0

STOLEN #20 (Final Chapter)


Report

“Mr. Defuente.” bati sa kanya ni Henderson Strevillo pero may kapaitan na nababalot sa boses ng matanda.
Mabuti nalang dahil tinanggap ni Henderson ang pakiusap niyang mag-usap silang dalawa.
Tinanggap niya ang wineglass kay Henderson. Tinignan niya ang laman no’n at pinaikot.
“Huwag kang mag-alala. Hindi ko nilagyan ng lason ‘yan. Kung gusto man kitang patayin, iyon ay sa mismong kamay ko, Defuente. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa anak ko.” Henderson’s jaw clenched.
Swabeng sumimsim si Haje sa wineglass. Tumingin siya kay Henderson pagkatapos.
“I love your daughter.” walang paligoy-ligoy na amin niya.
“Sinabi din ba ng anak kong mahal ka niya?” nakangising tanong ni Henderson.
Umiling siya na mas lalong ikinangisi ni Henderson. “Pero gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako.”
“Hindi pinipilit ang pag-ibig. Tandaan mo ‘yan, Defuente. Pareho nga kayo ng nanay mo.”
Kumunot ang noo niya. “Ano ang ibig mong sabihin?”
Isinalaysay sa kanya ni Henderson ang nangyari noon. Pinasadahan ang buhok ng kanyang kamay matapos malaman ang katotohanan.
Why? Gusto niyang malaman kung bakit puro kasinungalingan ang itinatak ng kanyang ama sa utak niya tungkol sa pagkamatay ng mga ito.
Nakagawa siya ng kasalanan sa taong walang ginawang masama sa pamilya niya.
Henderson tapped his broad shoulder. “I’m sorry.”
“No. I should be the one to say sorry.”
“Kalimutan na natin ang nakaraan. Tapos na iyon ng kabanata ng ating buhay.”
Tama si Henderson. Kalimutan na nila ang masamang nakaraan. Nung makaharap niya si Henderson kanina ay hindi siya naramdaman ng galit dito. Pumunta siya sa opisina nito para humingi ng tawad at para kay Threia.
“Kung may magandang naidulot man iyon ay para magkilala kayo ng anak ko, Defuente.”
Umangat ang tingin niya kay Henderson. “Pumapayag ka na ligawan ko si Threia?”
“You got my approval, Defuente. Just don’t hurt my daughter.” sabi ni Henderson.
“I won’t, Strevillo. I love her so much more than anything in this world.”
Ngumisi si Henderson. Inangat niya ang wineglass niya.
“Cheers for the new beginning.” They pa said in unison.
“TARA NA, Kuya.” sabi ni Threia. One of her bodyguards open the door for her. Katatapos lang ang dinaluhan niyang charity party. Dahil nasa ibang bansa ang kanyang ama ay siya ang inutusan nitong pumunta as a representative ng Strevillo.
Pumasok na siya sa back seat.
Habang nasa gitna sila ng daan, tinignan niya ang kanyang cellphone kung mayroon bang mensahe sa kanya si Haje.
Threia pouted her lips. Naiinis siya kay Haje. Ilang araw na itong walang paramdam dahil nasa ibang bansa para sa itatayong bagong business.
May cellphone naman ito para dalhan siya ng mensahe ngunit hindi ginawa ng binata.
Masyadong busy sa ibang bansa, hmp… bulong niya sa sarili.
“What the! Bakit bigla kang huminto?”
“May humarang sa atin, Ma’am.” pati ang driver niya ay nanginginig sa takot.
Oh, God! Bakit tila naulit muli ang nangyari no’ng gabing ‘yun?
Takot na takot siya. Paano siya makakatakas ngayon? Noon nga ay hindi niya nagawa, ngayon pa kaya na hindi niya magawang igalaw ang katawan niya dahil nanginginig siya sa takot.
No, not again…
“Tauhan po pala ni Mr. Defuente, Ma’am.” agad na sabi ni Kuyang driver.
Umangat ang tingin niya at tinitigan ang harapan.
Nakita niya si Vin na palapit sa kanila.
Nakahinga siya ng maluwag.
Subalit mabilis nagbago ang mood niya nang makita si Haje na nakasunod kay Vin.
Akala ba niya nasa ibang bansa pa ito? At sa susunod na linggo pa ang balik?
Binuksan ni Vin ang pintuan sa banda niya. “Good evening, Ma’am.”
Padabog siyang bumaba ng sasakyan at sinalubong niya ng suntok si Haje sa dibdib. Tumatawa naman sinasangga ni Haje ang suntok niya.
“I hate you! Muntik mo na akong pinatay dahil sa takot.” naiiyak niyang aniya.
Nanlambot ang mukha...


ni Haje nang makita siyang naluluha. “I’m sorry. Gusto sana kitang isurpresa.”
“Sa pamamagitang takutin ako, ganoon ba?”
“I’m sorry, okay. I didn’t mean to. Akala ko kasi kapag ginawa ko ito ay mapapalitan ang masamang alaala na kagagawan ko no’n.” sabay haplos sa kanyang pisngi.
“Sige, gawin mo na. Baka masira ko pa ang plano mo.” ani Threia.
Akmang magsasalita si Haje. Ngunit naunahan na niya ito.
“Akala ko ba sa susunod pa ang balik mo?” taas kilay na tanong niya.
“Namiss kita kaya bumalik agad ako. Ikaw, hindi mo ba ako namiss?”
“Hindi. Hmp. Namiss mo ako? Hindi ka nga nagte-text sa akin eh.” Umiwas siya ng tingin nang mapaglarong nginisian siya ni Haje.
“I got busy. Gusto kong tapusin agad ang trabaho ko roon para mapabilis ang uwi ko… sa’yo.”
She rolled her eyes, naiinis pa rin siya dito. “Uwi na ako. I’m already tired.” Pero laking gulat niya nung hindi na niya makita ang driver at bodyguard niya. Pati sina Vin at ilang bodyguards ni Haje. Naglaho na lang bigla.
Sila na lang dalawa ni Haje ang natira. Nasa gilid sila ng kanyang sasakyan sa gitna ng gabi. Humaplos ang ihip ng hangin sa kanyang pisngi.
“Nasaan sila?” nagtataka niyang tanong kay Haje.
He shrugged his shoulder. “Pinalayas ko. Gusto ko tayong dalawa lang ang nandito, Threia.”
Hinila siya ni Haje para ikulong siya sa bisig ng binata. “I miss you. That’s the truth, Threia.”
Yumakap na rin siya kay Haje pabalik, hindi niya kayang tuluyan mainis sa binata.
“I miss you too. That’s my truth, Haje.”
Hinalikan ni Haje ang tuktok ng kanyang ulo. “Mahal kita. Iyon ang pinakatotoo sa lahat.”
Humigpit ang yakap niya kay Haje. Sinalubong niya ang tingin ng binata, at matamis na ngumiti. “I love you, too. That is my other truth.”
“So, girlfriend na kita?”
Pabirong tinanggal niya ang nakapulupot na braso ni Haje pero hindi siya hinayaan na tanggalin iyon ni Haje. Lalong humigpit ang yakap sa kanya ng binata.
“Hindi ka pa nga nanliligaw, e.”
“Kailangan pa bang dumaan tayo sa ligawan stage. I love you and you love me too. Pwede bang girlfriend na kita ngayon o kung gusto mo aasawahin nalang kita… ngayon din. I got your father’s approval anyway.”
Tumatawang kinurot niya ang tungki ng ilong ni Haje. “Ask me, then.”
Haje smiled. May kinuha itong kahon sa ilalim ng coat niya. At lumuhod sa harapan ni Threia.
“Oh My God!” bulalas ni Threia. Akala niya binibiro lang siya ni Haje nung banggitin nito na aasawahin siya.
Sumeryoso si Haje habang nakalahad sa kanya ang mamahaling singsing. Simple iyon pero elegante tignan.
“I hated you the first time I ever laid my eyes on you because you’re Henderson Strevillo’s daughter. Pero sa una lang iyon hanggang sa nahulog ako sa’yo at hindi na nakaahon pa. I realized that it is all worth it. You are worth it, Threia. You have completed my life. I love you so much.” Haje looked at her intently. “Will you marry me, Threia Strevillo?”
Tatlong beses siyang tumango. “Yes, Haje. I will marry you. I love you. I will love you until my last breath. Forever and eternity.” Madamdamin niyang tiningnan si Haje at saka ngumiti.
Tumayo si Haje pagkatapos niyang ilagay ang singsing sa daliri niya. It looks perfect on her ring finger.
Then, he pulled Threia and kissed her lips. He kissed her with all his power… with all his might. He kissed her like there’s no tomorrow.
She was kissing him back with the same passion and intensity.
Haje Defuente had stolen the heart of Threia Strevillo.
It is now the beginning of a new life for her and him.. Just the beginning of their lifetime with each other.
-THE END-


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.