0

MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 14


Report

Sa aming minamahal na mga Admin at Moderator, maraming salamat po sa inyong lahat, sa pag approved bawat chapter ng aking Kwento..keep safe po, and Godbless you all.
.
❤️❤️ MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR ❤️❤️
.
CHAPTER 14
(FINAL CHAPTER)
.
At samantalang naman si Alvin ay Nagpapaalam na kay Erica.
.
Alvin : tapos ka ng gamitin ang phone ko?, naka-usap mo ba yong kaibigan mo?
Erica : hindi nga e, hindi bale na lang, salamat sa phone mo ha.
Alvin : welcome!!
Erica : Alvin, hindi ko alam kung kaya kitang kalimutan, mahal pa rin kita Alvin.
Alvin : im sorry Erica, buhat kasi ng iwan mo ako noon naglaho na din ang pagmamahal ko, sayo, nagmamakaawa ako sayo noon na pakinggan mo ako, hindi mo ako binigyan ng pagkakataon, hanggang sa ikaw naman pala ang gumagawa ng milagro, tapos sakin mo ipapataw ang gawa mo.
Erica : Im sorry Alvin, wala namang perpektong tao dito sa mundo–
Alvin : masaya na ako Erica kaya please huwag mo na akong guguluhin, masaya ako sa piling ng asawa ko, at mahal na mahal ko yong asawa ko.
.
Tuluyan ng iniwan ni Alvin si Erica, mabilis nang bumalik si Alvin sa hotel kung saan sila nakatuloy ng asawa, at naiwan si Erica na bigo, bigo na maibalik ang pagmamahal sa kanya ng dating katipan, ang akala niya masisira niya sina Alvin at Kate, kaya sumunod siya sa dalawa sa America dahil nagbabakasakali pa rin siya na makuha niya ulit si Alvin, pero nabigo siya, kaya ngayon, ayon siya baon na baon siya sa utang, dahil sa pagpunta niya sa america, wala na siyang pera.. wala pa rin sa kanya si Alvin..
At samantalang si Katelyne ay wala pa ding tigil ang buhos ng luha niya dahil sa sakit ng nararamdaman, kaya napagpasyahan niyang makipaghiwalay na lang kay Alvin, naikarga na niya lahat ang kanyang mga damit sa maleta dahil uuwi na siya ng pilipinas, palabas na sana siya sa pinto at saktong naroon na sa labas ng pinto si Alvin laking gulat ni Alvin at hila hila na ni Katelyne ang maleta nito.
.
Alvin : saan ka pupunta kate?(nagtatakang tanong niya)
Kate : Damn you Alvin..ginawa ko ang lahat para mahalin mo din ako, hindi pa pala sapat yun!!!(umiiyak na niyang sabi)..alam ko malaki ang utang na loob ko sa iyo, alam kong utang ko sayo ang buhay ko, at alam ko na kung hindi dahil sayo ay hindi ko makakamit kung anong meron sa akin ngayon, alam ko namang lahat yun ay dahil lang sa iyo, pero yong saktan mo yong damdamin ko ng paulit ulit, at tapakan ang pagkatao ko, ay tama na, wag naman na. dahil hindi ko na kaya, sige kung gusto mo ng kalayaan sige ibibigay ko sa iyo, mag-hiwalay na tayo!
Alvin : sandali, hindi kita maintindihan!!(humakbang si Alvin papalapit sa asawa, at akmang hahawakan)
Kate : No, (umatras papalayo kay Alvin)..don’t you ever touch me..nandidiri ako sayo. Sa inyo ni Erica!!
Alvin : Ano bang kasalanan ko sayo, ano bang ginawa ko na hindi mo nagustuhan? at paano kitang sinaktan ng paulit ulit? At paanong nasama dito si Erica?
Kate : huh, nagtatanong ka pa, ang kapal ng mukha mo..kaya pala gusto mong pumunta dito sa America para lang sundan si Erica.
Alvin : ano bang pinagsasabi mo?
Kate : nagmamaang-maangan ka pa, how dare you Alvin. Kinatagpo mo pa si Erica kaya pala ayaw mo akong isama ayon pala si Erica pala ang taong kakausapin mo!!
Alvin : paano mong nalaman na si Erica ang kinatagpo ko?
.
Sa isip ni kate ay aminado na nga si Alvin na si Erica nga ang katagpo nito, kaya sa tindi ng galit ni Katelyne ay, nabitawan niya ang hawak hawak niyang maleta, at sinugod si Alvin at pinagbabayo sa dibdib, pero ng makaramdam na nang sakit si Alvin ay hinawakan na ni Alvin ang kamay ng asawa.
.
Alvin : mali yong iniisip mo samin ni Erica, kung ano man ang nasa isip mo na ikinagagalit mo sakin ay mali yon!!
Kate : hindi ako tanga alvin..huwag mo akong gaguhin..may nangyari sa inyo aminin mo, dahil sinabi niya.
Alvin : paano mo ba siyang naka-usap?
Kate : tumawag siya sakin, at gamit yong phone mo, sabi niya kakatapos nio lang daw na mag-sex!!!
Alvin : damn!!! Sinabi niya yun?
Kate : oo!!!!
Alvin : at naniwala ka naman!
Kate : at bakit hindi eh, wala ka sa tabi ko at saka sa dinami dami ng tao dito sa America, bakit siya pa ang kinatagpo mo ha Alvin???
Alvin : hindi ko siya kinatagpo! Aksidente ko lang siyang nakita sa may pinuntahan ko..at saka saglit lang kaming nagkausap..walang nangyari samin, hindi totoo yong sinasabi niya..grabe yong babae na yun, ikaw pala yong tinawagan niya..hiniram niya kasi yong phone ko, dahil may tatawagan daw siyang kaibigan, yun pala ikaw yong tinawagan!!
Kate : Alvin, napapagod na ako kakaunawa sa sitwasyon ko, ang hirap na, unti unti akong pinapatay sa selos kay Erica, oo nagawa kitang akitin nong gabing sa kwarto ka natulog, dahil sa pagmamahal ko sayo.
Alvin : mahal mo ako?
Kate : oo mahal kita!!!! Alvin hindi kita minahal dahil sa itsura mo at hindi dahil sa kung ano ang meron ka, minahal kita dahil sa masaya ako kapag kasama kita, ikaw na ang naging buhay ko Alvin..at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Natakot ako nong bumalik si Erica, kaya ginawa ko ang lahat para mapansin mo ako, na baka sakaling magustuhan mo din ako, aaminin ko pinlano ko talagang akitin ka dahil gusto kong malayo ka na kay Erica, pero nabigo ako dahil, bumabalik balik pa din yang si Erica na yan, na sa kabila ng panloloko niya sayo, nakukuha mo pa siyang bigyan ng pansin kasi alam ko naman. Siya parin ang nasa puso mo…(UMIIYAK NIYANG SABi)
.
Sinubukan uling lumapit ni Alvin sa asawa, at inalo alo niya ito, niyakap niya si Katelyne, at masayang masaya ang puso ni Alvin sa mga narinig niya mismo sa asawa niya na ngayon niya lang nalaman..at hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ng asawa.
.
Alvin : makinig ka sakin kate, ako naman ang pakinggan mo ha, nong araw ng kasal namin ni Erica at hindi niya ako sinipot oo inaamin ko nasaktan ako, dahil lang sa napahiya ako sa maraming tao, at isa pa ayaw ko din na ako yong may pagkukulang kaya kahit papano ay nagpunta ako sa simbahan, at isa pa ayaw kong masisi ng mga tao na nakakaalam saming kasal kung bakit hindi natuloy ang kasal namin, at nagpunta ako ng simabahan hindi dahil sa mahal na mahal ko siya, nagpunta din ako para bigyan ko siya ng pagkakataon, at noong nagmamakaawa ako sa kanya na bigyan ako ng pagkakataon, na ayaw niya ako unabis pakinggan sa mga paliwanag ko mula noon ay naglaho na ang pagmamahal ko sa kanya, noon pa man kate nawala na ang pagmamahal ko kay Erica, at nagpasalamat na din ako, dahil hindi ko din nakatuluyan ang babaeng mahirap umunuwa, na ang gusto niya ay puro na lang siya ang may tamang katwiran..
Kate : hindi mo na siya mahal?(manghang tanong niya)
Alvin : hindi na, matagal na..nong hindi niya ako sinipot sa kasal namin! Kasi may iba na akong mahal kate, at ikaw yun?
.
Masaganang bumuhos ang luha ni katelyne sa sinabi ng kanyang asawa.
.
Kate : Mahal mo pala ako, bakit hindi mo man lang nasabi sakin!di sana hindi naghirap yong kalooban ko..sa tagal nating magkasama sa iisang bubong, hindi mo man lang sinabi sakin..
Alvin : dahil natakot ako kate, dahil baka isipin mo na sinasamantala ko yong pagkakataon..God knows how much i love you, kung alam mo lang noon na gustong gusto kitang yakapin, at matikman muli ang iyong mga halik, na dating ipinagkaloob mo sa akin nong nasa baguio tayo, hindi ko na nakalimutan yun kate, araw gabi kong iniisip yun.,at kung alam mo lang din kung gaano ako takot na takot, kapag nagkukwento ka sa mga lalaking nanliligaw sayo…
Kate : Akala ko bale wala lang sayo iyon, sinadya ko talagang ikuwento sa yo iyon, dahil para marealize mo na kailangan mo na din magtapat sakin kung may pag-ibig ka sakin, pero hindi ko nababakas na may takot ka, kasi nga akala ko kapatid lang ang turing mo sakin..
Alvin : God! Alam mo bang takot na takot yong kalooban ko noon..kaya araw araw kitang hinahatid at sinusundo, ay dahil gusto kong walang lalaking maghahatid sayo at magsusundo sa bahay, dahil natakot akong tuluyan ka nilang maagaw sakin..kaya nong ipinakilala mo sakin si Vince, sobra akong natakot at nag-alala akala ko maagaw ka niya sakin nagtaka kasi ako kung bakit, sa mga nanliligaw sayo, si vince ang hindi mo nabanggit sakin, kaya selos na selos ako baka akala mo!!
Kate : nagselos ka kay Vince?
Alvin : oo kate!!
.
Tumawa ng malakas si Katelyne, dahil sa nalaman niyang pinagselosan pala talaga ni Alvin si Vince.
.
Alvin : ayan tinatawanan mo na ako ngayon!!
Kate : Vince, He’s just a friend!! At hindi ko naisip na banggitin si Vince sayo kasi, hindi naman siya manliligaw, at isa pa, Vince is not a real man, he is a gay..
Alvin : what? Gay!!!
Kate : oo, ginamit ko si Vince para malaman ko kung magseselos ka sa kanya. Para malaman ko sana na mahal mo ako!
Alvin : God!! Kung alam ko lang sana noon na bakla pala si Vince, hindi ko na sana pinansin ang paglapit ni Erica sakin nong nagdidinner tayo nong graduation mo..sana hindi ko na siya pinansin noon! kung bakit kasi tumawag pa sa cellphone mo noon si Vince, kaya nagselos ako, kaya, binigyan pansin ko tuloy si Erica!!
Kate : ibig mong sabihin, ginamit mo din si Erica para pagselosin mo ako?
Alvin : nagselos ka ba?
Kate : sobra!
.
Nagka-aminan na sila ng nararamdaman nila sa isat isa, napakasaya ng dalawang puso na nagmamahalan, hinapit ni Alvin ang asawa, at dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa asawa, hanggang sa magkahinang na ang kanilang mga labi, napapikit si Katelyne at dinadama ang mga halik ng asawa, at ngayon malinaw na sa kanilang dalawa ang lahat, mas masarap na daw damhin ang mga halik at mga yakap na iyon, at mas matamis na dahil sa tunay na pagmamahal ang namumutawi sa pusot isipan nilang dalawa, at sa isip ni Katelyne ay subukan pa ni Erica na manggulo, hindi na niya ito papatulan dahil alam naman niyang mahal na mahal siya ng asawa niya, pero may isa pang gustong linawin si katelyne sa asawa..kaya kumawala siya sa mga halikan nila ni Alvin!
.
Kate : wait!!
Alvin : bakit?
Kate : nong pangalawang gabi natin bilang mag-asawa, bakit madaling araw ka ng umuwi noon, at lasing na lasing kapa, kasama mo ba si Erica noon?
Alvin : hindi ah..kasama ko sila pare Marlon at Brando at saka si Pare garry, kinantiyawan nila ako nun, kaya pinagbigyan ko na sila, kahit tawagan mo ngayon si Marlon o sino sa kaibigan ko, itanong mo kung nakasama nila ako noong gabi na iyon..
Kate : eh bakit binabanggit mo pa yong pangalan ni Erica noon!!
Alvin : binabaggit ko ba?
Kate : oo kaya!!(inirapan ang asawa)
Alvin : uyy.,yong misis ko nagseselos!!
Kate : hmmp kakainis lang kasi..
Alvin : huwag ka ng magalit, Mrs. Katelyne Sarmiento..I Love you Mrs. Sarmiento!!
.
Ayon na ang pinakahihintay ni Katelyne na sabihan siya ni Alvin ng I Love You, nalaglag na naman ang mga luha niya..wala na siyang hihilingin pa, kundi ang pagmamahal ni Alvin ay nakapagpakumpleto sa buhay niya, si Alvin na nagsilbing bayani ng buhay niya at ang kanyang knight in shining Armour.
.
Alvin ; oh bakit umiiyak ka, sinabihan lang kita ng I love you umiyak ka na..
Kate : masaya lang ako Alvin..
Alvin : masayang masaya din ako kate, mahal na mahal kita misis ko!!
Kate : mahal na mahal din kita Mister ko!!
.
At muling naglapat ang kanilang mga labi, mas-masarap at mas-matamis na ang kanilang mga halik na iyon, at hanggang sa ang marahan na halik ay naging mas madiin at mas mapusok, waring ayaw maghiwalay ng kanilang mga labi, at hanggang sa tinatanggal na nila ang mga sagabal sa kanilang mga katawan, upang madama nila ng lubusan ang isat isa, at dahil walang kasing ligaya ang nararamdaman ng kanilang mga puso. At hanggang sa handa na uli silang mag-isang katawan, at hanggang sa nilalasap na nga nilang muli ang kanilang pag-iibigan.at hanggang sa sabay nilang naabot ang wagas na ligaya dulot ng kanilang pagmamahalan, at nang humupa na ang mga apoy sa pagitan nila na naganap sa suite nilang iyon ay, kapwa may mga ngiti sa mga labi ng dalawang nagmamahalan!!
.
Alvin : I Love You!!
Kate ; I love you too!
Alvin : bihis na tayo may pupuntahan tayo?
Kate : ha, saan?
Alvin : basta..sundin mo na lang ako!!
Kate : sige na nga!!
.
At hanggang sa naroon na sila sa Lugar na pupuntahan nila. Sa isang restaurant sa baybaying dagat!!
.
Alvin : Opss,,kailangang i-blind fold muna kita..
Kate : ano, may ganun pa!
Alvin : syempre naman noh!!(at tinalian ng panyo ang mga mata ng asawa)
Kate : oh my God. Kinakabahan naman ako, baka naman ihulog mo na ako sa bangin ah, o kaya ipasagasa mo ako sa tren!!
Alvin : ano bang sinasabi mo diyan, at bakit ko naman gagawin yun!!
Kate : biro lang, alam ko naman na mahal na mahal mo ako!
.
Inalalayan ni Alvin ang asawa hanggang sa makarating na sila sa inihandang sorpresa ni Alvin para sa asawa, isang napakagandang settings ng table para sa couple, at ang kapaligiran ay napa-palibutan ng mga makikinang at makukulay na ilaw, at napapalibutan ng bulakak ang mga paligid. At hanggang sa tinanggal na ni Alvin ang nakatakip sa mata ng asawa.
.
Alvin : surprise, Para sa pinakamamahal kong babae!!
Kate : wow, ang ganda naman!!!
,
Namangha si Katelyne sa mga nakita niya, napakaganda ng paligid na napapalibutan ng mga ilaw, at may lamesa na pangdalawahan, at may mga nakahain na masasarap na pagkain at may isang bote pa ng wine…at pinaghila ng upuan ni Alvin ang asawa, at ng maka-upo na si katelyne ay naupo na din si Alvin..
.
Kate : Ang sweet naman ng asawa ko, may napaka bonggang dinner pa!!
Alvin : syempre naman kasi sweet din yong asawa ko eh..
Kate : naks naman..
Alvin : kumain na tayo, pinagod mo kasi ako kanina sa suite natin..
Kate : uyy..ikaw talaga!!
.
Masayang kumakain ang mag-asawa, nag-susubuan pa sila, at nang matapos silang kumain, ay nagsalin ng alak, si Alvin sa dalawang baso at ibinigay ni Alvin ang isa sa asawa.
.
Kate : nakakalasing ba yan? Ayoko ng uminom ng alak, nadala na ako eh, baka kasi umikot na naman ang mundo ko!!
Alvin : okay lang yan sweetie, gusto ko talagang umikot ang mundo mo, sa akin!!
Kate : Aru!! Sige kapag nalasing ako, ikaw ang bahala sakin ha!
Alvin : promise, lalasingin talaga kita ng pagmamahal ko..
Kate : naks naman ang sweet!!
Alvin : dahil sa mga...


matatamis mong mga halik, kaya nahawahan ako ng iyong tamis!!
Kate : hindi ko na kailangang uminom ng alak, kasi lasing na ako eh, umiikot na ang mundo ko sa iyo!!
.
Sabay nilang tinungga ang alak sa mga baso nila, at hanggang sa tumayo si Alvin sa upuan at lumapit sa asawa, at inaya niyang sumayaw..
.
Kate : kakahiya naman baka naman tawanan tayo ng makakakita satin!!
Alvin : wag mo silang intindihin, ang isipin mo tayong dalawa lang ang nandito!!
Kate : wala naman tayong music..
Alvin : meron ah..wait!! (Itinaas ang kamay at may kinawayan)
.
May dumating na isang tao na may hawak na violin at tinugtugan sila..
At hangangang sa sumasayaw na sila sa saliw ng tugtug mula sa intstrumentong violin, sa una medyo nahihiya si Kate, pero nong nagtagal tagal na hindi na, sinandig ni Katelyne ang mukha sa dibdib ng asawa, si Alvin naman ay nakayakap kay Katelyne, nag-eenjoy na si katelyne sa naririnig na instrumental, love song ang tinutugtug ng taong may hawak ng violin, at hanggang sa medyo kumalas sa pagkakayakap si Alvin sa asawa, nagtaka naman si Katelyne, at may kinuha si Alvin sa bulsa, walang ideya si Katelyne kung ano ang kinuha ni Alvin sa bulsa, at hanggang sa lumuhod si Alvin sa harap ng asawa, at kitang kita ni Katelyne ang hawak ni Alvin na maliit na kahon, at napanganga siya ng buksan ni Alvin iyon.
.
Alvin : sweetie, will you marry me, again?
.
Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni katelyne sa sobrang saya ng nadarama, yoon ang pinapangarap niya na mangyari sa kanila ni Alvin..hindi siya makapagsalita sa pagkabigla, iyak lang siya ng iyak..
.
Alvin : Mrs. Sarmiento, will you marry me again?
Kate : Yes, Mr. Alvin Sarmiento, I will marry you again, again and again, and again……………
.
Tumayo si Alvin sa pagkakaluhod, upang isuot sa asawa ang singsing..basang basa ang ang mga pisnge ni Katelyne sa sobrang iyak, dahil sa sobrang ligaya, naguumapawa ang galak sa puso ng dalawang nagmamahalan, pagkasuot ni Alvin ng singsing sa asawa ay, hinalikan niya ito sa mga labi, at tinugon naman ni Katelyne ang halik sa kanya ng asawa, matagal ang halikan nilang iyon, walang paki-alam si katelyne kung meron mang taong nakatingin sa kanila ngayon, ang mahalaga masaya siya sa mga sandaling iyon, at ganun din si Alvin, walang kasing saya ang nadarama niya, tumulo din ang luha niya sa kasiyahan sa mga sandaling iyon, nagsasanib ang mga labi nila, at kasabay din ang pagsanib ng mga luha nila sa isat isa, luha ng kagalakan, at hanggang sa nagulat na lang si Katelyne ng bigla siyang may narinig na malalakas na putok, hanggang sa nagliwanag ang kalangitan, napatingala siya, napakagandang fireworks, namangha siya sa ganda ng mga iyon at lalo siyang namangha ng makita niya na nabuo pa sa firework ang salitang I LOVE YOU KATE…..
.
ALVIN : happy?
Kate : oo, sobra!! Ito pala yong surpresa mo?
Alvin : oo, dito ako nagpunta kanina, nong umalis ako, kaya ako natagal, dahil sinigurado ko na magiging maayos ang gabing ito..
Kate : oh, im sorry!! Napakasama ko naman, kung ano ano yong inisip ko sayo kanina..
Alvin : kalimutan na natin yun..ang mahalaga magkasama na tayo ngayon, at kailan man ay wala ni Sino ang mang makapaghihiwalay satin..mahal na mahal kita, Asawa ko!!
Kate : mahal na mahal na mahal din kita asawa ko..
.
At muli na namang nagsanib ang mga luha, sa isang kubli ay may isang tao na nakamasid sa kanila at nagpupuyos ang kalooban sa galit, dahil sa mga kabiguan, Nabigo si Erica na mapasa kanyang muli si Alvin, wala ng nagawa si Erica kundi lisanin ang lugar na iyon…at hanggang sa naka-uwi na ng pilipinas sina Alvin at Katelyne, inaasikaso na nila ang kasal nila sa Simbahan, masayang masaya si Abby para sa kanyang kaibigan, at ganun din si Vince, hindi na ilag si Vince kay Alvin, naging mag kaibigan na rin si Alvin at saka si Vince, kaya ano mang oras na gustuhin ni Vince na magpunta sa bahay nila kate ay nakakapunta siya, na bagay naman na ikinatutuwa ni Abby, dahil nga crush niya si Vince, at naging magkaibigan na din si Vince at Abby….
.
Alvin : Natanggap na pala si Vince dun sa inaplayan niong tv network, bakit ikaw hindi pa..
Kate : tinawagan na din ako nun, para sa interview kaya lang pinagpaliban ko muna yun, kasi gusto ko mag-focus ako sayo..
Alvin : talaga ba?
Kate : oo, mas mahalaga ka sakin, kesa sa pangarap ko. Kasi wala ng mas hahalaga pa kesa sayo, at saka si nanay at—-
Alvin : si tatay dante?bakit hindi mo siya puntahan!
Kate : para ano, para sabihin naman sakin na wala akong utang na loob, para sabihin na naman niyang hindi naman niya ako anak….
Alvin : malay mo nagbago na yong tatay mo, subukan mo siyang puntahan, ang ugali ng tao ay maaring magbago, damdamin nga nagbabago, syempre kahit ugali nababago din iyon..dalawin mo yong tatay mo..kailangan ka niya..
Kate : ha!
,
Sinunod ni kate si Alvin, at hanggang sa dinalaw nga ni kate ang ama, nagtaka si Kate dahil, bakit sa ospital sila nagpunta.at bakit hindi sa kulungan.
.
Kate : bakit dito tayo nagpunta?
Alvin : dadalawin natin si tatay..
Kate : (kinabahan si kate)..may sakit si tatay?
Alvin : oo, nagkasakit daw sa puso, dinamdam niya yong mga pinaranas niya sa inyo, at saka yong ginawa niya sa iyo, pinagsisihan niya daw lahat ng masamang ginawa niya sa inyo ng nanay mo, araw gabi daw umiiyak si tatay dante, at binabanggit daw palagi ang pangalang Greta..
.
Kate : pangalan ni nanay yun..
Alvin : oo, ang lagi daw nilang narinig na sinasabi ay, PATAWARIN MO AKO GRETA
.
At hanggang sa binuksan ni Alvin ang pinto ng isang kwarto, at bumungad sa kanya ang ama na may mga aparato sa katawan..laglag ang mga luha ni kate sa awa sa ama, kahit gaano kasama ang ginawa ng ama niya sa kanya ay nakaramdam parin siya ng awa dito, at hanggang sa magmulat ang mga mata ng ama.
.
Dante : Anak! Anak ko…(umiiyak ito)
Alvin : tay, wag po muna kayong umiyak makakasama po sa kalagayan nio..
Dante : anak, patawad, patawarin mo ako anak, kung hindi ko man naiparamdam sayo ang pagmamahal ng isang ama, pinagsisisihan ko ng sobra ang mga ginawa ko sa inyo ng nanay mo, napakasama kong tao, kaya nararapat lang sa akin itong nangyare sakin..alam kong walang kapatawaran ang mga ginawa ko sa inyo ng nanay mo, lalo na sa iyo, nong ipinagbili kita, nagpadala ako sa mukhang pera na si Anita..labis kong pinagsisisihan ang mga ginawa ko sayo anak. (Umiiyak niyang sabi)
Alvin : huwag po muna kayong, umiyak, makakasama po sa kalagayan nio yan..
Dante : ayos lang ako iho, okay lang kung may masamang mangyare sakin ngayon. Ang mahalaga nakita ko na uli yong nag-iisa kong anak, at nakahingi ako ng kapatawaran sa kanya..(binalingan ang anak)..anak, sana balang araw matutunan mo akong mapatawad, mahal kita anak, noon ko lang napagtanto na napakaraming araw pala ang sinayang ko. Na meron naman sana akong matinong pamilya meron akong ulirang asawa, at responsableng anak, kung bakit sinayang ko lang, kung bakit kasi nagpadaig ako sa selos ko noon sa dating katipan ng nanay mo, na alam ko naman na ako ang pinili ng nanay mo, at alam ko naman na mahal ako ng nanay mo, kaya kung maibabalik ko lang ang mga panahon na buhay pa ang nanay mo. Pag-iingatan ko na siyang mabuti at hindi kailan man sasaktan, kaya nga mas nanaisin kong mawala na dito sa mundong ito dahil gusto ko nang makasama yong nanay mo…kaya anak, sana mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran sa akin, anak, mahal na mahal kita anak.(nahirapang huminga)
.
Nataranta si Kate at hindi makahinga ang tatay niya, tinawag naman ni Alvin ang mga nurse at doctor..at hanggang nagsipasukan na ang mga nurse at ang doktor, iyak naman ng iyak si Kate sa sinapit ng tatay niya..
.
Kate : tay, tatay…! Alvin anong nangyayari kay tatay?(umiiyak niyang sabi)
.
Nurse : Mam, Sir, lumabas po muna kayo..
Kate : ha bakit? Anong nangyayari kay tatay nurse, okay lang ba siya? (umiiyak niyang tanong sa nurse)
Alvin : halika na muna sa labas..
Kate : hindi alvin dito lang ako, gusto kong makita si Tatay…..tatay lumaban ka, huwag mo akong iiwan tay, mahal din kita tatay, tatay pinapatawad na kita tay. Huwag mo akong iiwan tay, lumaban ka, tayyyy…………
.
Iyak ng iyak si katelyne matapos siyang magtulos ng kandila at mag-alay ng bulalak sa may puntod….
.
Kate : Masakit pa din isipin, na niniwan mo na po ako, hinding hindi po kayo nawawala sa puso ko, mahal na mahal ko po kayo, kayo po yong naging inspirasyon ko sa bawat pagtahak ng mga pangarap ko..mahal na mahal po namin ikaw nanay, mahal na mahal ka namin ni tatay…
Dante : oo Greta, patawarin mo ako greta, napakadami kong kasalanan sa,iyo, miss na miss na kita, gusto na kitang makasama mahal ko, kuhanin mo na ako, para magkasama na tayo muli..(umiiyak niyang sabi)
Kate : tay naman, huwag pa daw muna ah, ihahatid mo pa ako sa Altar diba..
Alvin : oo nga naman tay, mag-aalaga ka pa ng isang dosenang apo!!!(nakatawa niyang sabi)
Dante : kung bibigyan pa ako ng Panginoon ng buhay, bakit hindi, kahit na ba dalawang dosena pa yan..
Kate : ay grabe kayong mag-biyanan kayo ah…
Alvin : mas marami, mas masaya, diba tay!
Dante : oo anak!!!!
.
At hanggang sa sumapit na ang araw ng kasal nila Alvin at Kate sa simbahan, imbitado ang lahat ng mga kakilala nila Alvin at Katelyne, nauna na si Alvin sa simbahan, at ang mga kaibigan niya at ang tumatayong magulang ni Alvin na mag-asawang Mr.&Mrs. Coronel, at samantalang si Katelyne ay nasa daan pa lang, kasama niya ang tatay niya..
.
Dante : anak, salamat at napatawad mo ako, sobrang napakasama kong ama, para ipagbili ka..
Kate : tay, huwag mo nang isipin yun kalimutan na natin yun, alam mo naman nagpapagaling ka pa, makakasama sayo ang labis na pag-iisip..alam mo tay. Nagpapasalamat ako sayo, dahil ibinenta mo ako!!
Dante : Ha. Diyos kong bata ito! at bakit naman ipagpapasalamat mo iyon..
Kate : kasi nga po tay, hindi ko makikilala si Alvin, kung hindi nio ako ibinenta!! At dahil dun natagpuan ko yong lalaking magmamahal sakin ng sobra, ang aking prince charming at ang aking Hero, ang aking Knight in Shining Armour.
Dante : oo anak napaka buting tao ng asawa mo, alam mo bang lagi niya akong dinadalaw sa kulungan noon..kaya lang di ko siya pinapansin noon, pero hindi pa din siya nagsasawang dalawin ako, kahit na hindi ko siya hinaharap, wla siyang sawang nagpupunta..at hanggang sa nagkasakit nga ako, nilakad na niya ang paglaya ko at idinala na niya ako ng ospital, at pina-operahan ako..kaya anak. Pakamahalin mo ang asawa mo dahil mahal na mahal ka niya.
.
Naiiyak si kate sa mga nalaman niya tungkol sa asawa niya, napaka-swerte niya talaga dahil nakatagpo siya ng isang napakabait at napaka-responsableng asawa..at hanggang sa nakarating na sila sa simbahan, at habang naglalakad si Katelyne papunta kay Alvin ay bumubuhos ng masagan ang kanyang luha, at ganun din si Alvin, napakasaya nilang dalawa sa mga sandaling iyon, lalo na ng nong nagsumpaan na sila sa isat isa. At hanggang sa sinuot na nila ang mga singsing sa kanilang mga daliri na simbolo ng kanilang pagmamahalan, at hanggang sa natapos na ang seremonya ng kasal…kinabukasan ay Lumipad sila muli papuntang America. Upang doon ganapin, ang kanilang 2nd honeymoon…masayang masaya si dante sa mga sandaling iyon, dahil napatawad na siya ng anak niya, at masaya siya dahil, nasilayan na niya ang mga ngiti sa mga labi ng kanyang anak, na noon lang niya nakita ng ganong kasiya ang anak, at ganun din ang dalawang nagmamahalan, na ngayoy, kasalukuyang, nilalasap ang matamis na pag-iibiigan…at hanggang sa lumipas ang mga araw at buwan ay nagdalang tao na nga si katelyne, at ang tatay naman nilang si dante ay tuluyan ng gumaling…lumipas ang maraming taon at dumami na nga ang anak nila Kate at Alvin..4 na ang kanilang anak, at kasalukuyang buntis si katelyne sa pang-lima nilang anak…hanggang sa nailuwal na nga ni katelyne ang bunso nilang anak ni Alvin.
.
Sa ospital….
.
Alvin : ang cute ng bunso natin ano..
Kate : oo, finally nagkaroon din ako ng kamukha..
Alvin :sweetie, salamat ha, napakasaya ko, Wla na akong mahihiling pa, kayo ng mga anak ko ang kumumpleto sa buhay ko, salamat sa pagbibigay mo sakin ng maraming anak, na alam ko na hirap na hirap ka sa pagbubuntis. Pero hindi iyon alintana para lang pagbigyan ang hiling ko na magkaroon tayo ng madaming anak, mahal na mahal kita sweetie ko!!
Kate : hindi ko naramdamang nahirapan ako sa mga ipinagbuntis ko, dahil lagi kang nandiyan sa tabi ko, ang pagmamahal mo ang naging sandata ko upang maitawid ko ng maayos ang pagdadalang tao ko, dahil ang ama ng mga anak ko ay napakabuting asawa, kasama ko sa hirap kaya, ni wala akong naramdamang hirap…at mahal na mahal kita…
.
At hinalikan ni Alvin sa mga labi ang asawa, wlang pagbabago sa kanilang dalawa, mula noon at magpahanggang ngayon ay di nila pinagsasawaan ang kanilang mga halik..at hanggang sa naghiwalay ang kanilang mga labi ng biglang, pumasok sa kwarto nila ang mga iba pa nilang mga anak!!
.
Mga anak : daddy, mommy, happy anniversarry!!(sabayan nilang sigaw)
Alvin : ay ano ba kayo mga anak. Ginulat nio naman kami ni mommy nio, huwag kayong maingay at baka magising si little baby girl oh….
Kate : oh nasan yong lolo nio?
.
At biglang sumulpot ang tatay ni Kate na halos lawit ang dila, sa hingal, dahil sa kakahabol at kakasunod sa pang-apat niyang apo, dahil sa sobrang likot…
.
Alvin : oh tay anong nangyari sa inyo..
Dante : hay, pinagod ako ni Jr. (Hinihingal niyang sabi)…hindi ko na kaya yatang mag-alaga ng apo, kate anak, magpatali kana!!
Kate : oh tay diba sabi mo 2 dosena..
Dante : (napakamot sa ulo)…ikaw naman anak di ka na mabiro..
.
Nagtatawanan ang mag-anak sa reaksiyon ni dante, hanggang sa naglakihan na ang Limang anak nila Alvin at Kate, at mga nagsipagtapos na lahat sa pag-aaral, at si Dante naman ay pumanaw ng may baong saya sa kanyang puso..At ngayon nga matatanda na sila Alvin at Kate, at isa na din sila sa mga nag-aalaga ng kanilang mga apo..
.
Alvin : kahit matanda na ang asawa ko maganda pa din…
Kate : salamat, at ikaw din kahit matanda na gwapo ka pa din…
Alvin : I love You Mrs. Sarmiento!!
Kate : I Love you, My knight in shining Armour!!
.
❣️❣️End❣️❣️
.
Maraming salamat po ulit sa inyong lahat na walang sawang sumusubaybay sa love story nila Alvin and Kate, salamat po sa inyong pagtangkilik sa aking mga gawa, sa suporta, at salamat dahil isa yong kwento ko na napili ninyo para basahin, sana po napasaya ko kayo ng aking simpleng Kwento, .keep safe, and Godbless you all..
LOVE YOU ALL..😘😘😘


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.