0

POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART❤ Chapter 11:


Report

Author’s note📝
(This is based on true story but the characters, places and conversations are fictional only📌)
📍Rhian POV📍
Hindi ako na-inform na may interview pala kapag namigay ng sponsor’s envelope.Kinabahan na talaga ako sa table ng mga Policeman na’to.Gossh!
“Are you single Miss?” their Colonel ask again
“Engaged Sir.” respect pa rin pero sasabog na ako sa pagsisinungaling ko.
“Sayang naman,may ipakilala pa sana kami sa iyo na ‘single’ ” dagdag ni Sir.
Pero ang mokong stranger,hindi nakaimik at panay lang ang sulyap sa ganda kong face.
“Ganun po ba Sir?,ahm happily engaged na kasi ako..thank you Sir,I have to go..Enjoy Sirs,” sabi ko sa kanila at umalis na.
After that,hindi na talaga ako lumapit sa table nila.
📍TJ POV📍
“Anong Engaged pinagsasabi niya?,humanda ka lang talaga mamaya.I found her,tawa ng tawa sa program ng Wedding.Dumating sa throwing of Bouquet ang show.Ayun na naman siya,pinalibutan nila ang Bride habang sumasayaw.Tumigil ang bride at bumunot ng numero para sa napili niyang single lady.It’s good to know #25 ang napili ng bride at iyon ang number na hawak...


ni Rhian.Siyempre,sa single boys sumali ako dahil single naman ako.
Naghiyawan ang mga tao na naroon.Iba din ‘tong si Sir Bryle,kapag sino ang makapag-100 push up siya iyong magsuot ng garter sa legs ni Rhian.How I wish na ako talaga makakuha ng 100 push ups!Nasa trial 2 na,at tatlo na lang kaming natira.100 push up pa rin sa limited na oras..Yes,I win!!!Ako na talaga Rhian,..ready ka na baby?
Halatang namula ang mukha ni Rhian nang ako ang makakuha ng 100 push up.Panay naman ang kiringking ng emcee na gay.
“Sir,are you excited na makita ang legs ni Ms.Rhian?”
“Yes,I’ve been waiting for this..” nakangiti kong sabi but’s Rhian face can’t explain.
“Your name Sir,please.”
“TJ De Leon”
“Wow,gwapo din ng name natin Sir..are you single?”
“Yes,Single.” proud ko ring sabi
Wala na,pwede nang sampayan ang nguso ni Rhian dahil nakasimangot na ito.
“Are you guys ready?!!count to 1-5 para maisuot na ang garter sa legs ni Ms.Rhian,ok 1!2!3!4!5!!!Mr.TJ it’s your time!!!”
Agad kong nilapitan si Rhian na nakaupo at dahan-dahang itinaas ang garter paibaba sa legs niya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.