Sacrifice For Love



Title: SACRIFICE FOR LOVE
✏: Binibining_RosWe

“Lea, paki bigay naman tong love letter ko para kay Sean” kinikilig na sambit ni Bea.

“Ha b-bakit ako?” nagtatakang tanong ko.

“Diba mag classmate na kayo since first year highschool? Kaya for sure close na kayo” sagot niya.

Yes, Sean is my classmate since first year highschool at hanggang ngayong grade 12 na kami, galing din kami sa parehong primary school. Since I was in grade 5, ultimate crush kona siya. Palagi kasi kaming magkalaro neto noon pero ng mag highschool kami, hindi kona ito nakikitang nakikihalubilo, madalang lang rin itong makipag-usap at tipid pa magsalita.

“Ahmm…. Alam mo namang loner lagi ang taong yun diba at antipatiko pa, kaya imposibleng magkaclose kami nun” ani ko at sinubsob ang mukha ko sa lamesa ng upuan ko.

“Sissy siege na please, tulungan mo naman akong mapansin ng ultimate crush ko” pangungulit nito.

“Bea, hindi ko talaga magagawa iyan, ikaw nalang magbigay kung gusto mo talagang mapansin ka niya”

“Sige ka, pag di’ moko tinulungan jojowain ko yung playboy at manyak na si Jasper”

Agad na napatayo naman ako dahil sa sinabi niya, kunot noo ko itong tiningnan. Alam niya talaga kung pano at saan niya pipindutin ang red button ko, kainis ‘tong best friend ko-slash-kakambal ko.

Yes, kakambal ko si Bea. Hindi kami lumaki ng magkasama, nagka-separate na kasi ang parents namin dahil sa tutol ang parents nilang magkatuluyan sila kaya nagdesisyon silang tag-isa sila sa baby, dinala si Bea sa Canada at doon lumaki kasama ang mama ko, samantalang ako ay naiwan kay papa dito sa manila, nitong nag second year highschool lang kami nagkakilala at nagkita ni Bea dahil umuwi ang mama upang hanapin kami ni papa, at nagpapasalamat ako doon dahil buo na ulit kami at hindi na kami naghihirap.

Naging close at magbest friend kami ng kambal ko dahil iyon ang kailangan sa magkapatid at dahil narin sa mabait naman si Bea.

“Diba sabi ko sayo wag na wag mong papatulan yon, mamaya kung ano pang gawin sayo nun eh” pag-aalalang sabi ko ngunit tinawalan lang ako nito.

“Uyy nag-aalala si 1 minute ate ko HAHAHA hindi ko naman gagawin iyon eh basta tutulungan mo’ko mapalapit kay Sean” ani nito, napabalik nalang ako ng upo.

“Uyy tutulungan nako niyan, uyyy tutulangan ako ni 1 minute ate na mapalapit kay ultimate crush ko, yiieeeeee” pang-aasar nito at tinusok tusok pa ang tagiliran ko. Napabuntong hininga nalang ako, mahiraphirap itong gagawin ko dahil kahit ako ay ultimatel crush din si Sean.

“Ok fine, para sa ikakatahimik mo. Basta kapag binusted ka ng mokong nayun, wag na wag mong papatulan si Jasper nayun” litanya ko dito at nakangiti lang itong tumango.

Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase, wala kasi ang teacher namin para sa last subject kaya kinukulit ako nitong kakambal ko.

“Sige na sissy, ibigay mona ‘to sakanya, hihintayin nalang kita sa gate. Bye.”

“T-Tekaa.. Bea…” pero bago ko pa sabihin na binabawi kona ay nakatakbo na ito palabas. Hayst, pasaway talaga.

Tingnan ko si Sean, kasalukuyan na itong nag-aayos ng kanyang gamit. Agad kong isinabit ang bag ko sa balikat at kinakabahang lumapit dito.

“What do you need?” agad na sagot nito ng maramdaman niya ang aking presensiya.

“A-Ahhhh… E-Ehhhhh… S-Sean, m-meron s-sana a-akong…” utal-utal na saad ko dahil sa sobrang kaba.

“Say it. Your waisting my time” putol nito saakin.

Bigla naman akong napahiya at nalungkot sa sinabi niya.

“A-Ahhhh.. E-Ehhh.. May nagpapabigay kasi neto, para sayo” nakayukong saad ko.

“Nilapitan mo ako dahil lang jan? Tsk.” naiiritang turan nito.

“Grabe ka naman Sean, bakit hindi mo nalang tanggapin? Ibinuhos ng kapatid ko ang lahat ng effort dito tapos babalewalain mo lang?” inis na turan ko din sakanya.

“Ah, so yung kapatid mo pala ang nagpapabigay niyan? Bakit hindi siya ang magbigay? I was just thinking hanggang kailan ka kaya magpaparaya para sa kapatid mo?” makahulugang sambit nito.

“H-Huh?”

“Tsk, stupid woman” hasik nito at iniwan akong tulala.

Napasunod nalang ko dito upang lumabas na din. Itinago ko muna sa bag ang love letter ni Bea at naabutan ko itong nakangiti habang inaantay ako sa gate.

“Ano sissy naibigay mo ba? Anong reaksiyon niya? May sinabi ba siya?” masaya at sunod-sunod na tanong nito. Ngumiti lang ako sakanya.

“Hayst, oo tinanggap niya pero alam mo naman iyon hindi nagpapakita ng emosyon o reaksiyon niya” pagsisinungaling ko, ayokong mabigo o masaktan ngayon ang kapatid ko, hindi iyon pwede, hindi maaari, dahil mas ikakadurog ko iyon kapag nangyari.

“Yiieeee, at least naibigay mo . I’m so happy” kinikilig na saad nito.

“Hoy, hinay hinay baka mapapano ka niyan sa sobrang pagsasaya mo?” natatawang paalala ko.

“Sissy, tutulungan mo pa naman ako para sa next step ko diba? Diba?” tanong nito sabay pulupot sa braso ko.

Biglang naalala ko ang tanong sa akin ni Sean. Ang totoo tinamaan ako sa sinabi niya. Hanggang kailan nga ba ako magpaparaya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko para sa ikabubuti at ikakasaya ng kapatid ko handa kong iparaya ang lahat kahit ikaw Sean, na mahal ko.

“Hey, sissy tutulungan mo pa ako diba? Diba?” yugyog nito saakin. Tumingin lang ako sakanya at nakangiting tumango dahilan para magtatatalon ito sa saya.

“Yiieee, thank you so much sissy” saad nito at hinalikan ako sa pisngi.
____________________________________________

Nang sumunod na araw, ay nagpabigay uli ng letter si Bea pero hindi na naman iyon tinanggap ni Sean ngunit nagsinungaling ulit ako dito. Hanggang sa naging sunod sunod na ang pagbibigay nito kaya mas lalong bumibigat ang pagsisinungaling ko, nasasaktan at nakokonsensiya narin ako sa ginagawa ko, kaya napagdesisyunan kong aaminin kona ito kay Bea, sa Saturday after ng field trip namin, ayoko na siyang paasahin pa, ngunit kailangan ko lang ng tiyempo. Kailangan ko ng tamang panahon.

Miyerkules ngayon at kasalukuyan kaming nag-aayos ni Bea ng aming mga dadalhin bukas para sa aming pag-alis. Dalawang araw ang field trip namin, hindi naman talaga kami pinayagan ng aming mga magulang ngunit nagpumilit ito, kaya ngayon ay binigyan na naman ako ng aking ama’t ina na bantayan ang kapatid ko na dati ko pa namang ginagawa simula pa ng dumating ito sa buhay namin ni itay.

“Sissy, Sissy ba’t tulala ka diyan?” pagtawag nito na nagpabalik ng ulirat ko.

“H-Ha m-may sinasabi ka?” gulat na tanong ko dito.

“Oo kanina pa, pero parang nasa outer space ata yang mind mo, may problema kaba sissy?” tanong nito.

“W-Wala, ano nga ulit yung sinasabi mo?” paglilihis ko sa tanong niya.

“Ang sabi ko, kung pwede mo ba ako tulungang maka bonding o makasama si Sean sa field trip natin?” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina na hindi ko narinig.

“H-Ha?! B-Bakit ako na naman?” naiiritang tanong ko dito.

“Sige na sissy, last nato promise. Pagkatapos nito hindi na kita kukulitin promised yan” ani nito at nagtaas ng kanang kamay.

“Pano kung ayaw ni Sean? Pano kung ayaw niya sayo? Look, ni hindi nga siya nagreresponds sa mga letter mo diba?” biglang lumungkot naman ang mukha nito dahil sa sinabi ko, at nakonsensiya naman ako dahil dun. Nasaakin nga pala ang mga sulat niya kaya paanong makakatugon si Sean dito, pero hindi rin naman kasi niya iyon tinatanggap.

“I know sissy, I know he’s not interested to me, pero promise Lea last nato, kapag sinabi niya saakin sa field trip natin na layuan ko siya then lalayuan ko siya, titigilan kona ito pero please tulungan mo naman akong itry sissy, baka kasi meron pang chance between us” naluluhang pagmamakaawa nito saakin.

Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.

“Sige susubukan ko, pero kapag hindi ko siya napilit wag kang magtatampo o magagalit sakin ha? Wag kang mag-alala I’ll do my best para maging maligaya ka” saad ko dito at hinawakan siya sa pisngi. Naiiyak itong tumango at yumakap saakin.

“Thank you sissy, I love you” ani nito.

“I love you more” tugon ko at hinalikan ito sa ulo.

Kinabukasan, maaga kaming nagpunta ni Bea sa school dahil doon parin kami magtitipon tipon. Nang makita ko si Sean na naroon narin ay nagpaalam muna ako kay Bea upang kausapin ito at tumango nalang siya bilang pagtugon.

Kinakabahan at nanunuyo ang aking lalamunan ng lapitan ko ito.

“Kung magbibigay ka lang uli ng letter na galing sa kapatid mo, pwede ka nang umalis dahil hindi ko parin iyan tatanggapin. Tigilan mona ang pangungulit sa akin, tigilan mona ang pagtutulay sa aming dalawa dahil wala akong gusto o ni katiting na interest sa kapatid mo” agad na saad nito ng makalapit ako.

“Bakit kaba ganyan? Bakit hindi mo muna kilalanin ang kapatid ko? Bigyan mo naman siya kahit katiting na pansin” naiinis na turan ko dito.

“Para ano pa Lea? Para paasahin siya? Katulad ng ginagawa mo? Alam mo bang mas lalo mo lang siyang pinapahamak dahil sa ginagawa mo?” napaluha naman ako sa mga sinabi niya.

“P-Pano m-mo——”

“Alam ko Lea, alam ko ang lahat tungkol sayo at sa ginagawa mo ” napatitig ako sakanya.

“Lea, sayo ako interesado hindi sa kapatid mo. I like you, not your twin sister. And I know you feel the same way, pero bakit pati ako kailangan mong itulak sa kapatid mo? ” gigil na turan nito kaya nagulat ako dito.

“FOR THE SAKE OF HER HAPPINESS, DAHIL HINDI SIYA PWEDENG MASAKTAN. RAMDAM NA RAMDAM KONG GUSTONG GUSTO KA NIYA, AT KUNG ALAM MO ANG LAHAT TUNGKOL SAKIN, ALAM MO RIN ANG RASON KUNG BAKIT KO TO GINAGAWA ” iyak kong pagsinghal dito.

“Alam ko, Lea. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pati mga sarili mong kaligayahan pinapaubaya mo sakanya? Deserve mo ring maging masaya, Lea. Hindi habang buhay babantayan mo siya, hindi habang buhay uunahin mo lagi ang kapakanan niya, hindi habang buhay magpapaubaya ka sakanya, hindi habang bu—–”

“Tama na, Sean” paputol ko sa mga sinasabi nito dahil lubos akong natatamaan at nasasaktan.

“Tama na please, tulungan mo nalang ako. Tulungan mokong matugunan ang hiling niyang makasama ka niya sa field trip na ito, tulangan mo muna akong maging masaya siya ngayon at pagkatapos pwede mo nang sabihin sakanyang layuan ka na niya, kung yun ang gusto mo. At ako aaminin kona rin sakanya ang mga pagsisinungaling ko” naiiyak na saad ko sakanya.

“Hindi na kailangan, Lea alam ko na” iyak din na turan ng isang tinig sa likod ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, parang binasag ang puso ko at ngayon ay durog na durog na ito.

“B-Bea—”

“Oo sissy, alam kona. Dahil nakita ko itong lahat ng sulat ko sa bag mong iniwan mo sakin at narinig ko rin lahat ng pinag-usapan niyo. LAHAT LAHAT, LEA. ISA KANG SINUNGALING, TAKSIL. PINANIWALA MO KO, PINAASA MO KO? AT IYON ANG PINAKAMASAKIT DAHIL PINAGKATIWALAAN KITA” singhal nito saakin. Napatutop nalang ako ng bibig at pinipigilang mapahagulgol ng malakas.

“B-Bea, l-let me e-explain” sinubukan ko siyang hawakan sa kamay ngunit lumayo ito, napakasakit.

“Huwag na huwag mo kong hahawakan, at hindi kona kailangan ng eksplenasyon mo, dahil narinig ko na Lea, gusto mo kong maging masaya sa mga kasinungalingan mo. Dahil ayaw mong mabigo ako kapag tinanggihan ako ni Sean. Pero Lea, mas masakit to, mas masakit tong ginawa mo dahil pinaasa mo lang ako” hagulgol na saad nito.

“I-I’m sorry Bea. I-I’m so sorry but please tama na ang...

pag-iyak mo, baka ano pang mangyari sayo” naiiyak ko ring sabi dito at sa muli ay sinubukan ko siyang hawakan ngunit lumayo na naman ito.

“I said, don’t you dare touch me. Sana inisip mo muna yang sinabi mo Lea bago ka nagsinungaling at nagpaasa sakin” ani nito at tumakbo papalayo.

Sinubukan ko itong habulin ngunit may humila ng braso ko.

“Ano ba, bitiwan mo’ko kailangan ko siyang sundan baka kung mapapaano siya” turan ko sa humila sakin.

“Let her be Lea, kung mahal karin niya bilang kakambal maiisip niyang ginawa mo lang iyon para sakanya dahil mahal mo siya” saad nito.

“Bitiwan moko Sean, ano bang pakealam mo?”

“May pakealam ako Lea. May pakealam ako….. SAYO” nakatungong saad nito.

“Sean, alam kong alam mo ang kalagayan ni Bea kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan at kapag may nangyaring masama sa kapatid ko dahil sa paghila mo sakin mananagot ka” singhal ko dito. Napabitaw ito sa braso ko. Tinalikuran kona ito at naglakad papalayo, ngunit nakakailang hakbang palang ang nagagawa ko ng tumunog ang cellphone ko. Napakagat labi ako ng makita ko kung sino ang tumatawag, nagpunas muna ako ng luha at tumikhim bago ito sinagot.

“M-Ma?” hindi ko napigilan ang pagkagaralgal ng boses ko.

“Nasaan ka, Lea? Anong nangyari sa kapatid mo? Bakit mo siya pinabayaan?” singhal at umiiyak na tanong ng nasa kabilang linya.

“M-Ma, a-ano ba yang pinagsasabi mo po?”

“So hindi mo alam? May tumawag saakin gamit ang cellphone ng kapatid mo dahil sinugod daw si Bea jan sa hospital malapit sa school niyo. Anong pinaggagawa mo? Bakit di mo alam?” hagulgol at gigil na tanong ng kabilang linya. Ibinaba ko iyon ng hindi sumasagot. Gigil akong bumalik kay Sean at malakas itong sinampal.

“Masaya kana? Nasa hospital na ngayon ang kapatid ko at kapag may nangyari sakanyang masama, mananagot ka dahil kasalanan mo ito kung bakit hindi ko siya nahabol” saad ko dito at iniwan siya.

Mabilis akong nagtungo sa hospital malapit dito sa school at agad na nabungaran ko sila mama at papa sa labas ng emergency room, lumapit ako dito kasabay ng paglabas ng doctor sa emergency room.

“D-Doc, a-ano napong lagay ng anak namin?” nag-aalalang tanong ni mama.

“Sorry to say this Mrs. Valdez pero malala na ang lagay ng anak ninyo, kinakailangan na niyang maoperahan at meron nalang kayong limang oras para makahanap ng heart donor ” saad ng doctor na nagpatumba kay mama.

“P-Pa? M-Ma–” pagtawag ko sakanila, tumingin sila saakin at nagulat ako ng bigla akong sinampal ni mama at tinulak, napasapoako saakin pisngi at napayuko nalang habang humahagugol.

“Ipinagkatiwala ko sayo ang kapatid mo dahil naniniwala akong hindi mo siya pababayaan… pero anong ginawa mo? Nang dahil sayo nasa loob ng emergency room nayan ang kapatid mo, dahil sayo nabibilang nalang ang buhay niya, DAHIL SA KAPABAYAAN MO. ANONG KLASE KANG KAKAMBAL?” singhal ni mama saakin at sinugod ako.

Agad naman itong niyakap ni papa upang hindi makalapit saakin. Tiningnan ko si papa upang humingi ng depensa ngunit binigyan lang ako nito ng isang tingin na disappointed. Pati ba naman ikaw papa?

Bumuntong hininga ako at pinunasan ang aking mga luha. “Fine, kasalanan kona. Lagi naman mama diba? Tuwing napapahamak si Bea, kasalanan ko naman na eh noon pa SIMULA NG DUMATING KAYO. Alam mo mama naging masaya ako noong bumalik kayo sa buhay namin ni papa dahil akala ko mararamdaman ko na ang kalinga ng isang ina, ang pagmamahal ng isang ina pero hindi pala, dahil simula ng dumating kayo naging sunod-sunoran lang ako sainyo, kay Bea. Naging taga bantay lang ako ni Bea, ni hindi mo nga ako nahalikan sa pisngi o noo mama eh katulad ng laging ginagawa niyo kay Bea, ni kahit ang mainit na yakap ng isang ina hindi ko niyo nagawa sakin, kasi palaging si BEA, SI BEA, KAILANGAN LAGING LIGTAS SI BEA, SI BEA NA PURO LAMAN NG BIBIG NIYO PATI NARIN IKAW PAPA, SI BEA NAMAN LAGI, AT AKO NAGIGING ANINO NALANG, ANINO LANG AKO NI BEA PARA SA INYO NA DAPAT LAGING NAKASUNOD SAKANYA, AT NGAYON ANDITO TAYO SA HOSPITAL NA’TO DAHIL KAY BEA, DAHIL KASALANAN KO. KASALANAN KO” naiiyak na singhal ko sakanila, di alintanang narito pa ang doctor.

“A-Anakkk, patawad hindi sinasadya ni mama, hindi ko alam na—-”

“Tama na ma, pagod napo ako.” putol ko sakanya.

“Doc, ako nalang po. Ido-donate kona ang puso ko alang-alang sa pinakamamahal naming si Bea” naiiyak na saad ko sa Doctor.

“A-Anak hindi, hindi mo kailangang gawin iyan. Hindi mo maaring isakripisyo ang buhay mo para sa kapatid mo, makakahanap din kami ng donor anak, pero hindi ikaw” si papa.

“Pa, katulad ng sabi niyo dapat mahalin ko ang kapatid ko at gagawin ko po ito dahil mahal ko siya at alam kong mas ikaliligaya niyo kung siya ang mabubuhay samin, kesa sakin na habang buhay itong pagsisisihan na dahil sakin kaya siya ngayon nag-aagaw buhay” naiiyak na tugon ko, umiiyak narin si papa.

“NO, YOU CAN’T DO THAT LEA, PANO NAMAN AKO? LEA I CAN’T LOOSE YOU” saad ng garalgal na tinig sa likod ko. Humarap ako dito at naiiyak na namatutok sakanya. Nilapitan ko siya at hinawakan sa pisngi.

“I MUST, Dahil kapatid ko ang kapalit at bilang nakakatanda responsibilidad kong ilayo at iligtas siya mula sa kapahamakan…… sa kamatayan.” turan ko dito.

“Pero pano nga ako kapag nawala ka?” muling tanong nito.

“Ano ba kita? Ni hindi kita nobyo kaya wala akong responsibilidad sayo. Oo, mahal kita Sean pero mas mahalaga ang buhay ng kapatid ko kesa sa nararamdaman ko sayo o mo sakin. I can’t loose you too but I can’t loose my twin sister too, Sean. At hindi ko rin kayang maghintay dito kung may donor na mahahanap habang nasa loob ang kapatid ko at nag-aagaw buhay dahil sakin” humihikbing saad ko at humarap sa doctor.

“Tara na Doc” baling ko dito.

“A-Anakkkk” pagtawag ni mama saakin at mahigpit akong hinawakan sa braso upang pigilan.

Nginitian ko ito at unti unti kong tinanggal ang pagkakakapit nito saakin.

“It’s okay mama, pagkatapos nito sasaya na uli kayo kasama si Bea ” nakangiting saad ko at hinalikan ito sa noo, tumingin din muna ako kay papa at Sean , ngumiti ako sa mga ito bago sumama sa Doctor.

______________________________________

Napamulat ang mata ko na puro puti ang paligid, napangiti ako, malamang ay nasalangit naako. Biglang may tumulong luha saaking mga mata, hindi ko alam ngunit si Sean ang nasa utak ko. Nakakatawa nagmahal nga ako ng isang lalaki pero hindi ko man lang naranasan na magkanobyo o kahit ang makipaglaban alang alang sa pag-ibig ko sakanya. Namatay agad akong hindi manlang naaamin ang nararamdaman ko para kay Sean.

Napabangon ako at agad na namaray dahil sa pagkakahila ng dextrose saaking kanang kamay. T-Teka, dextrose? H-Hindi pako patay?

Bumukas naman pintuan at iniluwa noon ang mama at papa kong nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito.

“A-Anak, gising kana pala” mama.

“M-Ma, a-anong ibigsabihin ne’to? B-Bakit buhay pa ko?” nagtatakang tanong ko sakanila.

“A-Anak, wag kang ganyan. Sorry, mas pinili ka namin kesa sakanya” papa.

“A-Anong pinagsasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan?”

“A-Anak, mas pinili niyang siya nalang ang mawala kesa sayo dahil mahal ka niya. Nasasaktan ako para sainyong dalawa anak, pero ang sabi niya hindi niya kayang mawala ka habang siya ay nabubuhay, patawarin mo’ko anak. Dahil sakin ay naghihirap ka, simula ng bumalik ako sa buhay niyo ay palagi na kitang nasasaktan” humihikbing saad ni mama.

“MA, ANO BA YANG PINAGSASABI NIYO? ANO BANG NANGYARI? ASAN SI BEA?” singhal ko. Napahagulgol si mama dahil sa naging pagsigaw ko.

“A-Anak, nakaligtas siya. Tapos na siyang inoperahan, at ikaw? Kinuhaan kalang ng dugo para isalin sakanya” sagot ni papa.

“A-Ano? Buhay na si Bea? Buhay na ang kapatid ko?” masayang tanong ko at tumango sila.

“Ibigsabihin nakahanap kayo ng donor?” tanong ko uli. Nagtinginan sila at sabay na tumango.

“Kusa siyang lumapit saamin at nagpresinta dahil ayaw nga sa ayaw niyang ikaw ang mawala” habang nakayukong saad ni papa.

“Eto, ang ipinabibigay niya sayo kapag nagising kana” ani mama at inilahad saakin ang kaninang yakap yakap niya pagpasok.

Tinanggap ko iyon at binuksan, puro sobre ito at mga sulat, ‘love letters’ para saakin? Andoon din ang dalawang bracelet na may pendant na padlock at susi, meron ding mga letrato soon, letrato namin na magkasama…. ni Sean noong elementary at close pa kami. Biglang bumagsak ng sunod sunod ang luha ko, napatingin ako kila mama at papa.

“Siya ang naging heart donor ni Bea, anak. Sorry” saad ni mama at yumuko.

Nag-uunahan ang luha ko sa pagbagsak at ang puso ko ay parang pinipiga ng husto, hindi ako makahinga, nanunuyo ang aking lalamunan, hindi ako makapagsalita. Tanging hagulgol at paghikbi lang ang maririnig mula saakin.

“Iwan niyo muna ako mama, papa please ” saad ko na sinunod naman nila.

“B-Bakit? Bakit ikaw pa?” hagulgol na tanong ko sa kawalan. Muling binaling ko ang tingin ko sa box at napukaw noon ang isang sulat na may date ngayon, binuksan ko ito at binasa.

Lea,

Mahal taggap ko ang galit mo saakin ngunit patawarin mo ako dahil sa hindi ko pagtanggap ng mga letters ni Bea kaya ka nakakapagsinungaling sakanya. Tanggap ko ring mas mahal mo ang kapatid mo kesa saakin, dahil kakambal mo iyon at ako ay isa lamang childhood friend para sayo, pero nag-aasume ako na meron karing pagtingin saakin.

Nakakatawa dahil umuwi pa ako ng bahay para lang isulat ang mga ito, katulad nga ng sabi mo kapag may nangyaring masama sa kapatid mo pananagutan ko yun. Pero hindi iyon ang rason ko kung bakit gagawin ko itong naiisip ko, dahil mahal kita Lea, noon paman. At alam kong gagawin mo ang lahat ng pagsasakripisyo para sa kapatid mo, pero hayaan mo namang may magsakripisyo para sayo.

Sa pagkakataong puntahan na kita sa hospital at ibigay ang puso ko kapalit ng buhay mo, gusto ko sana ay maging maligaya ka, mas mahalin mopa ang kapatid mo dahil ngayon nakakasiguro akong mamahalin karin ng kapatid mo dahil ang puso ko ay tumitibok sayo. Gusto ko rin sanang hilingin sayo na gumawa ka naman para sa sarili mo, para sa sariling kaligayahan mo, unahin mo na ang iyong sarili kahit paminsan-minsan.

Kakatwa, dahil mukhang ginawa ko nang diary ang letter na’to. Huwag mo sana akong kalilimutan, mahal ko. Ginawa ko ito para maramdaman mong may nagmamahal din sayo at handang magsakrepisyo para sayo. Dahil hindi ko rin kakayaning huminga at mabuhay ng wala kana kaya mas mabuting ako nalang. Gusto pa sana kitang ligawan pero wala ng oras. Huwag mo nalang sanang kakalimutang mahal kita, Lea.

Lubos na nagmamahal sayo,
Sean

Napatutop nalang ako sa bibig habang binabasa ang sulat na iyon. Napahagulgol ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

I gave and sacrifice my life for Bea, for my twin sister.
And then now, Sean gave and sacrifice his life to save me from giving and cutting my life.
We both sacrifice for love, pero sa pareho naming pagsasakripisyo, siya ang nawala.
Hindi ko alam kung magpapasalamat o magagalit ako sa ginawa niya, hindi ko alam dahil ang mas nararamdaman ko lang ngayon ay ang labis na sakit sa puso.

°°°°°°°°°°♥°°°°°°°°°°°

[Work of fiction]




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *