit ng kwintas niya, kinuha niya ang hawak ni Jojo at pinag dikit niya ito, habang pinagdidikit niya ito ay nanginginig ang kanyang mga kamay, at nang magkadikit ang mga kalahati ng puso ito ay magkalapat nga, nag-uunahan nang bumuhos ang mga luha sa pisngi, halos nagkakabuhol-buhol ang hininga niya, yumuyogyog ang balikat sa pigil na iyak, hindi siya makapaniwala na ang batang lalake noon ay nasa harap na niya..ang lalakeng nagligtas sa buhay niya, ang lalakeng minahal niya buong buhay niya ay nagbalik na!! At isa pa hindi siya makapaniwala na ang batang nagligtas sa kanya at si Jojo ay iisa!! Kaya pala, parang pamilyar sa kanya si Jojo, kaya pala magaan ang loob niya dito, kaya pala, sa pakiramdam niya ay parang nakita na niya ito..yun pala, si Jojo yong batang pinangarap niyang maging boyfriend mula pagkabata niya at hanggang sa nag-dalaga, kaya daw pala hindi niya kayang mapahamak ito noon sa kamay ni George dahil si Jojo na daw pala ang lalakeng pinapangarap niya, hindi na niya talaga mapigil ang iyak dahil sa nag-halo halong emosyon., dahil iisang tao lang pala ang lalake sa pangarap niya at si jojo na ngayoy mahal na mahal na niya ay iisa lang..
.
Jeralene : hindi ba ito biro, i-ikaw y-yong l-lalakeng nagligtas sa akin dito n-noon???
Jojo: Oo mahal, patawarin mo ako, hindi ako nakabalik, nagkasakit si Lolo ako lang ang gusto niyang mag-alaga sa kanya, tapos nong nakabalik naman ako dito sa pilipinas ipinangako ko sa kanya na palalaguin ko ang iniwan niyang negosyo..hindi ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko..kaya hindi na ako nakabalik..patawar—-
Jeralene : ssshhh..(tinakpan ng isang daliri ang bibig ni jojo) wala na akong paki-alam kung anong dahilan kung bakit hindi ka nakabalik agad, ang mahalaga, kasama na kita ngayon, buong buhay ko wala akong inisip kundi ang makita ka makasama ka, at sobrang saya ko, dahil yong tao na pinangarap ko ay siya pala yong lalakeng minahal ko at pinag-alayan ko ng aking sarili ay iisa..
Jojo : napaka saya ko din Mahal, di ko akalain na yong batang babae na unang nakapagpatibok ng aking puso at ang pangalawang babae na nakapagpatibok ng aking puso at minahal ko ay iisang tao lang pala, at ikaw yun mahal, kaya pala hindi mo ko natiis na hindi iligtas sa kadenang bakal na nakatali sakin, kaya pala hindi mo kayang isipin na may mangyayari saking masama doon sa kamay ni george, dahil buong buhay mo, ako ang laman ng puso mo, mahal salamat dahil ako ang nilalaman niyan(sabay turo sa dibdib na tapat ng puso) dahil hindi ako kinalimutan ng puso mo, hindi nakalimot ang puso mo, di mo man kilala ang itsura ko na ako yong lalakeng pinangarap at laman ng puso mo…dahil nakilala naman ako ng puso mo, alam ng puso mo na ako yong lalakeng minamahal mo, mahal, salamat at iniligtas ako ng iyong pagmamahal.!!!
Jeralene : salamat din Babe dahil niligtas din ako ng pagmamahal mo..iniligtas mo ako kay drake, iniligtas mo ako ng malunod ako sa Ilog…salamat at lagi kang nandiyan para sakin.
.
Hawak ni Jera ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ni Jojo, at tinitigan niya ang buong mukha ni Jojo, partikular ang mga magagandang mata ni Jojo na labis na pamilyar kay Jera..
.
Jera : i never expected that the man in my dreams is standing in front of me, and its not an imagination!
.
Pinaggala ni Jera ang mga kamay niya sa mukha ni Jojo, dinadama ni Jera ng mga kamay niya na totoo nga daw kaya na naroon na sa harap niya ang batang lalake noon, ang mga kamay ni Jera ay bumaba sa balikat pababa sa braso, pinisil pisil ang mga braso ng kaharap dinadama ni Jera ang paghawak kay Jojo at baka daw kasi nag iimagine lang siya na kasama niya ang batang lalaki noon, at hanngang sa dumako ang kamay ni Jera sa kamay ni Jojo, at hinawakan niya ng mahigpit, at idinala ni Jera ang kamay ni Jojo sa kanyang mga labi at dinampian niya ng halik.
.
Jojo : mahal totoo ako, ako yong batang lalaki noon na nakasama mo, hindi ako isang imahinasyon, at hindi na ako mawawala sayo, hindi na tayo magkakalayo,
.
Kinuha din ni Jojo ang kamay ni Jera at dinampian ng halik.
.
Jojo : hindi din ako makapaniwala na totoong nangyayari na to satin.
Jera : totoo ka nga!
Jojo : totoo, hindi iyo isang panaginip o imahinasyon, nagbalik na ako mahal ko, nagbalik na ako.!
Jera : masayang masaya ako, dahil nandito ka na, ang tagal kong hinihintay yong pagkakataon na ito, at hindi ko inaasahan na ikaw din pala yong lalake na buong buhay kong pinangarap.
.
Kinabig ni Jojo si Jera at niyakap niya ito ng mahigpit.
.
Jojo : mahal na mahal kita.
Jera : mahal na mahal din kita.
.
Hinalikan no Jojo si Jera sa mga labi, wala silang pakia alam kung meron daw ibang tao na nakakakita sa kanila, basta ang alam nila ay sabik na sabik sila sa isat isa na maramdaman ang matatamis na halik.
.
Jojo : Mahal kailangan mo akong iligtas, tulungan mo ako, dahil nalulunod ako!!
Jera : ano? Paano kang nalulunod, eh wala ka naman sa tubig!!
Jojo : mahal nalulunod ang puso ko, sa pagmamahal sayo..
Jera : ikaw talaga!!!
Jojo : I love you mahal!!!
Jeralene : I love you too mahal!!
.
at muling nagsasanib ang kanilang mga labi, nilalasap nila ang mga matatamis na halik na wari’y kapwa sabik at uhaw sa mga halik, at tumigil ang mundo ng dalawang nagmamahalan, kapwa nalulunod ang mga puso sa kaligayahan, nag-uumapaw sa galak ang mga puso nila at damdamin..sa sayang nadarama nila ay umagos sa mga pisngi ang mga luha,..Luha ng kagalakan!! At kumalas ang mga labi ni Jojo sa labi ni Jeralene, pinunasan ng dalawang kamay ni Jojo ang mga luha sa pisngi ng babaeng minamahal, at hindi nagtagal ay kinuha ang maliit na kahon sa bulsa na pinaglalagyan ng singsing nakita ni Jera na inilabas ni Jojo ang nasa maliit na kahon at saka Lumuhod sa harap ni Jeralene si Jojo..
.
Jojo : mahal, Will you marry me?
.
At sa mga sandaling iyon si Jera ay di nanaman mapigil ang luha, sa sobrang saya, hindi siya makapaniwala na totoong nangyayari sa kanila ni Jojo iyon, kaya kinurot kurot Jera ang braso at saka tinapik tapik ang pisngi, sinisigurado niya na hindi siya nananaginip o kaya naman ay baka nag-iimagine lang siya tulad ng lagi niyang ginagawa, hindi siya sumasagot dahil sa pagkabigla at sa excitement na din, ni hindi niya maigalaw ang dila niya dahil nga sa nangyayari, ang lalakeng pinangarap niya noon at hanggang ngayon ay inaalok na siya ng kasal..kaya si Jojo ay may pag-aalala na baka,hindi tanggapin ang alok niya..kaya inulit niya uli ang tanong niya..
.
Jojo : Miss Jeralene Figueras Adair, will you marry me?
.
Hindi pa din makasagot si Jeralene, para kasi siyang naiistatwa, kaya labis na nag aalala na si Jojo, dahil baka hindi pa handa si Jera.
.
Jojo : please mahal, marry me!! (Pagsusumamo nito)
.
At sa wakas natauhan si Jeralene!!
.
Jeralene : yes, yes, yes, Jojo Rodriguez Maravilla, i will marry you!!
.
At inilahad ng dalaga ang kamay kay Jojo, at isinuot ni Jojo ang singsing sa dalaga at dinampian ng halik ang kamay ng dalaga kung saan nakasuot ang singsing.
.
Jojo : Salamat mahal.
.
Sa tuwa ni Jojo at binuhat niya si Jera..
.
Jojo : Woahhh, I love you Jeralene!!!!!!(sigaw niya)
Jera : Mahal na mahal din kita Jojo…(sigaw din niya)
.
Walang pagsidlan ang kagalakan ng puso ng dalawang nagmamahala, lalong lalo na si Jera, dahan dahang ibinaba ni Jojo si Jera, at nananatili na magkayakap ang mga ito, magkadikit ang kanilan mga mukha, langhap nila ang kanilang mga hininga.
.
Jojo : Hindi ko na hahayaang malayo ka pa sakin.
Jera : ako din, dahil ayoko nang malayo sa lalaking laman ng aking puso, ng aking isip at ang lalaking nasa pangarap ko, ngayon wala ka na sa panaginip ko dahil nandito ka na talaga sa buhay ko.
.
muling niyakap ng mahigpit ni Jojo si Jera, at muli na naman nilang pinagsaluhan ang matatamis na halik, at kapwa nalulunod ang mga puso nila sa sobrang saya ng mga sandaling iyon, kapwa may mga luha sa mga mata dulot ng labis na kaligayahan..
.
Itutuloy…
.
Maraming salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay, wala pong bibitiw sa nalalapit na pagtatapos..Salamat.💕💕💕


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.