Love Hurts



Chapter 1: Lunch Break
Hi, I’m Margaret, a grown up woman with successful career and.. A happy Love life?!
Nag umpisa ang love story ko when I was a junior student.
First day of school, bilang transferee galing sa Public school, wala akong kaibigan at kakilala sa bagong paaralan na pinapasukan ko. Kahit cheerful and friendly ako, mahina parin ang confidence ko pagdating sa  pakikipagkaibigan.
Lunch break na namin noon, may dala akong baon na inihanda pa ng pinakamamahal kong mama. Nakaupo lang ako sa aking upuan at hininitay ko lahat ng kaklase ko na lumabas at pumunta sa canteen para kumain, ako naman, kakain sa loob ng classroom. Nang tumahimik na ang classroom, inilabas ko ang aking lunchbox, at biglang may kumalabit sa likod ko. Nagulat ako at halos mapatalon sa kinauupuan ko.
“aaahh!” subrang kaba ng dibdib ko. Napalingon ako. Ang bagong kikay classmate ko pala.
“bakit ka ba nanggugulat? Sino ka? Sorry nakalimutan ko name mo eh.”
“I’m Aquerra Lorenzo. Okay lang kung nakalimutan mo pangalan ko ngayun., basta after this time bawal ka nang makalimot about me.” sabay kindat nya sa kaliwang mata at matamis na nakangiti sa akin.
Maganda si Aquerra. Maamo ang mukha at katamtaman ang tangos ng ilong. Medyo singkit ang mga mata at May bilugan na mukha.
” Oo naman.” sagot ko. At bigla akong may naalala ” Oo nga pala, bakit nandito ka pa, dapat nasa canteen ka na at nagla lunch? ”
” lalabas na sana akong sa likod kabilang exit, Kaya lang  nakita kita dito na Nakaupo lang at parang walang balak na lumabas. Kaya inantay kita. ”
” Ahh ganun ba? Pero dito na ako kakain eh. May baon akong tanghalian”
“Naku sa canteen ka na mag lunch, halika na sabayan mo ako” sabay hila nya ang kanang braso ko..
Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Hindi kalayuan ang canteen sa classroom namin. Medyo malawak lang sa loob na may lawak na may two hundred square metres. At dahil lunchtime, halos lahat ng estudyante, workers at teachers ay nanduon para kumain kaya naman halos puno na ang mga upuan. At dahil medyo huli na kami ni Aquerra na pumunta sa canteen, napadpad kami sa dulo na may four seats table. Maswerte pa din kami kahit papaanu dahil may upuan pa..
Habang kumakain kami ni Aquerra, may isang istudyante na biglang lumapit at nakiusap..
“Hi, can I sit here?” bigla kaming napaangat ng tingin sa harap namin.
Napatutok ako sa mata ng bagong dating na estudyante. Ang ganda ng mga mata niya, ang mga pilikmata ay maalon at matangos ang ilong. Napadpad ang tingin ko sa manipis na labi niya, gosh! Ang pula ng labi niya na parang masarap halikan. Biglang lakas ng kaba sa dibdib ko at parang nanginginig ang boung katawan ko sa lamig ng mga titig niya. Sa kalagitnaan ng pagpapantasya ko, bigla akong nagising ng maramdaman ko ang kurot sa kanang tagiliran ko, kanina pa pala ako kinakausap ni Aquerra..
“Ouch! . Aquerra, bakit mo ako kinurot?!” pagalit na bulong ko sa kanya.
“Obviously, kanina ka pa wala sa sarili mo.”sagot niya na nakangisi. At tumingin sa bagong dating.” Okay, no problem, maupo ka. ”  Sabay ngiti.
” Thank you.” Sabay ngiti niya ngunit malamig parin ang tingin at parang walang trace of gratitude ang reaction niya.
(hmmp!nerd) I thought. Pero nakikita ko sa kanan ko ang maya’t mayang sulyap ni Aquerra sa kaharap namin. Something… unusual.
And then, natapos ang luch namin in an awkward situation.

Chapter 2:Dormitoryo

Dahil may one hour break pa kami na natitira before the next subjects begun, nagpahinga muna kami ni Aquerra sa ilalim ng palm tree sa gilid ng plaza, hindi kalayuan sa classroom namin. After i take a sip of the bottled water from my hand, tinanung ko siya.
“Aquerra, sino yung lalaking estudyante sa table natin kanina?” tanong ko kay Aquerra na kanina pa tahimik sa canteen..
“Ahh, yun? Classmate ko nung grade seven ako. Si Beauden Conge.” sagot niya na may lungkot sa mukha niya. “Bakit type mo?”
“Naku hindi ahh! Anu ba iyang tanong mo?”
“ohh! Ehh bakit parang defensive ka!?”
“hmp! Curious lang ako kasi iba yung tingin mo kanina.” explain ko sa kanya. Pero iba talaga ang gusto ko malaman.
“Okay, since considered na friends na tayu kahit kaninang umaga pa lang tayu nagkakilala, sasabihin ko saiyo ang secret ko. “sabi niya na nakatangu at huminga ng malalim. “friend ko siya nung grade seven pa lang kami. Naging friend kami few weeks after the school year begun. Lagi kami magkasama sa school. Dahil sa tangkad at liksi ng katawan niya, kinuha siya ng varsity team nung nasa middle school year na kami, and then,we had a lesser time together dahil madami ang time niya sa sports. You know what, hindi lang sa sports siya magaling, pati rin sa academics. Kaya lalong napalayu siya...

sa akin. Kaya ayun.. Nakalimutan niya na na may kaibigan siyang si Aquerra Lorenzo..” sabay buntong hininga niya pagkatapos magpaliwanag at hinila niya ako paahun at bumalik kami sa silid aralan.
Sa lungkot ng mukha niya, alam kong hindi dahilan ang mga sinabi niya para mapalayu siya kay Beauden. There’s something else.. Kung anu man iyon, alam kong wala ako sa lugar para magtanong.
Uwian na, huli kami ni Aquerra na lumabas ng classroom para hindi makipag siksikan sa mga kaklaseng nagmamadaling umuwi sa kanya kanyang tahanan. Marahan niya akong hinila patungo sa exit papuntang dormitory na katapat lang ng school building na may halos limang  daang metro ang layu at ang naghihiwalay sa dalawang gusali na ito ay ang mga pine trees sa gitna at garden.
“Margaret, nagmamadali ka bang umuwi? Baka pwedeng sumama ka muna sa dorm?” sabi ni Aquerra na nakangiti habang nilalaro ng daliri niya ang kaliwang braso ko habang naglalakad kami sa pasilyo ng paaralan.
” ahh sa dorm ka pala nakatira? Pero bakit kailangan ko sumama dun? Anong meton?!” tanong ko habang nakangiti.
” huwag na madaming tanung, tara! ”
” Wait , tawagan ko muna si mama, baka ma late ako nang uwi at mag antay sa akin, patay ako sa kanya mamaya.” sabi ko sabay labas ng phone.
After I called mom we went to Aquerra’s dormitory. Medyo maliit ang room niya, may isang twin sized bed sa gilid ng right-side ng room, may maliit na tea table sa left side ng bed at sa ibabaw ng headboard nya ay may mga nakapatung na mga books. Mahilig pala si Aquerra magbasa ng books. Sa left side nman ng room niya nakalagay ang English type window at kapag tumingin ka sa labas ay ang garden at pine trees ang bubungad saiyo.

Chaptet 3: Cake

“Margaret, here.” mula sa bintana, lumingon ako sa may ari ng tinig. Nakangiting tawag pansin sa akin si Aquerra habang may inaayus sa lamesa niya.
“wow, cake! Anung meron?” masayang tanung ko sa kanya.
” Wala lang, Kain ka na.” sabi niya. Pero subrang halata sa mukha niya ang pait at sakit na reaksyon habang nilalagay sa plato ko ang hinati. Niyang cake..
“Aquerra, we’re friends already, right?” I asked her with a friendly and caring tone.
“Oo nga. Margaret, Ahhm.” sagot niya habang nakatungo ang ulo. Halatang tinatago niya ang tunay niyang nararamdaman.
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na magkapatong sa mesa. “Aquerra, if you considered me as a friend right now, you can trust me in any ways. I won’t judge you. Okay” sabi ko habang nakangiti.
At biglang nag unahan ang mala crystal na mga butil na nag uunahan mula sa kanyang mga mata… Umiiyak si Aquerra.. Sa itsura niya, bigla kong naramdaman ang bigat na nararamdaman niya.
“Margaret.. Ngayung araw..” bigla siyang napatigil magsalita at napahagulguol.
Natanong ko sa sarili ko, bakit? Bakit ganun ang iyak ni Aquerra. Dahil ba iyon sa former classmate niya? Ganun ba niya ka mahal ang friend niya kaya nasasaktan sya ng ganun. Kung yun ang rason, it doesn’t make sense.
After a while Aquerra spoke again, this time, she’s calm and seems to be with herself again. “Margaret, I’m sorry. First time itong get together natin as a friend but I am so emotional.. Hope you understand.” pahiyang sabi niya habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata niya. I was puzzled. What the hell is happening here?!
Then she spoke again.

” It’s my birthday today.” she paused for a while. Napanganga ako. Am still puzzled. Walang kaide idea na sa susunod na sasabihin niya ay tatayo lahat ng balahibo ko sa katawan..then spoke again “and my parents death anniversary as well.”
I was dumbstruck. Kaya pala ganun nalang ang iyak niya.. Natameme ako. Hindi ko kinaya ang pressure sa mga nangyayari ngayung araw. Pero na kay Aquerra ang simpatya ko.. What a pity.
Aftet a while I broke the silence that surrounding us.. 
” Sorry. Sorry. Aquerra sorry, hindi kita dapat pinilit mag salita.” sabay tangu ng ulo ko. Na guilty ako. Pero hi di ako makapaniwala sa sumunod na reaction niya,
“Hayaan mo na, talagang hindi ko makakalimutan yun dahil kailangan ko talaga isabay e celebrate yun, alam mo na, okay lang magluksa once in a while, pero hindi ko pwedeng Kalimutan na kailangan kong mabuhay, in that way, I can assure them that I will lead a good life and make them proud wherever they are !?” sabi nya in a cheerful way. And then nakuha niya nang ngumiti genuinely.
Hanga din ako sa lakas ng loob ng kaibigan ko. I can’t even imagine myself being in her shoes. I was just curious what happened to her parents back then but I restrained myself. Ayaw ko nang makitang umiiyak si Aquerra, again. I will let her tell her story when she is willing to.

To be continued…




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *