0

SELLina CHAPTER 17


Report

SELLina🌺
🌺CHAPTER 17🌺
“Nakita mo pa?alam na ng madla na ikakasal kami ni Demon,tingnan kolang kung iiwas payan kung ang press na ang kusang hahabol sakanya,ayaw naman nya sigurong mapahiya !”habang nasa sala sila ng papa nito.kararating lamang nya mula sa kumpanya..
May mga inaayos kasi syang event na magaganap 2weeks from now at gusto nyang perfect ang lahat..
At doon nya gagawin ang pinaka magandang pasabog..
“Princess,alam ba ito ni demon ha anak?”may pag aalala sa mukha ng ginuo
“Malalaman din nya pa,baka mamaya o bukas..bibisitahin ko sya sa mansyon nya..”may ngite ang labi nito na hindi napapalis dahil naiisip at naiimagine nya ang mangyayari kapag naengage sila ni Demon sa harap ng press at buong mundo..
“Anak!sana hindi mu pagsisihan ito.alam mo namang pinuproseso pa ni demon ang damdamin nya sayo diba?baka pwedeng tigilan mo muna ang mga nais mong mangyari?”
“Papa,ayaw mo bang makasal ang princess mo sa mahal nya?”
“Hindi naman sa ganun anak,ang akin lang masakit kapag bumagsak ka lalo na kapag hindi ka sinalo ng taong akala moy mamahalin karin pabalik!”
“Hayaan mona ako pa,gusto ko to at nais kung makuha kung anu ang dapat na saakin hindi na ako papayag na maunahan pa ng iba..lalong lalo na ng peke nyang asawa..tsssk that woman!”
“Haaay,kung iyan ang desisyon mo at hindi kana mapipigilan wala na akong magagawa pa,sana anak alam mo kung anu ang pinasok mo!”
Tumayo ang papa nito at tatalikod na upang umakyat sa taas
“Don’t worry pa,kayang kaya kuna ito.suportahan mo nalang ako!”
“Okay fine!sige magbibihis lang ako..”tumalikod na ang ama,pero makikita parin sa mukha ni mira ang galak at sabik na mangyayari kapag pinag usapan na sila ng media at internet..
“Tingnan kolang kong makakapalag pa sya!”habang nakangise….
“Hoooy!kapag may nangyari sa bestfriend ko ibubuhol kita at itatali sa puno ng mga hantik!”
“Pwede ba tumahimik kanga,para kang inahing manok na kakapangitlog lang!”
“Aba-aba!inahin ako?eeh anu ka naman?asong may galis?”sabay cross arm nito..nasa kotse sila ni demon ,nasa frontseat si Melodia habang si drake ang nagdadrive ng kotse..
“Stop that nonsense,you two!!!”pabulong lang iyon dahil tulog ang katabi nitong babae habang nakahilig sakanyang balikat..
May iilang buhok pa ang nalaglag at napunta sa may mukha nito kaya hinawi ni demon..iyon!
Hindi tuloy nya maiwasang titigan ito ng mabuti..
Kahit hindi nya sabihin,miss na miss nya ang dalaga..halos gabi gabi syang naglalasing noong mga nakaraang buwan upang makatulog,dahil kapag hindi nya iyon ginawa..halos mabaliw ito dahil mukha lang ng asawa nya ang laging lumilitaw sa kanyang emahinasyon tuwing ito’y mapipikit..
Natigil ang kotse kaya..
“Ipasok mo sa loob ng compound drake..”utos nito
“Yess sir!”
“Yess ser!”pang aasar melodia sa driver..
“Tigilan mo ako manang!baka mapasama ka !!”banta ng lalaki
“Baka ikaw ang mapasama manung?”
Unang bumaba si Demon at umikot sa kabila upang buksan ang pinto sa tapat ng dalaga..tulog parin ito kahit inilapag na ng binata ang ulo nito sa upuan ..nagtataka sya ngunit hinayaan na lamang nito ang asawa baka napagud dahil sa nangyari kanina..
Marahan nyang itinaas ang ulo,upang maiangat ito para buhatin..
“Drake,pake sabi kay manang,na maghanda ng hapunan!”
Lumabas si melodia at sumunod naman si drake
“Yes sir?”
“At ikaw?sumunod ka sakin,wag kang tatanga tanga dyan,may mga bulldogs pa namang nangangain ng tao lalo na sa hindi nila kakilala.at mga manang na kagaya mo!
“Hooy hintayin mo ko?”patakbong sumunod si mel habang panay ang tingin sa likod,mukhang naniwala sa sinabi ni drake,kaya natatawang naglakad ang binata papasok ng mansyon.
Naihiga na ni Demon ang dalaga,kinuha nito ang sapatos na suot inayos ang mga paa at kinumotan nya pa ito..
Napapangite sya dahil nakita na nya ang asawa..
Bago lumabas,dinampian nya muna ng maliit na halik sa nuo ang babaeng himbing na himbing.
“Sweetdreams wife?”bulong nito..
Binuksan ang lampshade sa tabi ng kama..
Tumayo at pinatay ang ilaw…
Marahan nyang isinara ang pinto ng kwartong iyon….
Naramdaman ni sellina na nakalabas na ang binata kaya nakahinga ito ng maluwag,.
Kanina pa syang gising,ayaw lamang nyang dumilat dahil natatakot ito na baka anu nanaman ang gawin sakanya ng lalaki..
Hindi nya maiwasang isipin iyon dahil parang tinubuan na sya ng phobia dahil sa nangyari noong nakaraang tatlong buwan
..
Oo ngat kinikilig sya pero,paano kong isang araw may gawin nanaman itong hindi maganda?
Ayaw na nyang magtiwala pa sa pasimpleng sweetness ng binata,siguro ginagawa lamang nya iyon upang hindi na sya tumakas pa..
At isa pang inaalala nito,si Mira!nakita nya sa tv kanina na ikakasal naraw sila ni Demon,paano na kung totoo iyon?wala naman kasing sinasabi ang lalaki sakanya..
Ni hindi nagreact kanina na magsabi syang “ikakasal na sila ni Mira!”
Masakit sakanya oo,
Dahil ba,ama sya ng ng magiging anak nya?
O may iba pa maliban don?
Ayaw nyang sumugal lalo nat alam nyang una palang ay talo na sya..


/> Tumayo ito at binuksan ang ilaw,naiinitan talaga sya kaya maliligo muna ito..
May mga damit sa closet..
Gagamitin nya iyon,di nya alam kong kanino ang mga iyon.bahala na..
Binuksan nya ang cr ..
At pumasok doon..
Balak nyang magbabad sa bathtub,subra kasi itong naiinitan…
Ganito siguro kapag buntis,
Hinubad nya ang lahat ng saplot..nilagyan ng coldwater ang paliguan at lumusong doon..
“Aaahh ang saraaap!”bulalas nito ng makapasok at makapwesto ng maayos sa bathtub,
may mga bubbles ang tubig at may red roses petals pa..siguro araw araw iyon nilalagyan ..ni manang o kung sino mang katulong na naglilinis doon..
Ang sarap ng pakiramdam nya ng mga uras na iyon..
Parang panatag ang kanyang pakiramdam..hindi tulad ng nagtatago pa sya,walang uras araw at linggo syang nagmamasid at laging alerto ang isipan na baka makita sya ni demon..
Para syang may kaaway na halos hindi sya makalabas ng bahay ng panatag
Lalabas lang din sya kapag importante lang at kailangang puntahan at gawin.
Iba parin talaga ang pakiramdam kapag walang pinagtataguang tao….
May kalahating uras din syang nagbabad doon..
Tumayo ito at itinapat ang katawan sa shower..ng biglang..
“Sellina?”
“Sellina!?nasaan ka?”boses ni demon..
Sasagot sana sya ng biglang..bumukas ang pinto at nakita ang kanyang hubad na katawan..
“Aaaaaaaaaayyyyy!!!labas labas anu baaaaaa!!!”hiyaw nito habang sinasabuyan nya ng tubig ang binata.
“Okay okay!!im sorry ito na lalabas na!”
Mabilis na lumabas si demon habang ipinanghaharang ang mga palad sa mukha dahil panay ang saboy ni sellina ng tubig sa mukha ng binata..
“Kita mong naliligo yung tao eeh,papasok pasok ka!”hiyaw nito sabay sara ng pabagsak ang pinto ng cr.halos maalog ang ulo ni demon dahil sa ingay niyon!
“I said im sorry okay?”
“Alis kadyan sa labas!”hiyaw ng babae sa cr.
“Bakit?hindi nanga kita nakikita !”habang nakangise..napakaganda kasi ng katawan ng dalga pero parang tumaba ito..at lumaki ng kunti ang tiyan?
Nagtataka sya pero iwinaksi nalang nya iyon dahil ayaw nyang galitin ang babae..baka layasan nanaman sya nito..
“Basta lumabas kana dooooon!”galit na galit ito
“Okay lalabas na,!”pero ang totoo naroon parin sya sa labas ng pinto,ilang sigundo ang lumipas..
“Demoooooon laaaabaaaas!”paano nya nalaman na narito pa sya sa tapat ng pinto
“Okay!im going out!but dont you dare to runaway again!!”
“Paano ako lalabas at tatakas gayong wala akong saplot.anung akala mo sakin baliw???”parang naging bungangera narin ang asawa.na hindi naman nya ginagawa noon..anu bang nangyayari?sya ba talaga ang asawa nya?
Napapailing nalang itong lumabas ng kwarto ng babae dahil baka mabulyawan nanaman sya..parang liyon ang asawa eh,noon naman parang rabbit lang sa bait..
“Sir nakahanda na ang hapunan,!”si manang Eding iyon na kakaakyat lang sa secondfloor upang siguro tawagin sila..ng asawa nito
“Sige manang susunod ako,balikan ko lang si sellina!”
“Okay po!”
Nakapagbihis na ang dalaga,binilisan nya dahil baka pasukin muli sya at makasapak sya ng tao..di nya alam kung bakit ang init init ng ulo nito sa binata.gayong natatakot nga dapat sya..
“Tok!”
“Tok!”
“Tok!”
“Sandali!”ani nya
Lumapit sa pinto at binuksan ito..
“Anu??”nakataas ang isang kilay nito
“Lets eat??”patanong iyon
“Lalabas ako.basta umalis kadyan!”
“Hah?why?”
“Basta umalis kana,mauna kana don!”sabay irap
“Are you out of your mind!?”di kasi malaman ng binata bakit ang tapang at ang taray na nito
“Sabing mauna kana eeh!!”
Hinayaan na lamang nya,ito.para kasing may dalaw.tumalikod sya habang panay ang lingon..
Nakita naman ni demon na nakasunod ito kaya diri diretso ang lakad ng binata habang nasa likod ang babae..
“Goodevening sellina iha!”masayang bati ni manang Eding
“Magandang gabi manang!”naupo ito sa tabi ni Melodia..
“Hooy!may ginawa bang masama yang asawa mong hilaw ha?”bulong nito
“Wala naman!”bulong din pabalik ni sellina
“Stop talking,!”seryuso si demon
Kaya natigil ang dalawa..akmang sasandok ng kanin si sellina ng tumayo si demon at sya ang gumawa niyon..
Nilagyan nya ng kanin ang pinggan ..ng dalaga,
“Wala bang kalamansi?”tanong nya sa binata habang titig na titig sa lalaki
“Ha!anung gagawin mo sa kalamsin,?”pagtataka nito
“Gusto ko ng kalamansi sa sabaw!”busangot ang mukha
Bulalo ang tinitukoy nito..
“Manang?get me some kalamansi daw!?”
“Yes sir!”agad sumunod ang matanda..
Habang naglalagay ng sabaw sa mangkok ang binata..titig na titig ang asawa nito..
Ngunit ng akmang lalagyan nya ng karne ang sabaw..
“Wag!ayoko nyan!sabaw lang!ang akin!”tinapik nito ang kamay ng lalaki..
“Ouch!!”natapon ang sandok na may karne at sabaw at napunta iyon sa kamay ni demon..
“Im sorry!tumayo si sellina at lumapit sa binata,kinuha ang kamay na may paso at hinipan ito…
“Manang!firstaid kit po!”sigaw nito
“Ako nalang girl,saan ba banda?”itinuro naman ng babae kung saan nakalagay ang first aidkit..kaya tumalikod ang kaibigan..
“Sorry!di ko sinasadya…sorry!!”habang hinihipan ang kamay nito..napapangite na lamang si demon kahit midyo masakit.ang paso nito..
“Sorry talaga!”at tumulo ang mga luha nito ng kusa..
Nagulat ang lalaki sa ipinapakitang reaksyon ng asawa..
“Hey!stop crying !”naalarma tuloy ang nakaupong asawa..
“Sorry !hu hu hu!”at nabigla pa si demon ng yakapin ito ng asawa…
Anu ba talaga ang nangyayari sa asawa nyang si SELLina?❤️


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.