3

HIS LOVELY OBSESSION Kabanata 9

Report

Lulon sa loob ng kanyang sasakyan habang inabala ko ang sarili sa tanawin sa labas.
Makulimlim ang kalangitan. Inangat ko ang aking kamay at tinalunton ng aking hintuturo ang patak ng ulan na rumaragasa sa salaming bintana.
Inulit ko muli iyon hanggang sa narinig ko ang boses ni Saint sa aking tabi. Sinulyapan ko siya, nakatingin siya sa akin.
Tuwid ang kanyang upo. Nakapatong ang kanyang siko sa may bintana habang hinahawakan ang kanyang pang-ibabang labi samantalang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa manibela.
“I just want to inform you that from this day on, makikita mo na ako palagi at kahit ano’ng gawin mong iwasan ako ay itutulak ko pa rin ang sarili ko sa’yo,” aniya.
Ibinaba ko ang aking kamay sa aking kandungan. Diretso ang tingin ko sa harapan kung saan ang mga nakahilerang sasakyan na hindi pa umuusad.
Bumuntong-hinga ako. “Gawin mo ang gusto mo. Hindi rin naman kita magugustuhan.” mariin kong sabi.
Hindi ko siya magugustuhan… hindi pwede…..
Imbes mainis o magalit sa sinabi ko ay naaaliw pa ako nitong tinignan. Kinagat nito ang kanyang pang-ibabang labi, pinipigilan ang mapangiti.
“Okay,” aniya. Sa huli, may multo ng ngiti sa kanyang labi, hindi sineseryo ang sinasabi ko.
Naningkit ang mata ko. “Hindi ka naniniwala?”
Hindi ko talaga siya magugustuhan! Bakit hindi siya naniniwala?
“I didn’t say anything, Aviona. Bakit, hindi ka ba sigurado sa sinabi mo?”
“Sigurado ako!”
“Okay. Sabi mo eh. Hindi mo ako magugustuhan. Let’s see about that, then.” nakangising aniya.
Kilala ko ang sarili ko. Kilalang-kilala. Kapag sinabi kong hindi ko siya magugustuhan… hindi talaga. Nakatatak na sa isip kong ang pag-aaral ang priority ko. Para makaahon sa hirap.
Hindi ko kailanman naisip ang magkagusto kahit kanino.
Hinayaan ko ang sarili kong titigan siya ngayo’y umusad na ang trapiko. Matapang ko siyang tinitigan dahil hindi siya nakatingin sa akin ngayon.
Kahit naka-side view lamang siya sa akin ay kita ko mula sa aking kinauupuan ang matangos niyang ilong, at prominente niyang panga.
Tanga na siguro akong tawagin dahil inaayawan ko ang isang Saint Defuente. Gwapo at mayaman. Dalawang kategoryang kinababaliwan ng babae.
Ngunit iba ako. Hindi ako sila. Wala sa isip kong magkagusto sa kanya. Nakatatak na sa isip kong hindi pwede.
“Hindi talaga…” bulong ko sa gitna ng trapiko at sa malakas na ulan.
Ate Yna:
hindi ko na kaya. nakakapagod na, aviona.
Kumunot ang noo...


ko pagkatapos kong mabasa ang mensahe sa akin ni Ate Yna. Kasalukuyan akong nandito sa Strevillo Comp. Tatlong araw na ang nakalipas nang ihatid ako ni Saint sa bahay. Gaya nang dati nagpaparamdam siya sa akin. At sinasadyang bumibisita dito na pinagtataka ng karamihan.
Nilingon ko saglit si Ora. Busy ito sa harap ng kanyang laptop. Mukhang wala naman iutos sa akin kaya tumayo ako at tumungo sa comfort room para tawagan ang kapatid.
Mabuti nalang walang tao. Pumasok ako sa pang-huling cubicle. Nakaapat na ring muna iyon bago niya sinagot.
“Ate,” nag-aalalang sabi ko nang marinig ko ang mahinang hikbi niya sa kabilang linya.
Baka nag-away na naman sila ni Nanay. Kanina kasi pag-alis ko sa bahay, hindi na maganda ang timpla ng aming Nanay. Baka si Ate Yna ang napagbuntunan niya ng galit.
Ganoon naman palagi si Nanay. Madalang na lang ako nitong pinapagalitan dahil madalang ko lang din siya makita.
“H-hindi naman pwedeng intindihin ko nalang siya palagi. Nakakapagod siyang mahalin, Aviona. Mahal natin siya pero mahal niya din ba tayo? Tinuring natin siyang Nanay pero kahit kailan hindi natin naramdaman ang pagiging Nanay niya,” sabi niya sa gitna ng kanyang hagulgol.
Gusto ko siyang puntahan at damayan. Kusa na din pumatak ang luha ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil iisa lang ang napagdaanan namin sa kamay ng aming Ina.
“Hintayin natin, Ate… magbabago din siya… hihintayin natin,” sabi ko.
Suminghot siya. “Kailan darating ang araw na ‘yun? O darating ba talaga na magbabago siya?”
Natahimik ako. Hindi ko alam.
Matagal ko nang hinihiling na mangyari iyon. Na magigising ako sa isang bagong umaga at mayakap ang pagmamahal ng isang ina… ngunit hindi dumating.
Imbes ay yakap ng galit at poot ang pinaparamdam sa amin ni At Yna.
“Aalis muna ako,” sabi niya.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang humikbi.
“P-paano ako, Ate? Iiwan mo ako?”
Siya lang sa pamilya ko ang nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal tapos ngayon iiwan niya ako.
“Babalikan kita, Aviona. Maghahanap muna ako ng pwede natin tirahan saka kita babalikan. Baka sa gagawin natin ito ay matauhan ang Nanay,” nahimigan ko ang sakit sa bawat binitawan niyang salita, tila ayaw niya din itong nangyayari pero dahil sa kagustuhan niyang magbago ang Ina namin ay nagawa niya ito.
“Babalikan mo ako, Ate.” huling sabi ko bago niya pinutol ang tawag.


3 Comments

  1. Story ko po ‘to. Please delete, lahat po ng stories ko na ninakaw mo! Mahiya ka naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.