“Rebound”

4

Hindi ko alam kung paano nagsimula tayo naging close naalala ko lang mga December 2018 yun saktong christmas party dahil umiyak ako bigla dahil sobrang mami-miss ko kayong mga kaklase ko nagulat ako ng bigla mo akong niyakap.

Simula ng araw na yun lage na kitang kausap.
Sobrang saya mong kausap lalo na kapag nagbibi-ruan tayo. Nung una ayaw ko sayo kase lagi mong sinasaktan yung kaibigan ko ( Yes, close friend ko ang gf mo). Paulit-ulit mo syang pinapa-iyak at hindi ko na mabilang kung ilang beses kayo nag-hiwalay at nagkakabalikan in short puro kayo “comeback”.

Mga bandang March 2019 pakiramdam ko galit sa akin ang gf mo at nagtatampo dahil masyado akong naging close sa mga lalake kung kaibigan at nakalimutan ko sya. Pero mali lahat yun dahil madalas mas kinakampihan ko sya kesa sa inyong mga kaibigan kung lalake.

April 4 araw ng moving up natin sobrang saya ko na makita na nagbunga lahat ng paghihirap natin ng apat na taon. Yun yung pinakamasayang araw para sa akin at yun din yung naging pinaka malungkot.
After our moving up, your girlfriend blocked me sa messenger at inun-friend ako sa fb.

Ilang araw akong hindi makatulog dahil nami-miss ko ang gf mo kase “9 years” kaming naging magka-ibigan at mag-kaklase. Nagulat ako kase parang ambilis mo naka move-on sa kanya. Puro ka lang ML nung naghiwalay kayo. Naalala ko ang gabi yun you texted me sabi mo pupunta ka na ng province.
Nalungkot ako kase magkakalayo na tayong mga magto-tropa.

Before ka umalis pumunta ka sa bahay para magpaalam at niyakap mo ako. I didn’t know pero nalungkot ako at umiyak lang sa harapan mo.
Mga ilang araw yun you kept texting me at kinakamusta ako pero sakto wala akong load kaya hindi ako makapag-reply.

Mga april yun at nag-text ka at sabi mo nagtatampo ka dahil hindi ako nagre-reply sa mga text mo.
Lakas mo nga mag-emote nun eh kaya tumakbo ako papuntang tindahan at nagpa-load agad sabay tinawagan kita sa phone.

Sinagot mo naman kaso puro bad words reply mo sa akin nung gabing yun. Ito yung gabing nagsimula ng lahat ng katangahan ko. Umabot tayo ng 2 hours at hanggang madaling araw yun na magka usap tayo sa phone. Kung ano ano lang topic natin minsan masaya, minsan malungkot pero madalas mga kagaguhan.

Hanggang naging araw-araw na tayong magka usap at magka text. Naging masaya ako kase naging sobrang close tayo kumpara sa dati. That night, busy ako sa pagtutupi ng damit at nag-text ka sabi mo “I love you” at syempre nabigla ako at hindi ako nag reply mga kinabukasan nag text ka uli tapos sabi mo pamangkin mo nag text nun.

Ilang sorry yung tinext mo sa akin at nag reply ako ng “Gago”. Dalawang beses kang nag text ng ganun sa akin pero hinayaan ko na lang dahil sabi mo pamangkin mo yung nag text.

Nagpatuloy tayo sa mga late night calls and text natin. Naging masaya ako at naging masaya ka din.
Naramdaman ko na ginagamit mo lang ako para maka move-on sa gf mo. Hindi ko alam kung bakit pinagpatuloy ko pa ang kagaguhan ko.

Ilang araw kang hindi nagparamdam at nag-alala ako sayo. Isang araw tumawag ka na lang sa phone at sabi mo uuwi ka na. Nung una hindi ako naniwala pero nag text yung isa sa...

mga kaibigan at sinabe sa akin na uuwi ka na daw.

Fast forward birthday ko nun ang sabi ko pumunta ka kaso sabe mo hindi ka pwede dahil walang magbabantay sa tindahan nyo. Syempre nagtampo ako kase birthday ko tapos di ka pupunta.
That night; bumili kami ng alak ng mga tropa ko Hahahahhahaha mga masasamang bata.
The bar pink gin lang naman yun. Tinext mo na naman ako at nanghingi ka ng load.
Nainis ako dahil nag-text ka lang para mang-hingi ng load. Syempre minura kita sa text hindi ko alam kung ilang beses yun. Nahalata mo na laseng ako dahil puro mura reply ko sa messages mo.

Umuwi na mga kaibigan ko at hindi ko sila nahatid dahil medyo nahihilo pa ako. You texted me at sabi mo pupunta ka sa bahay at antayin kita bago pa ako tumanggi eh nasa harap ka na pala ng bahay.

Sumilip ako sa balcony at nakita kitang nakatayo sa harap ng gate at sabi mo bumaba ako.
Nag-usap tayong dalawa at sabi mo lasing na ako.
Naka jacket ako nun at medyo umaambon pa kaya tinaas mo yung hood ng jacket para hindi ako maambunan.

Mga ilang minutes ka lang nun at umuwi ka na agad dahil nag-text na sayo yung papa mo.
Matutulog na sana ako ng bigla kang tumawag sa phone at inin-form mo ako na umiinom ka din.
Hanggang umabot na tayo ng madaling araw sa pag-uusap at kung ano ano na sinasabe mo sa phone at mukang lasing ka na. Dahil dun nag chat na lang tayo sa messenger pero kung ano ano na naman sinasabe mo.

Nagulat ako dahil nag text ka at sabi mo ” mahal mo ako” at sa isip ko lasing ka lang kaya sinasabi mo yan. Kinabukasan ay tinext mo ako at nag sorry ka dahil sa mga nasabe mo nung lasing ka at syempre hindi ako nag reply at si-neen lang kita.

Kaso tumawag ka sa phone at naging marupok na naman ako at sinagot ko yun. Hanggang natapos na ang summer break at tuwing uuwi ka galing ng school dumadaan ka sa bahay para lang maka-usap ako.
Gusto kung sabihin na itigil mo yan kase natatakot na ako sa nararamdaman ko. Last week yung huling punta mo sa bahay at hindi ako lumabas at naramdaman mo na ayaw na kitang kausap kaya umalis ka din agad.

Simula nun hindi na tayo nag-usap kahit sa messenger or sa text. Hindi ka na rin pumupunta at dumadaan sa amin. Hindi mo na rin ako tinatawagan tuwing gabi. Natapos tayo nang ganon.
Naka move-on ka sa Ex mo at naging rebound mo ako.

Ginusto ko naman lahat ng late night talks and calls natin. Hindi ako sanay na may nagti-text sa akin at tumatawag. Naalala ko yung hating gabi na tumawag ka sa akin at umiiyak kahit antok na antok na ako kinausap pa din kita hanggang sa maging okay ka.

Ngayon naiisip pa din kita at nami-miss kaso dapat itigil ko na kase alam ko ginagamit mo lang ako as pampalipas oras. Hindi ko alam kung biro lang ba lahat ng I love you mo or baka may totoo dun pero hindi na ako aasa.

Salamat sa lahat ng late night calls mo
Salamat sa lahat ng mga biro mo
Salamat kase you made me feel special
Kahit rebound lang ako at pampalipas oras




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *