0

Ikaw lang ang nasa puso ko


Report

Title : Ikaw lang ang nasa puso ko
Author : Jane A.
.
Atin pong tunghayan ang kwento ng magkababata na sina Ariel at Mary Ann, sabay lumaki sa kanilang nayon, ngunit nagkahiwalay silang dalawa. Sa america nanirahan si Ariel upang sa kaligtasan ng kanilang pamilya, at nang muli silang magkita, kaibigan lang pa ba kaya ang nararamdaman nila sa isat isa, o May pag-ibig na sa Pagitan nila.
.
CHAPTER 1
MARISSA : Mary Ann, nariyan na si Señorito Ariel, magmadali ka, kabagal mo namang gumayak, tanghali na..(sigaw nito sa anak)
MARY ANN : Opo, nariyan na po!
BENJIE : Eh paanong, hindi matagal eh, nagpapapogi pa!!
MARY ANN : kuya tumigil ka nga diyan, nagpapapogi!! hoy babae ko noh!!
ANDRES : Kilos lalaki ka kasi anak. kaya ka binibiro ng kuya mo.
MARY ANN : sige na po tay papasok na nga po ako. at baka—-(nilakihan ng mata ang kuya niya)
BENJIE : O ano! Aba lalaban ah!!
ANDRES : tumigil na kayong magkapatid kayo, nakakahiya kay señorito, sige na Ann lumabas ka na, at kanina pa naghihintay si Señorito Ariel sa labas..
.
At lumabas na ng bahay si Mary Ann..
.
MARY ANN : Tinanghali kasi ako ng gising eh. halika na bilis tumakbo tayo at baka ma-late pa tayo, ikaw naman kasi, bakit sasabay-sabay ka pa sakin. pwede ka naman sanang magpahatid sa driver nio na si mang pedring.
ARIEL : Mas gusto ko nga yong naglalakad, gusto ko kasi kung ano yong nararanasan ng kapwa ko bata eh maranasan ko din..
MARY ANN : oh sige na, tara bilisan mong tumakbo.
.
Tumakbo ang magkaibigan, halos naiiwan si Ariel kay Mary Ann.
.
ARIEL : Kabilis mo namang tumakbo. Hintayin mo ako!
MARY ANN : bilisan mo!!!wala ka talaga Ariel. Kahit saan talo kita.(kantiyaw niya)
ARIEL : Oo na, ikaw na ang magaling!! Huwag na tayong tumakbo papawisan tayo eh..
MARY ANN : hay sige ka, kapag na-late tayo, patatayuin tayo, sa klase. ayokong tumayo. Kaya bilisan mo.
.
Lakad takbo ang ginagawa ni Ariel, samantalang si Mary Ann ay hindi niya masyadong ininda ang pagod. nakarating sila sa eskwelahan, na halos lawit ang dila ni Ariel..
.
MARY ANN : Buti na lang at hindi tayo na-late..
ARIEL : Oo nga. Pero sobra akong napagod dun ah.
MARY ANN : Ano ba kasi nangyari sayo, at halos di ka makatakbo.
Ariel : wala.
.
At sa oras ng recess magkasabay silang nagmimeryenda..
,
ARIEL : maglaro uli tayo sa laruan natin mamayang uwian.
MARY ANN : sige, pero sandali lang tayo, kasi baka pagalitan na ako ni tatay.
ARIEL : Oo, nagbaon nga ako ng mimeryendahin natin don.
MARY ANN : Nagpaalam ka ba sa mama mo na mali-late ka ng uwi?
ARIEL : wala si mama kanina ng umalis ako sa bahay. kaya hindi ako nakapagpaalam.
MARY ANN : baka mag-alala yun?
ARIEL : hindi.
MARY ANN : Bahala ka.
.
Si Ariel at Mary Ann ay magkababata at matalik din silang magkaibigan,Mayaman ang angkan ni Ariel, samantalang si Mary Ann ay tanging magsasaka lamang ang kanyang ama si Ariel ay anak ng amo ng tatay ni Mary Ann, magkaklase ang dalawa simula nong kinder at hanggang ngayong Elementary, kasalukuyan silang nasa ika-Limang baitang, lagi silang magkasamang dalawa, sa hapon na lang sila nagkakahiwalay kapag natapos na silang makapaglaro. Uwian na nila Ariel at Mary Ann at kaya dali dali na silang lumabas ng room para makapunta na sila sa laruan nila at tambayan din. At hanggang sa nakarating na sila Ariel at Mary ann sa may ilog.
.
ARIEL : May surprise ako sayo.
MARY ANN : ha ano yun?
ARIEL ; Basta makikita mo kapag, nakarating na tayo dun sa laruan natin.
MARY ANN : Ay kadaya naman hindi pa sabihin.
ARIEL : Surpresa nga eh, hindi kailangang sabihin. hindi na magiging sorpresa kung sasabihin ko sayo.
MARY ANN : Sige na nga, (Sabay nagtatatakbo)
ARIEL : Uy, bakit ka ba tumatakbo, hintayin mo ako!!
MARY ANN : gusto ko na kasi malaman yong sorpresa mo. Kaya bilisan mo.
.
At hanggang sa napahinto si Mary Ann sa pagtakbo dahil, may nakita siyang munting kubo na nakatirik mismo sa may laruan nila.
.
ARIEL : OH bakit huminto ka sa pagtakbo?
MARY ANN : hala Ariel, may nagtayo ng kubo sa laruan natin, may nakatira kaya diyan? Ilang araw lang akong hindi napunta dito, may nagtayo na ng kubo.
ARIEL : HEHE, walang nakatira diyan, yan yong surpresa ko sayo, kasi sa atin yang kubo na yan..
MARY ANN : sa atin?
ARIEL : Oo, Ako gumawa niyan, nagustuhan mo ba?
MARY ANN : Weh di nga, ikaw ang gumawa niyan??
ARIEL : Oo naman, ginawa ko ang kubo na yan.
MARY ANN : imposible!!
ARIEL : Oo na, nagpatulong ako kay mang pedring..
MARY ANN : Kita mo na, (at lumapit siya sa kubo)..wow, ang ganda ha..
ARIEL : Syempre naman. at saka matibay yan, di kayang gibain ng bagyo yan, parang sa pagkakaibigan natin walang makakagiba..
MARY ANN : naks…ang sweet naman ng bestfriend ko,.saka para ka naman matandang magsalita.
ARIEL : naman!!
.
Pumasok na sila sa may kubo, at inilabas ni Ariel sa bag ang mga dalang pagkain.
.
MARY ANN : andami naman niyan, Kaya pala Hindi ka makatakbo ng mabilis andami palang laman ng bag mo.
ARIEL : Para kapag napagod tayo sa paglalaro may kakaulinin tayo.
MARY ANN : Ano ba yong lalaruin natin?
ARIEL : di bahay bahayan uli. o kaya lutu-lutuan.
MARY ANN : ay ayoko na yun, parang hindi na bagay sa edad natin yun.. maligo na lang tayo sa ilog.
ARIEL : Sige, habulan tayo..
MARY ANN : sige, maganda nga yun..
ARIEL : JACK EN POY muna tayo, kung sinong taya.
MARY ANN : walang dayaan ah.
ARIEL : Ikaw lang naman ang madaya eh.
MARY ANN ; Anong ako, ikaw kaya!!
ARIEL&MARY ANN : Jack en poy!!
MARY ANN : Oh taya ka!!
ARIEL : OH sige payag!
MARY ANN : sandali magtatanggal lang ako ng blouse ko at palda..
ARIEL : Hala baka naman naka-panty ka lang.
MARY ANN : hala, hindi ah, naka short naman ako! eh ikaw ay, babasain mo na, ba yong uniform mo?
ARIEL : oo may dala akong extrang damit..
.
At tinanggal na nga ni Mary Ann ang uniporme, at pagkatanggal ay nagmadaling lumusong sa tubig..
.
MARY ANN : o sige, game, habulin mo na ako.
ARIEL : sige, ayan na ako….
MARY ANN : ayy… hindi mo ako maaabutan..
ARIEL ; Tingnan lang natin, mas mabilis na akong lumangoy sayo..
MARY ANN : Talaga lang ah!!
.
Nang mapagod sila sa paghahabulan, ay umahon na sila sa tubig, at nagmerienda na sila, at hindi nagtagal ay nagpasya ng umuwi ang dalawa.
.
MARY ANN : Ariel salamat sa miryenda ha.
ARIEL : Sa susunod ikaw naman ang sagot sa Meryenda, gusto ko yong biko ni Aleng Marissa..
MARY ANN : Sige sasabihin ko kay nanay na gusto mo ng biko..
ARIEL : Aasahan ko yan..
.
Ang magkgaibigan ay laging nagkakasundo, naging magkatuwang din sa mga homework nila, kapag may assignment ay dadaan muna sa kubo nilang tambayan, at doon gagawing sabay ang homework, at hanggang sa lumipas ang mga araw at mga buwan, at hanggang sa tumuntong na sila sa ika-anim na baitang, wala pa ding pagbabago sa kanilang dalawa, alagang alaga nila ang kubo nilang tambayan..araw araw nagpupunta si Ariel doon, upang maglinis ng kubo.
.
ARIEL : Ano mamayang uwian punta ulit tayo sa ilog, naglagay ako ng duyan dun, duyan na gulong.
MARY ANN : Talaga! Aba maganda yun. Sige dumaan tayo.
.
Pagkatapos nga ng klase nila ay nagmadaling umalis ang magkaibigan..at nagtungo nga sila sa kanilang tambayan..tuwang tuwa si Mary Ann na nagduduyan..pinapa-ugoy niya ng malakas kay Ariel at tumatayo tayo pa siya habang umuugoy ang duyan na gulong..at ng nakaramdam na ng hilo ay, pinahalili naman niya si Ariel at siya naman ang nag-ugoy sa kababata.
.
Mary Ann : umuwi na tayo, baka kanina pa ako hinihintay ni nanay.
.
Nakauwi na ang magkaibigan
.
ELENA : Anak. Basang basa ka ng pawis ah.
ARIEL : Ma pasensiya na nagkarera kami ng takbuhan ni Mary Ann..
ELENA : EH sinong nanalo?
ARIEL : Syempre ako po..
ELENA : Talaga ha, baka naman si Mary Ann..
ARIEL : Ako po talaga..
ELENA : Ganun ba. Akala ko yong girlfriend mo!
ARIEL : MA naman. Hindi ko po girlfriend si Mary Ann, mas lalake pa po sa akin yun eh..
ELENA : biro lang anak. Oh siya sige, magbihis ka na at baka matuyuan ka ng pawis..
.
Walang araw na hindi sila naglalarong magkaibigan, laging sabay kapag pumapasok sa eskwela, at kahit sa uwian ay sabay parin sila..
MARISSA : Ann, maaga kang umuwi ah, dadalan mo ng pagkain si Tatay mo sa may manggahan, kasi magdamag sila roon ng kuya mo, upang bantayan yong mga mangga, hindi kasi mahahakot ngayon yung mga napitas, kaya kailangan nilang bantayan.
MARY ANN ; opo nay, sige po pasok napo ako.
MARISSA : Sige, eto ang baon mo..
MARY ANN : salamat po nay.
.
At hanggang sa nagulat silang mag-ina ng mabungaran nila sa may labas nila si Ariel.
.
MARY ANN : O bakit nandito ka? Diba sabi ko sayo ako nalang ang pupunta sa bahay nio..
MARISSA : nandito pala kayo, Señorito Ariel..
ARIEL : opo aling Marissa..itatanong ko lang po sana kung meron pa kayong tindang biko. Bibili po sana ako..
MARY ANN : Oo nga pala, nakalimutan ko na sabihin kay nanay na ipagtira niya tayo ng biko..
MARISSA : naubos na señorito, pinakyaw kasi..hindi naman agad sinabi ni Mary Ann na gusto mo ng biko..
ARIEL : Ganun po ba, di bale na lang po.
MARISSA : Huwag kang mag-alala at bukas, ipagtitira ko kayo at ipapadala ko kay Mary Ann..
ARIEL : Maraming salamat po, paborito ko po talaga ang biko nio..aasahan ko po yan ah aling Marissa..
MARISSA : sige señorito.
ARIEL : O Paano Mary Ann, tayo na magpapahatid nalang tayo kay mang Pedring para di na tayo maglakad.
MARY ANN : sige…nay pasok napo kami..(baling niya sa nanay niya)
MARISSA : Sige anak.
ARIEL : tuloy na po kami aling Marissa..
.
Lumipas ang maghapon.
.
ARIEL : daan uli tayo sa tambayan, naggawa ako ng see saw doon, nagpatulong uli ako kay mang pedring.
MARY ANN : Naku sayang hindi ako pwede, maaga akong pinapauwi ni nanay, magdadala ako ng pagkain kay tatay sa bukid.
ARIEL : Samahan na lang pala kita sa bukid na maghatid ng pagkain kay mang Andres.
MARY ANN ; ikaw ang bahala, papayagan ka ba ni Señora Elena.
ARIEL : Oo naman.
MARY ANN : sige, hihintayin kita sa bahay mamaya..
.
At naka-uwi na si Ariel at Mary Ann sa kani-kanilang bahay. Si Ariel pagkarating niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang Tito Zander niya at tita Carina.
.
ELENA : anak, mabuti at dumating ka na, bilisan mo at gumayak ka na, dahil may pupuntahan tayo.
ARIEL : Saan po mama?
ZANDER : pinapasundo kayo ni papa mo Ariel.
ARIEL : Akala ko po mama ngayon dadating si papa.
ELENA : ah anak may sasabihin kami sayo, alam ko masakit sa iyo na malamang—-
ZANDER : Ariel, ang lolo mo wala na, binaril yong lolo mo ng mga di nakikilalang tao.
ARIEL : PO? ano pong nangyari kay lolo?
CARINA : Wala na ang papa Ariel.,(umiiyak niyang sabi)
ARIEL : Ano po?
.
Malinaw sa pandinig ni Ariel ang mga sinasabi ng tito at tita niya, hindi niya kayang tanggapin ang nangyari sa lolo niya, mahal na mahal niya ang kanyang lolo, isang husgado ang kanyang lolo, kaya ang hinala nila ang nag-utos na ipapatay ang lolo ni Ariel ay isang makapangyarihang tao na nakagawa ng labag sa batas, at dahil yong lolo ni Ariel ang naglitis ay siya ang pinagbalingan..kaya, ora mismo ay nagtungo sila ng Manila.
.
MARISSA : Abay, Ann punta kana sa bukid, at ng madala mo na yang pagkain ng tatay at ng kuya mo..para makabalik ka kaagad, sino pa ba yong hinihintay mo?
MARY ANN : Si Ariel po nay, sabi niya po kasi sakin, sasama siya sa bukid kaya, hinihintay ko po siya.
MARISSA : Baka hindi pinayagan ni Señora Elena..
MARY ANN : Baka nga po, kung sakali pong dumating ay pakisabi nio nalang po na sumunod na lang.
MARY ANN : O Sige.
.
Hindi na nakapag-paalam si Ariel sa kaibigan. Dahil nagmadali sila na pumunta ng Maynila, sobrang nalungkot si Ariel ng makita ang kanyang lolo na walang buhay..
.
ARMAN(Ariel’s Father) : Pagbabayaran nila yong ginawa nila kay Papa.
ARIEL : Papa sino po ang pumatay kay lolo?
ARMAN : Gagawin ko ang lahat para malaman ko kung sino ang may gawa sa lolo mo nito.
.
at hanggang sa napagpasyahan ng ama ni Ariel na doon muna sila maninirahan sa manila, hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang lolo, na kahit si Ariel ay itinanim niya sa isipan niya na kailangang pagbayarin ang mga pumatay sa lolo niya, nagtransfer si Ariel sa manila doon na siya nagpatuloy ng Elementarya, hindi na sila nagkausap na magka-ibigan buhat ng umalis sila sa kanilang bayan, ang tito Zander niya muna ang pinangasiwa ng papa niya sa kanilang Hasyenda, dahil ginagawa lahat ng papa niya para malaman kung sino ang gumawa sa lolo niya..nalungkot naman si Mary Ann dahil hindi na niya nakikita ang kaibigan..
.
CARMELA(Ann’s Best F.) : Ann. Bakit hindi na pumapasok si Señorito Ariel?
MARY ANN : Eh kasi umalis na sila dito, sa Maynila na daw sila maninirahan sabi ni señorito zander.(malungkot niyang sabi)
CARMELA : Ganun ba..di wala ka na palang makakasabay sa uwian..
MARY ANN : oo nga eh. Di man lang kami nakapag-usap bago sila umalis..
.
Sa paglipas ng mga araw ay naging malungkot si Mary Ann, namimis na niya ang kaibigan niyang...


si Ariel, minsang pumunta siya sa kanilang tambayan ay nakita nga niya ang see saw na ginawa ni Ariel na paglalaruan sana nila, ngunit di na sila nakapaglaro, dahil umalis na ang kaibigan niya, at minsan pa siyang umupo sa may duyan na dati lang ay kay saya saya nilang naglalaro doon, may luhang nagbabadya sa mga mata niya dahil sa lungkot, sa tinagal kasi ng mga panahon na pinagsama nila ni Ariel ay nasanay na siyang lagi niyang nakikita ang kaibigan, at ngayon nga na magkahiwalay na sila, malayo na sila sa isat isa ay parang mahirap para sa kanya..at hanggang sa lumipas pa ang mga araw at ang buwan, at nakapagtapos na din siya ng Elementarya.
.
BENJIE : bunso, bakit ba malungkot ka, dapat masaya ka at isa kang Validictorian, mag-enjoy ka nga lang at ikaw ang bida ngayon, pero bukas ako na..
MARISSA : Anak, bakit ka nga naman kasi malungkot, kumain ka na lang kaya, ayaw mo ba ng mga niluto namin ng mga tita mo..
MARY ANN : nay mamaya na lang po ako kakain, parang busog po ako, papasok po muna ako sa kwarto ko..
MARISSA : sige anak, basta kapag nagugutom ka kumain ka ha.
MARY ANN : Opo nay..
.
dapat nga sana ay masaya siya dahil, nakapagkamit siya ng pinaka-mataas na karangalan, pero malungkot siya dahil naiisip niya yong kaibigan niyang si Ariel, tinatanong pa niya sa sarili niya, kung kumusta na kaya ang kaibigan, at kung naaalala pa daw kaya siya. Samantalang si Ariel ay araw din ng pagtatapos niya sa Elementarya, nagtapos si Ariel sa isang pribadong eskwelahan.
.
ARMAN : nagpareserve ako sa isang restauran doon tayo magdidinner..
ARIEL : PA dapat mag-take out na lang tayo at sa bahay na lang natin kainin..para naman. Pati yong mga kasama sa bahay natin makakain din.
ARMAN : hayaan mo anak, magpapatake-out tayo. At saka paminsan minsan lang tayo lalabas eh, sulitin na natin.
ELENA : Masyado mo ng dinidibdib yong pag-iimbistiga mo sa kaso ni papa, wala ka ng oras samin ng anak mo.
ARMAN : Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman kung sino man ang may kagagawan ng pagkamatay ng papa..
ELENA : mag-iingat ka lang Arman. Dahil baka mamaya, ikaw naman ang mapahamak.
.
Masayang nagsalusalu at maganak sa masarap na pagkain, di nagtagal ay umalis na sila ng restaurant at papauwi na ang mga ito, ngunit sa di inaasahan sa kalagitnaan ng biyahe nila ay may sasakyang omo-overtake sa kanila, at pagtapat sa kotse nila, ay bumukas ang bintana ng sasakyan, at may sumungaw na tao na may hawak ng baril at pinaputukan ang gulong ng kotse nila, at hanggang sa sumabog ang gulong ng kotse nila, at ang sasakyan nman ng bumaril ay agad na nakalayo, walang pagkakikilanlan ang sasakyan dahil wala maman itong plate number, takot na takot si Elena at si Ariel sa nangyari, dahil nakita niya mismo ng itutuk sa,kanila ang baril, mabuti na lang at sa gulong ito ipinutok at hindi sa kanila.
.
ELENA : Ayan na ang sinasabi ko.pati anak mo mapapahamak, tama na Arman, tigilan mo na ang pag-iimbistiga!!
ARMAN : hindi!!, kailangang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng papa.
.
Simula ng manirahan sila Elena sa Maynila ay hindi na natahimik ang kalooban niya, maraming takot ang bumabalot sa kanyang dibdib, at hanggang sa dumating yong araw na labis na ikinatakot ni Elena, sa pagmamaneho ni Elena may mga lalakeng may mga baril na humarang sa kotseng sinasakyan nilang mag ina mga nakatakip ang mga mukha, kaya napahinto si Elena sa pagmamaneho, at biglang nagpreno, mga nakatutok ang baril sa kanila ng anak..bumaba ang isang lalake sa motor at lumapit sa kanilang kotse at tumapat sa bintana ni Elena.
.
LALAKE : buksan mo to!! Kung hindi pasasabugin ko yong ulo niong mag-ina.
.
Sa takot ni Elena ay binuksan niya ang bintana.
.
ELENA : ano pong kailangan nila?
.
Takot na takot si Elena ng mga sandaling iyon, dahil binuksan din ng mga lalake ang tapat ng pinto na kung saan nakapwesto ang anak niyang si Ariel, at tinutukan pa si Ariel ng baril sa ulo kaya sobrang natakot si Elena para sa anak.
.
ELENA : huwag, maawa kayo sa anak ko, huwag nio po siyang sasaktan!!
LALAKE : (hinawakan sa buhok si Elena, sabay tutok ng baril sa sintido)..Sabihin mo sa magaling mong asawa na itigil niya ang pagiimbistiga sa kaso ng tatay niya kung hindi papatayin ko kayo ng anak mo..sabihin mo yan sa kanya ha.
ELENA : Opo, opo..
.
Binitawan na ng lalake si Elena, at tinanggal na din ng isang lalake ang pagkakatutok ng baril sa ulo ni Ariel, at nagsisakay muli sa kanilang sasakyan at agad na pinaharurot ang mga sasakyan nito, sobrang natakot si Elena sa pangyayaring iyon kaya sa di inaasahan ay sumakit ang puson niya, nag-alala siya kasi 6 weeks pregnant siya, hindi pa alam ni Arman na ipinagbubuntis niya ang pangalawa nilang anak. dahil isusurpresa niya sana ito.at hindi nga nag-tagal ay parang may mainit na likido na lumabas sa kanya, at tiningnan niya sa may upuan niya ay may dugo..
.
ELENA : OH MY GOD!
ARIEL : mama may dugo ka? Okay ka lang ba ma?
ELENA : Anak tawagan mo yong papa mo, bilis!!
ARIEL : Opo ma..
.
hindi nagtagal ay dumating na si Arman
.
ARMAN : Anong nangyari?
ELENA : Arman idala mo na ako ng hospital, bilis!
.
Dinala ni Arman ang asawa sa pinakamalapit na hospital, at pilit pinapakalma ni Elena ang sarili para hindi mapano ang dinadalang sanggol.nagtaka si Arman, akala niya nabaril ang asawa kaya puro dugo, ang pagkakasabi kasi sa kanya ng anak niyang si Ariel ay hinarang sila ng mga de armas na lalake at tapos ay may dugo yong mama nito. Kaya sobra siyang nag-alala kaya hindi na niya naliwanag kay Ariel kanina, agad na niyang pinuntahan ang mag-ina niya. kaya ngayon ay natuwa at natakot si Arman para sa asawa at sa magiging anak nila na dinadala ng asawa niya, dahil sa wakas ay nakabuo pala sila uli sa tagal ng panahon na hindi pa nasundan si Ariel, kaya nangarap sila uling magkaroon ng anak na babae, pero ngayon nga ay nasa panganib ito.
At sa awa ng diyos ay hindi nalaglag ang batang dinadala ni Elena.
.
ARMAN : Thank’s GOD!! Hindi ko alam ang gagawin kung may mangyayari sa inyo ng mga anak ko Elena..mahal na mahal ko kayo, nakapagdesisyon na ako, sa America na tayo titira, aalis na muna tayo dito sa pilipinas. Mas mahalaga kayo kesa sa kahit na ano pa mang bagay..mahal na mahal ko kayo..
ELENA : Salamat Arman, malaki ang awa ng DIYOS mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni papa.
.
Nagpunta ng America ang mag anak. Doon na sila nanirahan, at samantala ng mabalitaan naman ni Mary Ann ay labis na niya itong ikinalungkot, iniyakan ni Mary Ann ang tuluyang pagkakalayo nilang magkaibigan, at lumipas ang mga araw buwan, laging nalukungkot si Mary dahil sa pagkasabik sa kababata.
.
Benjie : uyy.. si bunso dalaga na siya, nagpopolbo na siya….
Mary Ann : ewan ko sayo kuya, mainit yong ulo ko, huwag mo akong bwesitin..
Marissa : o ayan na naman kayong mag-kuya ha, huwag mong asarin benjie yong kapatid mo, hindi naman talaga siya binata, dalaga naman talaga siya, nagagaya lang siya sa pag-kilos ni Señorito Ariel kaya parang lalaki din kumilos..
.
Nalungkot na naman si Mary Ann dahil naalala nanaman niya si Ariel, kaya lumungkot na naman ang kanyang mukha..
.
Benjie : oh relax ka lang bunso, wag ka ng magalit, natutuwa lang ako dahil nagsusuklay kana at nagpopolbo pa, naninibago lang ako..o paano ihahatid na kita, hindi mo na pwedeng lakarin mula dito hanggang eskwelahan nio, malayo layo na dito yong high school..
Marissa : oh siya sige ihatid mo na yong kapatid mo, oh Ann heto ang baon mo anak..
Mary Ann : salamat po nay..
.
At inihatid na siya ng kuya benjie niya sa eskwelahan.,
.
Benjie : oh paano bunso. Hanggang dito na lang ah. Malapit naman na dito yong gate ng school ninyo.
Mary Ann : hindi mo pa ako idiniretso doon sa mismong gate kuya.
Benjie : hindi na, ayon na si Carmela oh, sabay na kayong pumasok..
Carmela : uy, ganda natin ah..
Benjie : syempre naman maganda ang kapatid ko..
Mary Ann : o sige na kuya, umuwi ka na, huwag ka ng maglakwatsa, baka kung saan ka pa makarating niyan, tipidin mo yong gasulina ng motor.
Benjie : opo, sige po pumasok napo kayo, o paano bunso sa uwian dito mo lang ako puntahan ah..
Mary Ann : opo kuya!! Uwi na agad sa bahay para may katulong si nanay sa trabaho..
Benjie : opo!
.
Mabilis lumipas ang mga araw naka-focus lang si Mary Ann sa kanyang pag-aaral, at ngayon nga na high school na siya, mas pag-iigihan daw niya ang kanyang pag-aaral. Dahil pangarap ni Mary Ann na makatapos ng pag-aaral, at hindi lang basta makatapos gusto niya uling bigyan ng kasiyahan ang mga magulang, gusto niya ulit na magtatapos siya na makakapag-kamit ng pinakamataas na karangalan. Paminsan minsan ay nagpupunta pa din si Mary Ann sa may tambayan nila ni Ariel, namimis na niya si Ariel, hindi niya akalain na magkakalayo silang magka-ibigan..hindi na niya makalimutan si Ariel. Laging laman ng isipan niya ang matalik na kaibigan..at Samantalang si Ariel ay nakakadama din ng lungkot, dahil namimis niya ang buhay sa pilipinas, namimis niya ang ilog, ang kubo, ang duyan, at ang siso na pinaghirapan niyang gawin, na sana ay paglalaruan pa nila ni Mary Ann, at ang pinaka namimis niya ay ang bestfriend niyang si Mary Ann..
.
Elena : anak, bakit malungkot ka?
Ariel : wala ma, hindi po ako malungkot..
Elena : sigurado ka hindi ka malungkot?
Ariel : opo..
Elena : mabuti kung ganun.maki pag-kaibigan ka kasi sa mga kapit bahay natin jan. Para hindi ka naiinip dito sa bahay, alam mo ba yong nandoon sa pangatlong bahay, mula dito satin mga pilipino din yun, panigurado ko magkakasundo kayo.
.
Sinunod niya ang payo ng ina, nakipagkaibigan siya sa mga kapitbahay nila, hanggang sa nasanay na siyang makisalamuha sa mga kaedad niya, at meron siyang naging kaibigan na naging malapit sila sa isat isa iyon ay Katherine..lagi silang magkasama at naging close nga sila..pero si Mary Ann ay hindi niya nakakalimutan, nagtatanong sa isip si Ariel na kung kumusta na kaya ang kaibigan. matagal na silang hindi nagkikita..nahiling niya na sana balang araw ay magkita sila ulit ng kanyang bestfriend, at ganun din naman ang hiling din ni Mary Ann na magkita ulit sila pagdating ng araw, at hanggang sa dumating na ang araw ng pagtatapos ni Mary Ann, sa mataas na paaralan at tulad ng ipinangako sa sarili na hindi lang siya basta magtatapos, nagtapos siya na nagkamit ng may pinakamataas na karangalan, iniuwi na naman niya ang Medalya ng Validictorian.
.
Andres : anak salamat, at binigyan mo na naman kami ng sobrang kasiyahan, sulit na sulit ang pagod namin, sa pag-papaaral sa iyo, napaka-responsable mong anak, eto at binigyan mo na naman ng karangalgan ang ating pamilya.
Marissa : napaka-saya namin anak para sayo.
Benjie : bunso, conngrats..ang galing talaga ng kgapatid ko.
Mary Ann : nanay tatay, salamat po sa inyo, sa suporta pong ibinibigay nio sakin, at sayo kuya, salamat sa pagtitiyaga mong pag-hatid sundo sakin na kahit na alam kong kaya ka lang sinisipag na ihatid at sunduin ako sa eskwelahan ay para masilayan lang si Ate Evelyn..(nakangiti niyang sabi)
Benjie : ikaw talaga bunso, syempre naman, kahit wala akong Evelyn na sisilayan, ihahatid at susunduin pa din kita,
Mary Ann : weh, totoo ba yun?
Benjie : oo naman..halika nga dito at payakap ako sa bunso namin..(yumakap sa kapatid)
Mary Ann : salamat kuya ha..
Andres : hay naku talaga naman ang mag-kuya na ito.minsan parang asot pusa, dapat lagi kayong ganyan na magkapatid.
Marissa : oo nga, o siya sige tayo na umuwi at kanina pa tayo hinihintay ng mga tita nio doon sa bahay, panigurado ko natapos na silang mag-luto ng pagsasalu-saluhan natin.
.
Gaya ng dati, masaya na malungkot siya, dahil sumagi na naman sa isip niya ang kababata, matagal na panahon na din ang lumilipas na hindi niya nakikita si Ariel miss na miss na niya ito, walang gabi o araw na hindi pumasok sa isipan niya ang kababata, lagi niya itong naiisip..may katagalan na din na hindi siya nakakapunta ng ilog sa may paborito nilang tambayan..panigurado niya marami ng sukal doon, nasumpungan ni mary Ann na pumunta sa tambayan, naupo siya sa may duyan, at habang nagduduyan ay, inaalala niya ang mga paglalaro nila ni Ariel doon sa lugar na iyon, ang mga masasaya nilang paghahabulan sa tubig, at ang masasayang tawanan, ang pagkakarera nila ng takbuhan, at ang paglalaro ng bahay-bahayan, at luto-lutuan, pati na ang pagba-baril barilan na ang gamit nilang baril ay ang patpat na may pahugis baril, at nagtuturu-turuan din sila, ang teacher ay si Mary Ann at ang estudyante ay si Ariel, ang lahat ng iyon ay hindi niya nakakalimutan, halos 4 na taong mahigit na hindi na niya nakikita ang kababatang si Ariel, ni wala man lang siyang balita tungkol dito, sa isip pa niya ay baka nalimutan na siya ng kanyang kababatang iyon..at hindi nagtagal ay napagpasyahan na niyang umuwi, at bago siya tuluyang lumayo sa lugar na iyon ay minsan pa niyang tinapunan ng tingin ang kubo, at ang duyan at ang siso, pati na ang ilog..at parang tao niyang kinausap ang mga ito.
.
Mary Ann : paalam!!, siguro medyo matagal pa ako bago makabalik dito, mamimis ko kayo, mamimis ko ang mga pagligo ko dito sa ilog…at sayo Ariel sana balang araw ay magkita pa din tayo, hihintayin ko yong araw ng pagbabalik mo…
,
ITUTULOY…
Sana po meron ding nagbabasa sa story ko, Salamat!
Abangan po ang pagkikita ng magkaibigang si Ariel at Mary Ann.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.