0

Pinky’s Revenge Chapter 3


Report

Parang hindi nila narinig ang pagsigaw ko kanina. Isinabit ko muna ang strap ng sandals ko sa bike na sinasakyan ko. Mabilis kong pinedal ang bike na may kasamang galit, may iilang taong nakakita sa ginawa ko. Habang iyong dalawang tatargetin ko busy pa din sa paglalaplapan. Nang malapit na ako sa kanila bigla akong sumigaw ng…
“Pipiiiiiiiipppp Tabi!” Syempre acting lang iyon, sinabi ko lang iyon kung kailan hindi na sila makakailag pa.
Nanlaki ang mata ng dalawa ng sumalpok ako sa kanila, sumabit pa nga buhok ni Lily na ahas sa handle ng bike habang nadaganan naman ng bike ang hayop kung ex. Para kaming sandwich, haha. Success! Ako yata ang hindi napuruhan ah, swerte. Sa inis ko nga at sa haba ng buhok ng bruhilda isinabit ko ang dulo ng buhok niya sa kadena ng bike.
“Fuck! Ouch!” Narinig kong impit na sigaw ni Keean.
“Oh my God! Oh my God! My skin! My hair! Anybody help? Take me to hospital! Take me to my dermatologists..my precious skin. Please take me to salon..” Nairap ako ng palihim sa kaartehan ng ahas na nasa ibabaw ko.
Bumangon kami ng paunti unti with the help of course ng mga concern citizen pero ang totoo mga sasagap lang iyan ng chismis.
“You bitch! Are you blind?! Gusto mo bang kasuhan kita sa pagbangga sa amin? Stupid!” Galit na sigaw sa akin ni Lily habang dinuduro pa ako. Nilapitan naman nito si Keean agad.
“Babe are you okay? My God! You’re bleeding! You idiot!” Hinila ni Lily ang buhok ko pagkakita niya sa sugat sa mukha sa braso at binti ni Keean. Serves him right. Inawat naman ni Keean si Lily.
Napanganga sa akin si Keean ng makita niya ako ng harapan. Parang iyong galit na nakikita ko kanina sa kaniya ay biglang naglaho. Kung hindi pa tumikhim ang ahas na nobya niya hindi pa siya matatauhan. Ang ganda ko ba baby? Hahaha.
“Sorry Miss.” Nagulat ako sa paghingi ni Keean ng tawad sa akin. Maging ang tukong ahas na girlfriend niya ay nagulat.
“Hon! Bakit ka nagso-sorry diyan e kasalanan naman ng babaeng iyan?!”
Time for my acting!
“Nako..sorry po ser. Tama si Ma’am kasalanan ko pong nakaharang kayo sa daan at nagtutukaan—”
“What?!” Pagputol ni Lily sa sasabihin ko.
“Ay este, kasalanan ko ho at hindi ako tumitingin sa daan. Pero Ser, lagot ho kayo sa asawa niyo ho ser.” Pag-acting ko sa harap nila. Naguluhan naman ang dalawa kung kaharap na mga walang hiya.
“Ha? Bakit?” Tanong pa ni Keean. Napangiti ako sa loob loob ko pa.
“Kasi Ser…Pumapatol kayo sa muchacha niyo Ser. Nako Ser, masama iyon.” Nanlaki naman ang mata ni Lily at namumula sa galit muli. Susugudin niya na sana ako ulit kaso hinawakan siya ni Keean agad sa bewang.
“How dare you call me muchacha?! You bitch! Mas mukha ka pa nga muchacaha sa ating dalawa eh. Ang kapal mo!” Sigaw pa nito at ayaw paawat kay Keean.
Tinakpan ko naman ang bibig ko na parang hindi pa makapaniwala sa nalaman.
“Hala Ma’am pasensiya na po! Akala ko po kasi eh.”
“For your info, kaya kong bilhin ang pagkatao mong babae ka! Hindi mo ba ko nakikilala? Vice President lang naman ako ng Lopez Group of Companies.” Nakataas noong pagmamalaki niya sa akin lalo na ng mapansin naming marami na palang echuserang manonood. Same old Lily, attention seeker pa din.
“Wow!” Kunwareng manghang-mangha kong sabi. Tinaasan pa nga niya ako ng kilay eh. Tss.
“Pero Ma’am may kamukha kayong artista. Mukha nga talaga kayong tagapagmana. Hindi ba madlang pips?” Sabi ko pa sa manonood na mas lalong ikinatuwa ng bruha. Same old Lily always fishing for compliments.
“Sino...


naman? For sure maganda iyang artistang kamukha ko kasi tingnan mo na lang ako. I’m the example of natural beauty.” Nakangiti ng sabi ni Lily. Na para bang nakalimutan na nabangga ko siya. Haha.
It’s time Pinky a.k.a Lorraine.
“Ah Ma’am. Alam niyo po iyong nasa Kadenang Ginto. Iyong CEO daw pero walang pambili ng magandang wig. Iyong kontrabidang parang garapata. Ang sarap tirisin. Pero Ma’am iyong buhok lang po talaga ang hawig n’yo don. Mas kahawig niyo po iyong garapata. Ang sarap niyo din po kasing tirisin eh. Haha.” Pangaasar ko. Maging ang mga manonood ay tawang-tawa sa kalokohan ko. Si Lily naman ay hindi na nakapagpigil pa at sinampal ako. Nagulat ako, maging ang manonood at si Keean. Tumahimik ang lahat habang nakahawak ako sa pisngi kong pakiramdam ko ay magsusugat sa lakas ng sampal ni Lily.
“Itikom mo iyang bibig mo parking girl kung ayaw mong tahiin ko ng lilibuhin iyang bunganga mo! Hampas lupa!”
Sa inis ko sa pagsampal niya sa akin at sa sinabi ni Lily, nakalimutan ko na ang pang-aasar ko. Mabilis kong binuksan ang basket sa lapag na buti na lang at hindi natapon. Kinuha ko ang dalawang turon sa magkabilang kamay ko na sobrang init pa. At walang pag-aalinlangan kong sinampal sa magkabila niyang pisngi ang hot turon. Nagulat ang lahat, nagsinghapan pa. Maging si Lily ay napapaluha sa sakit na napahawak sa pisngi niya. Bumakat pa nga ang turon at kumapit pa ang malutong na wrapper nito sa pisngi ni Lily. Akmang hahawakan ako ni Keean ng nanlilisik ng mata ko siyang tingnan. Kinuha ko din ang isang stick na banana cue at mabilis itong nginuya habang nakatingin sa kanilang dalawa.
“Sige, subukan mong mangialam Ser. Itatarak ko talaga itong stick sa mukha mo!” Sabay duro ko pa ng stick ng banana cue kay Kean. Umatras naman ito habang si Lily hindi pa din makarecover sa pagsampal ko ng turon.
“Ma’am pinalaki ako ng magulang na hindi nagpapa-api kaya pasensiya na kayo. Hindi ako iyong tipo ng tao kakawawain niyo. Tsaka Ma’am saan kayo nag-aral?” Oo nagawa ko pang magtanong. Masama ang tingin niya sa akin ngunit napilitan siyang sumagot dahil mapapahiya siya sa manonood.
Taas ang kilay na sumagot siya sa akin. Waring nangiinsulto pang ngumiti.
“Sa Harvard University. Ikaw? Ay sorry mukha namang hindi ka nakapag-aral. No read no write ka no? Akala ko parking girl ka kasi. Iyon pala turon girl. Hahaha.” Pagbawi si Lily.
Harvard daw? Sinungaling. Haha.
“Ma’am, ngayon ko lang talaga napagtanto na hindi lahat ng may pinag-aralan ay may manners. Try niyo po munang pag-aralan iyon. Ma’am hindi niyo po ko tatanungin ng hashtag how to be you po?” Malambing ko pang tanong sa nangagaliiting si Lily. Nakakuyom na nga ang kamo nito.
“At bakit? Never kong gugustuhing maging ikaw. Yuck!” Maarte pang sabi ni Lily.
Nginitian ko lang siya sabay nguso sa boyfriend niyang nakatingin sa akin. Nangunot noo lang si Kean na naguguluhan sa akin. Kaya naman nilapitan ko si Keean sabay dakma sa bukol na bukol na pantalon nito. Alam ko kung bakit, nakababa na kasi kanina pa ang neckline ng bestida ko. Isa sa weaknesses ni Keean ay ang cleavage na maputi at malalim. Nagulat naman si Lily lalo na si Keean sa pagdakma ko.
“Ang ganda ko kasi Ser noh? Kaya buhay na buhay si junjun oh. Cleavage pa lang iyan hindi pa ko naghuhubad niyan. Oh Ma’am alam mo na kung bakit kailangan mo kong tanungin ng how to be you po? Kanina pa kayo nagtutukaaan hindi man lang iyan nabuhay. Hahaha. Paalam!”
Nakanganga ko silang iniwan doon habang ako naman ay umuwing may ngiting tagumpay!
To be continued…anu masasabi nyo?🤣


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.