0

The Broken Wife Chapter 16

The Broken Wife
Chapter 16
Serenity
Paggising ko ay tanghali na at wala na si Ryker sa aking tabi. Nag-inat-inat na muna ako bago ako bumangon ng kama. Pumasok ako sa banyo upang magmumog nang mapansin ko na may nakalagay nanaman sa ibabaw ng sink. Kinuha ko ito at singsing ito ni Ryker. Nagtaka naman ako bigla dahil naalala ko kagabi na isinuot ko ito sa kanyang daliri. Siguro ay nakalimutan niya nanaman ito dahil sa kamamadali niya.
Ibinulsa ko na lang ito ulit at saka nagsipilyo bago ako pumanhik sa baba. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Linda na abalang nagluluto.
“Good morning ho ma’am,” bati niya sa akin.
Binati ko rin siya pabalik sabay dumiretso ako sa may ref upang kumuha ng tubig nang may nakita akong note rito. Ang nakalagay doon ay isang note galing kay Ryker sabay nakasulat ang salitang Dinner @8 pm. See you later. Kinikilig naman akong kinuha ito saka napangiti.
“Ma’am ang sweet naman ho ni Sir.” Napatingin ako kay Maria na nasa likuran ko lang pala.
“Hoy! Huwag kang tsismosa at nakakahiya kay Ma’am!” sita naman ni Linda sa kanya.
“Ayos lang ho iyon,” sabi ko naman.
Agad ko namang binilin si Linda at Maria na bantayan mamaya ang mga bata habang wala kami ni Ryker.
Pagdating ng alas-sais ay naghahanda na ako para sa dinner date namin ni Ryker. Pumili lang ako ng simpleng floral dress. Pagkatapos ay nag-apply ako ng kunting make-up nang makita ako ng aking mga anak.
“Wow! Mommy why are you dressed like that?” tanong ni Ryder.
“Because me and your Daddy are going to have a date later.”
“Sama ako,” sabi naman ni Ryleigh pero umiling ako. “Hindi pwede anak e pero next time promise ay isasama ko kayo.” Lumabi naman si Ryleigh at agad naman siyang pinatahan ni Ryder.
“You can’t go nga. Mom and Dad needs their alone time.” Napataas naman ang aking kilay sa sinabi ni Ryder. Kailan niya pa nalaman ang salitang alone time? “Hindi ba mommy?” Tumango na lang ako para hindi na umiyak pa si Ryleigh.
“Okay, but promise mommy kasama na kami da susunod ha?” lumuluhang sabi ng aking anak.
Pinahid ko naman ang kanyang luha at hinalikan siya sa kanyang mga pisngi. “Yes baby, I promise.”
Tumakbo sila palabas ng kwarto at tamang-tama namang narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Ryker. Nagbilin ako sa kanila Linda at nagpaalam sa dalawang anak ko. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Ryker na gwapong-gwapo sa suot niyang Americana. Pagkakita sa akin ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang magtama ang aming mga mata ay kita ko ang malagkit niyang tingin kaya napakagat ako sa aking labi.
Paglapit ko sa kanya ay binigyan niya ako ng halik sa aking mga labi sabay may binulong.
“You look so hot, my love. I want to ravish you here.” Natawa naman ako at mahinang pinalo siya sa kanyang dibdib.
“Tara na at malapit na ang alas-otso,” yaya ko kaya sumakay na kami sa kanyang sasakyan.
Pagdating namin sa resto ay akmang bubuksan ko ja sana iyong pinto ng kotse nang bigla itong mag-lock. Napatingin ako sa kanya at napalunok ako ng medyo kalasin niya ang kanyang necktie.
“R-Ryker, please don’t tell me gusto mong gawin dito?”
“We’ll not go all the way. I just can’t wait until we get home. Kahit saglit lang, my love. Please?” Napamaang akong napatingin sa kanya.
Hindi ko alam kung matatawa o kakabahan ako kay Ryker. Habang tumatagal ay lumalabas ang pagiging mahilig niya. Hindi naman ako nagrereklamo dahil asawa ko naman siya kaso dito niya talaga gustong gawin? Napailing na lang ako at nagpaubaya sa kanya. Malanding doctor!
Nang matapos kaming mag-loving-loving ay inayos namin ang aming sarili at late na kami sa scheduled time namin. Buti na lang at hindi gano’n karami ang tao kaya pinapasok pa rin kami.
Masaya kaming kumakain at nagkwekwentuhan nang may lumapit sa aming isang babae at nakangiti ito kay Ryker.
“Good evening sa inyo. Good eve, Sir Ryker. Siya ho ba iyong asawa niyo?” tanong nito at napatingin ako kay Ryker.
Kita ko ang inis at galit sa mukha ni Ryker nang makita ang babaeng ito.
“What the hell are you doing here, Laila?” tanong ng aking asawa.
“Oh please wala akong balak na manggulo. Gusto ko lang naman sanang makita...


at makilala ang asawa mo. She’s a beauty.” Bumaling siya sa akin at ilinahad nito ang kanyang kamay sa akin. “Hi, nice to meet you. I’m Laila. I’m Ryker’s fiancée.”
Napasinghap ako at agad na napatayo si Ryker sabay hinila si Laila sa kanyang braso palabas ng resto. Ako naman ay nakatangang napatingin sa kanila. Fiancée? M-May inalokan ng kasal si Ryker? Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Mula sa malayo ay kita ko na nagtatalo ang dalawa. Mukha silang nagsisisgawan nang makita kong umiiyak na iyong Laila. Bakit gano’n? Bakit habang nakatitig ako sa kanila ay parang hinihiwa ang puso ko? The two of them looks like they have a lot of history together.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako kaya pinahid ko ang aking luha. Tumayo ako at namalayan ko na lang na naglalakad na ako palapit sa kanila. Paglabas ko ay sabay silang napatingin sa akin. Kita ko na lumuluha si Laila at masamang nakatingin sa akin.
“M-May problema ba?” tanong ko kahit alam ko naman na meron.
Mabilis na lumapit sa akin si Laila at nagulat ako nang bigla niya akong sampalin sa aking pisngi.
“Mangaagaw! Malandi!” Agad naman siyang pinigilan ni Ryker at ilinayo sa akin. Agad akong yinakap ni Ryker at humarang sa pagitan naming dalawa. “Ako dapat ang pinakasalan ni Ryker! Ako dapat ang nasa lugar mo pero inagaw mo siya sa akin!”
“Stop it!” pigil ni Ryker sa kanya. “She’s my wife now. Hurt her again, and I swear I will lay a hand on you kahit babae ka.”
Napamaang si Laila kay Ryker at maski ako ay gano’n din. Naluha muli si Laila at umalis na lang dahil wala na siyang nagawa. Agad naman akong tinanong ni Ryker kung ayos lang ako. Tumango naman ako pero nakasunod pa rin ang aking mga mata sa papalayong likod ni Laila. Imbes na tapusin namin ni Ryker ang aming dinner ay napagdesisyonan naming umuwi na lang.
Hindi maalis-alis sa isip ko iyong nangyari kanina. Pagdating namin ay mabilis na ipinarada ni Ryker iyong sasakyan. Walang umimik at nagtangkang lumabas sa kotse ni isa sa amin. Pinapakiramdaman kung ano ang gagawin ng isa. Hindi ko na makaya ang katahimikang ito kaya naman lumabas na ako ng kotse ni Ryker. Hindi ko na liningon kung nakasunod ba siya sa akin o hindi. Ang importante ay makaalis na ako sa kotse niya.
Pagpasok ko ay mabilis na pumanhik ako sa taas at nagsimulang magpalit. Habang nagpapalit ako ng damit ay narinig kong bumukas ang pinto ng aming kwarto. Hindi ko siya liningon at dumiretso ako sa banyo upang maghilamos ng aking mukha. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo si Ryker sa gilid ng kama. Napatingin siya sa akin at agad naman akong sumampa sa kama.
“My love, I’m sorry.” tanong ni Ryker.
“Bakit? May kailangan ba akong malaman tungkol sa kanya?” Napatungo ako. “She said she’s your fiancée. Aaminin ko na nagulat ako pero ang gusto kong malaman ay yinaya mo ba siya ng kasal?”
Napalunok siya. “No,” sagot niya at hindi ko alam kung bakit ako natuwa sa sagot niyang iyon pero kasabay nito ay hindi rin ako naniniwala sa kanya.
“Okay,” maikling sagot ko kahit naninikip ang aking dibdib.
“My love, I swear you are the only one I love. Laila was my ex-fiancée. Nothing more.” Tipid naman akong napangiti at humiga ng kama saka hindi na siya pinansin pa.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ryker saka umalis ng kama at pumasok ng banyo. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong marinig ang paliwanag niya. Pakiramdam ko kasi masasaktan lang ako kapag nagtanong pa ako. Isa pa hindi na dapat ako magulat dahil kung tutuusin ay wala akong alam sa pagkatao ni Ryker. Bukod sa isa siyang doctor ay wala na akong alam sa kanya.
Kung ex-fiancée niya si Laila ay bakit hindi natuloy ang kasal nila? Bakit sabi ni Laila na siya dapat ang nasa lugar ko at hindi ako? Kung hindi naman siya yinaya ni Ryker ng kasal ay paanong naging ex-fiancée niya si Laila? Ang daming tanong ang tumatakbo ngayon sa aking isipan pero lahat ng ito ay natatakot akong malaman ang sagot. Ayoko nang mag-isip pa kaya naman natulog na lang ako. Siguro ay kakausapin ko na lang ng mabuti si Ryker bukas kapag okay na ang pakiramdam ko.
– ito na po enjoy. –


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *