0

Lara Revenge Chapter 1


Report

Title: Lara Revenge
Chapter 1
” Lara, gusto mo na daw umalis dito? tanong sa kanya ng amo niyang lalaki. ” Ayaw mo naba sa amin?”
“Hindi naman po ako tutuloy sa pag alis kuya, pinaki usapan ako ni ate at hahanapan niya daw ako ng kasama dito para dalawa na kami” tugon niya na nagpatuloy sa pag hiwa ng mga gulay..
“Lara, hayaan mo dadagdagan ko ang sahud mo, basta wagka nalang umalis” Pakiusap sa kanya ng amo, habang hinahawakan ang kanyang mukha.
At bumaba ang kamay nito sa kanyang dibdib na paigtad si Lara sa ginawa ng amo. Agad niya tinabig ang kamay nito.
” Kuya, wag naman ganyan, may anak ka rin babae, para muna rin binastos ang anak mo” turan niya rito na gumaragal ang boses sa takot.
Hinalikan siya nito sa pisngi na tila di siya na rinig.
” Kuya wag!” Sabay tulak nito.
“Its okay, we’re friends right?” tanong nito sa kanya,hindi pa siya naka sagot ay tumalikod ito at lumabas ng kusina.
Hindi niya ma intindihan ang naramdaman ng mga sandaling iyon. Nag uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.
Hindi siya mapakali sa kanyang inu-upuan kaya na isipan niyang lumabas ng kusina bago pa bumalik ang amo niyang hayup.
Bago pa siya tuluyan naka labas sa main door ay natanaw niya ang amo pababa ng hagdanan nag mamadali siyang lumabas
” Lara, saan ka pupunta? tanong nito ng makita siyang lumabas.
Nilingon niya ito at dumako ang kanyang paningin sa hawak nitong nakabalot ng puting tila. Na alala niya ang minsan nag lilinis siya sa kwarto ng amo pinakita sa kanyang among babae ang baril na binalot ng puting tila.
Lalong na hintakutan si Lara sa nakita. Kaya agad siyang tumalikod palayo.
Nginig at takot ang naramdaman ng mga sandaling iyon. Lakad at sabay takbo ang kanyang ginawa upang makalayo sa lugar na iyon. Malayo layo na ang kanyang narating gusto nang bumigay nang mga paa niya sa kakalakad.
Naglalaro sa isipan niya ang kanyang pinag daanan habang nag patuloy sa paglalakad
“Sana hindi nalang kami naging mahirap, hindi ko sana daranasin ang ganito. Sana may responsabling magulang ako, kagaya ng iba, yong magulang na laging nandiyan sa tabi mo, hindi yong magulang na basta ka na lang iiwan ng walang paalam. Nasaan na kaya sila ngayon? naka uwi na kaya sila sa bahay namin? Hinanap kaya nila ako? Nag alala kaya sila sa akin? Sunod sunod niyang tanong...


sa sarili puno ng hinagpis ang puso niya.
Mahirap pa sa daga si Lara, hindi siya naka pag tapos ng pag aaral dahil sa hindi kayang matustusan ang mga gastusin sa pag aaral niya. Lumaki din siyang mag isa dahil laging wala ang kanyang mga magulang. Sa tuwing uuwi siya ng bahay, wala siyang maabutan ni isa man lang sa magulang niya. kaya minabuti nalang niyang huminto ng pag-aaral at pumasok nalang bilang katulong sa ibang lugar.
” Pep!pep!”
Napa talon siya ng may bumisina sa kanya. Naputol ng busina ang kanyang malalim na pag i-isip.
” Miss, saan ka pupunta?” Tanong sa kanya ng lalaki sakay ng pulang kotse.
” Diyan lang po” Sagot niya sa mga ito.
“Saan diyan? Eh, parang kanina kapa ata nag lalakad, mukha ka nang pagud. Hali ka sakay ka nalang ihahatid ka namin” Pangungulit nito sa kanya.
” Wag ka matakot hindi naman kami masamang tao. Ako nga pala si Abner” pakilala ng binata.
” Ako din naman si Anton” pakilala ng isanv lalaki sa kanya.
Dahil pagud na talaga siya at bibigay na ang mga paa kaya, sumakay na siya.
“Lara, Lara ang pangalan ko.”Pakilala niya sa dalawa.
” Saan ba ang punta mo?” tanong ni Abner sa kanya.
” Sa may sakayan ng bus sana” kimi niyang sagot.
“Ang layo nun ah, abutan ka pa ng dalwang araw bago ka makarating dun.
Yaan mo hatid ka nalang namin” pag magandang alok nito sa kanya
Mukhang mabait naman ang dalawa kaya, naka ramdam siya ng luwag sa dibdib.
Nakaramdam siya ng pagkalam ng kanyang sikmura. Naalala niya nag luluto siya ng pananghalian ng muntik siyang gahasain ng amo
“Pare, daan mo na tayo sa restaurant, baka na gugutom si Lara. Kanina ko pa kasi naririnig ang tiyan niya na parang nag aalburoto sa gutom” ani Anton
” O-okay lang naman ako’ nahihiya niyang tanggi sa dalawa.
” Hindi, ayos lang naman sa amin Lara, wag ka na mahiya halatang gutom kana namumutla ka” pilit ni Anto.
Parang hindi siya mananalo sa dalawa kaya hinayaan nalang niya ang mga ito.
_______________________________________________
Isang babae, ang bumalik para mag higanti sa mga gumahasa sa kanya. Paano ang pag hihiganti niya sa groupo ni Marco ay tuluyan nahulog ang kanyang loob?
Ps: Balak ko po sana na sa gabi nalang mag update kina Jolo para hindi sila agad mawala. at ito bago sa araw. Okay lang po ba sa inyo?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.