5

Pulubing Pag-ibig Episode 2


Report

Episode 2

ilang saglit lang ay dumating na ang kaibigan ni Mara na si Jessica para sya ay sunduin.
At pasimple itong lumapit Kay Mara.

“ano ba hindi kapa ba uuwi late na”
pabulong at pasimple na pakikipag usap Kay Mara

“antayin ko pa silang lumabas” Aniya ni Mara

“ano?paano kung bukas pa yan sila lumabas?” inis na pagkakasabe ni jessica

“konti nalang pls.”pakiusap sa kaibigan

” kapag 12mn na at dipa sila lumabas umuwi na tayo ah” pakiusap ni Jessica

“ok” malungkot na pagkakasabi ni Mara

Lumipas ang oras at sumapit na ang 12:30 ng hating gabi na pilitan ng umalis ni Mara at pinuntahan na ang kaibigan na naghihintay sa sasakyan. Habang papalayo si Mara sa resto nakamasid si Mon sa bintana sa kusina.

“saan kaya umuuwi ang babaeng to?” pagtatanong sa sarili

Ilang oras ang lumipas naisipan narin ng mag kasintahan umuwi,inihatid muna ni mon si Debbie sa bahay nito at habang papauwi hindi maialis ni mon sa isip nya si Mara at ang itsura neto sa bintana na nakakatitig sa kanya.

“Bakit parang may kakaiba sayo? yung mga mata at ngiti mo parang may ibang dating sa akin” pagtatanong ni mon sa sarili habang nagmamaneho.

Hindi pinatulog si Mon sa tagpo na iyon.

Kinabukasan maaga na pumasok si mon sa resto..

“goodmorning sir! Maaga po tayo ngayon ah, may problema ba? ” bati at tanong ng isa sa mga pinagkakatiwalaan at isa rin nyang kaibigan na si dave

“wala naman pre,may na papansin ba kayong babae na pulubi dito na tumatambay bago kayo umuwi?” pagtatanong ni Mon

“pulubi? wala pre,bakit may nakikita kaba? Pwede naten ireport yun” sagot ng kaibigan

“hindi ko naman ipapareport pre,ok lang naman tumambay sya basta sa lugar lang na hindi nakakasagabal sa customer” sagot agad ni Mon

“ah ok sige pre,pasok muna ako sa loob” paalam ni dave

Umalis din ng resto si Mon at nag-ikot bakasali na makikita niya si Mara sa daan at ng hindi mamataan naisipan narin nitong umuwi at bumalik nalang ng gabi tulad ng oras ng tuwing nakikita nya si Mara sa resto.

Alasais ng gabi naghahanda na si Mon sa muling pagbalik sa resto.

“ano ba tong ginagawa ko parang excited ako pumunta ng resto para sa isang babaeng palaboy” pagtataka sa sarili

Saktong alas otso dumating si Mon sa resto wala siyang Mara na naabutan, pumasok sya sa loob at mayat-maya na sumisilip kung dumating na si Mara.

Habang si Mara naman ay naghahanda narin papunta sa resto ni Mon.

“ano kaba Mara masama nga pakiramdam mo diba? Bakit kapa tutuloy? Umabsent ka muna dyan sa kahibangan mo, hindi ako makakauwi marami kaming tatapusin hindi kita masusundo” Pagaalala na sambit ni jessica sa kaibigan.

“ok na ako, nakainom na ako ng gamot.
kaya ko naman umuwi mag Taxi nalang ako” sagot ni Mara sa kaibigan na kausap sa telepono

“akala mo ba isasakay ka ng taxi driver sa itsura mo? Common sense sister iba na mga tao ngayon bihira ang may mabuting puso. Kaya mag stay ka dyan sa bahay huwag mo na ako pag isipin hindi ako makaka focus sa tinatapos ko,pls lang” pakiusap ni Jessica Kay Mara

“sisilip lang ako dun,kapag hindi ko naman kaya babalik narin ako agad,Sige na payagan mo na ako, pls???”

“naku, bahala ka na nga. Ingat ka ha? tawagan mo rin ako agad kapag nakauwi kana”

“ok, salamat love you”

Naghanda na si Mara para sa muli nyang pagbalik sa resto ni Mon

Habang si Mara ay nag hahanda na,si Mon naman ay nag aabang sa kanya.

“malamig pala hindi ko ata kayang tumambay sa resto ngayon” sabe nya sa...


sarili habang naglalakad

Nang naaninagan na nya ang sasakyan ni Mon nakaramdam ng sabik si Mara
na makita ang binata.

Naupo itong muli sa dati nyang tambayan.Dahil sa masama ang pakiramdam napabaluktot sya sa lamig at nanginginig kinapa nya ang bulsa para mag pasundo ngunit naiwanan nya ang celfon sa pagmamadali na makaalis.

Sumilip si Mon at nakatinginan sila pinigil at tiniis ni Mara na huwag syang ginawin upang hindi makahalata ang binata

Tumabi sa kanya si Mon

“kumusta? Ginulat mo ako nung isang gabi ah” patawa na sinabi ni Mon

“nagulat pala kita,sorry ah.. hindi kaba nadidiri na katabi ako?” tanong ni Mara

“hindi naman, hindi ka naman mabaho eh” patawa na sabe ni Mon

“naliligo naman kase ako hindi lang halata hehe.. Gf mo kasama mo nung isang gabi?” tanong ni Mara

“Oo,3yrs na kame.sinungitan kaba? mabait yun may sumpong lang kung minsan” nakangiti pagkakasabe ni Mon

“hindi naman.mukhang mabait nga bagay kayo” sagot ni mara

“ikaw, bakit nagkaganyan ka? mukhang wala ka namang diperensya sa pag-iisip at feeling ko mabuting tao ka” sabe ni Mon Kay Mara

“Mahabang istorya.ok lang ba na maging kaibigan mo ako?” patanong na titig ni Mara Kay Mon

“Oo naman.Maaga nga ako pumasok dito kanina ang akala ko nandito kana,sa gabi ka lang pala natambay dito at buti dumating ka” ani ni Mon

“baka nagkakagusto kana sakin ah” patawa na sabe ni Mara

napatitig si Mon Kay Mara

“anong name mo pala?”

“I’m Mara”

“ganda ng name mo parang mag kasing edad lang tayo” ani ni Mon

Habang nag uusap ang dalawa lalong hindi mapigilan ni Mara ang sama ng pakiramdam nya hanggang biglang napasandal si Mara sa balikat ni Mon

“pasandal lang saglit” bulong ni Mara

Natigilan si Mon at nakiramdam nung lumipas ang ilang minuto na pag kakaupo nila napansin nya na dina umiimik si Mara at nakatulog na ito sa pagkakasandal sa kanya kaya naisipan nya itong hipuin..

“hala, Mara mainit ka” pag aalala na sambit ni Mon

dumilat ng bahagya si Mara at agad syang binuhat ni Mon at dinala sa loob ng resto.

May isang kwarto si Mon sa resto nya at dun nya pinahiga si Mara..

“ang init-init mo bakit hindi ka nagsabe na masama pala pakiramdam mo” pag aalala na Sabi ni Mon

Kumuha sya ng malamig na bimpo at unti-unti nyang pinunasan si mara habang pinupunasan nya ito sumasama sa bimpo ang mga pinahid na make up at uling ni Mara sa katawan at lumabas ng bahagya iang tunay nyang itsura na kinagulat naman ni Mon..

“Ang ganda mo, bakit nagtatago ka sa mga duming pinapahid mo sa mukha mo?”pagkakasabe sa sarili na hindi na naalis ang tingin kay mara

Hinawakan nya ang braso at kamay ni Mara at pinunasan nya,namangha sya sa kinis ng balat at lambot ng palad neto.

“pulubi kaba talaga?” patanong Kay Mara habang natutulog ito ng mahimbing l.

Lumalim pa ang gabi at nakatulog narin si Mon ng hindi namamalayan ang pag alis ni Mara na sinundo naman ng apo ni Lola oring na si Joel,ginamit ni Mara ang celfon ni Mon para matawagan si Joel at binura nya rin agad ang numero neto dito.

“Mara,Mara,Mara!” sigaw ni Mon

“goodmorning! Sinong Mara ba tinatawag mo? Naku Mon may kasama kang babae dito kagabi no?” pang aasar na tanong ni Dave sa kaibigan

“anong oras kaba dumating? wala kaba nakitang pulubi na babae na lumabas?” pagtatanong ni Mon

“Wala naman ako nakita, nahihiwagaan na ako sa pulubi na yan,parang may dating sayo ah?lagi mo bukang bibig eh,baka magselos na si Debbie nyan” birong muli ni Dave sa kaibigan.

“wala, sige uwi na muna ako”
Pagpapaalam ni Mon


5 Comments

  1. Ive meant to publish about something like th is on one of my blogs and th is gave me an notion. TY.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.