0

NINAKAW NA SANDALI CHAPTER 2


Report

“AYokong pagbigyan ang nais ni Mayor Marquez na maging isang Judge sa Singing contest ng Lugar nila. Meron pa akong dapat na unahin Kaysa diyan.”panananggi ng dalaga
“Walang masama kung maging Judge ka sa singing contest na iyon hija. Wala namang mawawala sayo Doon eh.”sambit ni Mrs. Ledezma sa dalagang kaharap” Diba yan ang gustong-gusto mo dati ang maimbitahan sa isang simpleng okasyon. Nakakapanibago ka.”
“Ate hayaan Muna si Shanaira sa nais niya.”sabat dito ni Madison at nilingon nito ang di pa rin maipintang mukha ng pamangkin
Pero sa titig na ipinukol niya sa
dalaga ay nangangahulogan na di niya rin gusto ang pagtanggi nito.
“Bahala ka na nga makipag-usap diyan sa pamangkin mo Madison.”anang si Mrs. Ledezma at agad umalis sa hapag kainan
NAng makaalis ito ay Saka nito nilapitan ang pamangkin sa kinauupuan nito.
“NASA katayuan ka niya Nicole Pero bakit di mo magawa ang katauhan ng isang Shanaira.”bulong niya sa punong Tenga nito “kung gusto mo pang matuloy ang nasimulan natin make sure na sumakay ka sa mga nangyayari.”
“Hindi nila ako mabibisto Mommy. Umiba man ang ugali ko Pero nasa akin pa rin ang alas.”mahinang turan nito
“Yon naman Pala. Kaya dapat gawin mo kung ano ang nararapat.Dumalo ka sa nasabing okasyon...


at ipakita mo sa mga mahihirap na Tao na nakikisabay ka sa kanila. Gawin mo kung anong klaseng Tao ang isang Shanaira Ledezma.”
“Okey. Gagawin ko na.”pagsasang-ayon nito
“Thats my girl.” Si Madison na agad natuwa sa sagot nang kanyang anak
Bumalik na siya sa kanyang pwesto at ipinagpatuloy na niya ang kanyang pagkain.
“Maiwan ko Muna kayo at May importante akong lakad.” Si Mrs. Ledezma na agad nilapitan ang anak na si Shanaira at hinagkan iyon sa noo bago umalis” SA pag-uwi ko mamaya ay dapat nakapag-isip ka na hija.”bilin nito Kay Shanaira
Tulad nga nang sinabi ni Bella na pagkatapos niyang mamungkal ng mga kamote ay tutungo siya ngayon sa May Simbahan.At May dala siyang maliit na sako na May mga lamang kamote dahil naisip niyang bigyan nito si Father Rey.
Napangiti siya nang makita ang mga abalang Tao sa pagkakabit ng banderetas sa labas ng simbahan. Sabagay Ay malapit na Pala ang kapistahan sa kanilang Lugar.
“Father Rey!magandang araw po!”bati niya agad sa paring NASA labas ng simbahan at nakikipanood din sa mga taong nagkakabit ng banderetas
“Oh Bella anak.”ani nito sa kanya
Nagmano agad siya rito.
“Abay kaawaan ka ng diyos.Ano ba yang dala-dala mo?”
“Kamote po father.”aniya


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.