0

When a Single Mom meet the HOT CEO Chapter 12


Report

Kate’s POV:
“This is your first day of being my secretary, Kate. So be confident. H’wag kang kabahan.”, bulong ni David nang makarating kami sa kompanya.
Yes, pumayag ako na mag-stay sa tabi niya.
At matapos naming mag-usap at kumain ng almusal, dito agad kami tumungo.
Tanging si Michael at ang mga maids niya ang naiwan sa mancion.
Sa tingin ko naman, hindi maboboring ang anak ko dahil maraming laruan ang pinabili ng binata para sa kanya.
“S-sigurado ka bang ayos na ang suot ko? Baka, m-mukhang Manang ako sa uniform na ‘to.”, bigkas ko rito.
Pero bahagya s’yang tumawa at hinalikan ako sa pisngi.
“Hindi ka na Manang. Actually, that uniform really fits on you. At ikaw ang pinaka-sexy sa mga babaeng nandito.”, he whispered again.
That words, make me smile.
Kahit simpleng komplimento, ang sarap pakinggan.
“Okay, thank you. Sabi mo eh.”, tanging tugon ko at taas-noo akong naglakad kasama siya.
Pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng kompanya, lalo na yung mga kababaihan.
Ramdam ko ang pagkadismaya sa mata nila na tila ang iba ay na-iinggit pa sa akin.
“Si Ms. Katrina ba ‘yan? Nagkabalikan na sila ni Sir?”, rinig kong sambit ng dalaga sa dulo.
Ang taray ng tingin nito na animo’y gusto akong sabunutan.
But wait, did mentioned the name Katrina?
“I don’t know. Kamukha lang siguro. Tingnan mo naman ang hairstyle ng buhok, hindi ganyan ang bet ni Ma’am.”, pasegunda naman ng isa.
Hindi ko yata gusto ang bunganga ng dalawang chismosa dito sa kompanya ni David.
Kahit saan ako pumunta, lagi nila akong napagkakamalan na si Katrina.
At ang masaklap pa do’n, kinukumpara nila ang fashion ko sa ex-girlfriend ng binata.
Pero hindi ako magpapatalo noh?
Kung galit sila, edi gagalitin ko pa lalo.
Mag-galitan kaming lahat para bongga.
Kaya ayon, ako na mismo ang humawak ng kamay ni David at talagang pinakita ko pa ito sa kanila.
I also wear my sweet smile para iparating na hindi ako apektado sa mga sinasabi nila tungkol sa akin.
___
Dumiretso na kami ng lalaki sa opisina niya kung saan may isang babae ang sumalubong sa amin.
Nakangiti ito at bahagyang yumuko simbolo ng pag-galang.
“Goodmorning Sir, goodmorning Ma’am.”, saad niya na hindi pa rin mawala ang kasiyahan sa mukha.
“Goodmorning din sayo–“,
“You’re fired. So go and pack your things now.”, diretsang sambit ni David.
Maging ako ay nagulat sa tinuran niya.
Balak ko pa sanang batiin ang babae, kaso sumingit siya sa pagsasalita ko.
“P-po Sir?”, bigkas ng dalaga.
“Hindi mo ba narinig? Tanggal ka na sa trabaho.”, pag-uulit niya at tinagalog na nito ang sinabi para maintindihan ng kaharap namin.
“P-pero Sir, kakasimula ko palang, bakit parang ang bilis?”, mangiyak-ngiyak na tanong niya.
“H’wag mong questionin ang...


desisyon ko, Miss. Dahil may nahanap na akong kapalit sayo.”, agad na tugon ni David.
“Sir–“,
“Umalis ka na. Ibibigay ko na lang sayo ang huli mong sweldo.”, tanging saad niya at hinila ako para sumunod sa kanya.
Nakakaawa tuloy ang sinapit ng tao.
Ang bait pa naman. Tsk.
“Bakit mo ba siya tinanggalan ng trabaho?”, inis kong bigkas nang umupo ang binata.
Hindi ko kasi mabasa ang trip niya sa buhay.
“Don’t worry about her. Dapat nga maging masaya ka dahil yung pwesto niya, ay binigay ko sayo.”, sagot niya habang iniikot ang ballpen sa daliri.
“My ghad David, you’re so unfair! Wala sa usapan natin ang tumanggal ka ng empleyado. And besides, sabi mo, wala kang secretary kaya pumayag ako. Tapos ngayon, malalaman ko na secretary mo pala ‘yon? Hays!”, turan ko muli at napahilot ako ng sintido.
“Calm down, Kate. Kung iniisip mo ang babaeng ‘yon, then sige, hahanapan ko siya ng ibang posisyon.”, wika niya para hindi na ako makonsensya pa.
Kaya dahil dito, naging mapanatag ang loob ko.
“Thank you.”, tanging tugon ko sa kanya.
Maya-maya ay nagpaalam muna ako para pumunta ng comfort room.
Medyo naiihi na kasi ako dahil sa kabang naramdaman ko nung tumapak ako sa kompanya.
Kaso pagkarating ko sa C.R, tatlong babae ang naabutan ko na nagmemake-up habang pinag-uusapan nila si David.
“Did you see the girl? Yung kasama ni Sir David? Balita ko, pokpok ‘yon.”, bigkas ng nakadilaw na damit.
Kaya pinili ko na ‘wag munang tumuloy at tumago sa gilid para pakinggan sila.
“Pokpok? You mean, bayaran na babae?”, muling sambit ng isa pa.
“Oo, ganon na nga. Nagtatrabaho ‘yon sa club. And guess what, nakita ko na talaga siya. Akalain mo, nabingwit niya si Sir.”, she said again as she apply the lipstick.
“Grabe! Sobrang cheap naman ng taste ni Sir. Hindi man lang siya naghanap ng virgin na tulad natin. Nakakadiri, baka magka-aids pa siya.”, wika ng katabi niya dahilan para umakyat ang dugo ko.
Kaya ang ginawa ko, pumasok na ako sa C.R at taas-kilay ko silang tiningnan.
“Kung pag-uusapan niyo ako, make sure na hindi ko maririnig ha?”, turan ko sa kanila.
Humakbang ako para lapitan ang maarteng impakta, kasabay no’n, dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya.
“Alam mo, maganda ka sana. Pero mas maganda kung ikikipot mo ‘yang bunganga mo.”, saad ko rito at binalingan ko ng tingin ang kasama niya.
“At kayong dalawa, kung wala kayong magawa sa buhay, try n’yong pumunta ng roof top tapos tumalon kayo. Para mabawasan naman ang mga inggitera at laitera sa bansa.”, mataray kong sabi.
Well, hindi nila ako basta matatapakan dahil hawak ko sa leeg si David.
Isang request ko lang sa binata, tiyak susundin niya agad ang gusto ko.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.