0

MY AMNESIA WIFE


Report

🥀CHAPTER 14:Last Chapter🥀
🥀Carla POV🥀
Siguro nga nasa huli ang pagsisi. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang mga kasalanang nagawa ko kung kailan wala na sakin at di ko n makakasama si Nanay. Pero masaya ako dahil nahuli na si Mike
Noong araw na iyon hindi kami basta sumugod ni Marco. Pumunta muna kami sa mga pulis para humingi ng tulong.
Ang sabi ko non papatayin ko si Mike pero hindi ko naman ginawa kahit nagkaroon ako ng pagkakataon. Ayokong ilagay sa kamay ko ang batas.
“Oyy bakla. Tuleley ka diyan?” Napabalik ako sa wisyo dahil sa boses ni Christy ang kaibigan kong bakla at dating nag-aalaga kay Nanay.
“Wag ka ngang nanggugulat diyan!” inis kong sabi. “Ano sasama ka ba ha? Birthday ngayon nong anak ni Alliyah iniimbita tayo ehh.” sabi ko pa.
“Ikaw na lang wag lang magbabantay ng bahay mo!” Napatawa na lamang ako. Naging magkaibigan na ulit kami ni Alliyah at naging maayos na talaga ang lahat sa amin, napatawad niya ko.
🥀Mike POV🥀
“May bisita ka.” sabi ng pulis sa akin at pinalabas ako. Hindi ko akalain na may bibisita pa pala sa akin pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ko.
“Alliyah.” tawag ko sa pangalan niya. Ang dilim ng awra niya at halata talagang galit siya sa amin. Siguro nga nabulag ako ng pera at pagmamahal.
“Kamusta ka dito? Ano masaya ba?” sarkastiko niyang sabi. “Mabuti at di ka napagtitripan ng mga preso.” dagdag niya pa.
“Kayo ni Kuya kamusta?” Tanong ko. Oo alam ko, na ang kapal ng mukha ko para itanong ko pa yon. “Maayos, ayos lang kami.” walang emosyon niyang sabi.
“Salamat sa lahat ng ginawa mo. Marami akong natutunan katulad na wag agad magtiwala sa mga katulad mo.” sabi niya sa akin at may tumutulong luha sa kanyang mata.
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero agad niyang inalis ang kamay niya sa mesa. “Sana magbago ka dito ha.” sabi niya.
Mabilis siyang umalis at iniwan ako. Oo nga pala birthday ni Charlene ngayon. Napatingin na lang ako paper bag na iniwan niya may dala siya para sa akin.
“Oyy Ano yan?” sabi sa akin ng isang preso. Pero di ko ito pinansin. Nagulat ako ng kunin nito sa akin ang paper bag.
“Pare akin yan.”sabi ko. Bigla niya akong sinuntok kaya natumba ako. Sanay na akong napagtutulungan.
Siguro nga ito na ang parusa ko para sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Wala na akong magagawa kundi ang harapin ito.
Masaya ako dahil si Carla nagawa niya pang magbago bago mahuli ang lahat at tahimik na ang buhay niya ngayon.
Ngunit hindi ko pa rin makakalimutan na ako ang dahilan kung bakit hindi niya na makakasama ang Nanay niya.
Siguro nga dapat hindi na lang ako nabuhay sa mundo dahil ang daming nasaktan ng dahil sa akin na muntik pang masira ang buhay.
Sana dumating pa ang pagkakataon na makahingi ako ng tawad sa kanila. Naramdaman ko na lang ang dugong tumatagas sa mula sa aking bewang.
🥀Alliyah POV🥀
“I still don’t know kung bakit kailangan mo pa siyang dalawin.” sabi ni Marco sa aking habang nagdadrive.
“Hon, last na yon. Hindi na tayo pupunta pa doon.” sabi...


ko at ngumiti kaya napangiti na lang rin siya.
Binilisan niya ang pagmamaneho. May maliit kasi kaming party sa mansyon para kaarawan ng anak namin.
Hiniling sa amin ni Charlene na gusto niyang nagkaroon ng simpleng kaarawan lang,yung kami kami lang.
“Mommy!!!” patakbo siyang lumapit sa akin kaya pumantay ako sa kanya at niyakap.
“Baby ko…” sabi ko at niyakap siya pabalik.Ang ganda ganda talaga ng anak ko.. She wears a simple gown that makes looks like a princess.
“Won’t you hug daddy?”sabi ni Marco sa anak namin. Kaya agad din siya nitong niyakap. Wala ng mas sasaya pa sa nakikita ko.
Nagdiretso na ako sa kusina para ayusin ang mga pagkain. Naabutan ko dun si Donya Isabelle at ngumiti lang ito sa akin.
“I just want to say sorry Iha for judging you at naniwala ako kay Mike. ” humihinga ng tawad na sabi niya sa akin. Ngumiti na lamang ako.
“Tapos na po yun.Move on na po tayo at nakakulong na naman po si Mike.” sabi ko pa. “Sana ay magawa pa niyang magbago.”Kaya napatango na lang ako.
” Bess!!! “rinig mong sigaw ni Carla. Alam kong siya yon dahil kilalang kilala ko na ang boses niya. Agad akong nagpunta sa sala.
” Look mommy ang cute po diba?! “sabi ng anak ko habang hawak ang Teddy bear na regalo sa kanya ni Carla.
Ngumiti na lang ako. Agad akong lumapit kay Carla at yumakap. Bumalik na ang Carla na best friend ko.
” OA naman Alliyah.”sabi niya sa akin sabay tawa. Masaya ako at ayos na siya at tanggap niya na ang pagkawala ni Tita Mirna.
“Hi” sabi ni Marco ng makita si Carla. Nagngitian na lang silang dalawa. “Alagaan mo tong kaibigan ko ha.!” kaya napatawa na lang ako.
“Happy Birthday to you! Happy to you. Happy Birthday. Happy Birthday! Happy birthday to you!” 🎉🎊🎈! “sabay sabay naming pagkanta.
” Wish na. Wish.! “sabi pa ni Carla. Ang sweet niya talaga sa anak ko. Darating din ang panahon na makilala niya ang lalaking para sa kanya.
” Anong winish ng baby namin?”tanong ni Marco sa anak namin habang nakayakap sa akin.” Wow ang sweet matamis. pa kayo sa cake ehh.! ”
” Gusto ko po ng kapatid para may aalagaan ako. “malakas na sabi ng anak ko kaya napatawa na lang ang lahat.
“Wife kaya naman nating tuparin yon diba?!”pabirong bulong niya sa akin. Ang galing dahil wish granted na agad.
“Im pregnant” “. Biglang kong sabi na kina gulat naman ng lahat.” Wow bess ang swerte talaga ahh. “hirit ni Carla.
Mabilis akong iniharap ni Marco sa kanya. Kita ang saya kanyang mga mata.Niyakap niya ako.” I love you so much Hon! ”
” I love you more.! “sabi ko naman.”Hep, Hep party po ito ng anak niyo… ” sabi ni Carla. Kaya pare pareho kaming natawa.
“yey!!!happy family na ulit… This is my best birthday ever. I love you both mommy and daddy.!!!!
” We love you din baby! “sabay naming sabi Marco. And this is the family that I want. Hindi ko na hahayaan pa may makasira sa amin ni Marco.
This is the happy ever after that I want.
The End. ❣️


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.